• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 15th, 2021

MARK, inaming private ang issue nila ni LOLIT kaya hindi pwedeng sagutin

Posted on: September 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MALAPIT na ang birthday ni Senator Bong Revilla, sa September 25, kaya naman nag-isip na siya ng birthday pasabog and post it na sa kanyang YouTube channel na “Kap’s Amazing Giveaways.”

 

 

Isa sa malaking premyo na matatanggap ng winner ay cash worth P 50,000, at marami pa ring malalaking premyo na ipamimigay ang actor. Sa mga interesadong manalo ng pa-giveaways ni Sen. Bong, mag-subscribe lamang kayo sa kanyang YT channel.

 

 

Kasalukuyan nang inihahanda ni Senator Bong ang book two ng kanyang Agimat ng Agila. 

 

 

Malalaman natin kung sinu-sino ang makakasama niya, o may mababago kaya sa ang casting at story nito?

 

 

***

 

 

BITIN pa rin ang sagot ni Kapuso actor Mark Herras nang tanungin siya ng kaibigang actor na si Eric Fructuoso sa kanyang vlog na may laro silang “Sagot O Lagot” na kung hindi nila sasagutin ang tanong, iinom sila ng suka.

 

 

Tinanong ni Eric si Mark kung magkano ang pera nito sa bangko, P30K siguro, ang sagot ni Mark, pero uminom na lamang siya ng suka, para raw walang issue.

 

 

Private daw ang issue (sa pagitan nila ng manager niyang si Lolita Solis) at hindi niya pwedeng sagutin.

 

 

Nasa GMA Artist Center na si Mark, regular na siyang napapanood sa All-Out Sundays every Sunday at madalas ding mag-guest sa iba pang shows ng GMA.

 

 

Kasama rin siya sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Artikulo 247.  Nagpapasalamat si Mark na hindi siya pinababayaan ng kanyang network.

 

 

***

 

 

BAGO pa lamang nating napapanood ang new Kapuso actress na si Beauty Gonzalez, sa GMA Afternoon Prime romantic-series na Stories of the Heart: Loving Miss Bridgette, katambal ang young Kapuso actor na si Kelvin Miranda, pero heto at balita nang rumarampa na si Beauty sa Paris.

 

 

Iyon lamang ang kagandahan ng lock-in taping ng mga networks sa kani-kanilang teleserye, pagkatapos ng trabaho at okey nang mag-travel, pwede na silang umalis, kung wala nang travel ban sa mga pupuntahan nilang lugar, lalo na sa abroad.

 

 

At iyon nga, kaya namang mag-travel, nakikita na ang mga Instagram posts ni Beauty, na kasama ang anak niyang si Olivia, na rumarampa na sa Paris.  Nililibot nila ng anak ang mga magagandang lugar doon tulad ng magagandang churches, chapels doon, at  mga parks.  At siyempre pa, ang pagtikim ng mga masasarap na pagkain doon.

 

 

Kahit nasa Paris, hindi nakalimutan ni Beauty na magpasalamat sa mga televiewers na nagugustuhan ang story ng kanilang serye: “I’d like to give a big hugs and thanks to all of you, who have already let Bridgette into your homes and into your hearts. Follow her footsteps these five weeks, hold her hands, wipe her tears, tell her everything wlll be ok. And she will be loved.”

 

 

Ang Stories of the Heart: Loving Miss Bridgette ay napapanood daily after ng Nagbabagang Luha sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

Ads September 15, 2021

Posted on: September 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TONI, tinutuligsa ng netizens dahil sa vlog na in-interview si ex-Senador BONGBONG

Posted on: September 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MARAMI ang curious kung ang ina ba ng bagong Kapuso na si Bea Alonzo ay boto kaya sa present boyfriend niya na Dominic Roque.

 

 

Masasabing marami na rin ang nag-aabang at natutuwa sa mga reaction o comment ng mommy ni Bea na si Mommy Mary Anne simula nang naipi-feature ito ni Bea sa kanyang vlog.

 

 

Hindi nasagot ng diretso ni Bea ang tanong ng yes or no sa naging unang guesting niya sa The Boobay and Tekla Show. Pero ang ina naman daw kasi niya, hindi naman talaga nakikialam sa lovelife niya.

 

 

“Si Mama kasi, never nakialam ‘yan sa lovelife ko. Nanghihimasok or nag-iintervene na lang siya kapag na-feel niyang nasasaktan na ‘ko. 

 

 

      “But never siyang nakialam. Kasi para sa nanay ko, kung diyan ka masaya, I will support you all the way, all the decisions na ginagawa ko sa buhay ko, may tiwala siya that I always make the right decision.

 

 

“Ngayon, nakikita niya na masaya ko, so masaya rin siya para sa akin.”

 

 

Sabi pa ni Bea, “Ang relationship kasi namin ni Mama, hindi kami parang mag-nanay, para kaming mag-bestfriend. Kasi she had me when she was 20 years old, so parang hindi malayong-malayo ang age gap namin.

 

 

      “Para kaming magbarkada.”

 

 

Natatawang hirit pa ni Bea, “Si Mama lang ang nakaka-bash sa akin ng harap-harapan.”

 

 

      Tinanong din sa TBATS kung naiisip na raw ba ni Bea na magpakasal na. Pero ayaw raw niyang magmadali.

 

 

“Parang too early, parang hindi pa naman—we’re still getting to know each other on a deeper level and para sa akin kasi, ayokong magpa-pressure just because nagkaka-edad ka na or lahat ng kaibigan mo, nagpapakasal na.

 

 

      “May kanya-kanya tayong timeline, may sarili akong timeline.”

 

 

***

 

 

MARAMI ang tumutuligsa kay Toni Gonzaga dahil sa bagong YouTube vlog niya kunsaan, ang in-interview niya ay ang dating Senator na si Bongbong Marcos.

 

 

      Hindi ito ikinatuwa ng karamihang netizens na obviously, hindi nakakalimot sa nangyari noong panahon ng Martial Law.

 

 

May nagmura, may tumawag na “enabler,” “DDS” kay Toni at gayundin sa kanyang mister na si Direk Paul Soriano nang i-promote nito sa Twitter ang vlog ni Toni.

 

 

Isa sa comment na nabasa namin, “And the thing is: we are doing NOTHING about people like #ToniGonzaga (and her sister, too). We are doing absolutely nothing, as people like her pretend that they are about fairness and objectivity, when NONE OF THIS is innocent, NONE of this is beyond politics.”

 

 

May kumuwestiyon din na kesyo mga “Christian” daw at madalas nagku-quote ng mga bible verses, pero supporter ng “kurakot” at “murderer.”

 

 

Nag-trending si Toni both in Twitter and YouTube. At kung may mga galit, marami rin naman ang nagtatanggol kay Toni at nagsasabing natuwa at na-inspire sila sa latest vlog nito. At marami pa rin ang nagpakilala na sila ay mga Marcos Loyalist kaya ‘wag lang daw pansinin ang mga namba-bash o nagagalit dito.

 

 

***

 

 

MAY mga curious ngayon sa ginawang Tiktok prank ni Buboy Villar sa Kapuso leading man na si Ruru Madrid kung tinotoo raw kaya ni Ruru.

 

 

Marami o halos lahat ay napahanga ni Ruru dahil sa ipinakita nitong kabaitan at generosity sa kabaitan. Bukod dito, napatunayan din na mayaman na raw palang talaga si Ruru.

 

 

Prinank kasi ni Buboy si Ruru at nangungutang ng P250,000 pero sa 2022 pa niya mababayaran. Bilang pambayad daw niya sa nakuhang dream car sa murang halaga na Mercedez Benz. Hanggang sa ending, kahit P2,500 na lang.

 

 

Natatawa-tawa si Ruru pero halatang-halata na si Buboy mismo, nagulat nang sabihin ni Ruru na bibigyan na lang niya ito ng P150,000 pero ‘di na ito utang kung hindi parang tulong na lang niya at inaanak naman daw niya ang mga anak ni Buboy.

 

 

Do’n na ito sinabihan ni Buboy na prank lang pero hirit na biro nito kung pwede raw kayang totohanin na ni Ruru ang pagbibigay sa kanya ng P150,000.

 

 

So ‘yun na nga, sa mga nababasa naming comments, ang daming nagtatanong o naghihintay kung binigay pa rin daw kaya ni Ruru ang 150k.

 

 

Sa isang banda, positibo ang naging impression ng halos lahat kay Ruru dahil sa prank at sana nga raw, ‘sana all’ ay may kaibigan na katulad niya.

(ROSE GARCIA)

Jake Gyllenhaal, Felt Trapped While Filming ‘The Guilty’

Posted on: September 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

JAKE Gyllenhaal says he felt trapped while filming his latest movie, The Guilty.

 

 

Gyllenhaal first collaborated with director Antoine Fuqua for Southpaw, a film about a boxer who loses his wife in an accident, which received largely positive reviews and fared well at the box office with a $94 million gross.

 

 

Now, Gyllenhaal is reuniting with Fuqua for a Netflix crime-thriller titled The Guilty, a remake of the 2018 Danish film of the same name.

 

 

With a script from Nic Pizzolatto (True Detective), The Guilty finds a police officer named Joe Baylor recently demoted to an emergency call dispatch desk. One fateful night, he receives a call from a kidnapped woman and springs into action to try and save her, all while remaining restrained by his desk job.

 

 

The film will play out in real-time and is expected to rarely leave Gyllenhaal’s character at the 911 call center. The film boasts a star-studded cast that also includes Ethan Hawke, Riley Keough, Eli Goree, Paul Dano, Peter Sarsgaard, and Bill Burr, many of them appearing in voice roles only.

 

 

Now that The Guilty has had its world premiere at TIFF, Jake Gyllenhaal is opening up about the unique experience he had making the movie. In an interview with The Wrap, the actor says he was trapped in a chair for the majority of production and could only hear other actors deliver their lines through Zoom without ever being able to see them. As filming progressed, Gyllenhaal says he felt like the cameras were closing in on him.

 

 

Read how Gyllenhaal described the experience below: It was 20 pages a day shooting 20-30 minute takes. And I thrive in that space, but I was trapped in a chair. Antoine trapped me in a chair. Every time I wanted to move, I’m a very physical person, a very full-bodied actor, and to only be in a chair and having to express ended up doing a number on me as we got farther and farther into the story. Stillness is one thing, but then being trapped is another thing, and it brought out a lot of feelings in me and reveals a lot about this character too.

 

 

Considering how his character is confined to a desk throughout the film, it’s easy to imagine how Gyllenhaal began to feel trapped during production, especially since he’s usually such a physical actor. Over the 11 days it took to shoot The Guiltydirector Antoine Fuqua could see the other actors on the monitor, but Gyllenhaal could only hear them. This seems to be a smart move by the director as it helped immerse his lead actor in the experience of his character.

 

 

The Guilty has gotten two trailers so far, revealing the film’s frantic and claustrophobic energy. This is heavily reminiscent of Tom Hardy’s Locke, as his titular character is the only one ever seen on screen as he holds numerous conversations over the phone, which can be extremely difficult for actors since there are no other performers on set for them to feed off of.

 

 

Audiences can see if Gyllenhaal’s performance measures up when The Guilty releases on Netflix on September 24.

(source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

MARICEL, aminadong kinabahan at nag-worry na baka walang manood sa first episode ng YouTube vlog

Posted on: September 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAENGGANYO na rin ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano na maging YouTube vlogger na kung saan na in-upload na ang kanyang first episode last Friday, September 10.

 

 

Ang kanyang YT channel ay ‘Marya The Maricel Soriano Channel.’

 

 

Pag-amin ni Marya, ni-nerbyos siya dahil baka wala raw manood sa kanyang vlog.

 

 

“Ninenerbyos ako dito sa first telecast natin. Meron kayang manonood?,” sabi niya.

 

 

Alam ko ‘yung mga fans ko nandiyan, mahal nila ako, papanoorin nila ako. Sabi ko, paano natin ime-maintain ‘to? Hindi biro.” 

 

 

Dagdag alalahanin pa ng mahusay at premyadong aktres, “Siyempre maraming mamba-bash. Hindi naman lahat ng tao gusto ako. Paano kung hindi nila ako type, di ba? Paano na ‘to?”

 

 

“First time nga ako ninerbyos. Hindi ako nininerbyos kapag nagsu-shooting ako. Hindi ako ninenerbeyos kapag marami akong linya.     “Naku, paramihan pala ng subscribers ‘to. Baka naman hindi ako mag-click diyan ano ba’ sabi kong ganu’n. Siyempre matanda na ako. Hindi naman ako bagets. ‘Yung mga bagets lang ngayon ang in di ba?

 

 

Paano naman ang 56 gaya ko?  Paano na ako, if I won’t make it, what will I do?” 

 

 

Sa vlog, napansin din ang ginawang crochet ni Marya para sa kanyang tumbler, na isa pala sa kanyang libangan, pero maliliit lang, dahil hindi niya kayang gumawa ng sweater or blanket.

 

 

Napag-usapan din ang pagiging looking young niya at ang pagiging babaeng bakla niya, at pinakita ang platinum blond niya na naka-pixie cut.

 

 

Inamin din ni Maricel na very sensitive siya, intuitive at escapist.

 

 

Marami pang ni-reveal ang aktres sa kanyang first vlog at isang bahagi ay nalungkot siya at naging emosyonal, lalo na sa napag-usapan ang lowest part of your life.

 

 

Marami naman ang nag-welcome sa kanya sa YouTube world and vlogging, at marami rin natutunan sa pinagdaanan ni Marya. At may nag-suggest sa magiging contents para sa next episodes, kaya kaabang-abang ang magiging ka-collab niya na mga close friends niya sa showbiz.

 

 

Hopefully, in the near future, mag-collab din sila ni Megastar Sharon Cuneta, siguradong pag-uusapan ito sa showbiz world ang kwela nilang pagsasama.

 

 

Nang I-check namin ang vlog niya, meron na itong 52K views, marami nang-like at nag-comment sa pampa-good vibes na YT vlog ng Diamond Star.

 

 

***

 

 

SINA Diego Loyzaga at Christian Bables ang mga Bekis On The Run, sa pinaka-aabangan na comedy-drama movie ng award-winning direktor na si Joel Lamangan, exclusive sa VIVAMAX ngayong Biyernes, September 17.

 

 

Sinubukan ni Andres (Diego) at ng kanyang bading na kapatid na si Donald (Christian) na nakawan ang isang construction site, ngunit wala sa plano nila ang mga nangyari at napilitan silang tumakbo.

 

 

Pero nakuha nila ang simpatiya ng mga tao, lalo na ng gay community nang maging viral sa social media ang video ni Nanay Pacing (Lou Veloso), ang dahilan kung bakit sinubukan magnakaw ng magkapatid.

 

 

Kinuwento ni Nanay Pacing ang kanyang sakit at ang kagustuhan ng magkapatid na tulungan siyang makakuha ng pera para sa kanyang operasyon.

 

 

Kasama sa pelikula si Kylie Verzosa bilang si Adriana, ang partner ni Andres; at si Sean De Guzman bilang Martin, ang ex-boyfriend ni Donald.

 

 

Bukod sa pagiging comedy-drama film, tatalakayin din ang korupsyon, at mga hindi napag-uusapang tema katulad ng mga gay men sa military.

 

 

Bilang gawa ito ni direk Joel Lamangan, siguradong madaming dapat abangan sa pelikula.

 

 

Kaya wag nang tumakbo, stay at home at panoorin ang Bekis On The Run sa September 17, exclusively streaming sa VIVAMAX.      Maaaring mag-stream ng Vivamax sa web.vivamax.net. Mag-download na din ng app at mag-subscribe via Google Play Store, App Store at Huawei AppGallery. Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Meron pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax.

(ROHN ROMULO)