• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 14th, 2021

Superal nagreyna sa ICTSI

Posted on: July 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DINISPATSA ni Princess Mary Superal sina Harmie Constantino at Chihiro Ikeda sa birdie sa front nine at ang astig na hamon ni Chanelle Avaricio sa birdie sa 17th para maka-65 at maiposte ang one-stroke win sa kahahambalos na ICTSI Sherwood Ladies Challenge sa Trece Martirez City.

 

 

May 208 aggregate siya kasama pa ang 74-69 sa Sherwood Hills Golf Club para maisubi ang P112K winners check sa second victry sa apat na event ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc.

 

 

“I actually had no idea of Chanelle’s surge but I knew there would be one who will go low,” bulalas ni Superal, na lumamang ng dalawa sa kambal na birdie mula sa No. 14 at tinablahan si Avaricio mula sa tatlong birdie. “But I just did what I was supposed to do, stuck to my routine and stayed focused.”

 

 

Nakuntento na lang sa P90K si Avaricio sa pagsegunda sa 65-209 samantalang tumersera si Constantino sa 72-214 na may kalakip na P75K. (REC)

 

Guce ika-52, binulsa P53K

Posted on: July 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINARA ni Clarissmon ‘Clariss’ Guce ang kampanya sa one-over par 72 pa-three-over par 216 at mapabilang sa apat na nagtabla sa ika-52 posisyon na mayroong $1,067 (P53K) bawat isa pagrolyo ng 16th Symetra Tour 2021 11th leg $250K (P12.4M)  4th Donald Ross Course sa The Donald Ross Cross Course sa Frenck Linck, Indiana nitong Sabado (Linggong oras sa ‘Pinas).

 

 

Namayagpag sa torneo si home bet Casey Danielson na may closing 68-203 para sa one-stroke win sa kababayang si Beth Wu (68-204) at dalihin ang $37,500 top puse. Pumangatlo ang isa pang Amerikana na si Rachel Rohana (71-205).

 

 

Sunod na sasabakan ng US-based Pinay na si Guce ang ika-12 yugto ng ST na $175K 6th Danielle Downey Classic sa darating na Hulyo 15-18 sa Rochester, New York. (REC)

Mga Pinoy Olympians mas makikilalala na sa website

Posted on: July 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAKIKILALA na ang mga national athlete noon at ngayon na nagbigay ng karangalan sa bansa hanggang sa pinakamalaking paligsahan – Olympic Games – sa pamamagitan ng  makabagong teknolohiya sa kalulunsad lang na Philippine Olympians Association (POA), Philippine Olympic Committee (POC) at Nestle-Milo Philippines.

 

 

Mababasa ng publiko ang mga Olympian, ang kanilang mga natatanging karanasan at sakripisyo upang makaabot sa pangarap maging Olympian sa pagbisita sa “Living Archive of Olympians.”

 

 

Nagsadya sa website launching sina POA chairman Rafael Hechanova, 93, at nakasabak sa 1952 Helsinki Olympics,  president Gillian Akiko Thomson-Guevara, treasurer Stephen Fernandez, 2020 Tokyo Olympic-bound taekwondo Kurt Bryan Barbosa at board member Amparo Lim.

 

 

Gayundin nina Milo Philippines AVP at Sports Executive Lester Castillo, POC deputy secretary general Karen Tanchanco-Caballero at iba pa. (REC)

McGregor talo na naman nabalian pa sa ankle sa 3rd fight kay Pornier

Posted on: July 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Lumasap na naman ng talo ang kontrobersiyal na si Conor McGregor sa kamay ng kanyang karibal na si Dustin Poirier sa pamamagitan ng TKO sa UFC 264.

 

 

Nangyari ito sa first round lamang ng ikatlong nilang fight na ginanap sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.

 

 

Ang dalawang ay long time rival na nagsimula noon pang 2014 na unang tinalo ni McGregor si Poirier.

 

 

Pero sa rematch ay nanalo naman si Poirier via 1st round Ko.

 

 

Sa laban naman kanina nagtamo pa ng bali sa kanyang left ankle si McGregor.

 

 

Labis naman ang galit McGregor at pagmumura sa kalaban kahit tapos na ang fight.

VACCINATION CARD SA MAYNILA, HINDI MAPEPEKE

Posted on: July 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK  ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na hindi mapepeke ang iniisyu ng Manila LGU na vaccination card sa mga fully vaccinated na kontra COVID-19.

 

 

Ayon sa alkalde, ang Manila LGU ay may ginagawang paraan na upang hindi mapepeke ang vaccination card.

 

 

“Modesty aside, Manila has the most effective vax passport na hindi mapepeke because it’s inside a close loop system , instead of a physical card na pwede iprint kahit saan printer. We will stay in that course base on plan. But no worries if there will be challenges later will innovate.” ayon kay Domagoso.

 

 

Sa ngayon kasi ay hinihintay pa ang iisang sistema o format para sa vaccination certificate na ginagawa ng Department of Information Communications Technology o DICT.

 

 

Ayon kay Yorme, may unique QR code ang bawat vaccination card ng bawat babakunahan kaya hindi basta-basta ito napepeke o nagagaya.

 

 

Ang vax card ng Manila LGU ay hindi physical card  at makikita lamang online o sa manilacovid19vaccine.ph .

(GENE ADSUARA)

ESTUDYANTE MALUBHA SA BALA

Posted on: July 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ISANG 17-anyos na estudyante ang nasa malubhang kalagayan matapos barilin ng tatlong teenager sa naganap na riot ng dalawang magkalabang gangs sa Malabon city.

 

 

Isinugod ng kanyang ina sa Tondo Medical Center subalit, kalaunan ay inilipat sa Philippine Orthopedic Center kung saan patuloy na ginagamot ang biktima na itinago sa pangalang “Roger” ng Navotas city.

 

 

Ipinag-utos naman ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot kay Sub-Station 5 commander P/Lt. Zoilo Arquillo ang manhunt operation kontra sa mga suspek na sina Albert Lozano, Ayan Calidro, kapwa ng Blk 13 Hiwas St. Dagat-dagatan, Brgy. Longos at Deniel Soria ng Sawata St. Caloocan city.

 

 

Ayon kay Malabon police homicide investigator P/SSgt. Diego Ngippol, naganap ang insidente sa kahabaan ng Hiwas St. Brgy. Longos, matapos ang magkalabang gangs na Original Batang Tondo (OBT) at Stoke Fam (SF) ay magsagupa dakong alas-4 ng madaling araw.

 

 

Sa pahayag sa pulisya ng mga nakasaksi, magkakasunod na nagpaputok ng kanilang pen gun ang tatlong suspek na miyembro ng SF gang patungo sa biktima na isang miyembro ng OTB.

 

 

Nang mapansin ng dalawang grupo ang presensya ng romespondeng mga pulis at barangay officials ay mabilis nagpulasan ang mga ito sa magkahiwalay na direksyon habang naiwan ang duguang biktima. (Richard Mesa)

ANNE, nilait ng netizens sa paghahanap ng ‘good script’ para sa gagawing pelikula at teleserye

Posted on: July 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LAST week pinakalma ni Anne Curtis ang mga Kapamilya forever fans na wala siyang planong lumipat sa Kapuso Network tulad ng ginawa ni Bea Alonzo, matapos na lumabas na nakipag-meeting siya sa mga executives ng GMA Films.

 

 

This week, isang netizen naman ang sinagot niya na nag-tweet na nami-miss na raw siyang mapanood sa movie na hopefully sa big screen at hindi na online streaming.

 

 

Reply naman ni Anne, Good Morning! Don’t worry! I’m already in search a for a really good script! Kaya May ilang pitching ang nagaganap. I also miss doing films and yes, series too!

 

 

“Pero gusto ko Ung mga 12-16 eps Na series hahahahahaha!”

 

 

Marami naman ang nag-react sa kanyang tweet: “Sa GMA they are trying to do mga short TV series na lang then ginagawa na lang is per season. Katulad na sila ng mga Hollywood/Korean series na konting episodes then per season basis na. Sana lang gayahin na nila na once a week na mga episode. Example, Prima Donnas and First Yaya.”

 

 

“Correct @annecurtissmith a weekly series with 12-16 episodes, more than an hour per episode. ABSCBN is doing it with He’s Into Her and other iWantTFC Originals series. Hope you’ll be given one.”

 

 

“Gawa ka po ng teleserye na mala-Wildflower ang datingan. O kaya yung pang-Alta Sosyedad na series.”

 

 

“Sana with Alden Richards…suspense/ drama/romance…”

 

 

“What about a remake of 17 again or 18 again with Enrique Gil and Aga Muhlach.  @ABSCBN baka naman.”

 

 

“Gawa ka ulit ng Korean Adaptation. You did great in ‘Green Rose’.”

 

 

“Parang kdrama lang Ms Anne! Dapat ganun lang para mabigyan ng chance yung iba to work!”

 

 

Pero may mga bashers talaga na habit na ang mag-comment ng panglalait at sa kanyang tweet ay pinuntirya nila ang kanyang pag-arte:

 

 

“Mapili pala to eh bakit yung last film nya with Marco basura?? Ah ganun ba standard nya ng quality.”

 

 

“Di naman ganun kaganda movies nya, di rin magaling umarte si anne. Hype lang tong babaeng to.”

 

 

“Totoo yan, sobrang sumikat siya after ‘no other woman’ but before and after that, kung hihimay himayin mo, wala talaga.”

 

 

“hindi magaling umarte pero may FAMAS award na best actress? hehe ok :)”

 

 

“Isa lang naman ang box office hit movie nya e (without vice ganda) the rest forgettable na.”

 

 

“I can think of at several hits spanning several years which shows na bankable sya- magic kingdom, the secret affair, no other woman, ang cute ng ina mo, sid and aya, and just a stranger. May critically acclaimed hit indie films din sya – baler and buybust.”

 

 

“Anung hindi hype? Todo promote nga yan. Yung sid&aya, gusto nya pa gawin pa-mysterious yung plot ng movie, yung just a stranger, hindi naman yan inabangan ng mga tao sa sinehan. She’s mediocre.”

 

 

“Collab na with the “greatest” director ng viva Darryl Yap. Hahahah eme!”

 

 

“to be honest, wala naman tatak ung mga pelikula nyan except for no other woman. the rest para lang sya dekorasyon. and meh sya umarte. perks of being being a porenjer in pinas.”

 

 

“really good script tapos yun pala si vhong navarro o vice ganda lang makakasama mo.”

 

 

“honestly di naman siya kagalingan umarte. pang endorsements, yes.”

 

 

“She was only good in Maging Sino Ka Man.”

 

 

“Taray namimili.”

 

 

“kaya nga para namang ang galing-galing. dun nga lang sa Buy Bust na trailer ang lamya nya tumakbo mas magaling pa si Cristine Reyes sa Maria.”

 

 

“Sa nagsasabi na hindi sya kagaling umarte how sure are you? Lol mema lang? E award winning din yan.”

 

 

“sana yung acting niya good din no? eh sa lahat ng roles niya, anne curtis pa rin siya.”

 

 

“Anne: I want good scripts and good movies
Good Scripts and Good movies: We want good acting.”

 

 

“Good script with no acting skills equals not so good movie or TV. Choosy much? Hosting nga waley acting pa kaya?”

 

 

“Di naman sya magaling umarte. Or kumanta. Pero magaling sya mag market ng sarili plus may appeal and charm kaya she’s that popular.”

 

 

“aminin, may x factor si anne.
sa pag-arte, talo siya ni jasmine. kaya lang, kulang naman sa oomph. you can’t have it all talaga.”

(ROHN ROMULO)

CARMINA at ZOREN, nagkaiyakan sa pag-send off nila kay MAVY na sasabak sa first lock-in taping

Posted on: July 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGKAIYAKAN ang pamilya nila Carmina Villarroel at Zoren Legaspi dahil sa pag-send off nila kay Mavy Legaspi sa unang lock-in taping nito.

 

 

Kasama si Mavy sa teleserye na I Left My Heart In Sorsogon kunsaan bida sina Heart Evangelista at Richard Yap.

 

 

Nag-share ng video si Mina on instagram na nagyayakapan silang lahat bago umalis si Mavy para sa lock-in taping nito.

 

 

“All grown up. Time for you to spread your wings my forever baby boy Mavy. Always remember that we are here for you and we are all proud of you! Enjoy! I miss you already. [You’ll be away from us for the first time]. We love you,” caption ni Mina.

 

 

Heto naman ang post ni Zoren: “It’s hard to let this guy go to spread his wings. Come back with wider and longer wing span. Always pray at night and when you wake up. I love You as my son as my friend.”

 

 

Last year ay nagkaiyakan din sila nung mag-lock-in taping for the first time si Cassy Legaspi para sa First Yaya.

 

 

***

 

 

ILAN lang ang nakakaalam na nakipaglaban pala sa sakit na meningitis ang aktres na si Cristine Reyes.

 

 

Ayon sa aktres, tinamaan daw siya noon ng naturang sakit noong 2009 dahil sa over fatigue sa sunud-sunod na trabaho. Nagkataon pa raw na meron siyang pinagbibidahan na teleserye at pelikula noong magkasakit siya.

 

 

“Naalala ko year 2010, 2009, I had a project with Jeffrey Jeturian called Reputasyon on ABS-CBN. And then I was also doing The Other Woman for Star Cinema and Viva.

 

 

Every day ako nagwo-work nu’n. Na-over fatigue na ako, low immune system. Tinamaan ako ng virus called meningitis.

 

 

“Nagkombulsyon ako habang nagte-taping. They rushed me to the hospital. I stayed in the hospital for almost a month.

 

 

“So I was thinking… they couldn’t find out what’s going on with me. So they had to get like a water thing sa spine ko to examine the water in my brain. Then ‘yon nga, they found out meningitis and it’s deadly.”

 

 

Puwede nga raw ikamatay ni Cristine ang naging sakit niya kaya hindi raw siya tumigil sa pagdasal. Lumaban siya dahil ayaw pa raw niyang mamatay.

 

 

“So, nag-pray na ako kay God no’n. Sabi ko, ‘I can’t die. I wanna live.’ Kasi sa hospital, ‘di ba sa bed mo ‘yung wall laging may crucifix? Merong crucifix doon. I remember… parang I think I was fighting for my life, ‘I can’t die.’ Even though I was super weak,” pag-alala ng aktres.

 

 

Unti-unting lumakas ang katawan ni Cristine hanggang sa malabanan na ng kanyang katawan ang sakit.

 

 

“Ang sabi lang ng mga doctors kasi it’s really your body that will fight for itself, eh, sa mga virus na yan. So, I guess God gave me strength to fight because I asked for it and I didn’t wanna give up,” sey pa niya.

 

 

***

 

 

NAIKUWENTO ni LJ Reyes na patuloy ang communication ng panganay niyang si Aki sa biological father nitong si Paulo Avelino.

 

 

Noong magkaroon ng pandemic last year, parati raw nag-uusap ang dalawa na ikinatuwa naman ni LJ.

 

 

“Hindi na dumadaan sa akin. Diretsong tumatawag si Paulo kay Aki. Sinasabi na lang ng anak ko na tinatawagan siya ng daddy niya.

 

 

“Natuwa ako na nandoon ang concern niya kay Aki. Lagi silang nagkukumustahan. Pinapabayaan ko lang silang mag-usap kasi Aki is turning 11-years old na at kailangan makilala niya ng husto ang father niya. Kahit na sa patawag-tawag lang, nakikita kong masaya si Aki,” sey ni LJ.

 

 

Nag-renew pala si LJ ng kontrata with GMA Artist Center at thankful siya sa pag-alaga at pag-intindi sa kanya ng Kapuso network.

 

 

“It’s been 17 years since I became a talent of GMA after StarStruck 2. I am thankful sa pag-alaga ng GMA sa akin na minsan nahihiya na ako sa kanila. May mga projects akong tinatanggihan dahil sa mga anak ko. Naiintindihan naman nila iyon.

 

 

“Naging very supportive sila noon pang nag-aaral ako hanggang sa naka-graduate ako. Ngayon ay supportive pa rin sila sa akin when it comes to the security and health of my family. Kaya natuwa ako nang ma-renew ang kontrata ko.”

 

 

May usapan daw sila ng partner niyang si Paolo Contis na hindi sila sabay tatanggap ng project para may isa sa kanilang maiwan sa mga bata.

 

 

Tulad ngayong buwan, si Paolo raw muna ang mag-lock-in taping para sa teleserye na I Left My Heart In Sorsogon.

(RUEL MENDOZA)

Paggamit ng booster shots ‘di pa inirerekomenda sa ngayon – DOH

Posted on: July 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nanindigan ang DOH na hindi pa inirerekomenda sa ngayon ang paggamit ng booster shots ng COVID-19 vaccine dahil wala pang sapat na ebidensiya ng pangangailangan ng karagdagang dose ng covid vaccine.

 

 

Binigyang diin ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na hindi pa aniya mairerekomenda ang paggamit ng booster shots hanggang wala pang pinanghahawakan na kompletong ebidensiya at scientific basis na nagsasabing ligtas at epektibong gamitin ang booster shots.

 

 

Umapela naman si Vergeire sa publiko na magtiwala sa mga available na bakuna sa bansa dahil lumalabas sa real world studies na ang mga bakuna na ginagamit ngayon para sa vaccination drive ng gobyerno ay epektibo kontra sa symptomatic infections, pagkaospital at pagkamatay sa deadly virus.

 

 

Paliwanag naman ni Dr. Lulu Bravo, executive director of the Philippine Foundation for Vaccination na hindi pa sapat ang mga isinagawang pag-aaral sa COVID-19 vaccine booster shots.

 

 

Marami pa aniyang kailangang talakayin gaya na lamang ng availability ng mga bakuna dahil giit ni Bravo na wala pa sa kalahati ng populasyon sa bansa ang nababakunahan kontra COVID-19.

 

 

Kailangan din aniya na gumawa muna ng rekomendasyon ang FDA at dapat na pag-aralan muna ng vaccine experts at hindi ng manufacturer o business entity ang booster shots.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Dr. Nina Gloriani, mula sa vaccine experts panel head na inaasahang ilalabas sa katapusan ng third quarter ng 2021 ang pag-aaral mula sa ibang bansa sa paggamit ng booster shots at mix and match ng bakuna.

 

 

Nauna nang inanunsiyo ng American pharmaceutical corporation na Pfizer-BioNtech na gumagawa ito ng booster shot ng kanilang bakuna na target na malabanan ang mas nakakahawang Delta variant na na-detect na rin sa mahigit 100 mga bansa. (Daris Jose)

PDu30, sinabing “punch-drunk” si Pacquiao nang sabihing P10B ang nawala sa gobyerno

Posted on: July 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Senador Manny Pacquiao ay “punch-drunk” nang sabihin ng huli na P10 bilyong piso ang nawala sa gobyerno dahil sa korapsyon.

 

“I think he is talking about P10 billion from nowhere… Papayag ba naman ako? Papayag ba kami? Mga secretary ng departamento na ganoon na may mawala na P10 billion?” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

 

“That is a statement coming from a guy that is punch-drunk, lasing,” giit ng Pangulo.

 

Nauna rito, pinaputok ni Senador Pacquiao na P10.4-B na SAP funds ang nawawala.

 

Ibinunyag ni Senador Pacquiao na P10.4 billion ang pondo sa ilalim ng Social Amelioration Program o SAP ang hindi umano nakarating sa mga benepisaryo.

 

Sinabi ni Pacquiao na P14 billion ang kabuuang pondo ng SAP para sa 1.8-milyong benepisaryo na ipinamahagi sa pamamagitan ng StarPay E-wallet.

 

Pero isiniwalat ni Pacquiao na 500,000 lang sa mga benepisaryo ang nag-download ng StarPay E-wallet kaya malinaw na sila lang ang nakatanggap ng ayuda.

 

Ayon kay Pacquiao, P207.6 billion ang inilaan ng gobyerno sa ikalawang round ng ayuda o SAP at sa nabanggit na halaga ay humigit-kumulang P50 billion ang dinala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Starpay.

 

Sabi ni Pacquiao, maghahain siya ng resolusyon para maimbestigahan ito ng Senate Blue Ribbon Committee at doon niya ibibigay ang kanyang mga ebidensya, mayroon din daw siyang testigo na hindi muna niya pinangalanan.

 

Ipinakita ni Pacquiao ang sangkaterbang mga dokumento na aniyang patungkol sa mga katiwalian sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

 

Tulad aniya sa Department of Health (DOH) na bumibili ng mga expired na gamot.

 

Sa simula pa lang ay agad binigyang diin ni Pacquiao na hindi dapat magalit sa kanya si Pangulong Rodrigo Duterte dahil nais lamang niyang tumulong sa kampanya nito laban sa korapsyon.(Daris Jose)