• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 20th, 2021

1 TODAS, 1 SUGATAN SA PAMAMARIL SA NAVOTAS

Posted on: October 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang 39-anyos na mangingisda matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang sugatan naman ang isang tsuper nang tamaan ng ligaw na bala sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Dead-on-arrival sa Navotas City Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan si Marlon Jorje ng 478 B Cruz. St. Brgy. Tangos South habang nilapatan naman ng lunas sa nasabing pagamutan si Noey Bacaycay, 56 ng B. Cruz St. na tinamaan ng bala sa kaliwang paa.

 

 

Sa ulat na tinanggap ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, naglalakad sa kahabaan ng Dulong Tangos St. patungong pondohan dakong alas-2:30 ng hapon si Bacaycay nang masalubong niya ang tumatakbong biktima habang hinahabol ng isang lalaking armado ng baril na nakasuot ng itim na t-shirt at itim na bonnet.

 

 

Sinabi ni Bacaycay sa pulisya na biglang nagpaputok ng dalawang sunod ang suspek at nagulat na lang siya nang duguang bumulagta sa kanyang harapan ang biktima habang naramdaman din niya ang pagtagas ng dugo sa kaliwa niyang paa.

 

 

Matapos nito, tumakbo patakas ang suspek patungo sa pondohan habang isinugod naman ang mga biktima sa naturang pagamutan ng mga nagrespondeng opisyal ng barangay at pulisya.

 

 

Iniutos na ni Col. Ollaging ang pagtugis sa salarin habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa upang matukoy ang motibo sa insidente. (Richard Mesa)

P200-M hiling ng ECOP sa gov’t bilang ayuda sa nagsarang SMEs para makabayad sa 13th-mo. pay

Posted on: October 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagpapasaklolo ang grupo ng mga employers sa gobyerno na tulungan ang mga maliliit na negosyo na posibleng hindi makapagbigay ng 13th month pay sa pagsapit ng buwan ng Disyembre.

 

 

Inamin ni Sergio Ortiz-Luis Jr., presidente ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP), inihahanda na nila ang sulat at idadaan sa DTI na sana maglaan ang gobyerno ng P200 million na ipapautang sa mga small and medium industries na walang interes at maaaring mabayaran sa loob ng isang taon.

 

 

Umaasa naman kasi ang mga negosyante na baka sa papasok na bagong taon ay makakabawi na ang negosyo sa bansa.

 

 

Sa pagtaya ni Ortiz baka abutin sa tatlong milyon ang mga manggagawa ang hindi raw makakatanggap ng 13th month pay na nakasaad sa batas dahil sa nagsara na ang mga negosyo bunsod ng epekto ng pandemya.

 

 

Batay pa sa pagtaya ng ECOP nasa 800,000 na SMEs o small and medium enterprises ang nagsara na.

NAVOTAS NAGBIGAY NG P6K INCENTIVE SA BARANGAY HEALTH WORKERS

Posted on: October 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIGAY ang Lokal na Pamahalaan ng Navotas ng P6,000 service recognition incentive sa lahat ng barangay health workers sa lungsod na patuloy ginagampanan ang kanilang trabaho sa panahon ng pandemic.

 

 

Sa ilalim ng City Ordinance 2021-52, 193 Barangay Health Workers (BHW), Barangay Nutrition Scholars (BNS), at mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) ang nakatanggap ng one-time financial assistance.

 

 

“Ang aming barangay health workers ay nanguna rin sa aming paglaban sa COVID-19, na ipagsapalaran ang kanilang buhay habang pinangangalagaan kami. Nais naming kilalanin ang kanilang mga sakripisyo at ipakita ang aming pasasalamat sa kanilang walang pag-iimbot na serbisyo sa mga Navoteño,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

“Ang cash incentive na kahit kaunti kumpara sa kanilang mga sakripisyo, ay aming paraan ng pagkilala at pagbibigay ng gantimpala sa kanilang matatag na serbisyo,” dagdag niya. (Richard Mesa)

MGA KABATAAN SA ILALIM NG A3 PEDIATRIC CATEGORY DAPAT IPAREHISTRO PARA MABAKUNAHAN KONTRA COVID-19

Posted on: October 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINIHIMOK ng Quezon City government ang mga magulang  ng mga kabataang may comorbidities na iparehistro na ang kanilang mga anak sa QCVaxEasy upang magka-schedule sa kanilang bakuna laban sa COVID-19

 

 

Sa ngayon ay ilang buwang nakasentro ang lokal na pamahalaan sa pagbabakuna sa may 80 porsyento ng adult population o may 1.7 milyong katao na may edad 18 -anyos pataas at ngayon ay nakasentro naman ang lungsod sa mga minors dahil sila man ay may banta rin sa virus.

 

 

Ang mga kabataan ay nasa 30% ng 3.1 milyong populasyon ng QC. Ayon sa mga medical experts ang pagbabakuna sa mga kabataan kontra-COVID-19 laao na ‘yung mga may comorbidities ay malaking hakbang upang makabawas sa pagkalat ng virus. Samantala ay bukas din ang QC Government na bukas sila sa mga private schools kung nais ng mga ito pabakunahan ang kanilang mga mag-aaral na magbigay sa kanila ng letter of intent para sa QC Protektodo Team upang masuri ito at mabigyan ng schedule kung pasado ang mga ito bilang A3 Pediatric category. (RONALDO QUINIO)