• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 30th, 2021

Bulacan, tumanggap ng 3 milyon na mga face mask at libu-libong mga goods

Posted on: April 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Tatlong milyong piraso ng mga face mask ang ipamamahagi sa mga Bulakenyo mula sa Tanggapan ng Pangulo sa pamamagitan ng programang “Mask Para Sa Masa” sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa isinagawang ceremonial turn over kamakailan sa Bulacan Capitol Gymnasium dito.

 

 

Ang Masks Para sa Masa ay programa ng pamahalaang nasyunal na naglalayong magbigay ng mga libreng face mask upang maproteksyunan ang anim na milyong mahihirap na pamilya o mahigit 35 milyong indibidwal sa bansa laban sa COVID-19 at upang makapagbigay ng kabuhayan sa mga micro, small and medium enterprises, mga kooperatiba at iba pa.

 

 

Ayon kay Provincial Social Welfare and Development Officer Rowena J. Tiongson, tumanggap ang Bulacan ng may kabuuang 3,265,167 piraso ng mga non-medical cloth na face mask na ipamamahagi sa 653,033 pamilya kasama na ang mga benepisyaryo ng ESP SAP, 4Ps, UCT SOcPen at Listahanan sa pamamagitan ng mga itinalagang mga city/municipal social welfare development officer ng bawat yunit ng pamahalaang lokal.

 

 

Ipinahayag naman ni Gobernador Daniel R. Fernando ang kanyang pasasalamat sa pamahalaang nasyunal at sinabing ang mga naturang face mask ay siguradong makatutulong sa pagsugpo sa paglaganap ng virus.

 

 

“Lubos po ang aking pasasalamat sa pagkakaloob ng mga libreng face mask na ito para sa mga Bulakenyo. Magiging kabawasan din ito sa mga pang araw-araw na gastusin ng ating mga kalalawigan, lalo na dahil sa proteksyong maidudulot nito sa mga tao dahil ang simpleng pagsusuot ng face mask ay makapagliligtas sa ating sarili at sa ating kapwa,” anang gobernador.

 

 

Tumanggap din ang Pamahalaang Panlalawigan ng mga donasyon mula sa Pitmaster Foundation, Inc. noong Lunes kabilang na ang 10,000 piraso ng noodles, 10,000 piraso ng sardinas, 1,000 sako ng 25 kilo na bigas at isang ambulansya habang ang Guerrero Brothers naman ay nagbigay ng 400 sako ng 25 kilo na bigas 10,000 piraso ng noodles at sardinas na ipamamahagi rin sa mga Bulakenyo.

 

 

Ayon sa COVID-19 surveillance update ngayong araw, mula sa kabuuang 26,011 kaso ng COVID-19 sa lalawigan, 22,270 (86%) ang nakarekober, 3,095 (12%) ang mga aktibong kaso at 646 (2%) ang namatay.

86% ng mga COVID-19 vaccines, naipamahagi na sa mga vaccination sites – DOH

Posted on: April 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kinumpirma ng Department of Health na 3,025,600 mula sa 3,525,600 available doses ng coronavirus disease vaccines ang naipamahagi na sa iba’t ibang vaccination sites.

 

 

Batay sa datos ng DOH at National Task Force Against COVID-19, may kabuuang 1,809,801 doses na ang naipamigay sa publiko.

 

 

“Eighty-eight percent of the 1,780,400 allocated first doses have already been administered, equating to 1,562,815 administered doses,” ayon sa vaccine rollout update na inilabas kahapon, Abril 28.

 

 

14 posyento naman ng 1,780,400 na alokasyon para sa second doses ang naipamahagi na, katumbas ito ng 246,986 na naiturok sa mamayan.

 

 

Malaking bilang ng mga bakuna ay natanggap ng National Capital Region (NCR) na mayroong 1,221,870, na sinundan naman ng Calabarzon (307,260) at Central Luzon (245,140).

 

 

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang pagbabakuna ng gobyerno para sa mga priority groups na kabilang sa A1 hanggang A3 na binubuo ng mga healthcare workers, senior citizens, at persons with comorbidities.

 

 

Patuloy din ang panghihikayat ng DH at NTF na magparehistro sa kanilang lokal na pamahalaan para magpabakuna upang maprotektahan laban sa nakamamatay na virus.

 

 

Mahigit 3,400 vaccination sites ang nagsasagawa ng COVID-19 vaccination sa iba’t ibang sites mula sa 17 rehisyon.

2 pasaway sa curfew at no facemask, kulong sa shabu

Posted on: April 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Arestado ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng shabu makaraang masita ng mga pulis dahil sa paglabag sa curfew at hindi pagsuot ng face mask sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na si Richard Doydoran, 20 at Jerome Reyes, 32, kapwa ng PNR Compound, Brgy. 73.

 

 

Ayon kay Col. Mina, nagsasagawa ng motorcycle patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police TMRU na sina Pat. Ernesto Ng at PCpl Ronel Judel Magtoto sa kahabaan ng Abby Road, Brgy. 73 dakong 2:20 ng madaling araw nang makita nila ang mga suspek na gumagala sa lugar na malinaw na paglabag sa curfew at wala pang suot na facemask.

 

 

Nang sitahin, hindi pinansin ng mga suspek ang mga pulis at sa halip ay tinangkang tumakas ng mga ito kaya’t hinabol sila ng mga parak hanggang sa maaresto.

 

 

Nang kapkapan, nakumpiska sa mga suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng nasa 3.6 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P24,480 ang halaga at isang glass tube pipe na naglalaman ng nalalabi ng hinihinalang marijuana. (Richard Mesa)

Epal, bawal sa community pantry-Año

Posted on: April 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI papayagan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga ‘epal’ na politiko o indibiduwal na gustong pumapel sa community pantry.

 

Sa Talk To The People ni Pangulog Rodrigo Roa Duterte, Miyerkules ng gabi ay sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na kailangang magpatupad ang mga organizers ng cmmunity pantry ng “Anti-Epal policy,” kung saan ang government officials at iba pang indibidwal ay pinagbabawalan na gamitin ang nasabing social activity para sa personal, political o propagandang layunin.

 

“Hindi po natin papayagan na magkakaroon ng epal o . . . Maglalagay ng anumang signage, billboards, posters bearing pictures, pangalan, o images ng mga tao na nagsasagawa ng community pantry, lalo na po ang mga politicians na gusto pumapel dito sa community pantry,” diing pahayag ni Año.

 

Kasabay nito ay inanunsyo naman ng DILG ang ‘guidelines’ na susundin ng civilian community pantries na tila kabute na nagsulputan na sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

Ayon sa Kalihim, ang standards sa community pantries ay naglalayong tiyakin na masusunod ang health at safety protocols, at mapayapa at maayos sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

“Itong community pantry ay isa sa pwede maging dahilan . . . Na pwedeng dito magsimula ang surge or spike kapag ‘di nasunod ang minimum health standards. Kaya kailangan ay mayroong standards na sinusunod . . . Both ang organizer at ang beneficiaries, at ang mga nagpapatupad ng ating mga batas,” aniya pa rin.

 

Sa kabilang dako, tiniyak ni Año na hindi kailangan ng organizers ang permit mula sa local government units para magtayo ng community pantries.

 

“Ito’y magiging parang additional burden kung sino man ‘yung magsasagawa ng community pantry,” anito.

 

Nauna nang sinabi ni DILG Undersecretary for barangay affairs Martin Diño, na kailangan na LGU approval ang community pantries na sa kalaunan ay binawi naman nito.

 

Ang paalala naman ni Año sa mga organizers ng community pantry ay magsuot ng face masks at face shields, i-observe ang physical distancing at iba pang pangunahing health protocols

 

Huwag magbigay ng illegal items, alak at sigarilyo; huwag pagbayarin ang mga beneficiaries; kailangan na ‘closely coordinate’ ang mg organizers at LGUs; at ang karapatan ng lahat ng magpapartisipa ay marapat lamang na respetuhin at protektahan.

 

Samantala, nagpalabas naman ng guidelines ang DILG sa mga community pantries matapos ang insidente sa Quezon City kung saan namatay ang isang senior citizen na pumila sa community pantry na inorganisa ng aktres na si Angel Locsin dahil dinagsa ang nasabing pantry ng mga tao. (Daris Jose)

EXTENDED MECQ status sa NCR Plus hanggang Mayo 14.

Posted on: April 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk To The People, Miyerkules ng gabi ang ekstensyon ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) classification sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite simula Mayo 1 hanggang Mayo 14, 2021.

 

Ang Lungsod ng Santiago at Quirino Province sa Region 2 at Abra sa Cordillera Administrative Region ay isinailalim din sa MECQ para naman sa buong buwan ng Mayo 2021.

 

Samantala, ang Apayao, Baguio City, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province sa CAR; Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya sa Region 2; Batangas at Quezon sa Region 4-A; Tacloban City sa Region 8; Iligan City sa Region 10; Davao City sa Region11; at Lanao del Sur sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay isasaialim naman sa General Community Quarantine (GCQ) mula Mayo 1-31, 2021.

 

Ang lahat ng iba pang lugar ay isasailalim naman sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) para sa buog buwan ng Mayo.

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Presidential spokesperson Harry Roque, ang bagong community quarantine classification ay “subject to the appeals” ng local government units.

 

Ang bagong community quarantine classification na inaprubahan ng Pangulo batay na rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).

“PETER RABBIT” STILL A MASTER OF MISCHIEF IN SEQUEL’S NEW TRAILER

Posted on: April 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

THIS year, get ready for the ultimate family event! Watch the new trailer for Peter Rabbit 2: The Runaway now and see Peter in Philippine cinemas soon.

 

 

YouTube: https://youtu.be/u_6epDAeAl0

 

 

About Peter Rabbit 2: The Runaway

 

 

In Peter Rabbit 2: The Runaway, the lovable rogue is back. Bea, Thomas, and the rabbits have created a makeshift family, but despite his best efforts, Peter can’t seem to shake his mischievous reputation. Adventuring out of the garden, Peter finds himself in a world where his mischief is appreciated, but when his family risks everything to come looking for him, Peter must figure out what kind of bunny he wants to be

 

 

Columbia Pictures presents in association with 2.0 Entertainment and MRC, an Animal Logic Entertainment / Olive Bridge Entertainment production, a Will Gluck film, Peter Rabbit 2: The Runaway. Starring Rose Byrne, Domhnall Gleeson, David Oyelowo, Elizabeth Debicki, with Margot Robbie and James Corden as Peter Rabbit. Directed by Will Gluck. Written by Will Gluck & Patrick Burleigh. Produced by Will Gluck, Zareh Nalbandian, Catherine Bishop, and Jodi Hildebrand. Executive producers are Doug Belgrad, Jonathan Hludzinski, Jason Lust, Emma Topping, and Thomas Merrington. Director of Photography is Peter Menzies, Jr. ACS. Production Designer is Roger Ford. Editor is Matt Villa ASE ACE. Costume Designer is Lizzy Gardiner. Music by Dominic Lewis. Music Supervision by Wende Crowley.

 

 

Peter Rabbit 2: The Runaway will be distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Use the hashtag #PeterRabbit2 (ROHN ROMULO) 

KELLEY, nakabalik na at nagpasalamat sa suportang natanggap during and after the pageant

Posted on: April 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKABALIK na sa bansa ang tinanghal na first runner-up sa Miss Eco International pageant sa Egypt na si Kelley Day.

 

 

April 4 noong maganap ang coronation night ng Miss Eco International kunsaan ang nagwagi ay si Gizzelle Uys of South Africa. Pero hindi agad nakabalik si Kelley dahil sa mahigpit na travel restrictions pabalik ng Pilipinas dahil sa biglaang surge ng COVID-19 virus sa bansa.

 

 

Nabalita ring may ilang candidates ng pageant na na-infect ng virus. Negative naman ang result ng swab test kay Kelley.

 

 

Sa Instagram ay nagpasalamat si Kelley sa suporta na natanggap niya during and after the pageant.

 

 

Kelley shared a short clip of herself at naka-self-isolate siya bilang pagsunod sa COVID-19 protocols ng bansa.

 

 

“Hey, everyone. Good evening. It’s 10:30 pa lang, and I want to give you all an update that I am in Manila. I flew in this afternoon, arrived, and checked in to my quarantine hotel, where I’ll be staying for the next seven days.

 

 

“Yeah, I just want to give you guys this update that I’m finally back home in Manila and really happy to be back. I’ve received so many well-wishes, and I want you all to know I arrived in Manila this afternoon.

 

 

“Thank you, everyone, for all the lovely messages and prayers. I can’t express enough gratitude to my closest friends and family who have been just a call (or calls) away — thank you.”

 

 

***

 

 

KINUMPIRMA ng reality star na si Caitlyn Jenner na tatakbo siya bilang governor of California.

 

 

Nai-file na raw nito ang mga kailangan na paperworks para sa pagtakbo niya.

 

 

“California has been my home for nearly 50 years. I came here because I knew that anyone, regardless of their background or station in life, could turn their dreams into reality.

 

 

But for the past decade, we have seen the glimmer of the Golden State reduced by one-party rule that places politics over progress and special interests over people. Sacramento needs an honest leader with a clear vision,” sey ni Caitlyn sa isang official statement.

 

 

The news comes as California Governor Gavin Newscom faces the possibility of a recall election.

 

 

Dagdag pa ni Jenner: “In the next few weeks, I will meet with Californians from across the state to hear their voices and finally get this state moving in the right direction. The significance of this decision is not lost on me. The sacrifice is significant.   “But responsibility is great, and I can’t wait to lead, to help and most importantly, to disrupt the status quo once again… I’m in!”  (RUEL J. MENDOZA)

PDu30, inatasan ang mga local chief executives na ipatupad ang batas laban sa mga lalabag sa health protocols

Posted on: April 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga local chief executives na ipatupad ang batas laban sa mga lalabag sa health protocols na naglalayong pigilan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

 

Sa kanyang Talk To The People, Miyerkules ng gabi ay nagpahayag ng pagkadismaya ang Chief Executive sa patuloy na pagkalat ng nasabing sakit.

 

“Ako tumitingin lang  at the distance as I don’t want to be strict about it because it is technically a crime at all. Naging krimen lang yan dahil kung ayaw mo maniwala. There is a word na spreader. Nagiispray ka ng sakit so we have to protect other people from getting sick so we impose rules,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

“Rules are there and you do not follow, well, let me tell you, under the police power of the state, ang mayor, ang barangay captain, because they are persons of authority. Ang guidance binibigay sa police because the supervision belongs to the mayor,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

Ipinag-utos naman ni Pangulong Duterte sa mga alkalde na maging responsable sa kanilang mga nasasakupan para matiyak na masusunod ang health protocols.

 

“Ang gawin ko ganito, I will hold responsible and I will direct the Secretary of the Local Government,  DILG (Department of the Interior and Local Government) to hold the mayors responsible for this kind of events happening in their places,” ani Pangulong Duterte.

 

“It is a violation of the law and if you don’t enforce the law there is a dereliction of duty which is punishable under the Revised Penal Code so the police can enforce against you for not doing your duty as mayor and barangay captain,” aniya pa rin.

 

Binalaan naman nito ang mga barangay officials na pananagutin sila ng mga awtoridad kapag nagkaroon ng mass gathering sa kanilang lugar sa gitna ng mahigpit na implementasyon ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

 

“Itong mga barangay captain ang may problema kasi maliit lang ang mga barangay  do not give me this s— na hindi ko alam. So the local government will go after you administratively and criminally kapag may nangyari pang pistahan diyan ang tawagin ng DILG, ang mayor pati, barangay captain and then he will proceed to enforce the law,” aniya pa rin.

 

Sa ulat, sa Malolos, isang fiesta  ang idinaos sa gitna ng iinatutupad na MECQ, na nagbabawal sa unnecessary travel at mass gathering.

Mga manggagawa, pinarangalan ng Quiapo church

Posted on: April 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinarangalan ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church ang mga manggagawa sa nalalapit na pagdiriwang ng Labor Day.

 

 

Namahagi ng tulong ang basilica sa mga construction workers ng Skyway Stage 3 na nakahimpil sa Pandacan Manila.

 

 

Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo Church ito ay pagkilala sa mga manggagawa na patuloy sa paghahanapbuhay at pagtaguyod ng kanilang pamilya sa gitna ng matinding banta ng coronavirus sa lipunan.

 

 

“Ito ay bilang pasasalamat at pagpupugay sa mga manggagawa, construction workers at bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ni San Jose Manggagawa,” pahayag ni Fr. Badong sa Radio Veritas.

 

 

 

500 manggagawa ang nakatanggap ng tulong tulad ng bigas, groceries, itlog, kagamitang pangkalusugan, tubig at iba pa.

 

 

 

Pinamunuan ni Msgr. Hernando Coronel, rector at parish priest ng Quiapo Church kasama ang ang mga lingkod ng basilica ang pamamahagi ng tulong sa mga construction workers.

 

 

 

Una nang hiniling ni Cebu Archbishop Jose Palma na bigyang pagkilala ang mga kasapi ng pamilya na patuloy sa paghahanapbuhay sa gitna ng krisis na naranasan lalo’t halos nasa limang milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya ayon sa Department of Labor and Employment.

 

 

 

Iginiit naman sa ensiklikal na Laborem Exercens ni Saint John Paul II na dapat tulungan ng simbahan ang sektor ng manggagawa na itaguyod ang kanilang mga karapatan at bigyang dignidad sa lipunan.

ALDEN, thankful na kabila ng pandemya ay tinatangkilik pa rin ang food chain; maraming natutuwa ‘pag nakikitang nagsi-serve

Posted on: April 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

CONGRATULATIONS kay Asia’s Multimedia Star Alden Richards at sa kanyang staff ng food chain na Binan McDonalds na nag-celebrate ng ng second anniversary last Tuesday, April 27. 

 

 

Thankful si Alden na sa kabila ng pinagdaraanan nating pandemic, patuloy pa rin ang pagtangkilik ng mga customers sa kanila.

 

 

Nagtayo kasi sila ng Alfresco dining area sa labas ng main store, as required, at malakas din ang kanilang take-out order and deliveries kaya si Alden, tumulong na rin sa pagtanggap ng orders at siya ang personal na nag-aabot nito sa mga customers, na siyempre, natuwa nang makitang siya mismo ang nagsi-serve sa kanila.

 

 

Last April 24, isa rin si Alden sa tumanggap ng award mula sa “Ako Ay Filipino” benefit show ng fashion designer na si Arielle Agasang, a tribute to the Most Influential Personalities of the Year 2020/2021.

 

 

***

 

 

NAGPASALAMAT si Sen. Bong Revilla sa GMA Network na binigyan siya muli ng chance na makabalik sa TV, sa pamamagitan ng action-fantasy series na Agimat ng Agila. 

 

 

Five years din kasing hindi naka-arte si Bong sa harap ng camera, “and I’m glad na ginastusan ng GMA ang comeback vehicle ko.  Nagpapasalamat din ako na tinanggap ni Direk Rico Gutierrez ang serye na punung-puno ng action at fantasy scenes with state-of-the-art special effects.”

 

 

Sa Saturday, May 1 na magsisimula ang airing ng Agimat ng Agila at bilang pampabuenas at pasasalamat ni Bong, magkakaroon siya ng Facebook Live show na tinawag niyang “Amazing Giveaways.”

 

 

“Sama-sama nating salubungin ang paglipad ng Agimat ng Agila sa pamamagitan ng mga biyaya at papremyo.  Huwag magpahuli at tumutok sa ating Facebook Live, sa Sabado, 5:00PM.”

 

 

Ganap namang mapapanood ang serye at 7:15PM, kaya pansamantala munang hindi mapapanood ang pasiklaban at world-class performances sa reality-talent show ng GMA na Catch Me Out Philippines, simula May 1, pero huwag malungkot ang sumusubaybay sa show dahil nakatakda rin silang magbalik-telebisyon sa mas matitinding performances.

 

 

***

 

 

MAY mga netizens na ring medyo hindi na gusto ang araw-araw na publicity sa social media kina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

 

 

Si Andrea Torres naman tahimik lamang at halos ayaw mag-comment.

 

 

Nakatulong kaya kay Andrea na naging busy siya sa lock-in taping ng bago niyang cultural drama series na Legal Wives with Dennis Trillo, Alice Dixson and Bianca Umali?  At naka-move on na ba siya?

 

 

     “Basta nag-focus lang ako sa sarili ko,” nakangiting sagot ni Andrea sa isang interview.

 

 

“Siguro, naka-discover din ako ng mga bagay na hindi ko pa na-try dati. Sabi ko nga dapat mag-discover tayo ng bago na pwede nating gawin.”

 

 

Pero inamin ni Andrea na hindi pa siya ready to fall in love again.

 

 

“Ako kasi, kapag in a relationship, all out ako. So kapag dumating na sa point na kumalas na ako, alam ko sa sarili ko na nasagad ko na. Kaya binibigyan ko ng time ang sarili ko para maging mag-isa muna, to heal fully. Para kapag dumating yung next, all out na ulit ako.”

 

 

Sayang nga lamang na may pandemic pa tayo ngayon, isa kasi sa hilig ni Andrea ang mag-travel, na mahirap ngayong gawin dahil maraming bawal. Kapag pwede na raw, gusto niyang pumunta sa Europe.

 

 

Very soon ay ipalalabas na sa GMA Telebabad ang Legal Wives na dinirek ni Zig Dulay, ang gumawa rin ng cultural drama series na Sahaya ni Bianca Umali. (NORA V. CALDERON)