• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 7th, 2021

ALPHA KAPPA RHO FRATERNITY NAG DIDIRIWANG NG IKA-48TH FOUNDING ANNIVERSARY

Posted on: August 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ang ALPHA KAPPA RHO International Humanitarian Service Fraternity and Sorority ay nag didiriwang ng kanilang ika-apat napu’t walong anibersaryo.

 

Bagama’t pandemya ay hindi naman papapigil ang mga AKRHO para ipag diwang ang kanilang anibersaryo. Sa pangunguna ng Valenzuela Skeptron Council 8309 at ang mga officers na sila Chairman Edmar Jimenez, Vice Chairman District 1 John Paul Evangelista, Vice Chairman District 2 Roi Miguel Alabastro, Chairwoman Irene Olat, Vice Chairwoman Linette Suvillaga.

 

Isang pagbati na rin sa mga officers and members ng Kappa Rho Community Chapter sa pangunguna ni Grand Skeptron Carl Dacasin, Lady Grand Skeptron Jane Vincent Torremocha, Vice Grand Skeptron Marc Neil Balayo at ang kanilang mga Master Initiator na sila Brod Reniel Doctor, Brod Aldrin Santos at Brod Jayvie Ligutan.

 

Happy 48th Founding Anniversary Alpha Kappa Rho! LONGLIVE! (CARD)

Marcial may matatanggap pa ring insentibong P7 million

Posted on: August 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Bagama’t nabigong umabante sa gold medal round ay may matatanggap pa ring milyones si middleweight Eumir Felix Marcial.

 

 

Nakasaad sa Republic Act No. 10699 o ang Athletes and Coaches Incentives Act na ang Olympic gold meda-list ay bibigyan ng cash incentive na P10 milyon, ang silver ay P5 milyon at ang bronze ay P2 milyon.

 

 

Bukod sa P2 milyon para sa bronze medal mula sa gobyerno sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission (PSC) ay tatangap din si Marcial ng dagdag na tig-P2 milyon mula kina Manny V. Pangilinan ng MVP Sports Foundation (MVPSF) at Ramon S. Ang ng San Miguel Corporation (SMC).

 

 

May bonus ding P1 milyon mula kay House Deputy Speaker Mikee Romero para sa kabuuang P7 milyon.

 

 

Natalo ang tubong Zamboanga City na si Marcial kay No. 1 seed Oleksandr Khyzhniak ng Ukraine via split decision sa kanilang semifinals bout kahapon.

 

 

Nauna nang nabigyan ang 25-anyos na si Marcial ng bye sa round-of-32 at sa round-of-16 ay tinalo niya si Younes Nemouchi ng Algeria at isinunod si Arman Darchinyan ng Armenia sa quarterfinals.

 

 

Noong Hulyo ng 2020 ay pumirma si Marcial sa isang six-year contract bilang isang professional boxer ng MP Promotions ni Sen. Manny Pacquiao.

 

 

Kasama na ngayon ang pangalan ni Marcial sa mga Pinoy athletes na nanalo ng Olympic bronze matapos sina swimmer Teofilo Yldefonso, tracksters Simeon Toribio at Miguel White at boxers Jose Villanueva, Anthony Villanueva, Leopoldo Serantes at Roel Velasco.

LGUs, kinalampag ng Malakanyang na magpatupad ng hakbang na magko-kontrol sa pagdagsa ng tao

Posted on: August 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa mga opisyal ng local government units’ (LGUs) na magpatupad ng hakbang na magko-kontrol sa pagdagsa ng tao sa Covid-19 vaccination centers.

 

Ang babala ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang kabiguan ng mga ito na maipatupad o gumawa ng hakbang sa bagay na ito ay malinaw na “dereliction of duty.”

 

Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay kasunod ng report na may hindi inaasahang dami ng bilang ng taong dumagsa sa vaccination centers sa Maynila lalo na sa SM San Lazaro.

 

Ipinakita sa report na ang vaccine turnout sa Maynila ay tumaas ng 22,000 mula sa usual daily numbers na 1,000 hanggang 2,000 kada vaccination site.

 

“Ang pinagbilin po ng Presidente, dapat unang-una, kino-control po talaga ang crowd. Pangalawa, kinakailangan makatao po. Hindi po puwede nagkakagulo,” ayon kay Sec. Roque.

 

Pinaalalahanan naman ni Sec. Roque ang mga opisyal ng LGUs na tiyakin na ang scheduling system ay nasusunod upang masiguro na may sapat na slots para sa mga magpapakita sa vaccination sites.

 

“Huwag naman po natin gawing super spreader events ang ating bakunahan because ang bakuna po will save lives, it should not endanger lives,” dagdag na pahayag nito.

 

Sinabi pa niya na kailangang kontrolin ng mga LGU officials ang dami ng tao dahil sapat naman ang resources para ipatupad ang minimum public health standards.

 

“Sapat po ang ating resources para magpatupad ng minimum [public] health standards at ang hindi po pagpapatupad niyan ay isang klase ng dereliction of duty ng ating mga lokal na opisyales,” aniya pa rin.

 

Giit ni Sec. Roque, ang pagpapabaya sa quarantine protocols sa Covid-19 vaccination sites ay maituturing na isang sakuna para sa bansa.

 

“Nananawagan po kami kinakailangan ipatupad ang minimum public health standards, otherwise, ‘yung ating bakunahan na ang objective ay makasalba ng buhay baka ‘yan pa ang maging dahilan ng pagkakasakit at pagkakamatay,” aniya pa rin. (Daris Jose)

NBI kumikilos na vs mga nagpapakalat ng ‘No Bakuna, No Ayuda’ sa social media – Abalos

Posted on: August 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Binalaan ni MMDA chairman Benhur Abalos ang mga nagpapakalat sa social media na hindi makakatanggap ng ayuda ang mga hindi pa nagpapabakuna kontra COVID-19.

 

 

Ayon kay Abalos, iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga aniya’y nanggugulo lang sa harap ng pagsisikap ng pamahalaan na makatulong sa mga residenteng apektado ng COVID-19 pandemic.

 

 

Ang mga hindi makabuluhan at walang katuturan na “fake news” na ito ang siyang dahilan kung bakit nagkakagulo aniya ang mga tao para makahabol sa pagpapabakuna kontra COVID-19.

 

 

Kaninang madaling araw, nagdagsa ang maraming residente ng ng Maynila sa iba’t ibang vaccination sites ng lungsod para humabol sa pagpapabakuna bago ang magsimula ang ECQ sa National Capital Region bukas, Agosto 6, hanggang sa ika-20 ng buwan.

 

 

Kaya naman alas-3:00 pa lang ng umaga ay naabot na ang 2,500 cut off sa mga vaccination sites na dinagsa ng maraming tao, dahilan para itigil na ang pagtanggap ng walk-in vaccinees.

 

 

Sa pagtaya ng Manila Police, aabot ng hanggang 5,000 ang taong pinauwi kanina. (Gene Adsuara)

MARCO, matagal ng fan at ‘di akalain na natupad agad ang dream na makatrabaho si SHARON

Posted on: August 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pa rin makapaniwala si Marco na nakagawa siya ng pelikula with Sharon Cuneta at siya pa ang leading man ng Megastar.

 

 

Matagal na raw siyang fan ni Sharon at dream come true para sa kanya na makatrabaho ang singer-actress. Laking tuwa niya nang sabihin sa kanya ng Viva na makakasama niya sa Revirginized si Sharon.

 

 

Hindi nga niya akalain na ang dream niya na makatrabaho si Sharon ay matutupad agad via Revirginized.

 

 

Sobrang enjoy daw katrabaho si Sharon, ayon kay Marco.

 

 

“She’s very down to earth. Hindi niya ipararamdam sa iyo na inferior ka,” sabi pa ni Marco.

 

 

“Ms. Sharon made us feel comfortable to be with her, especially on the set. She’s so genuinely nice, approachable and easy to talk to.”

 

 

Bukod sa body shot scene kung saan uminom si Sharon ng tequila from his tummy, memorable rin ang eksenang may tinutulak silang kotse dahil yun ang turning point ng pelikula.

 

 

“Doon kasi naging mas free ang feeling ni Ms. Sharon as Carmela. She became a really changed woman at nawala ang pagiging uptight niya,” kwento pa ni Marco.

 

 

Hindi raw niya malilimutan ang experience na maging leading man ng Megastar. Marami raw siyang natutuhan from Sharon and he absorbed everything that he learned from her.

 

 

Para naman kay Direk Darryl Yap, natupad na isa sa bucket list niya at ito ay ang makatrabaho si Sharon. Hindi raw niya inakala na this early in his career as a director ay darating agad ang pagkakataon to work with the Megastar.

 

 

Pwede na raw niyang ipagyabang na naidirek na niya si Sharon sa pelikula. At napaka-pleasant experience ito.

 

 

“Sharon is an angel to work with. Wala siyang ere. She’s a very happy person at very generous pa,” hirit ni Direk Darryl na niregaluhan ni Sharon ng Louis Vuitton na bag.

 

 

Sinabi rin ni Direk Daryl na very professional si Sharon.

 

 

Revirginized is now streaming on KTX.ph, iWant, TFC, IPTV, Sky PPV and on August 27, at Cignal PPV. It’s also going to be shown in actual theaters in the USA and Canada .

 

 

***

 

 

REUNITED sina Coco Martin at Direk Brillante Mendoza sa pelikula kung saan leading lady ni Coco si Julia Montes.

 

 

Untitled pa ang movie na dinirek ng Cannes best director awardee para masaya siya to be working again with Coco na nagbida sa debut directorial film niya na Masahista.

 

 

For that movie, nagwagi si Coco ng Best Performer Award mula sa Young Critics Circle.

 

 

Sa chikahan with Direk Dante, sinabi nito na malaki ang naging improvement ni Coco as an actor. Dala na rin ng maturity ng actor na masasabi natin na isa sa favorite actors niya.

 

 

Nang ialok daw niya ang movie na ito (kung saan pulis ang role ni Coco pero kakaiba sa character ni Cardo Dalisay, na isa rin pulis), nagkataon na may break si Coco sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano kaya nagawa niya ang pelikula.

 

 

“Sabi ni Coco sa akin, artista lang ako rito. Kahit na ano pwede mo ipagawa sa akin. Gusto mo mag-tumbling ako? Sabi ko naman, okay lang basta patay lahat ng kalaban sa isang bala,” natatawang kwento ni Direk Dante.

 

 

Very professional daw katrabaho sina Coco at Julia. Nakatrabaho na raw niya si Julia sa isang project for DOH kaya alam niya na very professional ito.

(RICKY CALDERON)

SHARON, nagpa-reduce ng breast at may pinaayos sa loob ng ilong; ‘Revirginized’ nagtala ng most pre-sold tickets sa ktx.ph

Posted on: August 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALIK ang nag-iisang Megastar Sharon Cuneta para sa kanyang pinakamainit, pinakamakipot at pinakamasikip na role sa bagong pelikula sa Viva Films, ang Revirginized.

 

 

Ang direktor ng trending digital movies na Paglaki Ko Gusto kong Maging Pornstar, Tililing at Ang Babaeng Walang Pakiramdam, na si Darryl Yap ay may bago na namang comedy film na handog para sa mga titang mashikip pa rin!

 

 

Sa pelikula, wasak sa katatapos lang niyang annulment, tulala si Carmela (Sharon Cuneta) habang nakatambay sa isang tindahan. ‘Di sinasadyang nagkita si Carmela at ang kanyang inaanak kasama ang mga barkada nito na bumibili ng alak bago pumunta sa isang beach party.

 

 

Gustong tumakas sa lahat ng kanyang problema, tinakot ni Carmela ang kanyang inaanak na isusumbong niya ito kung hindi siya isasama sa pupuntahang beach party.

 

 

Doon, sa halo-halong “awkwardness”, trying hard na pakikibata at pagpupumilit maging wild, susubukan ni Carmela pumarty, magwalwal, at pati makipag-one night stand kay Morph (Marco Gumabao), ang makisig na binata na owner at tattoo artist ng venue kung saan ginanap ang beach party.

 

 

Talaga namang kakaibang Sharon Cuneta ang mapapanood sa Revirginized. At dito din ipapanganak ang bagong love team na sasakyan mo, ang #TeamCuBao! Dahil talaga namang ang lakas ng asim at kilig factor ng tambalan nina Sharon at Marco.

 

 

Kaya naman ‘wag palalampasin ang pinakamainit, pinakamakipot, pinakamasikip at pinakamasayang movie ngayong taon, ang Revirginized.

 

 

Yesterday, August 6 nag-worldwide premiere sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV, SKY PPV at sa Vivamax. Ipapalabas din ito sa Cignal PPV sa August 27. Maaaring mag-stream ng Vivamax sa web.vivamax.net. Mag-download na din ng app at mag-subscribe via Google Play Store, App Store at Huawei AppGallery.

 

 

Magkakaroon din ito ng theatrical release sa Amerika at Canada sa August 13.  Ang Revirginized ang most pre-sold tickets on ktx.ph ng Viva Films.

 

 

Samantala, sa Zoom media conference noong August 4, maraming revealations si Sharon at isa sa inamin niya ang breast reduction procedure habang nasa bakasyon sa Amerika.

 

 

Habang nasa virtual mediacon, ‘di mapakali si Sharon dahil sa paulit-ulit na nalalaglag ang strap ng kanyang bra kaya inaayos niya.

 

 

Kaya nagsalita siya na, “pwede bang magsabi…

 

 

“Nagpunta ako ng Amerika, di ba? Tumaba ako pero konti lang, may lumiit sa akin,” sabay pakawala sa malulutong na tawa.

 

 

Kaya binalikan ni Giselle Sanchez, ang moderator and host ng mediacon, kung ano ‘yung lumiit kay Sharon.

 

 

“I had my chest reduced,” kuwento niya, dahil tumaba talaga siya nang husto at nag-breastfed pa kay Miel noon.

 

 

“And after gaining and losing, a lot if it was skin and fats. No, I didn’t have implants. It was all natural.

 

 

“But it’s all skin and fats and so I had it reduced. At siyempre pina-lift ko na rin.”

 

 

Nai-post na pala ito ni Sharon sa kanyang Instagram ang tungkol sa pagbabago sa bahagi ng katawan.

 

 

“Sinabi ko na ‘yan sa Instagram. Meron akong ipinost na ‘tingnan niyo nang mabuti itong picture namin ni Pawi…’

 

 

“Kami ni Pawi yata ‘yon, yung naka-bathing suit ako sa movie, ‘kasi baka may liliit po diyan, e.”

 

 

Bukod sa pagpa-reduce ng breast, may pinagawa rin siya sa loob ng kanyang ilong, dahil hindi pala pareho ang kanyang paghinga, dahil isang maluwag at masikip.

 

 

At ngayong naayos na ang problema, excited na si Sharon kumanta at mag-record ng upcoming albums na gagawin niya, ‘yun isa collection of Odette Quesada songs at Christmas album.

 

 

Pahayag naman ni Sharon tungkol sa pagtatambal nila Marco, “In the movie, I call him Pawi.

 

 

“With Marco, I tried to keep it really straight. ‘This is Pawi, this is my honey in the movie.’

 

 

“So, hanggang promo, pinaninindigan ko ‘yon for the sake of the movie.”

 

 

Sabi pa niya, “But he’s a dream to work with because he is professional. He is obviously the heartthrob of Viva now.

 

 

“He’s a good boy. We’re both Christians and, you know what, he’s a friend of mine.”

 

 

Dagdag pa ni Sharon, “To Marco, my Pawi, I love you sweetie. I’m so glad I was able to work with you and proud to be your friend.”

(ROHN ROMULO)

Sylvester Stallone Teases ‘Expendables 4’ With Cryptic Ring Image

Posted on: August 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sylvester Stallone recently shared a new post to his Instagram feed teasing that things were moving forward with a new photo and looks like The Expendables 4 might be on its way sooner rather than later.

 

 

The actor posted an image of a gold ring featuring a skull face with purple gems for eyes.

 

 

“Just finished the [sic] designing the new ring for EXPENDABLE 4 It’s a little heavy, but it’ll definitely put some muscles on your fingertips,” Stallone wrote.

 

 

Fans of the actor could have guessed what the post suggested, but he made things clear as day with his caption.

 

 

The actor’s character Barney Ross famously wears flashy skull rings in all of the Expendables films, and we’ve got a look at his new bling for the fourth installment.

 

 

The Expendables saw decent success in the box office when it debuted back in 2010, bringing in $274 million worldwide. The flick brought together some of the film world’s biggest action stars, including Jason StathamArnold Schwarzenegger, and Jet Li.

 

 

It spawned two successful sequels, which together amassed well over $528 million worldwide. Despite the success of all three films, the fourth was put on ice, and it’s been seven years without a new installment.

 

 

It was reported in 2017 that Stallone had exited The Expendables 4 due to disagreements with Nu Image/Millennium chief Avi Lerner.

 

 

Everything seems to be back on track with Stallone’s new Instagram post, which piggybacks off Randy Coture’s comments about The Expendables 4 back in March. The actor, who has appeared in all three Expendables projects, confirmed things were moving forward when he appeared on The Jenna Ben Show.

 

 

“It sounds like we’re gonna get to do [Expendables] 4. They’ve been kicking it around for a couple of years now but I’ve just recently heard from my agent that they’re working on the script for [Expendables] 4 and they’re planning to schedule filming for Expendables 4 for this/next fall. So I haven’t seen the script yet. They had one a couple of years ago that they were talking about making Expendables 4 out of, and then it [the previous script] got away.”

 

 

For now, things still seem to be early on in pre-production, and there is no confirmation on the cast just yet, other than Stallone and Couture. We expect Schwarzengger, Statham, Li, Dolph Lundgren, and Antonio Banderas back in action as well.

 

 

There currently is no release date for The Expendables 4. (source: collider.com)

(ROHN ROMULO)

PNP kumambiyo, ‘hatid sundo’ ng non-APOR sa APOR papayagan na

Posted on: August 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Papayagan na rin ang mga non-authorized persons outside of residence (APOR) na maghatid-sundo hindi lang sa Health workers, kundi sa lahat ng essential workers.

 

 

Ito ang inihayag ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar matapos na humingi ng guidance sa National Task Force kaugnay ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR simula bukas August 6 hanggang sa Agosto 20.

 

 

Para makadaan sa Quarantine Control Points (QCP) ang mga Non-APOR drivers, kailangan lang nilang magprisinta ng Certificate of employment ng kanilang susunduing essential worker.

 

 

Dapat naka-lagay din sa certificate ang pangalan ng driver, modelo at plate number ng sasakyan, at Contact number ng Employer.

 

 

Kailangan ding may kopya ng Business permit ng employer na maipakita ang driver.

 

 

Kung mga Health workers naman ang susunduin, una nang sinabi ni Eleazar na ID lang ng Health worker ang kailangang ipakita ng mga non-APOR na driver.

 

 

Sa kabilang dako, makalalabas pa rin ang mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) na hindi pa natuturukan ng bakuna kontra COVID-19.

 

 

Ito ang nilinaw ni PNP chief matapos dumagsa sa mga vaccination site ang mga APOR sa pangambang di sila makalalabas kung hindi pa nababakunahan.

 

 

Hindi anya requirement sa paglabas ang bakuna sa panahon na umiiral ang lockdown.

 

 

Bukas ay iiral na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) sa gitna ng banta ng Delta variant ng COVID-19. (Daris Jose)

Active COVID-19 cases sa bansa, maaaring pumalo sa 525,000

Posted on: August 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Malakanyang na maaaring pumalo sa 525,000 ang active COVID-19 cases sa bansa sa katapusan ng Setyembre kung hindi inilagay sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR) mula Agosto 6 hanggang 20.

 

Ang babala ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos na ilagay sa ilalim ng ECQ, strictest quarantine classification ang Kalakhang Maynila, sa pangatlong pagkakataon simula noong Marso 2020.

 

“The projections we have is that we will have active 525,000 COVID-19 cases by end of September if we keep our current quarantine classifications. We cannot let that happen because we do not have enough hospitals,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Kaya po tayo magla-lockdown para hindi mamatay ang ating mga kababayan. Mahirap, magastos, pero ito po ay kinakailangan para maprotektahan ang ating mga kababayan,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Idineklara ang  ECQ sa NCR sa gitna ng banta ng mas nakahahawang Delta coronavirus variant.

 

Ayon sa mga eksperto, ang variant na unang na-detect sa India, ay maaaring makahawa ng lima hanggang walong katao “in one setting.”

 

Sa ilalim ng ECQ, tanging ang mga essential trips at services lamang ang pinapayagan.

 

Nauna rito, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na ang nalalapit na ECQ ay mas mahigpit. (Daris Jose)

Ads August 7, 2021

Posted on: August 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments