• November 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 6th, 2021

Obiena bigo sa Olympic medal

Posted on: August 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sa kanyang tatlong attempts ay nabigo si Ernest John Obiena na malundag ang 5.80 meters sa finals ng men’s pole vault.

 

 

Ito ang tumapos sa kampanya ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist sa Tokyo Olympic Games kagabi sa Japan National Stadium.

 

 

Pumuwesto sa 11th place ang 6-foot-2 na si Obiena, nagsanay sa i­la­lim ni Ukrainian legendary coach Vitaly Petrov, sa kanyang ipinosteng 5.70m katabla si Bo Kanda Lita Baehre ng Germany.

 

 

“You could see the desire was there to win, but in accordance with the rules, he knew his rules and rights and set things right. The best is yet to come for EJ and for the Philippine Athletics,” sabi ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico.

 

 

Bago umabante sa finals ay kinailangan din niyang malundag ang 5.75m sa pangatlo niyang attempt.

 

 

Hindi rin nailapit ni O­biena ang nilundag niya sa Tokyo Olympics sa kanyang Philippine record na 5.87m.

 

 

Walang naging problema ang 25-anyos na batang Tondo sa pagtalon sa 5.55m habang nakuha naman niya sa pangatlong attempt ang 5.70m.

 

 

Si Obiena ang unang miyembro ng 19-man Team Philippines na nag-qualify sa Tokyo Olympics.

 

 

Sa mga mabibigat na international tournaments ay dalawang beses sinira ni Obiena ang sarili niyang national record bukod sa paghahari sa tatlong torneo.

 

 

Nakipaghati siya sa gold medal kay 2016 Rio de Janeiro Olympics gold medalist Thiago Braz ng Brazil sa magkatulad nilang 5.80m sa True Athletes Classics meet sa Leverkusen, Germany noong Hun­yo.

Bulacan gob, pinaalalahanan ang publiko na manatiling mapagmatyag sa dengue

Posted on: August 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Pinaalalahanan ni Gob. Daniel R. Fernando ang publiko na maging mapagmatyag sa dengue na hindi na lamang sakit na pangtag-ulan kundi pang buong taon na.

 

 

Ito ay sa kabila ng naitalang pitong porsyentong mas mababang kaso sa lalawigan kumpara sa nakalipas na taon.

 

 

Ayon sa Epidemiology and Disease Surveillance Unit ng Provincial Health Office-Public Heath, nakapagtala sila ng may kabuuang 1,718 na pinaghihinalaang kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Hulyo 3, 2021 kung saan tatlo ang namatay.

 

 

“Manatili po tayong maalam, mapagmatyag at maingat. Ang dami po nating kalaban hindi lang ang COVID-19 na nagparalisa sa lipunan mahigit nang isang taon, hindi rin po nawawala ang dengue na malaking banta sa kalusugan nating mga Bulakenyo,” ani Fernando.

 

 

Nananawagan din ang gobernador sa pakikiisa ng mga Bulakenyo na gawin ang 4S strategy laban sa dengue kabilang ang Suriin at Sirain ang mga pinamumugaran ng lamok sa loob at labas ng bahay, Sarili ay protektahan laban sa lamok, Sumangguni agad sa mga pagamutan o health centers kapag may sintomas ng dengue, Suportahan ang fogging kapag may banta ng outbreak.

 

 

“Sikapin po nating panatilihing malinis ang ating kapaligiran, alam po natin kung paano maiiwasan, kumilos po tayo, magtulungan po tayo,” anang gobernador.

 

 

Ipinaliwanag ng Kagawaran ng Kalusugan na naisasalin ang dengue sa pamamagitan ng kagat ng lamok na Aedes aegypti at Aedes albopictus na may dalang dengue. Ang mga lamok na ito ay nangingitlog sa mga naiipon at ‘di dumadaloy na tubig tulad sa mga takip ng bote, pamingganan, basurahan, nakatambak na gulong at iba pa na karaniwang nangangagat dalawang oras pagsikat ng araw at dalawang oras bago lumubog ang araw, sa loob o labas man ng bahay.  (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

P13B, gagastusin ng gobyerno para pondohan ang ayuda sa MM residents ngayong ECQ

Posted on: August 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Malakanyang na gagastos ang pamahalaan ng P13 bilyong piso para pondohan ang cash grants para sa mga low income Metro Manila residents bunsod ng nalalapit na two-week Enhanced Community Quarantine (ECQ) na magsisimula sa Agosto 6.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque Jr. na ang pondo ay huhugutin mula sa savings o ipon ng mga ahensiya ng pamahalaan alinsunod sa Administrative Order 41 na ipinalabas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Mayo at koleksyon mula sa Bureau of Treasury.

 

“This is for 10.7 million residents worth P13.1 billion. That is the worth of the financial assitance that will be distributed,” ayon kay Sec. Roque.

 

Nauna rito, binanggit ni Sec. Roque na ang COVID-19 cases sa Metro Manila ay tumaas ng 65% kumpara noong nakaraang linggo sa gitna ng paglitaw ng maas maraming nakahahawang Delta variant, dahilan upang kailangain na ipatupad ang ECQ.

 

“We will not impose it if it is not needed,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Mas matinding sitwasyon ang kakaharapin ng Phl kung ‘di ipatupad ang ECQ sa NCR – Concepcion

Posted on: August 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tama ang ginawa ng private sector na imungkahi ang dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) dahil kung hindi ay mahaharap sa mas malaking hamon ang Pilipinas bunsod ng banta ng Delta coronavirus variant, ayon kay presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion.

 

 

Mas ninais aniya ng private sector na irekomenda sa pamahalan na Agosto ipatupad ang ECQ para maprotektahan ang fourth quarter ng mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) at mga malalaking kumpanya.

 

Tuwing fourth quarter kasi madalas nakakabawi ng kanilang kita ang mga negosyante dahil natataon ito sa Christmas season, ayon kay Concepcion.

 

 

Kung hindi man kaagad kumilos ang pamahalaan, malamang sa malamang ay tatagal ng isa hanggang dalawang buwan ang ECQ kaysa dalawang linggo lamang. (Daris Jose)

LUIS, inamin na nagkasundo na sila JESSY sa ipapangalan sa magiging anak; kasama sa list ng gagawin sa post-pandemic

Posted on: August 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PAGKALIPAS nang ilang buwan na naikakasal ang ‘Pambansang Host’ na si Luis Manzano sa aktres na si Jessy Mendiola, marami na ang nag-aabang kung kailan sila magsisimulang bumuo ng sariling pamilya.                 

 

“We love kids. When we see cute kids on social media, we send each other the pictures and videos of laughing babies to crying babies. Wallpaper niya right now sa kanyang phone is what we believe our child would look like,” kuwento ni Luis sabay buong pagmamalaking ipinakita ang cute na cute na photo ng isang batang babae.

 

May napagkasunduan na rin sila ni  Jessy na ipapangalan sakaling magkaroon na sila ng anak, Emma o Ocean kung babae at Luke kung lalaki.                          

 

“When we hear the name Emma, naiisip namin yung tisay na naka-pigtails tapos ang pula-pula ng cheeks. Ocean naman because we love the ocean. We’re divers, we want to eventually live by the sea…  

 

“‘Yung pangalang Luke, it’s a bit of a play on Lucky [nickname] and also a bit of a ‘Star Wars’ thing.”                          Pero maghihintay pa si Luis na matapos ang pandemya bago mangyari ito.

 

Kasama ito sa listahan ng mga unang bagay na gagawin niya post-pandemic.             

 

“I would spend time with my family. Siguro sit down, have a maskless meal, hug everyone, my mom, my dad, and create the little angel.”

 

Magkaganoon man, bakas sa mukha ni Luis na masayang-masaya siya sa buhay may asawa. Bagay na muntik nang hindi mangyari. Napabalita kasi noon na naghiwalay na si Luis at Jessy at kinumpirma din nila ito sa vlog ng huli.     Nangyari ang hiwalayan bago ang kanilang engagement noong 2020.

 

“Siguro we were getting on each other’s nerves nung pandemic. Umabot sa point na we would constantly fight. Then we realize it’s the stress getting to us. Eventually, we found each other again at kung ano yung kina in love-an namin sa isa’t isa.”

 

Ikinasal si Luis kay Jessy sa isang intimate ceremony noong February 21 sa The Farm at San Benito sa Lipa, Batangas.

 

May pagkakaiba kaya kung ikinasal sila sa panahong hindi pandemic?                 

 

“I think with how happy we are right now, I wouldn’t want to consider anything else,” sagot ni Luis.

 

Samantala, katatapos lamang ni Luis gawin ang ‘I Can See Your Voice’ at ang ‘Your Face Sounds Familiar.’ Nakatutok muna ito sa pagbuo ng mga konsepto para sa kanyang YouTube channel na ‘LuckyTV.’

 

Mayroon din siyang inaasikasong ilang negosyo na kabilang sa essentials tulad ng transport taxi at gasolinahan.             Higit sa lahat, may bagong role si Luis sa ilalim ng nangungunang health care company sa bansa, ang Unilab. Ito ay ang pagiging health advocate para sa leading flu medicine, ang Bioflu.

 

“Kapag may trangkaso ako, ramdam ko ang lahat ng sintomas – lagnat, sakit ng katawan, ubo’t sipon. It is so hard for me to function when I have the flu, as in talagang bed rest, bagsak,” paglalarawan ni Luis.

 

Nagkuwento din ito ng isang pangyayari kung saan natulungan siyang bumangon at makapagtrabaho matapos uminom ng gamot.

 

“It was the grand finals of a reality show on TV and I was the main host. The night before that, tinamaan ako ng trangkaso. That’s when I turned to Bioflu para the next day, tanggal lahat ng flu symptoms and I get to be me. I get to be at my optimum.” Bukod kay Luis, marami ang nagtitiwala sa Bioflu para makabangon mula sa trangkaso.

 

“We have to admit, there are some na if they don’t go to work, they don’t get paid. Kumbaga, they are very reliant on their income for that particular day, especially at this time na marami ng nawalan ng trabaho o naging unstable ang kanilang pinagkakakitaan.                               

 

“That’s why a lot of people fall back on a trusted brand like Bioflu to be able to get back on their feet and to be able to do what they need to do for themselves and their family. At doon ko rin nakita ang value ko bilang isang brand ambassador ng isang produktong katulad ng Bioflu. I am representing a product na talagang makakatulong sa mga taong bumangon, lalo na sa panahon ngayon.”

 

Batid ni Luis kung gaano kaimportante and pagbangon sa lahat ng bagay, hindi lamang sa sakit kundi pati na rin sa hamon ng buhay. Tulad na lang ng hindi nila pagsuko sa isa’t isa ni Jessy na ngayon ay asawa na niya.

 

Maaaring kailangang maghintay pa muna bago nila maisakatuparan ang pangarap na baby pero pansamantala, masaya si Luis sa kanyang bagong pamilya, ang Unilab, at sa bagong role na kanyang gagampaman.

 

Pagwawakas ni Luis, “If life in general was predictable, if everything were laid out for you, it wouldn’t be really worth living. Para sa akin, it adds a bit of spice to life, a bit of challenge, but in general you get to appreciate it even more because of the curveballs.”

(ROHN ROMULO)

9 REHIYON MAY DELTA VARIANT NA

Posted on: August 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SIYAM  na rehiyon na ang nakikitaan ng presensya ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa ayon sa Department of Health (DOH).

 

Sa Townhall session ng DOH, sinabi  ni Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea De Guzman na natukoy ang local cases ng Delta variant sa ilang mga rehiyon .

 

Kabilang  dito ang Ilocos  na may 5 kaso, Central Visayas, 32; Northern Mindanao, 14; National Capital Region, 46; Central Luzon, 20; Western Visayas, 5; CALABARZON, 28; Eastern Visayas,10 at Davao na mayroon na ring 4 na kaso ng Delta variant ng COVID-19.

 

Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakapagtala na ng 216 Delta variant cases  kung saan 48 rito ay mga Overseas Returning Filipinos o ORFs, habang kinokonsiderang local cases naman ang iba pa.

 

Bagamat wala pang ebidensya, sinabi ng eksperto na mabuting ipagpalagay nang may community transmission upang maiwasan ang mas malaking epekto nito.

 

“All indicators are sayong that cases are rising.And so we really need to act now, we need to work strategically  to prevent the negative impact of Delta”, ani De Guzman. GENE ADSUARA

Meralco wala munang disconnection sa NCR, Laguna

Posted on: August 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sinuspinde muna ng Manila Electric Company (Meralco) ang kanilang disconnection activities sa Laguna at National Capital Region (NCR) sa ilang piling petsa ngayong Agosto.

 

 

Ito’y kasunod na rin nang pagsasailalim ng pamahalaan sa mga naturang lugar sa mas istriktong community quarantines dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 nitong mga nakalipas na araw.

 

 

Sa paabiso ng Meralco, ang disconnection sa Laguna ay suspendido mula Agosto 1 hanggang 15, dahil sa pagpapasailalim sa lalawigan sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

 

 

Samantala, hindi rin muna magpuputol ang Meralco ng linya ng kuryente sa NCR simula Agosto 6-20 dahil sa nakatakdang enhanced community quarantine (ECQ) sa rehiyon.

 

 

Umapela rin ang Meralco sa mga kostumer na maki­pag-ugnayan sa kanila sa mga billing concerns ng mga ito at samantalahin ang pagkakataon upang makaiwas sa mahabang pila, sa sandaling alisin nang muli ang ECQ.

 

 

Tuloy naman ang meter reading at bill delivery activities ng Meralco. (Gene Adsuara)

Community pantry sa panahon ng ECQ habang hinihintay ang ayuda mula sa gobyerno, puwede kung iba-bahay-bahay –Abalos

Posted on: August 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

OKAY lang kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos na magkaroon ng community pantry sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) habang hinihintay ang ayuda na manggagaling sa pamahalaan.

 

Subalit, nilinaw ni Abalos na kailangan na i-coordinate ito sa barangay officials at gawin itong bahay-bahay.

 

Ang pangamba kasi ni Abalos, kapag ang community pantry ay nagpapila pa ng tao ay baka ito pa ang pagmulan ng pagkakahawa-hawa ng mga tao sa variants ng covid-19.

 

“Well, alam ninyo ang problema kasi natin sa community pantry kung magpapapila ka tapos maging super spreader event eh siguro i-coordinate na lamang para maibahay-bahay na lang po ito. as much as possible kasi ang purpose ng ECQ ay huwag talagang lumabas ng bahay eh,” ayon kay Abalos sa Laging Handa public briefing.

 

Mas makabubuti na lamang aniya na gumawa ng magandang sistema para maibigay sa tao ang tulong habang nasa 2-week ECQ ang Kalakhang Maynila.

 

“eh kung magpapapila tayo sa labas at magbibigay tayo eh baka magkagulo so, kung talagang gustong tumulong wala namang problema roon pero sana gumawa tayo ng magandang sistema na baka puwedeng ipa-deliver na lang natin sa bahay-bahay para huwag na pong lumabas ang tao,” ang pahayag ni Abalos.

Pagdating sa bansa nang mahigit 3M doses ng Moderna Covid-19 vaccines, pinangunahan ni Pangulong Duterte

Posted on: August 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsalubong sa pagdating nang mahigit sa 3 milyong doses ng Moderna Covid-19 vaccines na dinonate ng gobyerno ng Estados Unidos sa Villamor Air Base,Pasay City.

 

Sa maikling mensahe ng Pangulo ay pinasalamatan nito ang Amerika dahil sa kabutihang-loob na ibahagi ang Covid-19 assistance sa Pilipinas.

 

“I would like to extend my deepest gratitude to the COVAX Facility for the continuous donation of these vaccines. We look forward to the delivery of even more life-saving vaccines in the country very soon,” ayon sa Pangulo.

 

“We are equally grateful for the donations of the key medical supplies and equipment and the provisions of institutions support of our Covid response. All of these have helped, definitely will continue to help the Filipino people. Indeed, the cooperation between the Philippines and US in overcoming the pandemic highlights the strong and deep friendship between out two countries,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

Ang pagdadala aniya ng bakuna ng Estados Unidos para sa mga mamamayang Filipino ay nakapapagod at dumaan sa mahirap na proseso.

 

“May I just make a segue of my talk to you. I know that it is the sentiment of America that the vaccines that will be given to the Philippines should go first to those who have least in life. Yung mga mahirap. The poor ones who cannot afford and for those… well… who do not want to be vaccinated we will try to entice them with the vaccines given by the United States,” ani Pangulong Duterte.

 

Ang mga bakuna aniya na dinonate ng Estados Unidos ay ibibigay niya sa mga mahihirap na mamamayan.

 

“Rest assured that everybody will follow that directive. Let us beat Covid-19 together at maraming salamat po sa inyong lahat,” pagtatapos ng Pangulo. (Daris Jose)

Facebook followers ni GABBI, pumalo na sa higit 12 million; proud ang fans sa bagong milestone

Posted on: August 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MARAMI ang nagulat nang bigla na lang nawala ang laman ng Instagram account ng Kapuso actor na si Ruru Madrid.

 

 

Ayon naman pala, magkakaroon ito ng isang transformation. At dito rin pinakita ni Ruru ang kanyang leaner physique.

 

 

Ang transformation ni Ruru ay kasama sa paghahanda niya sa upcoming Kapuso primetime series na ngayon ay ongoing ang lock-in taping.

 

 

“Si Lolong, nagtatrabaho siya sa bukuhan. Nagtatrabaho siya sa niyugan, umaakyat siya lagi sa puno, nangingisda siya. Doon sa lugar nila, hindi naman siya nagdyi-gym. That’s why I changed my diet din dito sa ‘Lolong.’ Binago ko rin ‘yung pagwo-workout ko,” ani Ruru.

 

 

Makakasama rin niya sa GMA Public Affairs series sina Shaira Diaz, Arra San Agustin, Christopher de Leon, at Jean Garcia.

 

 

Kaabang-abang din ang roles nina Bembol Roco, Malou de Guzman, Rochelle Pangilinan, at Ian de Leon. Kasali rin sa cast sina Mikoy Morales, Paul Salas, DJ Durano, Marco Alcaraz, Maui Taylor, Priscilla Almeda, at Leandro Baldemor.

 

 

Abangan sila sa dambuhalang action-adventure series ng taon, ang Lolong. Soon on GMA!

 

 

***

 

 

PROUD na proud ang fans ng Global Endorser na si Gabbi Garcia nang pumalo na sa higit 12 million ang Facebook followers niya.

 

 

Isang panibagong milestone ito para sa Kapuso star na isa sa mga artistang pinaka-sinusundan sa social media ng netizens!

 

 

Kamakailan din ay ni-launch ni Gabbi kasama ang boyfriend at fellow Kapuso artist na si Khalil Ramos ang sarili nilang food video channel na ‘Front-Seat Foodies’ kung saan mapapanood silang bumibisita sa iba’t ibang restaurants at nagro-roadtrip together.

 

 

Samantala, kasalukuyan pa ring napapanood si Gabbi bilang host ng programang In Real Life tuwing Huwebes sa GTV at tuwing Linggo sa All-Out Sundays sa GMA.

 

 

***

 

 

NAKAPAGTAPOS ng kanyang degree in Masters of Arts in Filipino mula sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang former sexy actor ng Seiko Films na si Dante Balboa.

 

 

Natapos ni Dante (Elmer Anisco sa tunay na buhay) ang kanyang master’s degree ng dalawang taon at kalahati. Napagsabay nga niya ang pag-aaral niya habang siya ay nagtuturo at inaasikaso ang kanyang sariling negosyo.

 

 

“I studied a lot because I want to have a meaningful and productive personal rewards every year. It’s just a matter of time management because since I was a kid, I always plan my life. Literally speaking, I always have a goal per week, per month, per year and per decade,” sey ni Dante.

 

 

At nasa plano pa rin daw ni Dante na kumuha pa ng ibang kurso habang kaya pa niyang mag-aral.

 

 

“I won’t stop my studies until I finished my doctoral degree. I’m planning to take my PhD in Filipino in Malikhaing Pagsulat in UP Diliman this coming school year and still do my advocacy for our country. Life is too short, I want to live my life to the fullest. I want to have a meaningful legacy when I’m gone.”

 

 

Nagsimula bilang model hanggang sa pasukin ni Dante ang pagpapa-sexy sa pelikula noong 2002. Naging contract star siya ng Seiko Films at ginawa niya ang mga pelikulang Kasiping, Temptasyon, Takaw-Tingin at Karelasyon.

 

 

Umarte rin sa ilang stage plays si Dante at naging professor siya sa Far Eastern University.

(RUEL J. MENDOZA)