• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 17th, 2021

SUZETTE, rumesbak sa comment ni Direk ANDOY at nagsabi na dapat magbayad ng tamang tax ang Kapamilya network

Posted on: July 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI maganda yung pag-aaway sa social media ng mga Kapamilya at Kapuso.

 

 

Hindi nagustuhan ni Suzette Doctolero ang comment ni Direk Andoy Ranay na basura ang shows ng Kapuso network kahit pa may franchise ito.

 

 

Siyempre rumesbak si Suzette ng comment at sinabi naman na dapat magbayad ng tamang tax ang Kapamilya network.

 

 

Isa raw ito sa dahilan kung bakit hindi nabigyan ng prangkisa ang Channel 2 although we recall na sa hearing last year ay sinabi ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno na walang problema ang ABS-CBN.

 

 

Kahit na walang prangkisa ay ipinagpatuloy pa rin ng ABS-CBN ang pagsisilbi sa publiko via the various platforms available tulad ng streaming.

 

 

Ang GMA naman ay sinasabi na number one network na sila at nakagawa ng isang hit series via The First Yaya na nagbabu sa ere recently.

 

 

Pwede naman ipagmalaki ng ABS-CBN at ng GMA 7 ang kanilang respective achievements without having to disparage each other.

 

 

Mag-focus na lang at ipahayag ang achievements ng bawat isa. Huwag na lang magsiraan.

 

 

Ang public naman ang nasusunod kung ano ang gusto nilang panoorin.

 

 

In the same manner, sana respetuhin din ng ABS-CBN kung mag-decide man ang iba nilang artista na lumipat sa GMA. Huwag na sana nilang siraan or i-condemn ang desisyon na tanggapin ang alok na lumipat ng network.

 

 

For sure, ‘yung mga lumipat na artista from ABS-CBN to GMA Network ay hindi nalilimutan ang kanilang utang na loob sa Kapamilya Network.

 

 

Hindi naman masama kung tanggapin nila ang offer to work with GMA. Work is work. It puts money on the table, na nagagamit pangtustos sa pangangailangan.

 

 

We are in a pandemic and every opportunity to earn money is welcome, sa Kapamilya Channel man yan or sa Kapuso Network.

 

 

***

 

 

ANG Full Circle Lab Philippines na binuo ng  Film Development Council of the Philippines (FDCP) kasama ang Tatino Films ay magkakaroon ng isa pang virtual edition mula Setyembre 20 hanggang Oktubre 1 bilang capacity-building program na pinangungunahan ng international industry experts na patuloy na sinusuportahan ang Filipino at Southeast Asian filmmakers na mapahusay ang kanilang mga proyekto nang maging globally competitive ang mga ito.

 

 

Sa ikatlong edisyon nito, gaganapin ang online Full Circle Lab Philippines sa pagdiriwang ng Philippine Film Industry Month na idineklara sa Presidential Proclamation No. 1085.

 

 

Binubuo ang lab ng Fiction lab, Series Lab, First Cut Lab, at ang pinakabagong Creative Producers Lab upang matulungan ang producers sa project development, legal at financing issues, at company development para madagdagan ang production value ng kanilang pelikula.

 

 

Eligible at hinihikayat ang filmmakers mula sa Pilipinas at mga bansa sa Southeast Asia na Brunei, Cambodia, Timor-Leste, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, at Vietnam na magsumite ng kanilang mga proyekto nang masali ito sa konsiderasyon para sa apat na labs ng programa.

 

 

Hanggang Hulyo 30, 2021 ang pagsusumite ng mga aplikasyon at iaanunsyo ng FDCP ang mga napiling proyekto sa unang linggo ng Setyembre.

 

 

Ang FDCP, sa pamumuno ni Chairperson at CEO Liza Diño, ay naglalayong gawing creative hub ang Pilipinas sa Southeast Asian region sa pakikipagtulungan kasama si Full Circle Lab director Matthieu Darras, dating Artistic Director ng internationally renowned na Torino Film Lab.

(RICKY CALDERON)

Lumobo pa ang pabuya sa mga makakamedalya

Posted on: July 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TATANGHALING multi-millionaire bukod pa matatamong karangalan at kaligayahan, ang sinumang mananalo ng gold medal sa 32nd Summer Olympics Games 2020 sa Tokyo, Japan na inusog lang ng pandemya sa parating na Huly 23-Agosto 8.

 

 

Pinalaki pa ni business tycoon Ramon S. Ang ng San Miguel Corporation ang cash pot para sa quadrennial sports festival sa pagdagdag ng P10M sa bawat mag-uuwi ng gold, P5M sa mga makaka-silver at P2M sa bronze.

 

 

Isiniwalat ito nitong Martes ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino na dumalo bilang bisita sa tuwing Martes na online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum na mga hatid ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Smart at Upstream media.

 

 

Unang binunyag ni sports patron Manuel Pangilinan sa pamamagitan ng MVP Sports Foundation ang additional na P10M-P5M-P2M para sa G-S-B  medalists, katulad ng ipagkakaloob ng Philippine Sports Commission na pinamumunuan ni Chairman William Ramirez.

 

 

“Now RSA is giving the same amount,” pagbubunyag ni Tolentino, hinirit na P30M na ang makukuha sa gold winner, P15M sa silver, at P6M sa bronze. (REC)