• November 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 25th, 2021

Delivery ng 50K doses ng Sputnik V madi-delay

Posted on: June 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Madi-delay ang pag­da­ting sa bansa ng 50,000 doses ng SputnikV na gawa sa Russia, ayon kay National Task Force (NTF) Against Covid-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.

 

 

Ayon kay Galvez, na­ka­tanggap ang NTF Vaccine Cluster ng isang sulat mula sa Russian Direct Investment Fund (RDIF) noong Hunyo 20 na nagsasabing ipagpapaliban sa ibang araw ang delivery ng Sputnik V Component II dahil sa upgrading ng bakuna.

 

 

Sinabi ni Galvez na ang parating na 50,000 doses ay para sa mga nakatanggap ng Component 1 nitong Hunyo.

 

 

“We have already informed all local govern­ment units who have administered the first dose of Sputnik V to their constituents that the schedule for the second shot will likewise be pushed back and will be rescheduled,” ani Galvez.

 

 

Samantala, tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi maapektuhan ang bisa ng bakuna ka­hit pa ma-delay ang pag­bibi­gay ng 2nd dose ng Sput­nik V. (Gene Adsuara)

Herd immunity sa Maynila kayang maabot hanggang Setyembre

Posted on: June 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tiwala ang Manila City Governments na makakamit nila ang herd immunity hanggang sa Setyembre.

 

 

Ito ay dahil sa tuloy-tuloy ang ginagawa nilang pagpapabakuna sa mga residente doon.

 

 

Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na mayroong mahigit 35,000 kada araw silang nababakunahan mula ng palakasin ang vaccination drive ng city government.

 

 

Dinagdagan din nila ang mga vaccination sites gaya ng mga public schools, covered courts shopping malls para mabakunahan ang nasa A1-A5 category.

Discover What Hides Behind The Mask In The Action-Packed New Trailer for ‘Snake Eyes’

Posted on: June 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

AFTER getting a glimpse of his beginnings in the first trailer, we finally get to see Snake Eyes in action in the newest trailer for the upcoming G.I. Joe spin-off film, which stars Henry Golding as the titular character.

 

 

See the trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=VHg_UAfUgjA&t=3s

 

 

Snake Eyes follows Henry Golding’s character — whose birth name has still not been mentioned in the trailer — who started out working at a fish market and fighting in cage matches.

 

 

When he saves the life of Storm Shadow, heir of a Japanese ancient clan called Arashikage, he ends up flying to Japan to become part of the clan. It’s there that he experiences the home that he’s been longing for, all while learning the ways of a ninja warrior.

 

 

The film comes from director Robert Schwentke. Joining Henry Golding in this film are Andrew Koji, Úrsula Corberó, Samara Weaving, Haruka Abe, Tahehiro Hira, and Iko Uwais.

 

 

Snake Eyes premieres in US cinemas this July 23. No release date has been announced yet here in the Philippines.

(ROHN ROMULO)

Fil-Am sprinter Kristina Knott nagpositibo sa COVID-19

Posted on: June 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagpositibo sa COVID-19 si Filipina-American sprinter Kristina Marie Knott.

 

 

Ang nasabing anunsiyo ay kasabay ng anunsiyo na ito ay nag-qualified sa 2020 Tokyo Olympics.

 

 

Sinabi ni Philip Ella Juico, pangul ng Philippine Athletics Track and Field Association na fully vaccinated na si Knott at siya ay asymptomatic.

 

 

Kasalukuyan na ito ng naka-isolate ang 25-anyos na si Knott.

 

 

Nakamit nito ang pagpasok sa Olympics ng magtagumpay siya sa university placs sa women’s 200-meter ng World Athletics.

 

 

Nagwagi ito ng dalawang gold at dalawang silver medal noong 2019 Southeast Asian Games.

 

 

Si Knott ay siyang p ang-15 Filipino na nakapasok sa Tokyo Olympics na kinabibilangan ng mga boksingerong sina Eumir Marcial, , Nesthy Petecio, Irish Magno at Carlo Paalam, pole vaulter EJ Obiena, gymnast Carlos Yulo, weightlifters Hidilyn Diaz at Elreen Ando, golfer Juvic Pagunasan, rower Cris Nievarez, taekwondo jin Kurt Barbosa, skateboarder Margielyn Didal, judoka Kiyomi Watanabe, at shooter Jayson Valdez.

VENUS, nakahanap ng fulfillment sa pagsisilbi sa Panginoon kesa maging aktibo sa showbiz;

Posted on: June 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KAYA pala hindi masyadong nakikita si Venus Raj sa mga nakaraang pageant activities dahil abala ito sa pagtapos niya ng kurso sa OCCA The Oxford Centre for Christian Apologetics sa Oxford, England.

 

 

Sa kanyang Instagram account, pinost ng former Miss Universe Philippines 2010 ang pag-graduate niya sa OCCA.

 

 

“This journey at the OCCA The Oxford Centre for Christian Apologetics (@occaoxford) is a journey of testing faith, delighting in God’s presence, enjoying fellowships, increasing knowledge, having meaningful conversations, discovering gifts, empowering opportunities, revisiting struggles, and gaining life-long friends,” caption ni Venus.

 

 

Ayon sa website ng OCCA: “OCCA The Oxford Centre for Christian Apologetics is a centre of excellence that seeks to launch emerging Christian leaders into effective evangelism marked by academic excellence and integrity of character. OCCA is a globally recognised independent study centre that brings together leading apologists and evangelists from a broad range of academic disciplines.”

 

 

Isang dahilan kung bakit hindi na tumatanggap ng mga showbiz or modeling projects si Venus dahil mas gusto na niyang magsilbi sa Panginoon.

 

 

Nakahanap daw siya ng fulfillment sa pag-share ng mga salita sa Bible sa iba’t ibang religious communities kesa sa maging aktibo siya sa mundo ng showbiz.

(RUEL J. MENDOZA)

SHARON, inamin na matagal nang hinahanap ang normal na pamumuhay sa Amerika na ibang-iba sa Manila

Posted on: June 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TULUY-TULOY pa rin ang paglabas ng vlog ni Megastar Sharon Cuneta kahit ngayong masaya siyang naninirahang pansamantala sa Los Angeles, California, kasama ang mga friends niya. 

 

 

Nagkaroon din siya ng family reunions sa mga relatives niyang naninirahan doon.  Inamin niyang ito ang matagal na niyang hinahanap, ang normal na pamumuhay, tulad  nang  pagkain sa mga restaurants at pamamasyal sa mall na hindi niya magawa rito sa Pilipinas, lalo ngayon na may pandemic tayo at maraming restrictions.

 

 

Instagram post ni Sharon: “Maaaring sa inyo no big deal, pero sa akin po, ito ang paborito kong gawin, iyong talagang magagawa kong lahat ang mga normal na bagay na… tini-take ninyo for granted, sa akin sobrang special kasi iba ang buhay namin sa Manila.”

 

 

     Dagdag pa ni Sharon, baka August pa siya makabalik ng bansa dahil, hihintayin pa niyang dumating ang panganay nila ni Sen. Kiko Pangilinan, si Frankie, na itutuloy na ang studies niya sa New York.

 

 

Sasamahan muna niya si Frankie roon.

 

 

***

 

 

MAGKAKASAMANG nag-celebrate ng Father’s Day sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, kasama ang mga anak nila, na sina Calix at Jazz. 

 

 

May post pa si Dennis na kasama niya ang dalawang bagets na may caption na ‘Dennis and his two boys.’  Hindi iyon ang first time na magkakasama silang apat at everytime naman na nagpo-post silang magkakasama, kitang-kita ang enjoyment nilang apat.

 

 

Mabuti na lamang at hindi pa bumabalik si Dennis sa lock-in taping nila ng Legal Wives para sa ibang eksenang hindi pa nakukunan. Iyon ang reason kung bakit na-postpone ang airing nila last June 21, gusto nilang tapos na tapos na ang taping ng buong teleserye bago nila ipalabas sa July.

 

 

Wala pang schedule si Jennylyn ng lock-in taping ng bago niyang teleserye sa GMA Network, kaya pansamantala muna siyang mapapanood sa new episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko na katambal si Paolo Contis. 

 

 

Mapapanood ito for four Sundays simula sa July 4, bago ang Amazing Earth ni Dingdong Dantes sa GMA-7.

 

 

***

 

 

PARANG tumanggap ng prize ang mga Mars na sina Camille Prats at Iya Villania, nang pagkatapos ng one year na work from home sila sa morning show nilang Mars Pa More sa GMA-7 at GMA Life TV, ay reunited na sila at magkasama nang nagti-taping sa bagong outdoor setup nila, na well-ventilated at close to nature ang dating.

 

 

Kaya every morning, don’t miss ang mga fresh and star-studded episodes nila, na magiging guests nila sina LJ Reyes, Gabby Eigenmann, Rodjun Cruz, Kokoy de Santos, Elijah Canlas, Maureen Larrazabal at ang TikTok star na si Aling Nena.

 

 

Ilan pa sa mga special guests sa special birthday celebrations nina Camille at Iya, ay sina Alden Richards, Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, Jericho Rosales, at Sanya Lopez.

 

 

May nagtanong, bakit daw maggi-guest si Jericho sa Mars Pa More?  Nagpaalam  daw ba siya sa ABS-CBN?

(NORA V. CALDERON)

Tune-up games ng Gilas at China nagtapos sa draw

Posted on: June 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagtapos sa 79-79 draw ang tune-games ng Gilas Pilipinas at China na ginanap sa Angeles City University Foundation Gym sa Pampanga.

 

 

Pinangunahan ni Kai Sotto ang national basketball team na nagtala ng 13 points.

 

 

Mayroong tig-12 points ang nagawa nina Ange Kouame at Jordan Heading at 9 points naman si RJ Abarrientos.

 

 

Isinagawa ng China at Pilipinas ang tune-up games bilang paghahanda para sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na gaganapin sa Serbia.

 

 

Nauna rito naging matagumpay ang Gilas sa katatapos lamang na FIBA Asia Cup Qualifiers ng talunin ng dalawang beses ang South Korea at Indonesia.

Watanabe, Knott pasok sa Tokyo Olympics

Posted on: June 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nadagdagan pa ng dalawa ang bilang ng mga atletang isasabak ng Pilipinas sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

 

 

Ito ay matapos makakuha ng Olympic berth sina Fil-Japanese judoka Kiyomi Watanabe at Fil-American trackster Kristina Knott sa pamamagitan ng continental quota at universality slot, ayon sa pagkakasunod.

 

 

Ngunit sa araw ng kanyang kumpirmasyon sa 2021 Tokyo Olympics ay nagpositibo si Knott sa coronavirus disease (COVID-19) kahit pa fully-vaccinated na siya sa  Amerika.

 

 

“Kristina contracted COVID and she was tested positive yesterday hours before her second to the last competition,” ani Phi­lippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico.

 

 

Ang 25-anyos na si Knott ang nagtakbo sa gold medal ng women’s 200m run at sa 4x100m mixed relay ng 2019 Philippine SEA Games.

 

 

Sinira rin ng Fil-Am trackster ang 33-year Phi­lippine national record na 11.28 segundo ni Lydia De Vega sa women’s 100m dash para sa bago niyang 11.27 segundo.

 

 

“She is not yet in Japan. This is not the start of the Olympics. She has about a month to recover from this,” dagdag pa ni Juico kay Knott.

 

 

Umabot na sa 15 ang lahok ng bansa sa 2021 T­okyo Games  para palakasin ang tsansa sa inaasam na kauna-unahang Olympic gold medal.

 

 

Ang iba pang qualifiers ay sina golfer Juvic Pagunsan, shooter Jayson Valdez, weightlifters Hidilyn Diaz at Elreen Ando, pole vaulter Ernest John Obiena, skateboarder Margielyn Didal, gymnast Carlos Edriel Yulo, taekwondo jin Kurt Barbosa, rower Cris Nievarez at bo­xers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

 

 

Nakamit ng 24-anyos na si Watanabe ang kanyang Olympics slot via continental quota sa women’s -63 kilogram division base sa final at official qualification list na inilabas ng International Judo Federation (IJF).

 

 

Mabibigyan din ang swimming ng dalawang universality slots para sa Tokyo Olympics sa katauhan nina Jaimie Deiparine at Remedy Rule.

1.2-B HALAGA NG IBA’T IBANG URI NG DROGA WINASAK NG PDEA

Posted on: June 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WINASAK ng Philippine Drug Enforcement Agency ang may halos isang tonelada ng iba’t ibang uri ng droga at mga kemikal na gamit sa paggawa ng mga ito na kanilang nasamsam sa iba’t ibang operasyon. Umaabot sa halagang P1,295,050,354.65 ang mga winasak na droga sa pamamagitan ng thermal composition o pagsunog sa isang makina sa may Trece Martires Cavite City.

 

 

Pinakamaraming droga na winasak ay ang shabu pa rin na umaabot sa 133,134.40 gramo na may street value na aabot sa P905,313,916, sumunod ang liquid shabu. Habang nasa 3,585.40 gramo ng cocaine na aabot ang street value sa P19,002,638.55.

 

 

Ayon kay PDEA chief Wilkins Villanueva ang pagwasak nila ng mga droga ay alinsunod sa Section2 Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive dangerous Drugs Board Regulation No.1 Series of 2002. Dagdag pa ni Villanueva dito ay ipinapakita rin ng PDEA na transparent sila na tunay na winawasak ang mga droga na nasamsam nila. Bago naman pinasok sa incinerator ang mga droga ay pinakita sa publiko at mga guest ng PDEA ang pag  testing ng mga ito upang mapatunayan na mga droga ang mga ito. (RONALDO QUINIO)

Number coding scheme sa MM, nananatiling suspendido

Posted on: June 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NANANATILING suspendido ang number coding scheme sa Metro Manila.

 

Ang katuwiran ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr., nananatiling “manageable” ang trapiko sa metropolis .

 

Ani Abalos, ang limiitadong transportation system na ipinatutupad ng Department of Transportation at ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa Kalakhang Maynila ay “one-seat apart arrangement” sa mga sasakyan.

 

“Alam naman po natin ang IATF one-seat apart po ang sasakyan ng kotse. Once tanggalin natin ang number coding baka mag siksikan sa isang kotse,” ayon kay Abalos.

 

“Pangalawa, hindi pa po normal ang ating transport system at manageable pa naman po ang ating traffic, except of course for rush hours,” dagdag na pahayag ni Abalos.

 

Tiniyak naman ni Abalos na gagawin ng lahat ng MMDA at maghahanap ng paraan para makatulong na mapagaan ang trapiko lalo na kapag rush hours.

 

Sinabi pa nito na nakapagtala ang MMDA ng improvement o pagbuti sa average speed ng mga sasakyan sa Metro Manila.

 

“Currently, cars average a speed of 24 kilometers per hour which is higher than the average speed of 11 kilometers before the pandemic,” anito.

 

“Car volume however, is lower during the pandemic at 382,000 compared to before the outbreak’s 400,000,” dagdag na pahayag ni Abalos.

 

Matatandaan unang sinuspinde ng MMDA ang number coding scheme noong 2020 “until further notice” dahil sa “limited operations of public transportation in Metro Manila.” (Daris Jose)