• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 8th, 2021

KRIS, may personal tips na maging conscious ang mga babae dahil sa natanggap na bulaklak

Posted on: June 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa natanggap na mga bulaklak, biglang may personal tips si Kris Aquino na dapat daw medyo conscious ang mga babae.

 

So, most likely, itong tips na ito ni Kris ang isa sa mga naging warning sign niya siguro pagdating sa mga lalaking nagpaparamdam sa kanya.

 

Ang bet sa kanya ng netizens na maging sila na lang daw, pero sey naman ni Kris ay bff niya na si Mark Leviste, ipinakilala raw sa kanya ang florist na Sheryl, pero sabi ng florist, ang name niya ay Cherry.

 

So, sey ni Kris, “Kalurx, no intriga but red flag na for the girls out there, if a guy mixes up names of girls and he uses a phone na 5 models ago—medyo sure sign na he’s a player.

 

“Said this several times on Kris TV, no offense meant but if the guy can afford pero hindi maganda ang phone means gusto ng “disposable” para pag may nahuli, madali to drop the phone, step on it, and no more evidence.”

 

At saka nito inamin na may hugot nga raw siya.  Aniya, “Yes may #hugot,” at saka isinunod ang dalawang emoji ng broken hearts at plaster.

 

“But this is my heartache, not yours—so please be happy and if you are in a loving relationship, cherish and take care of it. Life has taught me, a heart will heal, it just takes time and the ability to let go of all you thought could have been.”

 

So, sino kaya itong nagpa-broken na naman ng heart ng nanay nina Josh at Bimby?

 

***

 

NOONG June 5 daw dapat ang kasal ni Kris Bernal sa fiancé nito na si Perry Choi, pero dahil noong April ng taong ito ay biglang sobrang taas ng mga nagpo-positibo sa COVID-19, wala silang choice kung hindi i-move na naman sa ibang date ang kasal nila.

 

Inamin ni Kris na hindi raw niya maiwasang umiyak habang tumatawag at kinakausap mula sa supplier na mamu-move ang kasalan.

 

Sa Instagram post ni Kris ay nag-share ito ng isa sa pre-nup photo nila at do’n sinabi na dapat ay kasal na siya.

 

Sey niya, “The day I was supposed to turn from Ms. Bernal to Mrs. Choi and my supposed biggest day ever.

     “We were supposed to get married today!

“I remember it was April, when a sudden surge in COVID-19 cases happened and it reached around 12k or 15k a day so we decided to move our wedding instead. After careful consultation with our families, friends, and suppliers, it’s with deep sadness and heavy hearts that we had to move the wedding to a latter date because of the coronavirus surge.

     “I remember crying so hard that day as I was having a hard time sending my cancellation message. I think it was one of the toughest decisions that I ever made but we need to prioritize the health and safety of the most important people in our lives.

     “Nonetheless, the important thing is, the wedding is not entirely cancelled but moved to a latter date and prioritizing the safety of everyone above anything else.

     “More prenup photos will be out this month! “

 

At least, baka kapag kinasal na sila, tapos na rin ang bahay na pinapagawa nila at pwede na silang do’n na agad tumuloy.

(ROSE GARCIA)

Kiefer ‘di pinayagan ng PBA

Posted on: June 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi masisilayan si Kiefer Ravena suot ang Shiga Lakestars sa Japan B.League.

 

 

Ito ay matapos magdesisyon ang PBA Board of Governors na huwag pahintulutan si Ravena na makapaglaro sa Japanese league.

 

 

Nais ng PBA na sundin ni Ravena ang nakasaad sa kontrata nito sa NLEX Road Warriors.

 

 

“The PBA board had decided that Kiefer has to honor his contract with NLEX and with the PBA,” ani PBA chairman Ricky Vargas sa isang virtual press conference kahapon.

 

 

Humingi naman ng patawad si PBA commissioner Willie Marcial sa mga fans partikular na sa supporters ni Ravena.

 

 

Kailangan ni Ravena na irespeto ang pinirmahan nitong kontrata sa Road Warriors bago pumasok sa anumang uri ng kontrata sa labas ng PBA.

 

 

“We have a contract to abide by. We apologize,” ani Marcial.

 

 

Nakatakdang sumulat ang PBA sa Japan B.League upang iparating ang desisyon nito tungkol sa isyu ni Ravena.

 

 

Ipaaabot din ng liga ang desisyon nito sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na siyang nakikipag-usap sa FIBA sa mga usapin sa international player transfers.

 

 

Magugunitang inihayag ng Lakestars noong Miyerkules na nakuha nito ang dating Ateneo standout para lumaro sa 2021-2022 season ng Japan B.League.

 

 

Ngunit kasalukuyang nakapirma ng three-year maximum deal si Ravena sa NLEX Road Warriors.

Bus vs ambulansya: 8 sugatan

Posted on: June 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nasa walong katao ang nasugatan matapos na magbanggaan ang isang bus at ambulansya sa Brgy. Addition Hills sa Mandaluyong City kamakalawa ng gabi.

 

 

Hindi kaagad nakuha ang pagkakakilanlan ng mga sugatang biktima na kinabibilangan ng driver ng bus na nakilalang si Alber Lappay, 38,  ang kanyang konduktor at anim na mga pasahero, na pawang isinugod sa Mandaluyong Medical Center upang malapatan ng lunas.

 

 

Nabatid na isa sa mga biktima ay nasa kritikal na kondisyon matapos na tumilapon palabas ng bus dahil sa lakas ng impact nang pagka­kabangga habang naipit naman sa manibela ang driver ng bus.

 

 

Wala naman umanong laman ang ambulansiya nang mangyari ang aksidente bago mag-alas-8:00 ng gabi sa EDSA Shaw tunnel sa Mandaluyong City.

 

 

Ayon kay Bong Nebrija, hepe ng EDSA special traffic and transport zone division ng Metro Manila Development Authority (MMDA), nasa regular lane ang ambulansya ng First Cabuyao Hospital, na may plakang DAL-4329, at minamaneho ni Jonil Pepito, 24, ngunit bigla itong pumasok sa bus lane, sanhi upang mabangga ang paparating naman na EDSA Carousel bus, na isang Jell Transit Bus (CS-U1L885), may sakay na at minamaneho naman ni Lappa.

 

 

Nasalpok ng bus ang ambulansiya at tumaob, habang tumagilid naman ang bus sa kalye bago tuluyang tumama sa isang poste ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa center island ng EDSA tunnel, kaya’t nawasak ang bahagi ng center island.

 

 

“Kritikal sa kanila ‘yung pasahero na … well, apparently nung pagka-hit, eh tumilapon sa labas. Inabutan namin po siya sa kalsada,” ani Nebrija.

 

 

Nilinaw naman ni Nebrija na maaari namang gamitin ng ambulansiya ang bus way, ngunit priority pa rin dito ang mga bus.

 

 

“Eh, lalu-lalo na itong ambulansyang ito, wala namang laman. Ang kine-claim niya may pi-pickapin siyang pas­yente. I do not know what’s the level of emergency nung pipickupin niya,” dagdag pa ng MMDA official. Nabatid na wala namang CCTV camera sa bahaging iyon ng EDSA dahil katatanggal lang daw ng MMDA para sa maintenance.

 

 

Kinailangan ding isarado ang tunnel para sa clearing operations. (Gene Adsuara)

P82.5 bilyong pondo sa bakuna kinapos

Posted on: June 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi sapat ang P82.5 bilyon na inilaan ng gobyerno para sa pagbili ng bakuna ngayong taon laban sa COVID-19, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

 

 

Sinabi ni Budget Secretary Wendel Avisado na sa P82.5 bilyon, P70 bilyon ang ginamit para sa pagbili ng bakuna at P12.5 bilyon ang inilaan sa “ancillary at logistical requirements.”

 

 

“Alam ninyo po, sa taong ito ay nag-allocate po tayo ng P82.5 billion for COVID-19 vaccination program. Of this amount, 70 billion po iyong ginamit natin para ipambilli ng mga COVID-19 vaccines, at iyong P12.5 billion naman ay para sa ancillary and logistical requirements. Subalit hindi po tayo natatapos dito dahil talagang kaila­ngan pa natin nang mas marami pang vaccine, at nakikipag-unahan nga tayo sa ibang bansa. Kaya nga po itong lahat ng ito ay covered ng mga loan agreements,” ani Avisado.

 

 

Pero hindi pa aniya natatapos ang pagbabakuna at mas marami pang bakuna ang kinakailangang bilhin.

 

 

Sinabi rin ni Avisado na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalabas ng P2.5 bilyon na katumbas ng US$56 bilyon na kukunin sa 2021 contingency fund.

 

 

Ang pondo ay gagamitin para sa pagbili ng karagdagang 4 milyong doses ng bakuna at logistic at administrative cost.

 

 

Tiniyak ni Avisado na ang bakuna ay maide-deliver ngayong buwan.

 

 

Ang contingency fund ngayong 2021 ay P13 bilyon na maaari lang gamitin kapag ina­prubahan ng Pangulo, wika niya. (Daris Jose)

Deployment ng nurses sinuspinde ng POEA

Posted on: June 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pansamantalang sinuspinde kahapon ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA)  ang deployment ng mga new hire nurses, nursing aides, at nursing assistants sa ibayong dagat.

 

 

Ito’y matapos uma­nong maabot na ang 5,000 annual deployment ceiling.

 

 

“Pursuant to POEA Governing Board Resolution NO. 17, Series of 2020 on the lifting of the moratorium or temporary suspension on the deployment of nurses, nursing aides and nursing assistants until it reaches the annual deployment ceiling of 5,000 of new hires for healthcare workers, this Administration hereby announces that the said ceiling has been reached as of date,” nakasaad sa inilabas na Advisory No. 71 ng POEA, na pirmado ni Administrator Bernard Olalia.

 

 

“In view of the above, the processing and issuance of overseas employment certificates and the deployment of new hires for healthcare workers are hereby suspended effective immediately,” anito pa.

 

 

Ang mga healthcare workers naman umano na naisyuhan na ng kanilang corresponding overseas employment certificates ay papa­yagan pa ring makalabas ng bansa para sa kanilang overseas employment. (Gene Adsuara)

JOHN LLOYD, nag-trending dahil inabangan ang first tv appearance; ganun na lang ang pasasalamat kay WILLIE

Posted on: June 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INABANGAN at nag-trending nga sa Twitter Philippines ang first appearance ni John Lloyd Cruz sa Shopee 6.6 tv special last Sunday, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum at napanood sa GMA-7.

 

 

Si Willie Revillame ang host/producer ng show at dahilan sa pagbabalik ni John Lloyd sa Kapuso Network.

 

 

Binigyan ni Willie ng bonggang introduction at exposure si John Lloyd na umaming nanginginig at naninibago sa muling paglabas niya sa telebisyon makalipas ng maraming taon.

 

 

Mas naging sentimental nang kantahin ni John Lloyd ang “Yakap,” na pinasikat noong 1979 ng Spanish singer na si Junior, na bumagay ang lyrics sa kanyang pagbabalik-telebisyon.

 

 

Mainit ang pagsalubong ni Willie kay John Lloyd at ganun na lang ang pasasalamat niya sa host ng Wowowin.

 

 

“This is the first time for more than four years.

“Welcome back on TV! Ngayon ka lang nakita.

“Nakikita ka sa social media pero siyempre, iba ang telebisyon.

“Buong mundo, pinapanood ka.

“Lloydie, ano ang nararamdaman mo?” ang sabi ni Willie kay John Lloyd.

“Nagpapasalamat sa’yo, nandito ako,” sagot ni JL.

“Excited to be back! Kuya Willie, nandito ako dahil sa’yo, thank you, thank you!”

Halatang naging emotional si John Lloyd pero pinigilan niya na mapaluha habang nagsasalita si Willie.

“Pinagdaanan ko din ‘yan,” kuwento ni Willie.

“Maraming tao ang tumulong sa akin pero ang importante, Lloydie, nakausap kita. Nagkausap tayong dalawa, napakaganda ng puso mo, napakaganda ng pagkatao mo.

“Mahal na mahal mo si Elias, mahal na mahal mo iyong anak mo. Nami-miss ka naming lahat.

“Ang galing mo! Fan mo ako, fan mo kaming lahat dahil napakabuti mong tao at napakagaling mong artista!

Dagdag pa niya, “Sa totoo lang, lahat ng GMA artists, gusto kang makasama sa isang pelikula.

“Lloydie, iyong sumuporta sa’yo na sambayanang Pilipino, I think sila ang dapat mong pasalamatan kaya ka nandito. Nadidinig ko, nararamdaman ko ang pagmamahal sa’yo ng tao.

“Welcome back sa industriya kung saan ka nagsimula at alam ko dito tayo magtatapos din.

“Welcome back, John Lloyd Cruz!!!”

 

 

Pinakita rin sa nasa audience sina Maja Salvador at ang fiancé and business partner na Rambo Nunez para sa suportahan ang newest talent ng Crown Artist Management at tinatawag ni John Lloyd kanyang new manager na si “Ms. M”.

 

 

Hindi naman nakalimutan ni Willie na banggitin ang plano nila ni John Lloyd na magsama sa isang programa ng GMA-7 na tulad ng mga nasulat na, isa itong sitcom at posibleng makasama nila si Andrea Torres, kung walang magiging aberya sa negosasyon.

 

 

“Abangan n’yo ho, abangan n’yo, magsasama kami ni Lloydie sa pagbibigay ng saya sa inyo, sa primetime show.

“Abangan n’yo dito sa GMA-7!”

(ROHN ROMULO)

China nag-OK sa emergency use ng Sinovac para sa mga edad 3-anyos hanggang 17-anyos

Posted on: June 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inaprubahan na ng China ang emergency use sa Sinovac Biotech’s COVID-19 vaccine para sa mga nag-edad 3-anyos hanggang 17-anyos.

 

 

As of June 3, nasa 723.5 million doses na ng vaccine ang naiturok sa mass vaccination drive sa China.

 

 

Nilinaw naman ni chairman Yin Weidong, na kapag ang bakunang Sinovac ay inaalok sa mga mas batang grupo, nakasalalay sa mga health authorities na bumubuo ang mga diskarte sa inoculation ng China.

 

 

Sinabi ni Yin na ang mga menor de edad ay ang may mas mababang prayoridad para sa pagbabakuna laban sa coronavirus kumpara sa mga matatanda, na nahaharap sa mas mataas na peligro ng malubhang sintomas pagkatapos ng impeksyon.

 

 

Sa paunang mga resulta mula sa Phase I at II na mga klinikal na pagsubok ay nagpakita na ang bakuna ay maaaring magpakita ng tugon sa immune sa tatlo hanggang 17-anyos na mga kalahok, at ang karamihan sa mga masasamang reaksyon ay mild lamang.

 

 

Samantala, nagpapatuloy naman ang pag-submit ng kanilang data for clearance para sa kabataan ang state-backed drugmaker Sinopharm upang maggamit na rin ito sa mge menor de edad. (Daris Jose)

Dating import ng Aces at Beermen Galen Young patay sa aksidente

Posted on: June 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Patay ang American basketball player na si Galen Young matapos masangkot sa aksidente sa Memphis.

 

 

Base sa imbestigasyon ng Memphis Police Department, naganap ang insidente sa Horn Lake Road sa Memphis.

 

 

Naging import ng Alaska at San Miguel Beermen si Young noong 2004 hanggang 2009.

 

 

Labis na nalungkot si Aces coach Jeff Cariaso dahil sa pagkawala ni Young na naging import ng koponan mula 2004 at 2004 habang sa Beermen naman ay noong 2007.

 

 

Nagsimulang maglaro si Young sa University of North Carolina at Charlotte sa college at na-draft sa second round ng Milwaukee Bucks noong 1999 subalit hindi ito nakapaglaro sa NBA.

Sa previous episode ng ‘He’s Into Her’, nakadidismaya ang pambu-bully ng friends ni DONNY kay BELLE

Posted on: June 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NADISMAYA kami sa episode ng He’s Into Her last Sunday.

 

 

Hindi namin nagustuhan ang takbo ng kwento na binu-bully ng mga friends ni Donny Pangilinan si Belle Mariano.

 

 

Bullying is not right lalo na’t ang babae ang target ng bullying. At kahit na ano pa ang gender ng biktima ng bullying, it will never be right.

 

 

Kwento lang naman and work of fiction pero kung sino man ang nakaranas na ng bullying of any kind will surely cry foul sa ganoong takbo ng kwento.

 

 

Yun ba ang klase ng mensahe na gustong ipahatid ng He’s Into Her sa mga viewers ng programa?

 

 

Na okey lang ang bullying just to get back at a person?

 

 

Of course, tiyak na sasabihin ng creative team na makababawi rin sa kanyang tormentors ang karakter na ginagampanan ni Belle Mariano.

 

 

Pero just the same turn off talaga ang bullying arc ng kwento ng He’s Into Her.

 

 

***

 

 

SA tuwing aming nakikita ang shampoo commercial ni James Reid ay napapaisip kami kung ‘di ba nanghihinayang ang Viva contract star sa takbo ng kanyang career.

 

 

Ano na ba ang pinagkakaabalahan ni James ngayon? May trabaho pa ba siya na showbiz related?

 

 

Ayaw na ba niya talaga mag-artista? He lost the Pedro Penduko movie sa Viva after he had an injury.

 

 

The role was given instead to Matteo Guidicelli.

 

 

Sabi mas gusto raw ni James na mag-concentrate sa kanyang music career. Magaling din naman na musikero ang bf ni Nadine Lustre.

 

 

Sayang naman si James. With his looks, he can definitely other actors his age a run for their money.

 

 

Add to that his singing and acting abilities. He can still go a long way kung looks at talent ang pag-uusapan.

(RICKY CALDERON)

Top Russian woman tennis player laya na matapos arestuhin sa French Open

Posted on: June 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pansamantalang pinalaya na ang babaeng Russian tennis player na unang inaresto dahil sa iskandalo sa match-fixing noong nakaraang taon sa French Open.

 

 

Una nang inaresto si Yana Sizikova, matapos na siya ay maglaro sa Paris kaugnay sa French Open doubles match.

 

 

Pinalaya si Yana pero hindi pa kinasuhan habang patuloy pa ang imbestigasyon.

 

 

Ayon sa Paris prosecutor’s office ang 26-anyos na si Sizikova ay itinanggi naman ang alegasyon.

 

 

Kabilang sa reklamo kay Yana ay “sports bribery at organized fraud” na posible umanong kinasangkutan nito noong September 2020.

 

 

Iniulat naman ng kanyang abogado na labis umano ang pagka-shock ni Yana sa pangyayari dahil mistula siyang kriminal nang arestuhin.

 

 

Si Yana ay ranked 101st sa doubles at 765th sa singles sa buong mundo.