• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 14th, 2021

CARLO at TRINA, galit na galit na binuweltahan ang walang pusong basher na nagbanta kay Baby Enola

Posted on: April 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

UMUUSOK nga sa galit sina Carlo Aquino at Trina Candaza matapos na makatanggap ng death threat ang kanilang anak na si Enola Mithi.

 

 

Ipinost ng Kapamilya actor sa kanyang IG Story ang screenshots ng mga comment mula sa isang basher na nagbanta sa buhay ng seven-month old na si Baby Enola.

 

 

Ayon sa walang pusong netizen at mukhang wala sa katinuan, “Ansarap mo namang patayin bata ka, mukha kang tutang ina.”

 

“Mukha kang tutang ina.”

 

“Anak ka ng artista pero ang mukha mo parang tutang ina.”

 

Buwelta naman ni Carlo, “Full-grown adults who makes fake accounts to do this. Ano na ang nangyayari sa mundong ito?

 

“Papaano kayo pinalaki ng mga magulang ninyo? Magkano sinasahod n’yo para gawin ito? Worth it ba?”

 

Pero ‘di pa rin tumigil ang basher at may dagdag pa itong pananakot sa anak nila.

 

“Gawin kaya kitang punching bag para mawala na yang mukha mo.”

 

Galit na galit na ni-repost ni Trina ang post ni Carlo at hinahamon ang basher na magpakita at ‘wag matago sa fake account.

 

“Nakakagalit. Mga ganitong klase ng basher, mga salot kayo. Puro kayo fake account, pero takot na takot ipakita mga pagmumukha ninyo,” pahayag ng mommy ni Baby Enola.

 

Nakisimpatiya naman ang mga followers at netizens at pinayuhan ang mag-partner na iparating na ito sa National Bureau of Investigation para magkaroon ng aksyon at maipakulong ang mga walanghiyang bashers na pinupuntirya ang mga anak ng artista.

 

Ilan nga sa naging comment nila:

 

“Ask NBI Cybercrime to help you find the culprit at ng makulong.”

 

“Ang daming baliw sa social media. Puhunan eh internet lang. Nagkakalat na ng lagim.”

 

“tutulungan nila yan semi-sikat e. sadly ganyan tlaga sa pinas pag ordinaryong tao ka or wlang media mileage ndi nila pag aaksayahan ng panahon. kaya din pumatok si raffy tulfo dahil sa ganyan sitwasyon kung nde magpapatulfo ndi mag aangat ng pwet mga yan.”

 

“This is no longer a simple bashing, threats na sya at mukang galit na galit. If I were the parents ieexhaust ko lahat ng means ko mahanap at matrace lang yan.”

 

“Omg. This is horrible!”

 

“Take this seriously and find the person. This is wrong!”

 

“Grabe naman tong mga to. Wala bang nagmamahal sa kanila. Wala ba silang pamilya.
“Siguro nastress din si ate girl pero hindi maganda iniimply nyang may nagpapasahod para gumawa nyan. Marami lang talagang taong malakas loob porket di marereveal identity.”

 

“first, si baby jude, now this! people are so cruel.”

 

“One of the downsides of social media. Pati ang inosenting bata ibash.”

 

“Ang ginagawa sa mga ganyan, pinapatulan. Go file a case against that i d i o t para hindi na gayahin ng iba.”

 

“Baket sinasali yung bata? Grabe sana mahanap si hater at i name and shame sya.”

 

“Addict siguro yong basher!”

 

“Parang high yong basher..addict!”

 

“Carlo, you cannot solve this problem if i post mo lang. Why not report these to the proper authorities? Fashion pulis readers ay mag comment lang. Wala kaming magawa.”

 

“I think may nananadya na i bash mga baby. Sana makasuhan at makulong mga ganyang tao. First yung kina Janella then ito.

 

“At si tali din. hayyy grabe mga tao.”

 

“Hindi na dapat nila idaan pa sa socmed. Lalo na matutuwa yang troll na yan. Punta sila ng NBI cyber crime, para masurprise din yang nasa likod ng account na yan.”

 

“Tapos pag mahuhuli yan, parang maamong tupa iyan if magpaawa. Kinilabutan ako while reading the threats.”

 

“Wag mo palagpasin yan, Caloy! Patulong ka sa NBI yung mga bwisit na yan mga bahag naman ang buntot kapag harapan.”

 

“kawawa talaga ang mga artista ngayon. mag vlog nalang sila para magka pera. dahil sa covid, hindi na sila makapagtrabaho, mag vlog para naman may pambili ng gatas ng baby nila at pambili ng pagkain at bayad sa mga utility bills nila. wala nang fiesta ngayon so walang raket na talaga si carlo.

 

“I think these people do this for fun and thrill. Nangpoprovoke talaga sila. They enjoy the anonymity they get in social media to get attention. Dapat kasuhan nila yan para magtanda at maging lesson na sa panahon ngayon, kahit fake account mo, may IP address ka pa rin.”

 

“Dapat talaga may maparusahan. Dami ng mga ganitong cases pero wala pa akong nakitang nahuli or kulong.”    “You can contact Instagram and they can find out. People can’t sign up without an email usually linked to a phone.”  (ROHN ROMULO)

Ads April 14, 2021

Posted on: April 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mahigit P1.1-B halaga ng ayuda naipamahagi na

Posted on: April 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Iniulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na halos 1 milyong low-income na mga Pilipino na naapektuhan nang pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) ang nakatanggap na ng kanilang ayuda.

 

 

Aabot umano ng mahigit isang bilyong piso ang naipamigay ng nasabing ahensya.

 

 

Batay sa report ng Department of Interior and Local Government (DILG), mahigit P1.1-billion supplemental aid para sa ECQ areas ang ipinamahagi simula noong Abril 7 hanggang 9 payouts.

 

 

Bilang parte naman ng technical assistance nito sa mga local government units (LGUs), sinabi ng DSWD na nagpapatuloy ang pag-monitor nito sa mga payouts na nagsimula noong Abril 7.

 

 

Dagdag pa ng ahensya na nananatili itong nakikipag-ugnayan sa mga concerned LGUs para tiyakin na matatanggap ng 22.9 million low-income individuals na apektado ng ECQ ang kanilang ayuda.

 

 

Ilang miyembro ng Eexecutive and Management Committees ng ahensya, na pinangugunahan ni DSWD Sec. Rolando Joselito Bautista, ang personal na nag-monitor sa mga payouts noong nakaraang linggo.

 

 

Kasama ni Bautista ang ilang miyembro ng Joint Monitoring and Inspection Committee na nagtungo sa Parañaque noong Abril 7 para makita ang pamamahagi ng ayuda.

TO CELEBRATE PETS DAY, SONY PICTURES LAUNCHES “MONSTER PETS” SHORT FOR “HOTEL TRANSYLVANIA: TRANSFORMANIA”

Posted on: April 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IN the short film, Monster Pets, Drac’s lovable, monster-sized puppy, Tinkles, has more energy than ever and just wants to play ball! Unfortunately, Drac is too busy juggling his duties at the hotel, so he is determined to find a monster pet companion for his huge furry friend. After a series of mismatches, Drac’s plan goes awry when Tinkles chooses a very unlikely companion.

 

 

Executive produced by Hotel Transylvania’s franchise creator, Genndy Tartakovsky, along with Michelle Murdocca; directed by Jennifer Kluska and Derek Drymon, written by Jennifer Kluska and produced by Christian Roedel; the short film has launched online to celebrate Pets Day this upcoming weekend.

 

 

Watch the short film at YouTube: https://www.youtube.com/watch?v=K2gR8iUaoIs
“What would it be like if the Drac Pack all owned pets? We couldn’t be more excited to jump back into the world of Hotel Transylvania, and explore all the fun and lovable frustrations of pets through a monster lens,” said Monster Pets directors Jennifer Kluska and Derek Drymon. “What happens when your golden retriever is 5 stories tall? Or your chihuahua breathes fire? Being able to introduce an all-new group of characters in Monster Pets who are just as funny and weird as the Drac Pack was an absolute blast. We hope audiences enjoy the short, and look forward to seeing the monster pets make an appearance in the upcoming Hotel Transylvania: Transformania!”

“This short has been a labor of love from the teams at Sony Pictures Animation and Sony Pictures Imageworks, and we’re pleased that we can bring heartfelt laughter to families around the world in this time,” added Christian Roedel, Monster Pets producer. “The Hotel Transylvania franchise is all about family, and it has been an honor to work alongside our newest members Jennifer and Derek, the amazing directing duo who will take the reins for this exciting new chapter.”

 

 

And don’t miss the final chapter of the franchise, Hotel Transylvania: Transformania, coming soon to cinemas this 2021.

 

 

About the Hotel Transylvania Franchise

Sony Pictures Animation’s $1.3 billion family film franchise Hotel Transylvania, follows Dracula, Mavis and all their monster friends and their adventures at Hotel Transylvania, a lavish five-stake resort where monsters and their families can live it up, free to be the monsters they are without humans to bother them. The first film debuted in theaters in 2012, followed by two sequels Hotel Transylvania 2 and Hotel Transylvania 3: Summer Vacation, which were released in 2015 and 2018, respectively. The final chapter, Hotel Transylvania: Transformania, is scheduled to debut in 2021.

 

 

Hotel Transylvania was directed by Genndy Tartakovsky with a screenplay by Peter Baynham and Robert Smigel based on a story by Todd Durham and Dan Hageman & Kevin Hageman and produced by Michelle Murdocca. Hotel Transylvania 2 was directed by Genndy Tartakovsky, written by Robert Smigel & Adam Sandler, produced by Michelle Murdocca and executive produced by Allen Covert, Robert Smigel and Ben Waisbren. Hotel Transylvania 3: Summer Vacation was directed by Genndy Tartakovsky, written by Genndy Tartakovsky and Michael McCullers and produced by Michelle Murdocca. Hotel Transylvania: Transformania is being directed by Jennifer Kluska and Derek Drymon, written by Genndy Tartakovsky, produced by Alice Dewey Goldstone and executive produced by Selena Gomez, Genndy Tartakovsky and Michelle Murdocca.

 

 

Hotel Transylvania: Transformania will be distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  (ROHN ROMULO)

Mataas na death rate na nai-record ng DOH ng nagdaang Marso at Abril na namatay dahil sa COVID

Posted on: April 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ng mga eksperto na maliban sa mga matatanda at mga tinaguriang may commorbidities ay kasama ang mga nagpalipas pa muna ng ilang mga araw bago magpatingin sa duktor ang dahilan ng mataas na death rate na nai-record ng DOH ng nagdaang Marso at Abril na namatay dahil sa COVID 19.

 

Sinabi ni Dr Althea de Guzman ng DOH Epidimology Bureau na may mga indibidwal kasi na pina- abot pa ang isang linggo bago magpakonsulta bagama’t may nararamdaman ng kakaiba na maaaring maiugnay sa COVID 19.

 

Sa regular briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay sinabi ni de Guzman na may pagkakataon namang hindi na sana tumaas pa ang naitatalang namamatay at ang isang paraan ay ang pagiging maagap sana sa pagpapatingin sa duktor.

 

Aniya, nakapagtala sila ng average na 46 percent ng mga namatay noong nakaraang buwan habang mula Abril a – uno hanggang a- onse naman ay nakapag-tala sila ng average 41 deaths per day.

 

Sinabi nito na hindi pa naman ito abot sa peak na naitala noong Agosto ng nakaraang taon na pumalo sa average 68 deaths per day. (Daris Jose)

Panelo, binuweltahan si Trillanes

Posted on: April 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BINUWELTAHAN ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo si dating Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV makaraang bansagan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang “narcissist”.

 

“Palibhasa kasi pag nakikita nitong dating senador na ito ang sarili niya sa salamin, nakikita niya ‘yung paglalarawan niya kay Presidente actually ang nilalarawan niya siya ,” ang pahayag ni Panelo sa kanyang online commentary show na “Counterpoint”.

 

Binigyang diin ni Panelo na ang page-ehersisyo at isport ay ikinukunsiderang “essential” sa gitna ng pandemya at sa gitna na rin ng pagpapalabas ng larawan at video na nagdya- jogging at naglalaroo ng golf si Pangulong Duterte.

 

“Yung ginawa ni Presidente na vinideo ‘yung kanyang paglalakad, pagja-jogging, para ipakita dOOn sa mga naninira na siya daw ay may sakit at mamamatay na. Ba’t mo sasabihin non-essential ‘yun, di ba ang page-ehersisyo essential ‘yun? ,’ anito.

 

Sa kabila nito ay nananatili naman aniya ang Pangulo na “in command” sa mga kaganapan sa bansa lalo na sa pagtutok sa pagtugon sa Covid 19.

 

“He is in command. Hindi kailangan ipakita pa sa inyo kung ano yung ginagawa niya. Ang mga naghananap po niyan yung mga kontra sa kanya, yung mga naninira sa kanya,” diing pahayag ni Panelo.

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi na kailangan pang patunayan ngPangulo na siya ay nagta-trabaho dahil naniniwala naman ang buong bansa at ang sambayanang filipino na siya ay “on top” sa Covid-19 situation.

 

“Ang Presidente walang iniisip kundi yung mga problema ng bayan. May mga iba kasi nagpapakita lang pag sila’y nagpapatrabaho para lang pagpapakita purposes. Pero alam naman natin na ang Presidente natin 24/7 ang kaniyang pag-iisip ay nasa bayan po,” ang pahayag ni Sec.Roque

 

Sa ulat, muli na naman kasing nagpasaring sa social media si Trillanes laban kay Pangulong Duterte.

 

Kamakailan ay may kumakalat na bali-balita na nawawala umano ang pangulo sa gitna ng panibagong krisis na kinakaharap dahil sa muling pagtaas ng mga kaso ng may sakit sa Covid 19 sa bansa.

 

Marami tuloy ang usap-usapan at espekulasyon lalo na sa kampo ng oposisyon at makaka-kaliwa na di umano ay may sakit ang pangulo at inatake sa puso at tuluyan ng pumanaw.

 

Ngunit agad namang dinepensahan ito ng mga malalapit sa pangulo at nagpakita pa ng larawan o selfie si Senador Bong Go na sila ay magkasamang nagtatrabaho.

 

Ngunit para sa Trillanes, hindi naman daw nagkasakit si Duterte kundi ito ay sadyang tamad lamang.

 

“It’s official: Wala syang sakit, tamad lang…plus palpak!” sa Twitter post ni Trillanes nitong Huwebes, Abril 8.

 

Kasabay ng post nyang ito ay ang caption na #duterteTamad and #dutertePalpak na umani naman ng 5,000 na pagsangyaon, at mahigit na 800 retweets naman ang nagbahagi sa iba. (Daris Jose)

PDu30, inamin na sinadya na hindi magpakita sa publiko ng 2 linggo

Posted on: April 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MULING kinastigo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang mga kritiko matapos na hindi siya magpakita ng dalawang linggo sa publiko.

 

Sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi ay inamin ng Pangulo na sinadya na mawala ng ilang araw.

 

“Noong nawala ako ng ilang araw, talagang sinadya ko ‘yun. Ganoon ako eh, kapag kinakalkal mo ako, lalo akong, parang bata? Kapag lalo mo akong kinakantyawan, eh mas lalo akong gumagana,” anito.

 

Aniya pa, ang kanyang hometown ay ang Davao City at malaya siyang umuwi anumang oras na kanyang gustuhin.

 

Binigyan diin ng Pangulo na hindi siya kailangan gumamit ng public funds para sa kanyang pagbyahe.

 

Sinagot din ng Pangulo ang mga banat sa kanya matapos na magpalabas ng larawan at video si Senador Christopher “Bong” Go kung saan siya ay nag-jogging, nag-golf, at nag-motorbike-riding para itama ang chismis ukol sa kanyang kalusugan.

 

Giit ng Punong Ehekutibo, walang masama at mali sa page-enjoy sa kanyang hobby sa ‘wee hours of the day’, lalo na’t hindi naman niya kinukuha ang oras ng sambayanang Filipino.

 

“Pero kung sabihin mo na may sakit ako ngayon to prevent me from exercising the powers of the presidency, wala ho. Kaya ako nakaka-swing ng golf (club), tapos nagmo-motor, kasi kaya ko pa. The problem is you should look into the time I enjoy my hobbies. Gabi ‘yun, ano ba naman. Sa araw makita mo ako nag-golf…sabihin may problema,” anito.

 

“If you want me to die early, you must pray harder. Actually, what you intend or what you would like to happen is to see me go. You want me to go and you’re praying for that,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.

 

Nauna rito, pinalagan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang ulat na may sakit si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaya’t hindi ito nakita ng publiko ng dalawang linggo.

 

Binasura rin ni Sec. Roque ang panawagan na ipalabas ang medical bulletin ng Pangulo.

 

“Ang (a) medical bulletin is only given when the President is sick; and he is not sick,” ayon kay Sec.Roque.

 

Nananatili aniyang “fit at healthy” ang Pangulo sa kanyang edad na 76.

 

Sinabi pa ni Sec.Roque na ginawa ni Pangulong Duterte ang lahat ng kanyang desisyon nitong weekend hinggil sa quarantine status ng Metro Manila at iba pang lugar.

 

Siya rin ang nag -“supervised” ng COVID-19 vaccine rollout.

 

“Ang assumption n’yo po, kinakailangan magpakita para patunay na nagtatrabaho ang Presidente. Hindi po ganoon ang istilo ng ating President,” anito.

 

“Hindi na po niya kinakailangan ipagmayabang sa publiko na siya ay nagtatrabaho. Ang taumbayan naman ay naniniwala naman na on top of the situation ang President, even if hindi niya pinangangalandakan ito sa taongbayan,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Samantala, binuweltahan naman ni Sec. Roque ang mga kritisismo na ang Pangulo sa mga nakalipas na araw ay nagpakita ng proof of life subalit wala namang proof of work; marami ang napapaulat na namamatay dahil sa Covid subalit ang Pangulo ay nakikitang nagmo-motor at naggo-golf.

 

“Alam ninyo po ang Presidente walang iniisip kung hindi iyong mga problema ng bayan. So may mga iba kasi nagpapakita lang ‘pag sila’y nagtatrabaho, iyong mga para lang mapakita purposes ‘no. Pero alam naman natin ang Presidente natin 24 hours, 24/7 ang kaniyang pag-iisip ay nasa bayan po,” anito. (Daris Jose)

VOTERS REGISTRATION SUSPENDIDO

Posted on: April 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS ang Commission on Election ng advisory kaugnay ng suspension sa voters registration at ng voters certification sa kabila ng pagbaba ng quarantine status sa NCR.

 

 

Epektibo ang  suspensiyon simula ngayong araw, Abril 12  hanggang sa Abril 30.

 

 

Bukod sa NCR , Bulacan , Cavite , Laguna  at Rizal,  suspendido rin ang naka- schedule na voter registration  at voters certification  sa Santiago City, Isabela, Abra, Quirino at iba pang mga lugar na nasa ilalim ng ECQ o MECQ ng kanilang local gov’t unit.

 

 

Tuloy naman ang voter registration at voter certification  sa nalalabing mga lugar sa bansa na nasa ilalim ng GCQ at MGCQ mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.

 

 

Bukas naman ang Comelec office para sa  overseas voting  sa Intramuros Maynila patr sa mga aplikante na may urgent travel needs sa panahon ng mecq period. (GENE ADSUARA)

Hidilyn Diaz nasa Uzbekistan na bilang paghahanda sa Tokyo Olympics

Posted on: April 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Formality na lamang sa pagsali nito sa Tokyo Olympics ang pagsabak ni Filipina weightlifter Hidilyn Diaz kaya ito nasa Tashkent, Uzbekistan.

 

 

Sinabi ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) President Monico Puentevella, na nasa Tashkent na si Diaz kasama ang dalawang coaches nito.

 

 

Magaganap ang Asian Weightlifting Championship sa Uzbekistan mula Abril 16-25.

 

 

Dagdag pa nito na ang ranked number 2 sa buong mundo at silver medalist ng 2016 Rio Olympics ay hindi na kailangan pa na mangibabaw sa torneo sa Uzbekistan para makakuha ng Olympic spot sa Women’s 55-kilogram division.

 

 

Kailangan lamang niyang tapusin ang mga qualifying tournament para ito ay pormal na makapaglaro sa Olympics na magsisimula sa Hulyo 23 sa Tokyo.

 

 

Ilan sa mga tiyak na kasama sa Olympics ay sina boxers Eumir Marcial, Carlo Paalam, Neshty Petecio at Irish Magno, EJ Obiena ng pole vaulting at Carlos Yulo ng gymnastics.