• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 18th, 2021

MIKEE, umaming naging gamot ang ‘BTS’ nang dumaan sa matinding krisis dahil sa pandemya

Posted on: August 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ANG South Korean boy band na BTS ang naging gamot ng Kapuso actress na si Mikee Quintos noong dumaan siya sa isang matinding krisis dahil sa pandemya.

 

 

Kuwwento ng isa sa music artists ng GMA Playlist, nagsimula siyang mag-collect ng BTS mechandise dahil napapagaan nito ang kanyang kalooban. Masaya raw siya tuwing may nabibili siyang anumang merchandise ng BTS, kasama na roon ang isang signature drink na hindi niya binuksan.

 

 

“In the middle of lockdown you have a lot of time to think, nagka-crisis ako. Umabot ako sa point na inisip ko kung gusto ko pang mag-artista. Tapos bumalik yung fire ko, yung drive ko after watching them (BTS), and hearing about them, yung story nila na how they started. It was really hard nung umpisa.

 

 

“And look at them now. Ok if they can do that and they’re still humble so parang what’s wrong with starting again. When I see it in the store I buy it. Kasi napapa-happy ako, support ko ‘to sa kanila. Kikita sila rito kapag bumili ako,” kuwento ni Mikee.

 

 

Kaya muling nabuhayan daw si Mikee na ipagpatuloy ang kanyang career sa showbiz and at the same time, pinagpapatuloy din niya ang kurso siyang architecture sa University of Santo Tomas.

 

 

Napapanood si Mikee sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento at magsisimula na siyang magsulat at mag-record ng original songs para sa GMA Playlist.

 

 

***

 

 

TIYAK na matutuwa ang mga #TeamBahay na mommies at kids dahil simula August 21 ay mapapanood muli ang edu-tainment show na Makulay ang Buhay kasama sina ‘Mom C’ Camille Prats, Benjie, at Penpen every Saturday at Tuesday mornings sa GMA.

 

 

Hatid ni ‘Mom C’ Camille at ng kanyang kasamang dalawang puppets—si Benjie na isang nine-year-old grade-schooler at ang cute na cute na dog best friend nitong si Penpen—ang umagang siksik sa masasayang music videos, nakaaaliw na kuwento, iba’t ibang games, at other activities na talaga namang mae-enjoy ng parents at kids habang safe na nasa loob ng mga tahanan.

 

 

Tampok din sa Makulay ang Buhay ang engaging na discussion tungkol sa effect ng gadgets, food safety at foodborne diseases. Paano nga ba natin masisigurado na nutri-sarap ang ating inihahandang pagkain para sa ating mga anak?

 

 

Sagot  na ‘yan nina ‘Mom C’ Camille na magbabahagi ng mga pwedeng i-prepare na pagkain gamit ang gulay na pamilyar sa ating lahat!

 

 

Kaya naman, gumising na nang maaga at makisaya kay ‘Mom C’ Camille, Benjie, at Penpen sa Makulay ang Buhay tuwing Sabado, 9:45 a.m., at Martes, 8 a.m., simula August 21 sa GMA Network.

(RUEL MENDOZA)

Pagbagsak ng katawan ni ALDEN, inalmahan ng fans dahil nagmukhang matanda

Posted on: August 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGWORRY ang mga fans ni Alden Richards sa recent photo na pinost niya habang nasa gym dahil kitang parang bumagsak ang kanyang katawan at hindi raw bagay dito ang ganoong kapayat. 

 

 

Comment ng mga fans, hindi raw sila nasanay na makitang ganoon siya, at nagmukhang matanda sa picture.

 

 

   Wala raw naman dapat ikabahala ang mga fans dahil maayos ang pagpapapayat niyang ginawa, dahil may trainer siya at kung hanggang saan lamang siya pwedeng pumayat.  Transformation ito ng character niya bilang si Louie Asuncion sa GMA Telebabad series niyang The World Between Us.  Nasa chapter two na ang story ng serye na this time ay hindi na siya teenager sa story at mas seryoso na ang character niya.  Haharapin  na niya ang mga characters nina  Brian (Tom Rodriguez) at Eric (Sid Lucero) dahil kay Lia (Jasmine Curtis-Smith).

 

 

  Naka-taping break ngayon si Alden at ang cast ng serye pero muli silang babalik sa lock-in taping pagkatapos ng ECQ sa NCR.

 

 

Patuloy namang napapanood ang serye gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7.

 

 

***

 

 

NAGKAROON na ng virtual story conference last Monday, August 16,  at tuloy na ang pagtatambal ni Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado at Viva Artist talent Xian Lim, sa upcoming GMA primetime series na Love. Die. Repeat. 

 

 

Present si Zian sa zoom storycon at nag-post si Jennylyn sa kanyang Instagram ng: “Storycon in my pajamas because why not?  Love. Die. Repeat. Coming to you bessies real soon!”

 

 

Kasama sa cast sina Mike Tan, Gardo Versoza, Valerie Concepcion, Shyr Valdez at Kim Domingo.  May request naman ang mga fans kay Mike na magpa-trim na raw ng buhok, dahil dalawang serye na ang ginawa niya at mga TV guestings, na mahaba ang buhok niya.

 

 

   Nag-post naman si Jennylyn sa kanyang Ig ng pagbati sa anak niyang si Alex Jazz na isa nang teen-ager nang mag-celebrate ng kanyang 13th birthday recently.

 

 

     ***

 

     NASA New York pa rin si Kapuso actress Heart Evangelista at sunud-sunod ang postings niya sa kanyang social media ng mga ginagawa niya habang naroon.  Isa sa latest Instagram post ni Heart ay ang pag-recreate niya ng iconic scene from the classic film Breakfast at Tiffany, ni Audrey Hepburn,  pero nilagyan niya ito ng sariling comical touch.

 

 

She shared a short clip nito na nakasuot din siya ng black dress habang nakatayo siya sa harap ng famous jewelry store in New York City habang pini-play ang “Moon River” sa background.

 

 

   As Holly Golinghtly in the movie, may suot ding gloves at sunglasses si Heart while holding her breakfast.  Iyon nga lamang habang umiinom siya ng coffee, hindi siya uminom sa cup kundi diretso mula sa coffee jar.

 

 

Kinatuwaan ito ng mga netizens at within the day na pinost ni Heart, nakakuha agad ito ng 900,000 views.  Madalas na ginagawa ito ni Heart simula ng pandemic last year, spreading good vibes online sa pamamagitan ng kanyang TikTok videos.

 

 

    Siguradong  pabalik na rin ng bansa si Heart para ipagpatuloy ang lock-in taping nila ng cast ng I Left My Heart in Sorsogon na kinukunan sa lugar ng mga Escudero sa Sorsogon City, for GMA Telebabad.

(NORA V. CALDERON)

Ads August 18, 2021

Posted on: August 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SARAH, pinalalagay na ‘preggy’ dahil sa IG post ni MATTEO na pinag-iisipan bumili ng family SUV

Posted on: August 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MARAMING nag-react sa IG post ni Matteo Guidicelli sa nilagay niyang caption na, “I’m thinking of getting a new family SUV.”

 

 

At tulad ng inaasahan, advance na mag-isip ang netizens na base sa post ni Matt ay pinalalagay nilang baka ‘preggy’ na si Sarah Geronimo-Guidicelli.

 

 

Comment nila sa post ni Matteo na may ilan din namang kumokontra:

 

“Omgee! Preggy na si Sarah G??”

“Is this another endorsement from Nissan or just a hidden message to your caption?”

“Family means a baby on the way…”

“Ganyan din ako ang hinala ko dati sa favorite showbiz couple ko. Bumili sila ng pamfamily na SUV, at tama nga hinala ko na buntis nga yung girl. Baka preggy nga rin si SG.”

“Sana preggy na talaga! Excited na mga Ashmatts!!!”

“Baby GG reveal na yarn.”

“Wow!! The fambam is ‘growing’ na ba??

“Nagpapahiwatig kaba?”

“isama mo na yung baby seat para ready na.”

“I hope totoo na this time. Excited ako with their future babies.”

“i’ve been thinking lately that sarah might be pregnant hmmmm baka tama nga naman ako kasi indi masyado makikita si sarah sa social media lately hmmm. wow sana ..we popster will be more happier

“I dreamt of Sarah last night, could it mean a special announcement is coming.”

“Or baka new endorsement lang. From what I notice they are private with their relationship hindi sila basta magiingay unless may relate sa commercials nila.”

 

 

Oh well, wait na lang tayo after three months, dahil medyo safe yun sa isang nagbubuntis, ipag-pray na lang natin ang mag-asawa.

 

 

***

 

 

HABANG papalapit ang Setyembre, inihayag ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na ang taunang Film Industry Conference nito ay magiging International Film Industry Conference (IFIC) Online mula Setyembre 16 hanggang 19, na mayroong isang buwang selebrasyon at kaganapang nakapila para sa pinakaunang pagdiriwang ng Philippine Film Industry Month.

 

 

Ang ika-5 na edisyon ng IFIC ay patuloy na magbibigay ng komprehensibong kaalaman para sa young filmmakers at enthusiasts habang pinagsasama-sama ang local at international experts sa industriya bilang speakers at panelists sa serye ng public sessions at masterclasses.

 

 

Lumipat ang IFIC ng online noong nakaraang taon at nagkaroon ito ng mahigit sa 2,000 na attendees sa buong event. Ngayong taon, magkakaroon ng libreng public sessions at masterclasses na bukas sa publiko, parehas na local at international.

 

 

“The success of last year’s Film Industry Conference indicates that even amidst the pandemic and the shift to online platforms, the passion to learn more about the different aspects of cinema is still present. Through its 5th edition, the International Film Industry Conference Online, we want to support aspiring and budding filmmakers from the Philippines and the rest of the world by providing lessons that would help them grow and develop in their filmmaking journey,” wika ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.

 

 

Inilunsad noong 2017, bumubuo ng IFIC ng platform para sa aspiring Filipino filmmakers at film enthusiasts upang mas madagdagan ang pagsisiyasat sa mga oportunidad, hamon, at new norms sa industriya ng pelikula sa panahon ng pandemya.

 

 

Idaraos ang IFIC sa Setyembre, ang idineklarang Philippine Film Industry Month ni President Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Proclamation No. 1085, Series of 2021, kasama ang iba pang FDCP-organized na programa, proyekto, at kaganapan para sa taunang pagdiriwang.

 

 

Para sa mga paparating na impormasyon at updates sa IFIC, i-follow ang opisyal na Facebook page sa www.facebook.com/IFICPHofficial/.

(ROHN ROMULO)