• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 14th, 2021

Mahigpit na ipatupad at i- monitor ang pagsunod sa lahat ng health protocols sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan

Posted on: May 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa mga pinuno ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan at instrumentalities ng executive branch, kabilang na ang government-owned and -controlled corporations, na mahigpit na ipatupad at i- monitor ang pagsunod sa lahat ng health protocols sa kani-kanilang tanggapan.

 

Nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, araw ng Martes ang Memorandum Circular 86, na nagsasaad ng pangangailangan na “to monitor compliance with health protocols in the workplaces of all government agencies and instrumentalities, to mitigate and suppress the spread of Covid-19 while ensuring the continuous delivery of public services.”

 

“Accountability for ensuring observance of such protocols shall rest jointly with such heads of agencies and the Committee,” ang nakasaad pa rin sa circular.

 

Ang mga ahensiya at instrumentalities ng executive branch ay inatasan na hikayatin ang mga employees’ associations sa kani-kanilang lugar ng trabaho na aktibong magpartisipa upang matiyak ang maagap na komunikasyon at mas malawak na pagsunod.

 

Inilarawan naman ng circular ang “temporary closure of premises” bilang “an extreme measure”, reserba para sa situwasyon kung saan ang pagkalat ng Covid-19 sa mga lugar na pinagta-trabahuhan ay napakalaki at hindi mapamahalaan.

 

“However, the head of an agency or instrumentality considering to temporarily close its main or central office shall submit to the head of the department exercising control or supervision over it, or to which it is attached, a request for clearance to shut down the premises,” ang nakasaad sa circular.

 

“The request shall state the proposed duration of the measure and must be supported by verified data and other documentation,” ang bahagi pa rin ng nilalaman ng circular.

 

“No closure” ang dapat at kailangang iimplementa hanggang hindi nakukuha ang clearance mula sa pinuno ng departamento.

 

Ang temporary closure ng sangay at regional o field offices ay maaaring desisyunan ng pinuno ng concerned department, agency, o instrumentality.

 

“In the case of agencies or instrumentalities, they shall notify the head of the department exercising control or supervision over them, or to which they are attached, of the temporary closure and the measures adopted to ensure the continuous and uninterrupted delivery of public service.

 

Agencies or instrumentalities not under the control or supervision of or attached to any department, as well as departments considering temporary closure of their main or central offices, shall submit their request for clearance to the Office of the President,” nakasaad pa rin sa circular.

 

Hindi naman papayagan ang Temporary closures para lamang makapagsagawa ng disinfection ng premises.

 

Sa halip, ang disinfection ay kailangang gawin matapos ang office hours o weekends.

 

Mahaharap naman sa administrative sanctions ang mga lalabag o mabibigo na maipatupad ang circular partikular na ang mga pinuno ng ahensiya at miyembro ng Safety and Health Committee.

 

“The offices of the legislative and judicial branches of government, independent constitutional commissions, and bodies, and local government units are strongly urged to adopt the applicable provisions of this circular,” ayon sa circular. (Daris Jose)

Ads May 14, 2021

Posted on: May 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

P1K ayuda sa Bayanihan 3 kinontra sa Kamara

Posted on: May 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi sinang-ayunan ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ang panukala ng House Committee on Economic Affairs at Committee on Social Services na P1,000 lamang ang ayudang ipamimigay bawat indibidwal sa ilalim ng Bayanihan 3.

 

 

Sinabi ni Cayetano na sapat ang P200 bilyong pondo ng panukalang Bayanihan 3 para makapagpamahagi ng P10,000 ayuda sa bawat pamilya.

 

 

“Hindi limos ang hinihingi ng ating mga kababayan. Tulong, dahil extraordinary ang problema,” pahayag ng dating Speaker.

 

 

Nitong Pebrero, inihain ni Cayetano at kaniyang mga kaalyado ang 10k Ayuda Bill na nag­lalayong mabigyan ng P10,000 tulong-pinansyal ang bawat pamilyang Pilipino habang patuloy ang kawalan ng trabaho at kagutumang dulot ng pandemya.

 

 

Isinama ang panukala sa bagong bersyon ng Bayanihan 3, pero sa kasamaang-palad ay hindi isinali ang probisyon na P10,000 ayuda bawat pamilya.

 

 

Hinimok ng dating Speaker ang publiko na manawagan sa mga mam­babatas na suportahan na ang mungkahing mabigyan ng P10,000 tulong-pinansyal ang bawat pamilya.

 

 

Kumpiyansa naman si Cayetano na hindi ibi-veto o tatanggihan ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte ang 10k Ayuda Bill kapag ipinasa ito ng Kongreso dahil may mapagkukunan naman ng pondo para rito. (Daris Jose)

Antibodies kontra COVID-19 mananatili sa katawan ng tao ng 8-months

Posted on: May 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mananatili ang antibodies laban sa coronavirus ng hanggang walong buwan matapos na madapuan ang isang tao ng COVID-19.

 

 

Ayon sa San Raffaele hospital sa Milan, Italy na hindi ito mawawala anumang edad ng pasyente o ang presensiya ng pathologies.

 

 

Sa ginawang pag-aaral sa ISS national health institute na mayroong 162 pasyente na symptomatic coronavirus ang dinala sa emergency room sa unang pananalasa ng virus noong nakaraang taon.

 

 

Kinuhanan ang mga ito ng blood samples noong Marso at Abril kung saan inulit ito sa katapusan ng Nobyembre.

 

 

Sa nasabing bilang ay 29 na ang nasawi.

Higit 18K katao, arestado sa hindi pagsusuot ng face masks

Posted on: May 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Umaabot na sa kabuuang 18,862 indibiduwal ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa hindi pagsusuot o di kaya ay maling paraan nang pagsusuot ng face masks.

 

 

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, ang naturang bilang ng mga naarestong violators ay naitala nila mula Mayo 6 hanggang Mayo 10 lamang.

 

 

Sa isang televised meeting kay Pang. Duterte, sinabi ni Año na sa naturang bilang, 9,379 ang binigyan ng warning; 8,027 ang pinagmulta; 491 ang pinag-community service; 904 ang inaresto at 61 ang isinailalim sa inquest proceedings.

 

 

Kaugnay nito, tiniyak ni Año sa Pangulo na patuloy nilang ipinatutupad ang kautusang inilabas nito noong nakaraang linggo, na arestuhin ang mga taong matigas ang ulo at hindi pa rin tumatalima sa tamang pagsusuot ng face mask kapag nasa mga pampublikong lugar.

 

 

“Patuloy po nating ipapatupad ang inyong pag-uutos na arestuhin ang mga hindi po sumunod sa pagsusuot ng face mask. Tuluy-tuloy po naming ipatutupad ang inyong instructions sapagkat ito po ‘yong pinagmumulan ng sinasabi nating outbreak ng COVID-19  kapag po sumuway sa public health standard protocol,” dagdag pa ni Año.

 

 

Samantala, iniulat na rin ni Año na nasa 280 katao ang nahuli nilang lumalabag sa mass gatherings. (Gene Adsuara)

Duterte nagpaliwanag sa pag-atras sa debate kay Carpio

Posted on: May 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit umatras siya sa hamon niyang debate laban kay retired Senior Supreme Court (SC) Associate Justice Antonio Carpio.

 

 

Sinabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People noong Lunes, nakalimutan niya na isa siyang presidente ng bansa.

 

 

Nakinig naman umano siya sa payo ng kanyang mga gabinete na hindi siya dapat makipag-debate kay Carpio at kung pumasok naman siya sa debate ay baka isipin ng lahat na ang kanyang mga pananaw sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) ay maituturing na polisiya ng gobyerno.

 

 

Dahil dito kaya minabuti na lang umano niyang umatras sa debate dahil posibleng malagay sa ala­nganin ang mga aksyon ng gobyerno pagdating sa WPS.  (Daris Jose)

2 mutation ng Indian variant mas mabagsik – DOH

Posted on: May 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

May dalawang mutation ang COVID-19 Indian variant na mas mapanganib sa tao dahil sa kapabilidad na mas mabilis na makahawa at mas magdulot ng lubha sa pasyente, ayon sa Department of Health (DOH).

 

 

Sa presentasyon ng DOH sa media forum, nabatid na may 16 mutation na ang Indian variant o ang B.1.617 variant ngunit ang E484Q at L452R ang mga mutation na mas nakakabahala.

 

 

Ang mutation L452R ay sinasabing may mas mataas na kakayahang mas mabilis na makahawa ng marami at malabanan ang antibody ng isang tao. Maaari rin nitong matulungan ang virus na maiwasan ang antibodies ng mga indibidwal na nakarekober na o nabakunahan na.

 

 

Ang Mutation E484Q naman ay kahalintulad ng E484K mutation na matatagpuan sa South African variant at Brazil variant. Mas malakas ang binding capacity nito sa tao at maaaring makai-was sa immune system.

 

 

Tinukoy na rin ng World Health Organization (WHO) na “variant of concern” ang Indian variant.

 

 

Sa Pilipinas bukod sa Indian variant, unang natukoy dito ang presensya ng United Kingdom variant, South African variant at P.3 variant na unang nadiskubre sa ating bansa.

 

 

Sa kabila naman ng pagbaba ng mga kaso sa mga nakalipas na araw, nagpaalala si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na huwag magpakampante ang publiko dahil wala pa rin sa ‘safe level’ ang sitwasyon sa bansa at mataas pa rin ang average daily attack rate.

Emily Blunt, Responds To ‘Fantastic Four’ Reboot Casting Rumors

Posted on: May 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

EMILY Blunt responds to long-standing rumors regarding her and John Krasinski playing Sue Storm and Reed Richards in Marvel’s upcoming Fantastic Four reboot.

 

 

It is now well-known that Blunt turned down the role of Black Widow in Iron Man 2, and since then, her name has been attached to the MCU.

 

 

20th Century Fox was responsible for the Fantastic Four‘s cinematic debut in 2005, a less than serious take Marvel’s First Family, which led to the 2007 sequel subtitled, Rise of the Silver Surfer, before the franchise fizzled out. Fox tried to reboot Fantastic Four in 2015, but the film was a commercial and critical flop.

 

 

Marvel Studios acquired the rights to Fantastic Four in Disney’s acquisition of 20th Century Fox in 2019, and since then, the Mouse House has been looking to revitalize the flailing franchise.

 

 

During the San Diego Comic-Con in 2019, Marvel head, Kevin Feige confirmed that a Fantastic Four movie was in development, and later it was announced Jon Watts, the director known for all three of the MCU’s Spider-Man movies, would helm.

 

 

The project has been rather quiet since then, but there has been no shortage of fan castings. For a while now, real-life couple, Emily Blunt and John Krasinki, have been popular choices for Sue Storm and Reed Richards, since both actors have been linked to the MCU in the past (Krasinski screen-tested for the role of Captain America).

 

 

During her appearance on The Howard Stern Show, Blunt is responding to these long-standing Fantastic Four casting rumors. While fans have been clamoring to see Blunt and Krasinski cast as the Invisible Woman and the super stretchy Mr. Fantastic, Blunt unequivocally dispelled any rumors about herself or her husband potentially appearing in Marvel’s upcoming Fantastic Four reboot.

 

 

When asked if the genre was beneath her, the Quiet Place star was rather blunt, when voicing her dislike of superhero movies. Read her full response below:

 

 

That is fan-casting. No one has received a phone call. That’s just people saying, ‘Wouldn’t that be great?’ … It’s not that it’s beneath me. I love Iron Man and when I got offered Black Widow I was obsessed with Iron Man. I wanted to work with Robert Downey Jr.—it would’ve been amazing … but I don’t know if superhero movies are for me. They’re not up my alley. I don’t like them. I really don’t.

 

 

Though Blunt did seem clear she wasn’t interested in playing a superhero, she added, “It’s not to say that I’d never want to play one,” which leaves some hope for fans who wish to someday see her as Sue Storm. Although Blunt did say it would have to be a “really cool character” before she is interested.

 

 

While it doesn’t seem that Sue Storm meets Blunt’s requirements, she would undoubtedly be a great casting choice. She has previously proven she belongs in action films, based on her performances in Edge of Tomorrow and A Quiet Place, and has also pulled off more comedic roles in her career as well.

 

 

Since it is currently being speculated that Fantastic Four could take up the remaining slot in Marvel’s 2023 slate, they likely have not even begun the casting process yet.

 

 

Maybe when Marvel’s Fantastic Four movie actually begins to materialize, a potential role in the MCU will start to draw some interest from Blunt. (source: screenrant)

 

(ROHN ROMULO)