• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 3rd, 2021

Robert Downey Jr’s Next Comic Book Project ‘Sweet Tooth’ Drops First Trailer

Posted on: May 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

AFTER his iconic role in the Marvel Cinematic Universe, Robert Downey Jr. is now the producer of the TV adaptation of the DC Comics series Sweet Tooth.

 

 

The first trailer for his newest project Sweet Tooth just dropped, an adaptation of a DC comic which he is executive producing for Netflix with his wife Susan Downey and their production company Team Downey.

 

 

Watch the first trailer of upcoming post-apocalyptic adventure Sweet Tooth below: https://www.youtube.com/watch?v=GrBw0pbF11s&t=2s

 

 

Based on the comics by Jeff Lemire, Sweet Tooth has been described as ‘Mad Max Meets Bambi’.

 

 

The eight-part series will tell the story of Gus (played by Legion star Christian Convery), a young boy who was born half human and half deer. He was raised in his sheltered home in the woods which he leaves to find that the world has been torn apart by a cataclysmic event.

 

 

10 years prior, the Great Grumble wreaked havoc and led to the emergence of hybrids just like Gus. It’s unsure whether the hybrids are the result or the cause of the spread of this virus, but these novel creatures are not safe in this new world.

 

 

Gus befriends a wandering loner named Jepperd (Game of Thrones‘ Nonso Anozie) who will turn into his protector as the two set out on an extraordinary adventure across what’s left of America in search of answers.

 

 

Also starring is Once Upon A Time‘s Dania Ramirez, who will be playing a pioneer character named Aimee who is trying to help rebuild a new society and give orphaned hybrids a safe home.

 

 

The Flash actor Neil Sandilands will play the show’s antagonist, General Steven Abbot, who leads a post-apocalyptic army with intimidation and quirkiness and uses the collapse of civilisation to reinvent himself and claim power.

 

 

Other cast members announced so far include Will Forte (Saturday Night Live), Adeel Akhtar (Les Misérables), and Christopher Convery (Succession), while James Brolin (Life in Pieces) serves as the narrator.

 

 

It premieres on Netflix this June 4. (ROHN ROMULO)

WANTED PERSON TIMBOG SA MARITIME POLICE

Posted on: May 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagwakas na pagtatago sa batas ng isang wanted person matapos maaresto ng mga tauhan ng maritime police sa isinagawang surveillance/stakeout operation sa Navotas city.

 

 

Kinilala ni Northern NCR Maritime Police head P/Major Randy Ludovice ang naarestong suspek na si Dominador Galido, 50, mangingisda at residente ng Brgy. Liminangcong, Taytay, Palawan.

 

 

Batay sa imbestigasyon ni PSSg Marcelo Agao, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Maritime police mula kay PLTCOL Glen Provido, Special Operation Unit (SOU) 2 Commander hinggil sa suspek.

 

 

Kaagad nagsagawa ang mga tauhan ng Maritime Police sa pangungun ni PLT Erwin Garcia ng surveillance/stakeout operation sa F/V Marlyd DLS 77 na nakadaong sa pier 2, Notas Fish Port Complex dakong 7:30 ng gabi.

 

 

Dito, inaresto ng mga pulis si Galido sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Pedro Dabu Jr. ng RTC Branch 286 Navotas City na may petsang Februar 24, 2021 para sa kasong Robbery Extortion through Usurpation of Authority at Qualified Piracy. (Richard Mesa)

Ads May 3, 2021

Posted on: May 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DOH: 8,346 bagong COVID-19 infections sa Phl naitala; active cases pumalo na sa 71,472

Posted on: May 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Iniulat ng Department of Health (DOH) na aabot sa 8,346 ang bagong COVID-19 infections sa bansa, na mayroon nang kabuuang bilang sa ngayon na 1,054,983, hindi pa kasama ang datos mula sa pitong laboratoryo.

 

 

Ayon sa kagawaran, mula sa kabuuang bilang ay 71,472 ang total active cases, kung saan 94.7% ang mild, 1.9% ang asymptomatic, 1.1% ang critical, at 1.4% ang severe condition.

 

 

Samantala, ang kabuuang bilang ng recoveries ay tumaas din sa 966,080 matapos na 9,072 pang pasyente ang gumaling sa naturang respiratory disease.

 

 

Umakyat din ang death toll sa 17,431 kasunod nang naitalang 77 na bagong fatalities.

P8K wage subsidy sa MSMEs workers target ng gobyerno

Posted on: May 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Makakatanggap ng wage subsidy na P8,000 kada buwan ang mga manggagawa sa pribadong sektor na nasa micro, small and medium enterprises (MSMEs) bilang bahagi ng eight-point agenda ng pamahalaan para makabangon mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

 

 

Sa isang job summit ng Task Group on Economic Recovery-National Employment Recovery Strategy (NERS) kamakalawa, sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na mungkahi ng gobyerno ang P24-billion wage subsidy program para mapanatili at maprotektahan ang mga may trabaho.

 

 

“The proposed program shall provide subsidy equivalent to P8,000 per month for a maximum of three months to affected workers through the establishment’s payroll system,” ani Lopez.

 

 

Nanawagan naman si Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) president Benedicto Yujuico na agarang mabakunahan laban sa COVID-19 ang essential economic workers at gawing digital ang mga negosyo.

 

 

Prayoridad aniya dito ang MSMEs na may flexible work arrangements o nagsara pansamantala subalit may balak pang magbalik-operasyon. (Daris Jose)

MAUI, binalikan ang naging experience noong makatrabaho ang Oscar winning Korean actress na si YOUN YUH-JUNG

Posted on: May 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BINALIKAN ni Maui Taylor ang naging experience niya noong makatrabaho ang veteran Korean actress na si Youn Yuh-jung na nanalo bilang best supporting actress sa nakaraang Oscar Awards.

 

 

Nakatrabaho ng dating Viva Hot Babes so Youn sa 2012 South Korean film na The Taste Of Money. Maid ang role ni Maui na nagkaroon ng illicit affair sa amo niyang lalake na mister ni Youn.

 

 

Ginawa ni Maui ang naturang movie noong pasimula pa lang ang hilig ng mga Pinoy sa K-dramas at K-movies.

 

 

Apat na buwan na ginawa ni Maui ang Taste of Money sa South Korea. Bumagay si Maui sa role niya dahil mukha raw siyang Korean at pati ang kutis daw niya ay hindi nalalayo sa kutis ng mga Koreans.

 

 

Hindi naman daw nahirapan na makipag-communicate si Maui noon dahil halos lahat daw sa set ay nagsasalita at nakakaintindi ng ingles.

 

 

‘Di naman daw niya malilimutan ang unang eksena niya with Youn. Ang scene ay sasakalin siya ni Youn at nagdalawang isip pa raw ito dahil baka masaktan niya si Maui.

 

 

Doon lang daw nakausap ni Maui ang future Oscar winner dahil naunahan daw ng hiya noong pinakilala siya rito. May kanya-kanya raw kasi silang trailer sa set kaya walang chance na makaluwentuhan sila.

 

 

Noong gawin daw nila yung choking scene, nagbiro pa raw si Youn para mawala ang kaba ni Maui sa eksena nila.

 

 

***

 

 

KABILANG si Keempee de Leon sa cast ng Bagong Umaga na nagkaroon ng COVID-19.

 

 

Nagkahawaan daw sa set nila kaya pati sina Sunshine Cruz, Tony Labrusca, Nikki Valdez at Heaven Peralejo ay nagkaroon ng kanya-kanyang isolation.

 

 

Sa kanyang Facebook page, nagpasalamat si Keempee sa Diyos at sa kanyang pamilya na hindi siya pinabayaan. Inamin niyang natakot siya sa nakuha niyang sakit dahil hindi raw niya alam ang gagawin niya.

 

 

“Thank you Heavenly Abba Father My Lord God and Savior Jesus Christ for being Faithful and for being there for me for hearing my prayers every single day when i was so scared and thinking what’s going to happen to me the next day. 

 

 

“Abba Father My Lord God and Savior Jesus Christ thank you for Healing me and for my BU Fam for supporting me when i got sick last month from Covid. 

 

 

“Thank you Lord for Recovering me for Healing me till i get well and get back to work. Thank you for Covering me with your Precious Blood  Your my Healer Thank you Abba Father My Lord God  and Savior Jesus Christ! I owe you everything especially My Life Amen.”

 

 

Thankful din si Keempee na may naghihintay na trabaho sa kanya noong maka-recover siya sa COVID-19.

 

 

***

 

 

NAGBIGAY ng sisterly advice si Miss Universe 2013 third runner-up Ariella Arida sa kakatawanan ng Pilipinas sa Miss Universe 2020 na si Rabiya Mateo.

 

 

Aware si Ariella na nakakatanggap ng ‘di magagandang comments si Rabiya sa social media. Pinagdaanan din daw niya iyan noong siya ang Miss Philippines.

 

 

“It’s hard to please everybody. Maniwala ka na nand’yan ka, pinili ka, at nakitaan ka namin na you can carry the flag. Represent the Philippines the best way you can,” sey ni Ariella na umupong judge sa preliminary competition ng 2020 Miss Universe Philippines.

 

 

Full support din ang ka-batch ni Rabiya sa MUP 2020 na si Billie Hackenson na naging 4th runner-up.

 

 

“Nakikita ko kapag uuwi na siya, tapos pagod na pagod na siya from training, ‘yung drive niya talaga nandoon. Sobrang motivated siya to bring our fifth crown.

 

 

“Biyang, you know that the whole Philippines is rallying behind you. I know that you can bring the fifth crown to the Philippines,” sey ni Billie.

PH nag-protesta vs agresibong aktibidad ng China sa Scarborough Shoal

Posted on: May 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nag-protesta ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa agresibong panghaharang ng Chinese Coast Guard (CCG) sa mga nagpa-patrolyang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) malapit sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

 

 

Sa isang statement, sinabi ng ahensya na nangyari ang insidente sa gitna ng lehitimong maritime patrol at training exercise ng PCG sa Scarborough Shoal noong April 24 at 25.

 

 

“The DFA has protested the shadowing, blocking, dangerous maneuver, and radio challenges by the CCG.”

 

 

Inihayag din ng kagawaran ang pagtutol sa pahayag ng Chinese Ministry of Foreign Affairs noong nakaraang buwan, kung saan iginiit nito ang soberanya ng Beijing sa naturang teritoryo.

 

 

Ayon sa Foreign Affairs department, walang basehan na international law ang pag-angkin ng China sa Scarborough Shoal.

 

 

“Including the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), and is not recognized by the international community.”

 

 

Bukod sa insidente sa Bajo de Masinloc, nag-protesta rin ang DFA laban sa iligal, at dumaraming presensya ng mga barko ng Chinese fishermen at maritime militia sa Philippine maritime zones.

 

 

Ayon sa ahensya, simula January 1 hanggang March 18 ngayong taon, higit 100 aktibidad ng China na ang na-monitor ng mga otoridad sa West Philippine Sea.

 

 

Partikular na sa bahagi ng Pag-asa Islands, Zamora Reef, Panata at Kota Islands, Ayungin Shoal, Quirino Atoll, at Bajo de Masinloc.

 

 

“The Kalayaan Island Group and Bajo de Masinloc are integral parts of the Philippines over which it has sovereignty and jurisdiction,” ayon sa DFA statement.

 

 

“The Philippines’ conduct of maritime patrols and training exercises in these areas is a legitimate and routine act of a sovereign country in its territory and territorial waters and is part of the Philippines’ administrative responsibility.”

 

 

Iginiit ng kagawaran na walang law enforcement rights ang China sa nabanggit na mga lugar.

 

 

Tinawag din ng DFA na lantarang paglabag sa kasarinlan ng Pilipinas ang patuloy na presensya ng Beijing sa pag-aaring teritoryo ng bansa.

 

 

“The presence of Chinese Coast Guard vessels in the Philippines’ territorial waters of Pag-asa Islands and Bajo de Masinloc, and exclusive economic zone, raises serious concern.”

 

 

“The Philippines calls on China to withdraw its government vessels around the Kalayaan Island Group and Bajo de Masinloc and respect Philippine sovereignty.”

 

 

Simula noong Marso, ilang diplomatic protest na ang inihain ng DFA sa Beijing, matapos madiskubre ang presensya ng Chinese maritime militia sa paligid ng Julian Felipe reef.

 

 

Noong 2016 nang ideklara ng The Hague sa Netherlands na walang bansa ang maaaring umangkin sa Bajo de Masinloc dahil itinuturing itong “traditional fishing ground” ng mga mangingisdang Chinese, Vietnamese, at Pilipino. (Gene Adsuara)

Trial doses ng Sputnik V, hahatiin sa 5 lungsod sa Metro Manila

Posted on: May 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Limang lungsod pa lang sa Metro Manila ang makatatanggap ng 15,000 doses ng inisyal na sampol ng Sputnik V COVID-19 vaccine mula sa Russia na dumating sa bansa nitong Sabado.

 

 

Makakatanggap ng tig-3,000 trial doses ng naturang bakuna ang mga lungsod ng Makati, Taguig, Muntinlupa, Maynila at Parañaque.

 

 

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ang mga naturang lungsod pa lamang ang napiling bigyan ng bakuna dahil mayroon silang akmang cold storage facility para pag-imbakan ng Sputnik V vaccine. Kinakailangan kasi na maiimbak ito sa storage na may -18 degree Celsius.

 

 

Para lamang sa mga indibidwal na 18 taong gulang pataas ang naturang bakuna. Maaari ring iturok ang ikalawang dose matapos ang 21 araw nang maibigay ang unang dose.

 

 

Inaasahan na may darating pang 485,000 doses ngunit magdedepende pa umano ito sa kahandaan ng suplay at sa shipping logistics. (Daris Jose)

Testing Czar Sec. Dizon, aminadong napakahirap ma-predict ng new variants ng virus

Posted on: May 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

“Very unpredictable at napakahirap i-predict ng new variant ng COVID-19”

 

Ito ang pag-amin ni Testing Czar Sec. Vince Dizon makaraang mabulaga ang bansa sa mabilis na pagdami ng new variant cases ng virus noong nakalipas na ilang buwan na naging dahilan kung bakit kinulang ang itinayo ng gobyerno na 10,000 ICU at hospital beds noong nakalipas na taon.

 

Sinabi ni Dizon na nararanasan din maging sa ibang bansa ang nangyaring ito sa Pilipinas partikular na sa India.

 

Aniya pa, nakakaawa ang nasabing bansa dahil sa kinakaharap ngayong matinding epekto ng new variants ng Covid-19.

 

Ngunit ang mahalaga ay nakita na ng gobyerno pangangailangan na lalo pang paghandaan at higit pa umanong paramihin ang mga itinatayong modular hospitals and ICU beds. (Daris Jose)

KOBE, dumaan din sa matinding depresyon na ramdam pa hanggang ngayon

Posted on: May 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Kobe Paras sa post niya na dumaan din siya noon sa matinding depresyon na maituturing na lowest point ng kanyang buhay.

 

 

Isang screenshot ang ibinahagi niya na may caption ng, “When I moved back to the Philippines 4 years ago, I was at my lowest. I was depressed, suicidal. I just felt so lost. Until now, there are days I don’t feel like me.

 

 

“Whatever you’re going through, find a purpose and stick to it. It’s not easy at all. Only you can save yourself.

 

 

May panawagan pa si Kobe, “Be kind; Everyone you meet is fighting a hard battle.

 

 

I am not posting this for pity, but to show (you all) I’m human, and we all go through sh*t in life.”

 

 

Narito naman ang naging reactio ng netizens:

 

 

“Nahihirapan siguro syang sundan ang yapak ng ama nya. Nandyan din kasi ang comparing.”

 

 

“Kaya mo yan. Buti na lang nailalabas nya yung saloobin nya ang hirap pag ganan tapos lalaki pa. Pray lang. Godbless.”

 

 

“Not posting for pity but for attention. Get a therapist not a panel of social media audience.”

 

 

“We all have our own way of fighting and dealing with stuff. Let him be.”

 

 

“That’s true kaylangan ng attention ng mga taong suffering from mental health issues. Hindi naman natin lahat alam what goes on behind the camera and imposible na hindi sya mag seek ng treatment at pabayaan ng magulang nya. Pinost nya yan para sa mga taong tulad mo na ang kitid ng utak na walang ginawa kundi ijudge sya or sila na wala naman alam sa struggles na pinagdadaanan nila just to get better.”

 

 

“Saying this is so harmful to anyone struggling mentally. Yes, personal problems are best shared with professional help. Though you’re clearly missing the point of his post I think. He’s just encouraging his followers to take care of their mental well-being. Have some sympathy.”

 

 

“I am currently experiencing anxiety and is fearing that this may lead to depression. Kahit paano gumaan pakiramdam ko reading kobe’s post. Knowing na people regardless of who the are, are similar sa akin in terms of feeling down/depressed.

 

“My mom has depression and is on medication. For depressed people, takot nila ung malaman ng ibang tao na they are depressed. When I see post like this, gumagaan loob ko. I want people to normalize depression kagaya ng ibang sakit. If people post about their struggle with cancer, for example, most of us feel it’s inspiring. Sana if someone post about depression, ganun din. It may not be a physical pain, pero mental pain is still pain.”

 

 

“Hugs to this big man! You I’ll get through this! Pray!”

 

 

“Wag puro bash yung iba dyan. He might save someone by sharing his own mental battles.”

 

 

“It take guts to admit one’s failures even more so to admit that you almost gave up on life.”

 

 

“Bakit ba sya nade depress, he has the looks, career, lovelife may family naman?”

 

 

“Siguro pressure tsaka posibleng nadiscriminate sya ng teammates and/or coaches kasi nga pinoy sya. Asians are not that welcome in tha basketball world in the US, based on Jeremy Lin’s experiences.”

 

 

“Hindi sapat sa taong depressed lahat yang binanggit mo. Wala sa itsura, pera, lovelife… nasa mental health talaga. It’s deeper than you can probably comprehend.”

 

 

“iba ang atake ng mental. You think kababawan but it really is not. More understanding and compassion sana to people who suffer from depression. Because IT IS REAL.”

 

 

“I feel Kobe. Mahirap magsabe how low we can feel one day. I went through severe anxiety nung nagkaron ng cancer anak ko. Cant sleep, cant eat. Halos umiyak ako everyday. Masarap umiyak kasi napapagod ako hanggang sa makatulog. Ang hirap magsabi how I feel kasi baka sabihin umaarte ako or dagdag sa problema namin ng anak ko. But now, i just take it one day at a time. I try not to think of any negative things. Hindi namin kelangan ng awa, kelangan namin is understanding and prayers.”

 

 

“He is brave for admitting this and it also gave a message to others that it is normal to feel depression but you need to be strong.”

 

 

“Ang layo nila ni Andre. Si Andre kenkoy, ito seryoso parang medyo mataray pa.”

 

 

Samantala, pareho nang desidido ang magkapatid na Kobe at Andre Paras sa paglalaro ng basketball para sa kani-kanilang respective teams.

 

 

Natupad na ang matagal nang dream ni Andre na makapasok sa Philippine Basketball Association (PBA) tulad ng amang si Benjie Paras.  Nabigyan siya ng two-year contract (worth P3 million)sa koponan ng Blackwater.

 

 

Nagpaalam at nagpasalamant naman si Kobe sa University of the Philippines (UP) Fighting Maroons dahil kailangan na niyang mag-training sa Amerika sa ilalim ng sports management na East-West Private sa Cincinnati, Ohio (ROHN ROMULO)