Nagkaron ng ground-breaking ceremony noong May 18 ang pagtatayo ng EDSA busway concourse sa pangunguna ng Department of Transportation (DOTr) kasama ang SM Group na ilalagay sa pinakaabalang langsangan sa Metro Manila.
Sa pamamagitan ng EDSA busway concourse makakamit at matitikman ng publiko ang pagbabago sa EDSA gamit ang concourse. Mas magiging ligtas ang pag-akya’t baba ng mga pasahero sa mga sasakyan. Magiging kombinyente na rin ang pagsakay dahil magkakaron ito ng ticket booths, concierge at turntiles para sa automatic fare collection system (AFCS).
“The world-class and state-of-the-art EDSA busway concourse will provide convenient and safe transport access to commuters, especially those in vulnerable sectors, such as senior citizens, persons with disabilities (PWDs) and pregnant women,” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade.
Ang mga sasakay na pasahero ay gagamitin ang mga concourses upang doon bumili ng ticket at andon din ang AFCS at concierges.
Ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagtatayo nito ay nilagdaan noong November 2020.
Tatlong (3) concourses ang itatayo ng SM Group. Ang isa ay sa SM Mall of Asia at ang dalawa (2) naman ay sa SM Megamall sa Mandaluyong at SM North sa Quezon City.
Makakatulong din ang mga concourses sa pagtutulak ng isang mas ligtas, kaaya-aya, maginhawa, mabilis at komportableng EDSA busway system.
Ayon kay SM Supermalls president Steven Tan gagastusan nila ang proyekto dahil gusto nilang maging bahagi ng commuting experiences ng mga pasahero sa pagbibigay ng mas ligtas at maginhawang paglalakbay.
“SM has invested over P120 million for this project. We really aspire to provide a convenient, fast, and safe commuting experience to Filipinos. The project is slated to start next month June 2021 and the target completion is within 10 months, so by the first quarter of 2022, we hope that everybody can already enjoy this convenient and pleasurable experience of commuting along EDSA,” saad ni Tan.
Sinabi ni DOTr assistant secretary Steven Pastor na maaari pa na madagdagan ang mga concourses na ilalagay sa mga stations ng EDSA busway.
“Through our private partners, the Double Dragon and Wenceslao Group, there would be additional two (2) concourses to be constructed in Roxas Boulevard and Macapagal Avenue. On top of that four (4) stations may still be added in Buendia, Taft, Roxas Boulevard, and Tramo,” wika ni Pastor.
Ang proyekto ito ay inulungsad sa pagtutulungan din ng mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metro Manila Development Authority (MMDA). Ito ay ginawang konsepto ng kasagsagan ng COVID 19 pandemya noong June 2020 upang magbigay ng isang tuloy-tuloy na paglalakbay ang high-capacity Public Utility Buses (PUBs).
Samantala, ayon sa ulat ng MMDA may 47.3 percent na pagbaba ang paglalakbay ng mga buses na dumadaan sa EDSA mula January 2020 hanggang January 2021 habang mayron naman naitala na pagtaas ng 89.81 percent o 9.61 kilometers per hour average ang travel speed ng PUBs para sa ganon din panahon. (LASACMAR)