• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 3rd, 2021

PDu30 kumbinsido, byahe ng mga suki ng LRT magiging mabilis na

Posted on: July 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KUMBINSIDO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magiging mabilis na ang biyahe ng mga mananakay na suki ng Light Railwyay Transit (LRT).

 

Ito’y matapos na pangunahan ni Pangulong Duterte ang inagurasyon ng Light Railwyay Transit Line 2 East Extension Project, itinuturing na isa sa hallmarks ng “strong commitment” ng pamahalaan na magbigay ng mas maayos na transportation system para sa lahat.

 

“Now our commuters can travel faster, be more productive at work and enjoy quality time with their loved ones especially in the middle of this health crisis,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Duterte.

 

Ang pagbubukas aniya ng dalawang karagdagang LRT stations kung saan ang isa ay sa Marikina at ang isa naman ay sa Antipolo ay magpataas ng daily capacity nito ng 80K pasahero.

 

“the usual 3 hour travel from recto to manila to Masinag in Antipolo will now be just 40 mins. Indeed this project will improve mobility ang ensure transportation connectivity specially in the busy part of Metro Manila,” ani Pangulong Duterte.

 

Tiniyak naman ng Chef Executive na ang kaganapang ito ay tugon sa hamon ng 21st century at higit pa.

 

“so we can adapt and respond to expected challenges of the times,” ani Pangulong Duterte.

 

“Let me assure you that we will fully reek the benefits of our Build, Build, Build Program as we continue to overcome the pandemic and gradually reopen our economy,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

Pinuri nman ng Pangulo ang DOTR at ang lahat ng private sector partners nito para sa matagumpay na pagtatapos ng pryektong ito sa kabila ng hirap na dulot ng Covid-10 pandemic.

 

“your efforts and determination show that our govt stops at nothing to carry on with its mandate to serve the people’s interest no matter the circumstances,” lahad ng Pangulo.

 

Hinikayat ng Pangulo ang lahat na tulungan ang pamahalaan na lumikha ng lipunan na papayagan ang “safe reopening” ng economic activities.

 

” We can do this by getting vaccinated against Covid-19 and continuing to follow minimum health standards at work and in public places especially in public transportation facilities like the LRT,” anito.

 

“To my kababayans, i invite you to remain steadfast in this journey as we reach our final destination of achieving a more comfortable and dignified life for every Filipino. Maraming salamat po,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

Samantala, ikinagalak naman ng Pangulo na maging bahagi ng nasabing inagurasyon.

 

“allow me to thank the hardworking and visionary workers and engineers who took part in the planning and construction of this railways extension and the two new stations that we open today. maraming, maraming salamat po sa ating mga manggagawang Pilipino,” pagtatapos nito. (Daris Jose)

Pagbira ni Pacquiao kay PDu30, maling estratehiya- Sec. Roque

Posted on: July 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MALING estratehiya ang ginagawa ni Senador Manny Pacquiao na pagbira kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte para lamang maging bukambibig ang pangalan nito hanggang sa halalan sa susunod na taon.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na gustong tumakbo sa pagka-pangulo ni Pacquiao.

 

“Pulitika po iyan ‘no, eh alam naman nating lahat gustong tumakbo ng presidente ni Senator Pacquiao. Sa akin po, hindi tamang istratehiya iyan kasi napakatagal naman pong nagsama si Senator Pacquiao at ni Presidente, at sa ngayon po, wala pa namang pinapangalanan pang tao ang Presidente na ieendorso niya para maging presidente sa susunod na halalan,” aniya pa rin.

 

“At paulit-ulit ko nga pong sinasabi eh ‘no, binanggit na ni Presidente isa sa tatlo na posible sana niya noon na i-endorso for president is Senator Manny Pacquiao, hindi ko po alam kung bakit hindi nakapaghintay si Senator Manny Pacquiao,” dagdag na pahayag nito.

 

Samantala, “good for him” naman ang naging tugon ni Roque sa sinabi ni Pacquiao na dalawang bagay ang kaya niyang panghawakan at ito ay ang hindi siya tiwali at hindi siya sinungaling.

 

Nag-ugat ito sa naging hamon ni Pangulong Duterte na pangalanganan ng Senador ang mga corrupt officials sa gobyerno, matapos naman ang naunang sinabi ni Pacquiao na malala ang korapsiyon sa kasalukuyang administrasyon.

 

Sa ngayon ay patuloy aniya na hinihintay ni Pangulong Duterte ang sinasabi ni Pacquiao na mga corrupt na ahensiya nang sa ganoon ay matingnan aniya ng Chief Executive kung talagang may kailangang sibakin sa usaping ito.

 

“Pero kinakailangan sabihin niya kung saan iyong korapsyon, anong ahensiya iyan at anong ebidensiya niya,” ang tila hamon pa ng Malakanyang sa senador.

 

“Bagama’t sinabi niya, isa doon sa ahensiyang ito ay DOH, eh talaga naman pong naimbestigahan na iyan fully ng Senado. So, wala pong bago doon sa sinabi niyang departamento na DOH. So sana nga po, bago naman umalis is Senator Pacquiao ay makapagsabi siya kung sino talaga ang dapat maimbestigahan, dahil ang mensahe ni Presidente, hindi po niya tino-tolerate ang korapsiyon. Malaman man lang niya kung saan mayroong sunog at papatayin niya iyong sunog na iyon,” litaniya ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Director David F. Sandberg, Shares Production Update on ‘Shazam! Fury of the Gods’

Posted on: July 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DIRECTOR David F. Sandberg has shared an update on the production status of Shazam! Fury of the Gods.  

 

   

Based on the DC Comics character of the same name, Sandberg’s first Shazam! movie came out in 2019, becoming an instant hit among audiences thanks to its entertaining blend of humor and heart.

 

The movie chronicled the tale of troubled orphan Billy Batson (Asher Angel), who, after a run-in with an ancient wizard’s staff, develops the ability to transform into an adult superhero, played by Zachary Levi. At the box-office Shazam! grossed a worldwide total of $366 million against a production budget of $80-100 million, thereby becoming a bonafide commercial success for DC and Warner Bros. Impressed by this performance, a sequel was put into development soon after. However, it’s taking some time to arrive.

 

 

When the Shazam! Sequel was announced, the film was allotted a premiere date of April 1, 2022. But then, the COVID-19 pandemic broke out in the US, delaying the launch of the follow-up multiple times.

 

 

The movie has since been scheduled to release on June 2, 2023, a full 4 years after the original film’s release. There is plenty of time before the movie premieres in theaters, but Shazam! 2 started production in May 2021.

 

 

The reason for that is Sandberg wants to finish work on the film as soon as possible, as otherwise, he fears, the young cast members would be too grown up to portray their parts convincingly. Until recently, there was no news on how much progress Shazam! 2 has made since it began filming. But now, Sandberg has offered an update on the production status.

 

 

Sandberg posted a picture of the Shazam! logo to Instagram, revealing that he was done with the 27th day of filming for Shazam! 2. But at the same time, he added that there was more to go, as the film is more time-consuming than other features.

 

Sandberg also referenced his past projects, including Lights Out and Annabelle Creation, in his post, suggesting how those movies took reasonably less time to complete. But with Shazam! 2, the filming process is as if the two movies have been put together.

 

 

As Shazam! 2 continues filming, fans are getting closer and closer to witnessing what the movie will actually look like. Of course, it’s already known that Levi, along with the film’s other superheroes, are all getting costume upgrades, and that top-rated actresses Helen Mirren and Lucy Liu have been finalized to play Hespera and Kalypso respectively, two of the film’s three main villainous sisters. But plot details for the new movie are still slim. Presumably, Sandberg wants to keep those details under wraps until the marketing phase kicks off. Until then, fans can savor the exciting barrage of updates that’s been set loose from the film’s shooting locations. This includes unofficial looks at the heroes and villains from the sets, as well as baffling teasers and spoilers from the director himself.

 

 

With Sandberg’s latest social media post, it’s been confirmed that Shazam! 2 is already halfway through filming.

 

 

The original Shazam! took about four months to wrap up production, so by that principle and considering the current production status of the movie, filming on Shazam! Fury of the Gods should be just about complete by mid-August. Still, fans shouldn’t expect an official look at the film anytime soon since its release is quite far away, and the DCEU also has several other projects in the pipeline that it would logically want to take care of first.  (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

Abalos, hinikayat ang mga employers at manggagawa na magpabakuna na laban sa Covid-19

Posted on: July 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ni Metropolitan Manila Development Authority chairperson Benhur Abalos ang lahat ng mga employers at mga manggagawa na magpabakuna na laban sa COVID-19 lalo pa’t marami ng tao ng pinapayagang bumalik ng kanilang trabaho.

 

Sa Laging Handa public briefing, binigyang diin ni Abalos ang kahalagahan na masiguro na ang lahat ng mga empleyado ay protektado na laban sa Covid-19 sa gitna ng unti-unting pagpapaluwag sa restrictions.

 

“Ako’y nananawagan sa employer, sa ating mga kababayan, na sana magpabakuna tayo. Iba na rin ‘yung protektado ka at bakunado ka. Lumuluwang tayo pero…we need to be responsible here,” ayon kay Abalos.

 

Aniya, tinatayang nasa 4 milyong residente na ang nakatanggap ng kanilang bakuna laban sa COVID-19, kabilang na ang mahigit sa 3 milyong katao na nakatanggap ng kanilang first dose at mahigit sa isang milyon naman ang nakatanggap ng kanilang second dose.

 

“The average vaccination being done in the region per day is around 114,000,” ayon kay Abalos.

 

Ang National Capital Region (NCR) ay mananatili sa ilalim ng General Community Quarantine hanggang Hulyo 15, na inaprubaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Nangangahulugan ito na tanging ang mga non-contact sports ang pinapayagan.

 

Ang lottery at horse racing with off-track betting stations ay pansamantalang pinpayagan.

 

Ang mga gyms at fitness centers ay pinapayagan na mag-operate ng 40% habang ang indoor sports courts ay maaaring magbukas ng 50% capacity.

 

Ang mga indoor tourist attractions, lalo na ang historical situated museums “defined by DOT” ay pinapayagan ng 40%.

 

Ang meetings,conferences at exhibitions ay pinapayagan din na mag-operate ng 40% capacity subalit gagamitin lamang ito para sa social events, limitado naman ito sa 10% capacity.

 

Para naman sa mga personal care services, 50% capacity ang pinapayagan para sa serbisyo subalit kailangan na nakasuot pa rin ng face mask. Kapag ang establisimyento ay mayroong Safety Seal, maaari itong mag-operate ng karagdagang 10% capacity.

 

Ang outdoor tourist attractions ay pinapayagan sa 50% capacity subalit’t with strict compliance to minimum public health protocols.”

 

Ang staycation hotels ay pinapayagan na mag-operate ng hanggang 100% venue capacity habang ang iba pang DOT-accredited establishments ay maaaring mag-operate ng 30% capacity.

 

Wala namang age restrictions para sa mga nasabing establisimyento hangga’t na susunod ang public health standards.

 

Ang Indoor dining ay pinapayagan para sa 40% capacity habang ang outdoor dining ay pinapayagan ng 50%. (Daris Jose)

Ads July 3, 2021

Posted on: July 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pilipinas nasa ‘low risk’ na lang ng COVID-19: DOH exec

Posted on: July 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ibinaba na ng Department of Health (DOH) sa “low risk” ang klasipikasyon ng Pilipinas sa hawaan ng COVID-19.

 

 

Batay kasi sa monitoring ng ahensya, bumaba sa negative 9% ang growth rate ng coronavirus cases sa bansa sa nakalipas na dalawang linggo.

 

 

Bumaba rin ang average daily attack rate (ADAR) ng bansa mula June 13 hanggang 26.

 

 

“Dahil negative ang ating two-week growth rate at nakikita naman natin ang ating ADAR ay naka-moderate risk na at 5.42, the risk classification nationally is already at low risk,” ani Epidemiology Bureau chief Dr. Alethea de Guzman.

 

 

Bukod sa bilang ng mga nahahawaan ng COVID-19, na-obserbahan din ng DOH ang pagbaba sa healthcare at ICU utilization rate ng bansa, na parehong nasa safe zone na (46.51% at 55.24%).

 

 

Sa ngayon nasa 5,772 pa ang average daily number of COVID-19 cases sa bansa. Mas mataas mula sa 5,638 sa June 17 hanggang 23.

 

 

HIGH RISK AREAS

Sa kabila ng “low risk” na estado ng bansa, apat na rehiyon naman ang nasa “high risk.”

 

 

Kabilang dito ang Davao Region, Western Visayas, Soccsksargen at Eastern Visayas

 

 

“Ang kanilang health care utilization rate at intensive care utilization rate ay naiiwan at high risk,” paliwanag ni De Guzman.

 

 

Ayon sa opisyal, hindi pa rin pwedeng makampante ang publiko kahit may naitala nang pagbaba sa numero ng nahahawaan ng COVID-19 sa bansa.

 

 

Dahil sa banta ng mas nakakahawang Delta variant, maaari pa rin daw sumirit ang mga kaso ng coronavirus sa Pilipinas.

 

 

“Magkaroon lang tayo ng isang superspreading event, posible na papalo na naman tayo pataas.”

 

 

Bukod sa mga rehiyon, nasa high risk din ang klasipikasyon ng Laguna. Ito ang natatanging lugar sa NCR Plus na may ganitong klasipikasyon.

 

 

“Generally, the report of Calabarzon was really the less adherence to minimum public health standards and they saw gatherings, may mga nag-pa-party na, may mga nagpapa-social event na… there is a tendency to hold meetings indoors.”

 

 

Binigyang diin ni De Guzman na importante pa rin ang sama-samang pagsisikap ng local government units at publiko para masugpo ang pagkalat ng COVID-19.

 

 

Tulad ng mahigpit na kontrol sa mga border, pinaigting na testing at isolation, at pagbabakuna.

 

 

“Kung ma-me-maintain natin ang ginagawa natin ngayon… tuloy tuloy po at baka mas mabilis pa na pagbaba ng kaso ang makita natin.” (Daris Jose)

BEA, dedma na lang sa nang-iintriga sa paglipat sa Kapuso Network; pinaratangan na nag-inarte lang

Posted on: July 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DONE deal na ang pagiging Kapuso ni Bea Alonzo matapos itong pumirma ng three-year contract sa GMA 7.

 

 

Naganap ang contract signing sa isang five star hotel at matapos nito ay nagkaroon ng presscon si Bea via zoom.

 

 

Bea expressed excitement sa kanyang pagiging Kapuso. She spent 20 years of her career bilang Kapamilya pero ngayon ay magsisimula siya ng bagong chapter ng kanyang career bilang Kapuso. Sinabi ni Bea na open siya to try mga kakaibang kwento sa paggawa niya ng teleserye sa GMA 7.

 

 

May nakahanda ng project for her, which Bea described as a dream project. Pero willing din siya gumawa ng sitcom at magkaroon ng talk show. Lilibot din siya sa iba’t-ibang programa ng Kapuso channel.

 

 

Bea revealed na may interview na siya sa Kapuso Mo Jessica Soho na kukunan sa kanyang farm to be aired on Sunday.

 

 

Hindi nakaiwas sa intriga ang paglipat ni Bea.  May chika na sumama ang loob ng production team ng supposed to be project niya sa Kapamilya Channel dahil nakansela ang project.

 

 

Ang claim nila nag-iinarte si Bea at ayaw mag-taping. Yun pala ay lilipat sa GMA. Hindi naman siguro papayag ang ABS-CBN na umalis si Bea sa kanila kung may pending project siya. Pero siyempre may masasaktan talaga pag may umaalis.

 

 

Sinabayan talaga ng ibang taga-ABS-CBN nang pag-e-emote sa Twitter ang kanilang pagkadismaya dahil sa ginawang paglipat ni Bea.

 

 

Pero need na nilang mag-move since si Bea nag-move on na. Nagpaalam siya kay Sir Carlo Katigbak who gave Bea her blessings.

 

 

Masama ba kung gusto magtrabaho ni Bea?

 

 

May nag-tweet pa na hindi naman daw naghihirap si Bea dahil may farm naman ito.

 

 

Ibig sabihin ba dahil hindi naman naghihirap si Bea, huwag na lang siyang magtrabaho.

 

 

Deadma na lang si Bea sa intriga. Mas gusto niya to look on the positive side dahil she is starting a new beginning sa GMA 7.

 

 

Bea is looking forward sa movie na gagawin nila ni Alden Richards come September. Nakapag-acting workshop na sila ni Alden with Direk Nuel Naval.

 

 

Magbabakasyon muna sa Amerika si Bea at sa kanyang pagbabalik ay malamang mapapanood natin siya appearing various GMA shows.

 

 

***

 

 

LAKING gulat ni Marco Paulo Gomez nang sabihin sa kanya ni Direk Joel Lamangan na siya ang napili nito na maging the other leading man of Chloe Baretto sa launching film nito titled Silab.

 

 

Una agad naisip ni Marco ay baka mahirapan siya sa mga linya dahil hindi siya fluent sa Tagalog. May accent kasi siya dahil lumaki siya sa Austria.

 

 

Pero he was assured naman ni Direk Joel na may tiwala siya rito at magagawan ng paraan ang pagta-Tagalog niya.

 

 

Alam din niya na maraming sexy and delicate scenes sa movie. Nag-audition si Marco sa Lockdown pero he felt that time na hindi pa siya handa sa men-to-men love scenes.

 

 

Pero sa Silab, alam niya na ready na siya.

 

 

“It must be the role. Maganda ang kwento. Kakaiba ang movie, lalo na ang ending. Doon ako na-shocked sa ending, starting from the middle. Ang dark ng kwento tapos ang daming twists,” kwento ni Marco.

 

 

“At first,wala pang script so ikinuwento sa akin ni Direk Joel ang story, kung ano ang mangyayari, kung ang mga scenes na gagawin ko, daring scenes so nag-workout ako. Tapos nag-diet ako.

 

 

Ang dami ko pang scenes na sa beach so dapat laging naka-topless kasi mainit. Noong dumating ang script, binasa ko araw-araw, hindi lang ang mga lines ko,” kwento ni Marco.

 

 

Outside of his Tagalog lines, medyo natakot si Marco sa mga daring scenes. Pero dahil big break niya, he vowed na gagawin niya ang lahat para maging mahusay ang performance niya.

(RICKY CALDERON)

410,000 nawalang trabaho sa bansa nabawi nitong Mayo sa gitna ng pandemya

Posted on: July 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dumami ang bahagdan ng populasyon na nabawi ang nawala nilang trabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic nitong Mayo, ayon sa pinakabagong ulat ng Philippine Statistics Authority.

 

 

Nasa 3.73 milyong katao kasi ang naitalang walang trabaho o negosyo nitong Mayo 2021, bagay na mas mababa sa 4.14 milyon noong Abril.

 

 

“Ang unemployment rate ay naitala sa 7.7 percent nitong Mayo 2021. Ito ay mas mababa kumpara sa naitala noong Abril 2021 na 8.7 percent,” ayon sa pahayag ng PSA ngayong Huwebes.

 

 

Gayunpaman, mas marami pa rin ang walang trabaho ngayon kumpara sa 3.44 milyon na jobless noong Marso.

 

 

Ilang mahahalagang numero:

  • employed o may trabaho/negosyo (44.72 milyon)
  • employment rate (92.3%)
  • underemployed o hindi sapat ang trabaho batay sa kakayahan (5.49 milyon)
  • underemployment rate (12.3%)
  • nasa “labor force” o na pinagsamang employed at unemployed (48.45 milyon)
  • bahagi ng labor force na nagtratrabaho ngayon (64.6%)

 

 

Mas mataas ngayon ang porsyento ng mga lalaking nasa labor force na may trabaho o negosyo (76.1%), kumpara sa mga babae (52.9%).

 

 

“Nitong Mayo 2021, 7.7 percent ng mga kalalakihan na nasa labor force ang walang trabaho o negosyo. Ito’y bahagya lamang mataas sa unemployment rate ng mga kababaihan na nasa 7.6 percent,” patuloy ng PSA.

 

 

COVID-19, oras ng trabaho dahilan kaya ‘di makapagtrabaho

 

Bagama’t employed ang mas marami sa ngayon, may ilang dahilan pa rin kung bakit hindi sila makapagtrabaho o negosyo ngayon. Pangunahin diyan ang:

 

  1. paiba-ibang oras ng trabaho/nature ng trabaho
  2. ECQ/lockdown/COVID-19 pandemic
  3. dahilang medikal o pangkalusugan
  4. iba pang dahilan
  5. personal o dahilang pampamilya

 

 

Nakuha ng PSA ang mga nasabing datos matapos ma-survey ang nasa 34,034 katao 15-anyos pataas sa 11,033 kabahayan nitong Mayo.

 

 

Matatandaang marami ang nawalang trabaho at nagsarang establisyamento simula nang manalasa ang COVID-19 sa Pilipinas, dahilan para umabot sa 15-year record high ang unemployment nitong 2020 sa 10.3% na katumbas ng 4.5 milyong Pilipino.

 

 

Ayuda sa gitna ng unemployment

 

Dahil dito, ipinapanawagan sa ngayon ng Kilusang Mayo Uno at iba pang progresibong grupo ang P10,000 ayuda para sa manggagawang Pilipino upang makaagapay sa malaking bilang ng walang trabaho sa ngayon. Wala pa namang panibagong ayudang ibinibigay ang gobyerno sa ngayon.

 

 

Martes lang nang sabihin ni House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na “tinutulugan” ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bayanihan 3, na magagamit daw sana para makapagdala ng kinakailangang ayuda para sa mahihirap sa ngayon.

 

 

“As earlier exposed by Anakpawis partylist, the Duterte administration is spending USD$2.43 billion or P118 billion arms deal with the US, yet, it continues to turn a deaf ear on the funding needs for the Bayanihan 3,” ani Zarate.

 

 

“If this P118 billion is instead used to fund the Bayanihan 3, then more Filipinos would benefit from it. This amount is already around 30% of the ayuda packages of  Bayanihan 3 and would even go a long way in boosting our economy.”

 

 

Ayon sa militanteng mambabatas, kung matalinong gagamitin ang P118 bilyon, kakayanin nang pondohan ang lagpas kalahati ng P216 bilyong kailangan para mabigyan ng P2,000 ayuda ang bawat Pilipino (kahit na anuman ang social status). Kakayanin na rin daw agad maibigay ang P1,000 unang tranche ng cash aid na ito sa lahat ng mga Pinoy.

JOHN LLOYD, nilinaw na matagal na silang magkaibigan ni KATRINA, wish ng fans na magka-serye sila ni BEA sa GMA

Posted on: July 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW na ni John Lloyd Cruz, na friends lamang sila ni Kapuso actress Katrina Halili.

 

 

Matagal na raw silang magkaibigan and in fact, dahil may real estate investments si Katrina sa El Nido Palawan, malamang na ang actress ang tumulong kay Lloydie, para makabili siya ng property doon.

 

 

Still on John Lloyd.  Last Thursday, July 1, ay pumirma na ng contract si Bea Alonzo sa GMA Network, kaya masaya ang mga fans nila, na miss na miss na nila ang kanilang mga idolo, dahil matagal-tagal na rin nang huli silang magtambal sa ABS-CBN.

 

 

Kasunod na rin ba ni Bea na pipirma si Lloydie sa GMA? Matatandaan na nakausap na ni Atty. Annette Gozon-Valdes si Lloydie kamakailan, kasama ng actor si director Bobot Mortiz.

 

 

Wala pa namang inilalabas na report kung may napagkasunduan na sila sa pag-uusap nila. Wala pa rin namang sinabi kung ano ang unang project na gagawin ni Bea sa GMA, pero ngayon pa lang, ang request ng mga fans nila ay isa raw sanang teleserye ang unang pagtambalan nina Lloydie at Bea sa GMA.

 

 

Dapat ay may gagawing movie sina Bea at Lloydie sa Star Cinema with Director Cathy Garcia Molina. At may gagawin namang movie si Bea with Asia’s Multimedia Media Star Alden Richards for Viva Films, GMA PIctures and APT Entertainment, alin kaya ang mauunang gawin ni Bea?

 

 

Abangan!

 

 

***

 

 

NAKATUTUWA si Ms. Dina Bonnevie na hindi niya ikinaila na gustung-gusto niya ang dimples ng co-star niyang si Alden Richards, na first time niyang nakatrabaho sa The World Between Us.

 

 

“Mahusay na actor si Alden, hindi siya takot mag-explore sa character na ginagampanan niya,” kuwento ni Dina.

 

 

“Like sa aming serye, iba ang character na gagampanan niya, at inamin niya na first time niya itong gagawin, so hindi lamang ito just a love story, naiiba ang mga characters na ginagampanan namin. 

 

 

Makakasama rin nina Dina at Alden sa The World Between Us sa mga naiibang role sina Tom Rodriguez. Jasmine Curtis-Smith, Ms. Jaclyn Jose, Kelly Day, with the special participation of Glydel Mercado, under the direction of Dominic Zapata.

 

 

“Kaya sana you will not miss our primetime series starting on Monday, July 5, after 24 Oras sa GMA-7.

 

 

***

 

 

SIMULA bukas, July 4, ang isang zestful and youthful nights sa GMA Network sa pamamagitan ng Gen Z comedy-gag-variety show ng FLEX, with promising and talented stars – Mavy Legaspi, Lexi Gonzales, Joaquin Domagoso, and Althea Ablan – dubbed as the FLEX Leaders.

 

 

Ang iba pa nilang makakasama ay ng mga Kapuso stars na sina Will Ashley, Elijah Alejo, Ysabel Ortega, Allen Ansay, Jamir Zabarte, Dani Porter, Dave Duque, at Kim de Leon sa pilot month, mapapanood tuwing Linggo, 8:20PM sa GTV.

(NORA CALDERON)

Taal volcano, itinaas sa alert level 3 ng Phivolcs

Posted on: July 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Siesmology (Phivolcs) sa alert level 3 ang Taal volcano, nitong Huwebes ng hapon.

 

 

Nangyayari ito isang araw matapos kumpirmahin ng Phivolcs na “sulfur dioxide” mula Taal ang dahilan sa likod ng volcanic smog (vog) na nagpapalabo sa kapaligiran at hangin ng Metro Manila.

 

 

“This serves as notice for the raising of the alert status of Taal from Alert Level 2 (increasing unrest) to Alert Level 3 (magmatic unrest). At 1516H (3:16 PM) PST, Taal Volcano Main Crater generated a short-lived dark phreatomagmatic plume 1 kilometer-high with no accompanying volcanic earthquake,” wika ng state volcanologists, Huwebes.

 

 

“This means that there is magmatic intrusion at the Main Crater that may further drive succeeding eruptions.”

 

 

Nangangahulugan ito na may “magmatic unrest” sa nasabing bulkan.

 

 

Pasado alas-3:00 ng hapon nang mamataan ang “phreatomagmatic eruption.”

 

 

Kaugnay nito, inirekomenda ng Phivolcs ang paglilikas ng mga nasa Taal Volcano Island, Taal Lake, Agoncillo, Batangas (Banyaga, Bilibinwang), at Laurel, Batangas (Gulod, Boso-Boso, Lakeshore Bugaan West).

 

 

Tiniyak naman ng mga tauhan ng militar at pulisya na nakahanda silang umalalay sa paglikas ng mga residente, kung kinakailangan.

 

 

Dahil dito, mariing inirerekomenda ng Phivolcs ang agarang evacuation ng mga residente mula sa Agoncillo at Laurel, Batangas dahil sa banta ng “pyroclastic density currents” at volcanic tsunami.”

 

 

“So far, inalis na po previously ang mga community sa volcano island. We are coordinating with Phivolcs po and the RDRRMC CALABARZON for developments,” wika ni Mark Timbal, spokesperson ng NDRRMC kanina.

 

 

Tinitiyak pa naman ngayon nina Timbal kung gumugulong na sa ngayon ang mga evacuation.

 

 

Ipinaalala naman ngayon sa publiko na Permanent Danger Zone ang kabuuang Taal Volcano Island. Pinagbabawalan din ngayon ang pagpasok ngayon sa high-risk areas gaya ng dalawang lugar na nabanggit sa itaas.

 

 

“In addition, communities around the Taal Lake shore are advised to take precautionary measures and be vigilant of possible lakewater disturbances related to the ongoing unrest,” patuloy ng Phivolcs.

 

 

Ngayong Alert Level 3 ang Bulkang Taal, posible na ang “hazardous eruption” nito sa loob ng ilang araw o linggo.

 

 

Huling beses na umabot sa Alert Level 4 ang bulkan ay noong Enero 2020, kung saan libu-libo ang lumikas. Umabot din hanggang sa Kamaynilaan ang peligrosong ashfall ng naturang volcano.  (Daris Jose)