• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 7th, 2021

Service contracting ng PUVs tinaasan ang per kilometer incentive

Posted on: May 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tinaasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang per kilometer incentive na binibigay sa mga public utility drivers (PUVs) sa ilalim ng programang service contracting ng pamahalaan.

 

 

Sa isang LTFRB memorandum circular ng nilabas, ang per kilometer incentive para sa traditional at modernized jeepneys kasama ang public utility buses ay bibigyan ng dobleng rate.

 

 

Ang programang service contracting ay ang pabibigay ng subsidies sa mga PUVs base sa nilakbay at tinakbo ng kanilang sasakyan.

 

 

“The memorandum signed on April 16 increased the per kilometer incentive to P27 for traditional and modernized jeepneys ang P45.50 for public utility buses from the previous rate of P11 and P23.10, respectively,” wika ng LTFRB.

 

 

Inilungsad ang service contracting dahil na rin sa pagbabawas ng kapasidad ng pasahero sa mga sasakyan dahil sa pagpapatupad ng social distancing na nakaapekto sa take-home pay ng mga drivers at operators. Kung kaya’t kinakailangan dagdagan ang financial assistance sa mga mangagagawa sa pampubliko transportasyon.

 

 

Halos may 35,000 na PUV drivers ang lumahok at nagparehistro sa program samantalang may 25,000 pa na patapos pa lamang sa kanilang orientation seminar.

 

 

Sa kabuohan, may 60,000 ang makakakuha ng subsidies base sa kilometrong tatakbuhin ng kanilang sasakyan.

 

 

Nakapagtala ang LTFRB ng halos P46.1 million na subsidies ang kanilang napamimigay sa 11,000 ng drivers at operators ng mga PUVs.

 

 

Ang programa ay may nakalaang P5 billion na pondo mula sa Department of Transportation (DOTr).  (LASACMAR)

Andrew Garfield Shut Down Rumors About His Cameo In ‘Spider-Man: No Way Home’

Posted on: May 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IN an interview with Josh Horowitz on his Happy Sad Confused podcast, Andrew Garfield who played our favorite web-slinger in the two The Amazing Spider-Man movies, was asked about the rumors of the next Spider-Man movie bringing back previous iterations of the hero, which the actor could neither confirm nor definitively deny.

 

 

In the podcast, Horowitz was in the middle of a question about Spider-Man: No Way Home, stating that he didn’t want to ruin the upcoming film starring Tom Holland, when the host was interrupted by Garfield.

 

 

In a way, Garfield shuts down rumors that he has a cameo in Spider-Man: No Way Home as Peter Parker with a very long denial.

 

 

The actor said: “There isn’t anything to ruin, bro! I had to quickly cut you off. There’s nothing to ruin.”

 

 

The actor then revealed he’s been following the rumors with great amusement.

 

 

As Garfield tells it: “It’s so crazy. Dude, it’s f***ing hilarious to me. I do have this Twitter account and I see how often Spider-Man is trending and it’s people freaking out about a thing. I wish I could be able to speak to everyone and just say, ‘I recommend that you chill.'”

 

 

Garfield then added that he couldn’t speak for other possible actors, only for himself. When Horowitz insisted and asked for a straight “yes or no” answer, Garfield avoided the question, adding: “I would’ve gotten a call by now, that’s all I’m saying. I don’t want to ruin anything. Maybe they’re going to call me and say, ‘Hey, people want this!’ Maybe it’s a market research thing…”

 

 

Even if the news has not been directly confirmed by either Disney or Sony, it’s been reported that Jamie Foxx and Alfred Molina will be reprising their roles as Electro and Doc Ock, respectively.

 

 

The presence of villains from the two previous theatrical versions of Spider-Man has since raised rumors that the movie will explore the multiverse in a similar way as Spider-Man: Into the Spider-Verse, bringing both Garfield and Tobey Maguire back as their versions of our Friendly Neighborhood Spider-Man.

 

 

The Marvel Cinematic Universe teased the existence of a multiverse on Spider-Man: Far From Home, and both Avengers: Endgame and the upcoming Loki series explore alternative timelines.

 

 

As for the upcoming Doctor Strange in the Multiverse of Madness, the presence of parallel dimensions is all but confirmed by the title. It’s not too farfetched, then, to think No Way Home would resonate with the same themes. It’s also important to remember everyone involved in the next Spider-Man movie is sworn to secrecy, and that Disney likes to hold all their Marvel cards until the last possible moment.

 

 

We’ll wait for the truth later this year, when Spider-Man: No Way Home hits theaters on December 17.

(ROHN ROMULO)

MARIO MAURER, sanib-puwersa sa dalawa pang Thai actors na sina NONKUL CHANON at GULF KANAWUT bilang newest TNT ambassadors

Posted on: May 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TIYAK na maraming Pinoy Fans ang matutuwa sa pagsasanib-puwersa ng tatlong Thai actors na kanilang sinusubaybayan at hinahangaan.

 

 

Makakasama nga ng Thai Box Office Superstar na si Mario Maurer (Love of Siam, Crazy Little Thing Called Love, Pee Mak) sina Nonkul Chanon (Bad Genius), Gulf Kanawut (TharnType: The Series) bilang pinakabagong ambassadors ng TNT.

 

 

Ang Thai trio ang magiging headliner ng biggest summer campaign ng TNT na “Kilig Saya” kasama si Sue Ramirez at ang nag-iisang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

 

 

Ayon kay Jane Basas (SVP and Head of Consumer Wireless Business ng Smart), Filipinos and Thais have always had mutual appreciation for each other’s wealth of entertainment content, but we’ve seen this grow even bigger recently as more Filipinos enjoy easy access to streaming platforms and social media.

 

 

Simula pa 2007, Thai dramas and films have dominated the Southeast Asian scene almost to the same level as K-Pop and Japanese cultures. There are even Thai idols now making waves as K-Pop performers globally.

 

 

At dahil sa tagumpay na ito umabot na rin ang Thai Invasion (ang terminong ginagamit to describe the phenomenon of Thailand’s growing prominence in the international pop culture scene) sa Pilipinas.

 

 

Si Nonkul Chanon ay nakilala sa Bad Genius, na naging highest-grossing Thai film of 2017. Overseas, na-break nito ang Thai film earning records in several Asian countries, at hinirang ito na isa sa most internationally successful Thai films ever.

 

 

Sumikat naman si Gulf Kanawut sa highly successful TharnType The Series, na adaptation ng popular Thai web novel. With Gulf’s growing popularity, he has appeared in various magazine covers in Thailand as well as performed in solo concerts.

 

 

Sa lahat ng Thai celebrities, si Mario Maurer nga ang tinuturing na most popular Thai actor dahil sa massive fan base hindi lang sa Pilipinas pati sa Southeast Asia.

 

 

Una siyang nakilala at hinangaan sa 2007 film Love of Siam at sa 2010 sleeper hit Crazy Little Thing Called Love. Bumida rin si Mario sa highest grossing film of all time ng Thailand, ang Pee Mak, na kumita nang higit sa U$33 million in both domestic and international box office receipts.

 

 

“TNT’s passion is to bring the youth together through fun and happiness. We recognize their remarkable spirit and perseverance to overcome all odds, wo we’re very excited to showcase how they find joy even in the hardest of circumstances in our newest campaign featuring the Thai superstars they admire,” pahayag naman ni Miriam Z. Choa, FVP and Head of Prepaid Marketing at Smart.

 

 

Stay tuned lang sa paglabas ng TNT’s “Kilig Saya” campaign by following TNT on Facebook (www.fb.com/TNTph), Twitter via the hashtag #TNTKiligSaya and Instagram (@tntph).

 

 

Abangan din ang bonggang online event ng TNT na ‘TNTCON2021’ na magaganap sa May 11. (ROHN ROMULO)

Arbitral victory ng Pilipinas noong 2016 laban sa China, isa lamang papel na maaaring itapon sa basurahan- PDu30

Posted on: May 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang arbitral victory ng Pilipinas noong 2016 laban sa malawak na pag-angkin ng China sa West Philippine Sea na nakadulog sa United Nations ay “isa lamang papel na maaaring itapon sa basurahan.”

 

“Sa totoong buhay, ‘yang papel, wala ‘yan… Sa usapang bugoy, sabihin ko sa’yo, ibigay mo sa akin, sabihin ko sa’yo p_ng ina papel lang ‘yan. Itatapon ko ‘yan sa waste basket,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Miyerkules ng gabi.

 

Taong 2013 nang hamunin ng Pilipinas ang legal na basehan ng China para sa ‘expansive claim’ nito sa Permanent Court of Arbitration saThe Hague, Netherlands, nanalo ang Pilipinas sa kaso nito sa landmark award noong 2016 matapos na ipawalang-bisa ng tribunal ang panggigiit ng Beijing.

 

Tinanggihan ng China ang nasabing ruling sabay sabing ang kanilang pag-angkin ay mayroong historical basis at “indisputable.”

 

Samantala, muling kinastigo ni Pangulong Duterte si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, sabay sabing wala siyang balak na muling dumulog sa UN at igiit ang pagkapanalo ng Pilipinas sa China dahil pag-aaksaya lamang ito ng panahon at oras at makasisira sa magandang relasyon ng dalawang bansa.

 

“P—tang ina, akala ko ba Pilipino ka? Alam mo ba ang utang na loob? Do you know the dimensions of utang na loob? ‘Yong utang na loob, iba ‘yong away. Ito—para tayong nandiyan na neighbor nila na naghirap, tinulungan tayo, so sinabi ko salamat. May utang na loob tayo,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

Sinabi pa ng Chief Executive na kinausap niya si President Xi Jinping at sinabi niya sa Chinese leader na isang araw, “he will go to where his oil is in the West Philippine Sea.”

 

Sinagot naman siya ni Xi na huwag niyang gagawin ito dahil “there might be trouble.”

 

“Sabi niya, whatever your claim is, ‘wag mong gawin ‘yan. ‘Why?’ He whispers na, ‘Do not do that because there might be trouble,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

Dahil sa sinabi aniya ni Xi, ay naisip niya na hindi na hindi na mahalaga ang UN.

 

“So magpunta ka man ng United Nations, magpunta ka man ng America, magpunta ka saan mang impyerno kung gusto mo ng tulong, pagdating mo papel ang dala mo o anong gusto mo? Trouble is away ‘yan,” anito.

 

“Ipadala ko mga Navy ko doon, for what? Ipadala ko mga coast guard doon, for them to die? ‘Di akong gagong ganoon. Why would I waste Filipino soldiers’ lives?” dagdag na pahayag nito.

 

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na kailangan na maimbestigahan si Del Rosario, dahil ipinag-utos nito sa Philippine Coast Guard na umalis sa West Philippine Sea.

 

“Bakit mo pinaatras? Kaninong permission? Ngayon kung wala kang maibigay, p—tang ina mo ‘wag mong ibigay sa akin ‘yong kasalanan mo. One day you will be tasked to answer for that,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

Bukod kay del Rosario ay kinaastigo rin ng Pangulo si dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, at hinamon pa niya ito sa isang debate.

 

“Itong Carpio naman sulat nang sulat ng desisyon para sa kaniyang utak lang. Isa ring ugok. Pareho naman tayong abogado, gusto mo magdebate tayo?Dalawa, tatlong tanong lang ako. Sino ang nagpa-retreat at anong ginawa ninyo after sa retreat?” ang pahayag ng Pangulo.

 

Tiniyak ng Chief Executive na handa siyang magbitiw sa pwesto kapag napatunayan na fake news o gawa-gawa lamang niya ang istorya ukol sa Scarborough Shoal standoff.

 

“Maski sinong abogado tanungin ninyo, ‘yan ang nangyari. Ngayon kung ako ay nagsisinungaling, mag-resign ako bukas kaagad. ‘Yan ang garantiya ko sa inyo,” anito. (Daris Jose)

DINGDONG at MARIAN, muling mapapanood sa primetime sa pagbabalik ng ‘Endless Love’

Posted on: May 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MUKHANG inip na ang mga DongYan fans ng mag-asawang Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera, na mapanood silang magkasama sa isang serye.

 

 

Kaya umani ng maraming likes ang post ng GMA Network na muling mapapanood sa GMA Telebabad ang Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Endless Love na ipinalabas 11 years ago.

 

 

Hango ito sa South Korean drama na Autumn in My Heart na ipinalabas dito noong 2000 pero ang Pinoy adaptation ay ipinalabas dito in 2010.

 

 

Kasama rin sa serye sina Dennis Trillo, Nadine Samonte, Bela Padilla, Tirso Cruz III at SandyAndolong. Dinirek ito nina Mac Alejandre at Andoy Ranay.

 

 

***

 

 

NAGLAGAY ng sariling community pantry ang actress na si Bea Alonzo, sa kanyang bahay noong Labor Day, na ang binigyan niya ng pagpapahalaga ay ang kanyang mga house helpers at ilang frontline workers, delivery drivers, who go extra mile to keep them all safe, healthy, in these trying times.

 

 

Kasama ang kanyang staff, may indoor games sila, na ang mga winners ay tumanggap ng P 20,000 at P 10,000 namang  consolation prizes.  Nag-order lamang si Bea ng pagkain at sinurpresa niya ang mga delivery riders ng P 15,000 each. May naka-set din siyang table na puno ng chips, biscuits and drinks para sa mga delivery riders na dumaraan sa tapat ng bahay niya.

 

 

Isang fan niya, si Cathy, na madalas siyang binibisita noon sa kanyang mga tapings, na ngayon ay isa nang health worker na humaharap sa high risk duty nito, ang binigyan ni Bea ng P 20,000 as her Labor Day gift dito.

 

 

***

 

 

HINDI rin naman nagpahuli ang AlDub Nation (ADN) fans nina Alden Richards at Maine Mendoza na maglagay ng kanilang community pantry.

 

 

Sa pangangasiwa ng ilang admins ng iba-ibang fan club, kasama ang mga Team Abroad ADN, namigay din sila sa Binan, at Pagsanjan, Laguna. Bukod sa bigas, groceries and toiletries, namigay din sila ng McDo burgers para sa mga bata.

 

 

May mga naka-schedule pa silang community pantry sa iba pang mahihirap na lugar sa Laguna at isasama na rin nilang bibigyan ang mga delivery riders sa mga susunod na araw.

 

 

Mayroon din sila sa Sta. Maria, Bulacan na present naman si Nanay Dub ni Maine sa kanilang community pantry distribution doon.

 

 

Samantala, back to work sina Alden at Maine sa kani-kanilang project. Sa Sunday, muling mapapanood ang Bida Kid singing competition na Centerstage hosted by Alden. Pansamantala silang nahinto dahil hindi sila makapag-taping nang muling sumipa ang Covid-19 cases at hindi talaga pwedeng magtrabaho ang mga bata.

 

 

Tuluy-tuloy na ang taping ni Maine ng kanyang bagong weekly travel and food  show para sa Cignal TV.

 

 

***

 

 

KINIKILIG ang mga netizens at followers ng GMA Network romantic-comedy series nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez, na mas pinili ni PGA (President Glenn Acosta, Gabby) na sundin ang kanyang puso at mas pinili niya si Yaya Melody (Sanya) kaysa sa socialite na si Lorraine (Maxine Medina).

 

 

Kahit si Blesilda (Pilar Pilapil) ay pinili ang babaeng mamahalin hindi lamang si PGA ganoon din ang mga anak nito. Pero siguradong may buwelta si Lorraine at ang ama nito (Gardo Versoza) kina PGA at Yaya Melody.

 

 

Abangan ang First Yaya gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras. (NORA V. CALDERON)

“Treat all the vaccines as the same” sa pamamahagi ng COVID-19 vaccines sa LGUs

Posted on: May 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

“Treat all the vaccines as the same.”

 

Ito ang bilin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., sa kanyang Talk To The People, Miyerkules ng gabi kapag namahagi na ng COVID-19 vaccines sa Local Government Units (LGUs).

 

“Keep a blind eye to brands when distributing COVID-19 vaccines to local governments to avoid disputes about vial preferences that will prolong the process,” aniya pa rin.

 

Ang paliwanag ng Pangulo, hindi malayong magkaubusan ng suplay ng bakuna kapag hinayaan na mamili ng isang bakuna ang nais na magpaturok nito laban sa Covid -19.

 

“Is there any superiority among the vaccines that are being injected now on people? Is there one that’s superior? Because, you know, once you choose one and there is a study or somebody saying that this vaccine is far more superior than what is being given, there’s a problem there,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

“So you choose: I’ll have Astra[Zeneca]. And the others who want that may not be able to get that anymore because it’s been used up. That’s where we have a problem. Well, if you look at it, really look at it, it’s discriminatory,” dagdag na pahayag nito.

 

Bilang tugon, sinabi naman ni Galvez na kailagan na masunod ang naging kautusan ng Chief Executive.

 

“Sir, we will implement that, sir. And as we have seen, the uptake by our citizens has been good no matter what we give them. They really line up for it.” ani Galvez.

 

“And as they have been saying, the most effective vaccine is the vaccine that we already have,” aniya pa rin.

 

“As of Wednesday,” ang pamahalaan ay nakapagbakuna na ng mahigit dalawang milyong katao na kabilang sa prioritized groups — gaya ng health workers, senior citizens, at mga taong may comorbidities. (Daris Jose)

Gobyernong Duterte, determinado na pigilan na mawala ang isa pang teritoryo sa WPS

Posted on: May 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DETERMINADO ang pamahalaan na pigilan ang pagkawala ng isa pang teritoryo matapos palayasin ng mga coast guard authorities ang Chinese vessels mula sa Sabina Shoal sa West Philippine Sea.

 

Pinuri ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pinakahuling hakbang ng coast guard, sabay sabing ang bansa ngayon ay nagpapalayas ng mga foreign vessels mula sa local waters sa halip na tayo ang pinapalayas.

 

“Yan po ang administrasyon ni Presidente Rodrigo Roa Duterte sa administrasyon ni Albert del Rosario nung siya ay DFA (Department of Foreign Affairs) tayo ang pinapalayas, pero kay Presidente Duterte tayo ang nagpapalayas,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Malinaw po nasa loob yan ng ating exclusive economic zone at napalakalapit sa Palawan. Walang kaduda-duda tayo lang may karapatan sa area na ‘yun,” dagdag na pahayag nito.

 

Pinanindigan naman ni Sec. Roque na nananatiling committed ang pamahalaan na protektahan ang ‘sovereignty at sovereign rights’ sa West Philippine Sea.

 

“Ang pinandigan po ng Presidente wala pong teritoryong mawawala sa administrasyon niya at ‘yan po ang kanyang pinatutupad ngayon,” anito.

 

“Lahat po ng teritoryo dapat pangalagaan at tama po na ang coast guard ang magbantay niyan dahil kabahagi po yan ng ating tanging yaman,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Sa ulat, tila nag-iba ang takbo ng joint maritime exercise ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Sabina Shoal noong nakaraang linggo nang paalisin nito sa teritoryo ng Pilipinas ang 7 barko na kalauna’y nalamang galing China.

 

Ayon kay Philippine Coast Guard spokesperson Commodore Armando Balilo, nasa lugar ang barkong BRP Cabra at dalawa pang barko ng BFAR nang mamataan ang una’y 7 unidentified foreign vessel bandang alas-9 ng umaga ng Abril 27.

 

Nasa halos 120 kilometro ang Sabina Shoal mula sa Mapankal Point ng Rizal, Palawan.

 

Nakaangkla roon ang mga barko na nadiskubreng mga China maritime militia vessel.

 

Agad niradyuhan ng Coast Guard sa mga barko para igiit na nasa Philippine Exclusive Economic Zone ang mga ito at pinagpapakilala sila.

 

Kasama sa mga hiningi ang pangalan ng mga barko, bakit naroon sila at kung saan sila nanggaling at patungo.

 

Sabi ng PCG, 3 beses hindi sinagot ang pagraradyo nila kaya nilapitan na ng 3 barko ng Pilipinas ang mga Chinese militia vessel. Doon nag-angat ng angkla at nagpaandar ng makina ang mga ito.

 

Matatandaang noong Marso nagparada ang Tsina ng 200 barko sa Julian Felipe or Whitsun Reef.

 

Noong Abril, may naganap ding parehong paghahamon ng barko ng Chinese military sa sasakyan ng mga Pilipinong mangingisda na kasama ng ABS-CBN news team na patungong Ayungin Shoal.

 

Nitong linggo naman, humingi ng paumanhin si Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. dahil sa pagmumura sa tweet na gumigiiit na umalis na ang Tsina sa mga isla ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

 

Nanawagan naman si Duterte sa Tsina noong Lunes na hayaan nitong makapangisda nang mapayapa roon ang mga Pilipino, at idinagdag na nananatiling ‘benefactor’ ang Tsina sa Pilipinas.

 

Samantala, may sagot naman si Sec. Roque kay retired Supreme Court senior Associate Justice Antonio Caprio na sinabing “grand estafa” ang sinabi ni Duterte na hindi sya nangakong ibabalik ang mga teritoryo ng Pilipinas na inangkin ng Tsina. (Daris Jose)

KORINA, nagbahagi ng emotional tribute sa biglaang pagpanaw ni RICKY LO

Posted on: May 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGLULUKSA na naman ang local entertainment industry dahil sa biglaan at nakagugulat na pagpanaw ng ‘well loved’ veteran entertainment editor at TV host na si Ricky Lo.

 

 

Noong gabi ng May 4, bandang 10 p.m. kumalat na ang balitang namaalam na si Kuya Ricky or Tito Ricky hanggang sa makumpirma na ayon mismo sa kanyang kapatid na si Susan Lee ay na-stroke ito.

 

 

Kaka-celebrate lang niya last April 21 ng kanyang 75th birthday at nakapag-bakuna pa sa Quezon City ilang araw bago ang kanyang kaarawan.

 

 

Nagsilbi siyang entertainment editor ng Philippine Star sa loob ng ilang dekada kung saan mababasa rin ang kanyang daily column na ‘Funfare’ na sinusubaybayan ng marami, dito at sa ibang bansa.

 

 

Agad namang naglabas ng statement ang Philippine Star:

 

“You will be remembered, Sir Ricky.

 

 

“It is with deep sorrow that we announce the passing of our beloved Entertainment editor and columnist Ricky Lo on May 4, 2021,”

 

 

Tulad nang inaasahang bumuhos nga ang mensahe ng pakikiramay, pagdarasal at pasasalamat sa social media mula sa mga kaibigan, katrabaho at kasamahan sa industriya dahil isa nga si Kuya Ricky sa nicest person na nakilala namin, na sa kabila ng kanyang kasikatan ay nanatiling siyang humble, palabati at walang sini-sino, kaya sobrang mapalad ang mga taong naging malapit sa kanya.

 

 

Isa nga si Ricky Lo sa mga co-host ng The Buzz sa ABS-CBN nang magsimula ang programa noong 1999.

 

 

Nakasama naman niya si Ms. Melanie Marquez noong 2005 sa Showbiz Stripped ng QTV 11 hanggang sa palitan ito ng The Ricky Lo Exclusives noong 2007.

 

 

Naging regular co-host rin siya ng Startalk noong 2008 na tumagal ng ilang taon, hanggang matapos ito noong September, 2015.

 

 

Naglabas din si Ricky Lo ng libro noong 1995 na Star Studded, na naglalaman ng compilation ng mga articles niya about the stars at Conversations with Ricky Lo na compilation naman ng kanyang exclusive interviews na nilabas noong 2001.

 

 

Samantala, isa naman sa nagbigay ng emotional tribute ang sikat na broadcaster na si Korina Sanchez-Roxas sa kaibigan na si Ricky Lo.

 

 

Sa kanyang Instagram post noong May 5, sinimulan niya ito ng, “He began as my tormentor. Ricky Lo was Ricky Lo. In the 80’s and 90’s everyone in the industry revered and feared him.”

 

 

Sa pagpapatuloy ni Ate Koring, “His Philippine Star column was the column to be in. He makes or breaks you.

 

 

“Through years of talking he became a friend and supporter of this struggling, determined TV reporter and host. I gave him the scoops. And the friend eventually because an ally.

 

 

“In later years Ricky Lo was still Ricky Lo. The one I could always rely on. Will never forget his tribute to me when I turned 50, dedicating three whole pages to testimonials to my person and career.

 

 

“I loved my friend Ricky. Till the day he had finally gone, no press conference was truly legit without his presence.

 

 

“Then on his 75th birthday recently I sent him his favorite food and I wondered why he was slow to respond. I marveled at how good he still looked. Am shocked. Am saddened. What a loss to all. End of an era.

 

 

“Never to be forgotten. To be so, so missed. I love you and will see you again one day my friend. Godspeed.”

 

 

Sigurado kami na maraming pang lalabas na fondest memories nila noong nabubuhay pa ang nag-iisang Ricky Lo.

 

 

Goodbye Tito Ricky and may you rest in paradise!  (ROHN ROMULO)

Gen. Eleazar, bagong PNP chief

Posted on: May 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Police Lt. Guillermo Eleazar bilang susunod na Philippine National Police chief kapalit ni outgoing PNP chief PGen Debold Sinas, na nakatakda nang magretiro sa Mayo 8, 2021.

 

 

“Eleazar is next Chief PNP,” pagkumpirma ni DILG Secretary Eduardo Año matapos aprubahan ng Pangulo ang appointment nito.

 

 

Sinabi rin ng DILG chief na si Eleazar ang inirekomenda ng National Police Commission (NAPOLCOM) para pumalit kay Sinas base sa seniority nito, merit, reputasyon sa serbisyo at competence para pangunahan ang PNP.

 

 

Kumpiyansa rin si Año na ‘very qualified’ si Eleazar sa naturang posisyon.

 

 

“I expect PLt Gen. Eleazar to lead the PNP Organization to greater heights amidst the pandemic during these challenging times,” aniya pa.

 

 

Una nang sinabi ni Año na isang pangalan lang ang inilagay nila sa listahang ipinadala kay Pang. Duterte upang pagpilian nito na magiging susunod na hepe ng PNP.

 

 

Samantala,  suportado ni retiring PNP Chief, Police General Debold Sinas ang bagong liderato ng PNP at nanawagan sa 220,000-strong police force na suportahan ang bagong Chief PNP na si Police Lieutenant General Guillermo Lorenzo Eleazar.

 

 

Ngayong Biyernes May 7,2021 isasalin ni Sinas ang kaniyang pwesto kay Eleazar sa isang traditional change of command ceremonies. Si Sinas ay magreretiro na sa serbisyo.

 

 

Pormal na ring uupo bilang ika-26 na PNP Chief si PLt. Gen. Guillermo Eleazar.

 

 

Si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, ang siyang magsisilbing presiding officer sa turnover ceremony na gagawin Sa Camp Crame sa Biyernes, alas-2:00 ng hapon.

 

 

Anim na buwang pamumunuan ni Gen. Eleazar ang PNP bago ang kanyang pagreretiro sa kanyang ika 56 na kaarawan sa Nobyembre 13 ng taong ito.

 

 

Ayon kay Sinas, ang mahalaga ngayon ay magkaroon ng continuity of command para i sustain ang momentum at ipagpatuloy ang institutional programs and policies na kaniyang sinimulan.

 

 

Aniya, sa loob ng anim na buwan tiwala siya na accomplished ng PNP ang misyon nito.

 

 

Sina Sinas at Eleazar ay kapwa miyembro ng illustrious PMA “Hinirang” Class of 1987 at ang dalawang miyembro ng PNP Command Group sina PLTGEN Joselito Vera Cruz, the 3rd in command bilang The Deputy Chief for Operations, at si PLTGEN Israel Ephraim Dickson ang 4th in command bilang The Chief Directorial Staff.

 

 

Grumadweyt si Eleazar ng Cum Laude at Top 4 ng PMA Class 1987.

 

 

Si Eleazar ay tubong Tigkawayan, Quezon at anak ng World War II veteran.

 

 

Pagka graduate nito sa PMA agad siya na assign sa Southern Luzon, nadestino din siya bilang CIDG chief ng Central Luzon at Central Visayas.

 

 

Naging commander ng PNP Anti-Cybercrime Group, QCPD Director, Calabarzon RD at NCRPO.

 

 

“I urge you to give my classmate, Police Lieutenant General Guillermo Lorenzo T Eleazar, the same 100 percent support you gave during the past six months under my watch,” Sinas said on the heels of his retirement on May 8, 2021 when he shall reach the mandatory retirement age of 56 years old,” pahayag ni Sinas. (Daris Jose)

4 pang NBA players nagpositibo sa COVID-19

Posted on: May 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Apat pang panibagong mga NBA players ang nagpositibo sa COVID-19 mula ito sa halos 500 na isinailalim sa testing sa loob ng isang linggo.

 

 

Sinasabing kabilang sa nagpositibo sa virus ay ang mga players ng Chicago Bulls na sina Chandler Hutchison at Tomas Satoransky.

 

 

Bago ito, umabot sa 492 players ang isinailalim sa COVID-19 test mula April 28.

 

 

Sina Lakers guard Dennis Schroder at Hornets forward Miles Bridges ay dalawang linggo naman na hindi rin makakalaro dahil sa NBA coronavirus protocols.

 

 

Mula noong nakalipas na taon umabot na sa 177 NBA players ang nagpositibo sa coronavirius.

 

 

Habang kinumpirma ni NBA commissioner Adam Silver na mahigit 70% na sa mga players ang nakatanggap ng isang dose ng vaccine.