• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 16th, 2021

DAYUHAN NA TUMAKBO NG HUBO’T HUBAD SA RILES NG MRT, AALAMIN ANG ESTADO

Posted on: August 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IIMBESTIGAHAN ng Bureau of Immigration (BI) ang estado ng dayuhan na napaulat na tumakbo ng hubo’t hubad sa riles ng Metro rail Transit (MRT) sa Mandaluyong City.

 

 

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, aalamin nila ang pagkakakilanlan sa nasabing dayuhan, na ayon sa ulat ay nagtanggal ng kanyang damit at tumakbo ng hubo’t hubad patungo sa Shaw Boulevard station sa Mandaluyong City habnag iniispeksiyon ng mga security guard.

 

 

Sa ulat ng pamunuan ng  MRT, agad din naming naaresto ang dayuhan at nai-turn over sa Mandaluyong police.

 

 

“We will be coordinating with MRT officials to confirm the identity of this man.  We have received initial information about him already from the arresting agency,” ayon kay Morente.  “We will check his immigration status in the country, if he is legally staying here,” dagdag pa nito.

 

 

Ayon kay Morente, kung napatunayan na ang nasabing dayuhan ang illegal na naninirahan sa bansa ay sasailalim ito sa deportation proceeding. GENE ADSUARA

53 lugar sa Pinas nasa COVID-19 alert level 4

Posted on: August 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nasa 53 lugar sa bansa ang nasa ilalim ng COVID-19 Alert Le­vel 4 ng Department of Health (DOH) dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bagong kaso na nahahawa ng virus at pagtaas din ng healthcare utilization rate.

 

 

Ayon sa DOH, ang Alert Level 4 ay nanga­ngahulugan na ang isang lugar ay klasipikado sa moderate-to-critical-risk at ang healthcare utilization rate nito ay mas mataas sa 70%.

 

 

Ito’y makaraang ma­kapagtala ang Pilipinas ng daily average na 10,459 kaso mula Agosto 6 hanggang 12 na higit na mas mataas sa 7,987 daily average ng sinundang linggo.

 

 

Sa Metro Manila, nasa Alert Level 4 ang Las Piñas, Malabon, Makati, Marikina, Muntinlupa, Navotas, San Juan, Pateros, Quezon City, Taguig, at Valenzuela.

 

 

“The National Capital Region maintains positive two-week growth rate and a high-risk average daily attack rate (ADAR) and is currently at high-risk case classification,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

 

 

Nasa Alert Level 4 din ang Apayao, Baguio City, Benguet, Dagupan City, Ilocos Norte, Cagayan, Quirino, Angeles City, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Olongapo City, Zambales, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Lucena City, Rizal, Naga City at Masbate.

 

 

Kasama rin ang Aklan, Antique, Guimaras, Iloilo, Iloilo City, Bohol, Cebu, Cebu City, Lapu-Lapu City, Siquijor, Ormoc City, Tacloban City, Bukidnon, Cagayan De Oro City, Camiguin, Lanao Del Norte, Misamis Oriental, Cotabato (North Cotabato), General Santos City, South Cotabato at Agusan del Sur.

Nicolas Cage Is Radioactive In New Prisoners Of The Ghostland Trailer

Posted on: August 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IN the new trailer for the upcoming action thriller, Prisoners of the Ghostland, Nicolas Cage wears a leather samurai outfit and appears to survive a nuclear explosion.

 

 

Co-starring Sofia Boutella (Atomic Blonde), Nick Cassavetes (Face/Off), and Bill Moseley (Halloween 2007)the film follows a notorious criminal (Cage) who is tasked with tracking down and rescuing Bernice (Boutella), the abducted daughter of a wealthy warlord. Prisoners of the Ghostland is directed by Sion Sono and marks the second time Cage and Cassavetes have appeared in a film together since 1997’s Face/Off.

 

 

Recently, RLJE Films released the first trailer for Prisoners of the Ghostland, teasing audiences with a glimpse into the crazy, violent, and hilarious Western-inspired world of Samurai the film takes place in. After Cage is tasked with tracking down Bernice, he’s strapped into a leather suit fitted with strategically-placed bombs, ensuring a gruesome death if he should fail to recover her in the five days allotted to him. Upon entering the ominous “Ghostland,” it seems Cage will have to contend with cult-like groups of outlaws and even the supernatural in order to complete his mission and find redemption.

 

 

Check out the trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=1I6p1yxZ_LE

 

 

Cage has had something of a comeback over the last few years, continuously appearing in strange, auteur-driven films that are ripe for a cult following, including films like MandyColor Out Of Spaceand, most recently, the critically-acclaimed Pig.

 

 

Prisoners of the Ghostland appears as if it will be no exception and is, in Cage’s own words, “The wildest movie [he’s] ever made.” Cage’s latest offering seems poised to deliver more of the craziness his fans expect and appears as if it might also feature creative action, unique world-building, and a compelling cast of supporting characters.

 

 

Prisoners of the Ghostland releases in theaters and on-demand September 17th.

 

 

(source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

HEART, posibleng may photoshoot sa Vogue at muling makikita sa Times Square

Posted on: August 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINIHINTAY na ng mga viewers ng GMA romantic-drama series na The World Between Us nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez, ang changes sa mga characters, especially si Louie Asuncion (Alden).

 

 

Nang magsimula kasi ang story nila sa bagong chapter sa buhay nilang tatlo, sina Lia Libradilla (Jasmine) at Brian Libradilla (Tom) na galing ng USA, kasama ang ina nilang si Rachel Libradilla (Dina Bonnevie), na doon sila nagtapos ng college, nakita na ang changes sa kanilang looks.

 

 

Pero si Louie na college graduate na rin at working as the project manager na ng Prime Mobile na pag-aari ni Rachel, ay hindi pa rin nagbago ang looks, kaya iyon ang request ng mga viewers, ang bago raw look naman ni Alden, new wardrobe at new hairstyle.

 

 

Hinihintay na rin nila kung magbabago na ang character ni Louie, ngayong pumasok sa pagitan nila ni Lia, si Eric (Sid Lucero).  Matatandaan na sa first part ng story ay pawang pasakit ang pinagdaanan ng ulilang si Louie sa kamay ng mga Libradilla.

 

 

Directed by Dominic Zapata, napapanood ang The World Between Us gabi-gabi sa GMA-7, after ng 24 Oras.

 

 

***

 

 

PANSAMANTALANG iniwan ni Kapuso actress Heart Evangelista ang taping ng I Left My Heart In Sorsogon for GMA Network.

 

 

Pero hindi niya sinabi kung ano ang reason bakit siya nagpunta sa New York.  Instagram post lamang niya ang ilang photos na kasama niya ang mga friends niyang sina Katrina Cruz at Mark Bumgarner nang magkaroon siya ng chance to visit her friends from the fashion magazine Vogue, editor Chioma Nnadi and Vogue contributor Ian Malone.

 

 

“Well spent afternoon with my @voguemagazine family”, lamang ang caption ni Heart.

 

 

    In 2019,  kasama si Heart sa “Vogue 100” na list of people in the fashion world who have all excelled in their fields.  Marami namang nagsasabing mga netizens na maaaring magkaroon ng bagong pictorial si Heart para sa Vogue, kaya wait na lamang sila kung tama sila at malamang muling makita sa Times Square sa New York kung anuman ang ginawa niya roon.

 

 

***

 

STILL on I Left My Heart In Sorsogon, na tuluy-tuloy ang lock-in taping ng ibang members ng cast sa Sorsogon, sina Richard Yap, Paolo Contis, Kyline Alcantara, at Mavy Legaspi.

 

 

At sa mga pictorials na lumalabas, lalo na iyong behind the scenes, kapuna-puna sa mga fans nina Kyline at Mavy ang pagiging close nila sa isa’t isa.

 

 

  Kaya naman hindi maiwasan ng actress na ina ng Legaspi twins na sina Mavy at Cassy, si Carmina Villarroel, na magtanong.  Wala naman daw, dahil 20 years old na ang kambal at kilala naman niya si Kyline, na nakasama niya sa Kambal, Karibal at masaya siyang makitang magkasundo ang dalawa sa trabaho.

 

 

  Pero ang kinikilig daw ay si Cassy  sa closeness ng kapatid at ni Kyline, dahil matagal na rin nilang nakakasama si Kyline, sa Studio 7 pa sa GMA at ngayon sa All-Out Sundays, kaya close na rin siya sa young actress at kilala na niya ito.

 

 

Biro pa ni Cassy, hintayin na raw lamang kung kailan sila magsasalita.

(NORA V. CALDERON)

Fernando, nagpaalala na umiwas sa paglusong sa baha na posibleng magdala ng Leptospirosis

Posted on: August 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS– Bukod sa COVID-19 at Dengue, mariing ipinaalala ni Gob. Daniel R. Fernando sa publiko na iwasan ang paglangoy, paliligo at paglusong sa baha o gumamit ng proteksyon kung hindi maiiwasang ma-expose sa tubig na posibleng kontaminado ng Leptospirosis.

 

 

“Lahat ng sakit na meron tayong magagawa talaga para maiwasan, iwasan na po natin, kagaya ng Leptospirosis. Kasi dito may laban tayo, alam natin ang gagawin, alam natin ang source.  ‘Yun pong sa umpisa simpleng pag-iwas, gamutan kapag hindi natin sinunod, minsan buhay ang kabayaran. Mahal po itong singil, ayaw po nating makitang nasasayang ang buhay ng mga Bulakenyo,” ani Fernando.

 

 

Ayon sa Epidemiology and Disease Surveillance Unit ng Provincial Health Office-Public Heath, may  kabuuang 11 na pinaghihinalaang kaso ng Leptospirosis sa lalawigan ngunit walang naitalang namatay mula Enero hanggang Hulyo 2021.

 

 

Anila, patuloy silang nagsasagawa ng pinaigting na health education at nagkakaloob ng prophylactic treatment (Doxycycline) sa mga maaaring kapitan ng sakit na ito tulad ng mga nakatira sa binabahang mga lugar, rumeresponde sa emergency at mga pulis.

 

 

“Currently, we have distributed 59,400 capsules of Doxycycline in 13 LGUs. Though mababa ang kaso, hindi tayo nagpapabaya para hindi na dumagdag pa sa problemang pangkalusugan ng mga Bulakenyo, at para maiwasan na rin ‘yung pangangailangan na magpunta pa sa mga ospital,” pahayag ni Dr. Jocelyn Gomez, provincial health officer.

 

 

Bukod dito, pinapayuhan din ng Kagawaran ng Kalusugan ang publiko na limasin ang mga tubig na posibleng nakontamina at alisin ang mga daga sa pamamagitan ng paglason sa mga ito o paglalagay ng trap at pagpapanatili ng kalinisan sa bahay.

 

 

Ang Leptospirosis ay isang sakit na nakakaapekto sa mga tao at hayop sanhi ng Leptospira. Sa tao, maaari itong magpakita ng sintomas gaya ng lagnat, pananakit ng kalamnan, pananakit ng ulo, pamumula ng mata at kung hindi magamot ay maaring magdulot ng sakit sa bato, meningitis, sakit sa atay at kamatayan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)