• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 16th, 2021

Guce sumalo sa ika-25 posisyon, binulsa P91K

Posted on: June 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WINAKASAN ni Clarissmon ‘Clariss’ Guce ang kampanya sa even-par 72 upang mag-three-day aggregate six-under par 210 upang humilera sa triple-tie 25th spot na may $2,049 (P98K) each sa 16th Symetra Tour 2021 9th leg $200K 10th Island Resort Championship finals sa Sweetgrass Golf Club sa Harris, Michigan noong Lunes.

 

 

Malamig na laro ito sa torneo ng US-based Pilipina shotmaker na 11 palo ang layo kay event winner  Swiss Morgne Metraux na mayroong 67-199 at kinopo ang top purse $30K (P1.4M) sa ‘Road to LPGA Tour.’

 

 

May kalamangan lang na one stroke ang siya kay Canadian Maudee-Aimee Leblanc  na ang 71-200 ang nagpuwesto sa kanya sa ikalawa na may katumbas na  $18,784. Nasa ikatlong puwesto si Norwegian Celine Borge sa 65-203 na mayroong $13,674.

 

 

Papalong muli si Guce sa ST 17th leg $175K 3rd Prasco Charity Championship sa TPC River’s Bend sa Cincinnati, Ohio sa parating na 26-28. (REC)

BANGKAY NATAGPUAN SA NASUNOG NA VESSEL

Posted on: June 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Philippine Coast Guard (PCG) kung ang bangkay na natagpuan sa bisinidad ng pinangyarihan ng nasunog na cargo vessel ay kabilang sa mga naiulat na nawawalang tripulante  sa Delpan Bridge sa Maynila. 

 

 

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, hindi na makilala ang bangkay kaya naman  nakipag-ugnayan pa ang coast guard  sa SOCO para matukoy ang kanyang pagkakilanlan.na natagpuan dakong alas-7:10 ng umaga.

 

 

Sabado ng umaga nang  masunog at sumabog   ang barko na MV Titan 8  habang naka-angkla at nagpapakarga ng gasolina.

 

 

Anim ang unang iniulat na nasugatan habang dalawa ang missing ngunit kahapon natagpuan ang isa sa nawawala na si Edmund Palanca na isa umanong pahinante.

 

 

Nasa anim na segment o 150 metro ang lawak ng binakuran ng oil spill boom dahil na rin sa mga tumapon at kumalat na langis na unti-unti na rin umanong nawawala sa katubigan. (GENE ADSUARA)