• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 28th, 2021

GERMAN NATIONAL, ARESTADO SA MULTI-MILLION-EURO SCAM

Posted on: October 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Israeli national na nahaharap sa 200 na reklamo na isinampa ng mga German victim dahil sa kasong sangkot sa multi-million -euro investment scam.

 

 

 

Ayon kay  Immigration Commissioner Jaime Morente, si Kfir Levy, 43 ay kasalukuyang naka-detain sa BI Custodial Center matapos itong naaresto sa Diosdado Macapagal Avenue, Pasay City ng mga operatiba ng bureau’s fugitive search unit (FSU) matapos siyang mag-isyu ng mission order dahil sa kahilingan ng awtoridad ng German matapos ipaalam ang krimen na ginawa ng suspek.

 

 

 

“Two weeks ago, we received information from German authorities about the charges against him,” ayon kay Morente.  “Now that we have him in custody, we will proceed with the deportation proceedings so he may be deported and blacklisted from the country for being an undesirable alien,” dagdag pa ng BI chief.

 

 

 

Inilarawan ni Morente ang suspek na isang high-profile fugitive na may dalawang arrest warrants na inisyu ng German courts noong February  ng nakaraang taon dahil sa pagkakasangkot nito sa fraud syndicate na bumiktima ng daan-daan niyang kababayan sa pagitan ng 2016 at  2019.

 

 

 

Ang unang warrant ay inisyu noong Feb. 13, 2020 ng Bamberg district court sa  Bavaria habang ang isa ay isang European arrest warrant na inisyu ng local court sa Bamberg.

 

 

 

Dagdag pa ni BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy  na si Levy ay overstaying na matapos na hindi na bumalik sa kanilang bansa simula Jan 30 ng nakaraang taon.

 

 

 

Si Sy ay miembro ng criminal syndicate na nag-ooperate ng trading platforms sa Internet at large-scale fraud sa mga nahikayat niyang customer sa pamagitan ng telepono at emails upang nag-invest ng malaking halaga sa kanya na may pangakong malaking tubo.

 

 

 

Si Sy ay kasalukuyang nakadetine sa CI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City. GENE ADSUARA

200 PWUD NAGTAPOS SA NAVOTAS REHAB PROGRAM

Posted on: October 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASA 219 people who use drugs (PWUDs) ang nakapagtapos mula sa Bidahan, ang community-based treatment at rehabilitation program ng Pamahalaang Lungsod Navotas kung saan 13 ang children in conflict with the law (CICL).

 

 

Ang dating PWUDs na sumailalim sa anim na buwan online at limited face-to-face counseling ay isinagawa ng Navotas Anti-Drug Abuse Council (NADAC) katuwang ang Narcotics Anonymous.

 

 

Samantala, ang 41 naunang nakatapos sa Bidahan ay nakakumpleto ng anim na buwan aftercare program, at 10 ang nakatapos sa 18 months follow-up counseling sessions.

 

 

“We are glad that our fellow Navoteños have decided to change their ways. We are also happy for their families and loved ones. To our graduates, feel free to reach out to us or your counsellors any time. Changing for the better is difficult but we are here to support you as you strive to overcome your challenges,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

Pinaalalahanan naman ni Cong. John Rey Tiangco ang mga nakapagtapos na pag-isipang mabuti kung anu man ang kanilang napagpasyahan gawin.

 

 

“Your graduation from Bidahan doesn’t mean the end of your problems. Every day would be a struggle, and you need to think carefully what to do next as you continue your journey towards becoming responsible and productive citizens,” aniya. (Richard Mesa)

DOLE NAGBABALA SA MGA GUMAGAMIT NG SOCIAL MEDIA NG AHENSIYA

Posted on: October 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA  ang  Department of Labor and Employment (DOLE) sa  publiko laban sa  mga gumagamit ng social media platforms na umano’y konektado sa ahensya .

 

“The DOLE warns the public against unverified and illegitimate online transactions or platforms claiming to be affiliated with the Department using the PhilJobNet and the Public Employment Service Office (PESO) brands, and subsequently asking its registrants to deposit money in exchange for ‘commissions’,” pahayag ng DOLE sa isang  press statement.

 

Inabisuhan  din ng ahensya ang publiko na walang registration fee o commission fee na ibinibigay sa mga registrant ng PhilJobNet, ang online platform ng gobyerno para sa mga naghahanap ng trabaho .

 

Nilinaw din ng DOLE na hindi ito affiliated, nauugnay, otorisado , inendorso o sa anumang paraang opisyal na konektado  kina ‘Norbert Jr. V’, ‘Collen Antoinette Marquez’, o anumang kahalintulad na personalididad na nagke-claim ng pera kapalit ng komisyon.

 

Ayon pa sa DOLE, hindi sila nag-aalok ng serbisyo sa pamamgaitan ng  WhatsApp application.

 

Saad pa sa pahayag ng DOLE,  ang publiko ay  pinapayuhan  na manatiling mapagmatyag at huwag magpalinlang sa mga walang prinsipyong indibidwal na ito na nagsasabing kaanib sila ng Gobyerno o mga opisyal nito upang isulong ang kanilang mga ilegal na aktibidad.

 

Payo ng ahensya sa publiko, huwag i-entertain o makipagtransaksyon sa kanila.

 

Hinikayat din ang publiko na suriin at i-validate ang pagiging lehitimo ng mga alok sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Bureau of Local Employment sa numero ng telepono 8527-2539 o sa pamamagitan ng electronic mail address na ble.lmircgad@gmail.com  (GENE ADSUARA)

BLOCKBUSTER SEQUEL “A QUIET PLACE PART II” STORMS INTO PH THEATERS

Posted on: October 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

THE wait is over! Coming off an insanely quiet year at the cinemas, A Quiet Place Part II is set to help Philippine theaters roar back to life when the critically acclaimed thriller opens on November 10.  

 

 

[Watch the film’s Final Trailer at https://youtu.be/gBvwZOp-AAw]

 

 

A Quiet Place Part II is the definitive kind of movie that theaters were made for. John Krasinski who wrote and directed the film says, “It’s very exciting to be able to come back to the theaters and to see A Quiet Place Part II because it was always designed for a theatrical experience.”

 

 

Lead star Emily Blunt couldn’t agree more.  “It’s such an inspired sequel,” she says.  “It’s a horror movie, you want to watch it in the dark.  Jump and leap and gasp together.  I’m really excited for you to see it.”

 

 

The second chapter of 2018’s A Quiet Place which became a startling hit and cultural phenomenon, A Quiet Place Part II takes moviegoers deeper into a terrifying world, and the stakes have never been higher. The film is directed, written and produced by John Krasinski and starring Emily Blunt, Cillian Murphy, Millicent Simmonds, Noah Jupe, Djimon Hounsou, and John Krasinski.

 

 

In the film, following the deadly events at home, the Abbott family (Emily Blunt, Millicent Simmonds, Noah Jupe) must now face the terrors of the outside world as they continue their fight for survival in silence. Forced to venture into the unknown, they quickly realize that the creatures that hunt by sound are not the only threats that lurk beyond the sand path.

 

 

“After the incredible reception for the first film, we all felt that we didn’t want to just do a sequel for the sake of chasing the success of the original,” explains producer Brad Fuller.

 

 

“John comes from a place of such deeply rooted artistic integrity so we knew we couldn’t do another film unless he was involved and we knew he wouldn’t get involved unless he strongly resonated with the material. His brain is like a strange combination lock and when it clicks, it really clicks, and that’s what happened with this idea.”

 

 

Krasinski decided to start the second chapter quite literally mere seconds after the first movie ends, echoing the classic structure of a serial cliffhanger. Almost immediately, the Abbotts, still reeling from the loss of father and husband Lee, are forced to do the unthinkable: go on the move. They continue to face the same nerve-shredding need to remain absolutely quiet or perish, but there is also an onslaught of harrowing, unforeseen new hazards that will test each family member and their bonds.

 

 

“Initially, I had no intention of doing a sequel to the film,” Krasinski says. “The story was never designed to be a franchise. But the power of the world we created became the draw to delve into it further, to see where it might lead the Abbotts as a family.”

 

 

In Philippine cinemas November 10, A Quiet Place Part II is distributed by Paramount Pictures through Columbia Pictures.

 

 

Follow us on Facebook at www.facebook.com/paramountpicsph/; Twitter at www.twitter.com/paramountpicsph/; Instagram at www.instagram.com/paramountpicsph/ and YouTube at  https://www.youtube.com/channel/UCsZ7igjHZB-5k8DDM7ilVJw.

 

 

Connect with #AQuietPlace and tag paramountpicsph

(ROHN ROMULO)

Mahigit kalahati sa mga adult nakaranas ng ‘di magandang pamumuhay – SWS survey

Posted on: October 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nasa mahigit kalahati ng adults sa Pilipinas ang nakaranas ng hindi magandang pamumuhay ngayong 2021.

 

 

Ayon sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS), mayroong 57% sa mga respondents ang nagsabing mas lalong lumala ang kanilang pamumuhay sa nagdaang 12 buwan.

 

 

Mayroon lamang 13% ang nagsabi na ang kanilang kalidad ng pamumuhay ay gumanda habang 29% ang nagsabing walang pagbabagong naganap sa kanilang pamumuhay.

 

 

Isinagawa ang face-to-face interviews mula Setyembre 12-16 sa 1,200 adults mula Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.

Pinoy karateka James delos Santos muling nakakuha ng gintong medalya

Posted on: October 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagwagi ng gintong medalya si Filipino karateka James delos Santos sa Okinawa E-Tournament World Series.

 

 

Ito na ang pang-36th gold medal na kaniyang nakuha ngayong taon kapantay ang bilang din na kaniyang nakamit noong 2020.

 

 

Sinabi nito na naging malaking hamon sa kaniyang na matapatan ang nakuha nitong medalya noong nakaraang taon.

 

 

Target nito ngayon na mahigitan ang gintong medalya na nakuha noong nakaraang taon. Naging ranked number 1 si Delos Santos noong Oktubre 2020.

OCTA inaasahang bababa sa 2-K COVID-19 cases kada araw sa Nobyembre

Posted on: October 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Maaring bumaba pa sa 2,000 ang bilang ng bagong COVID-19 cases kada araw sa katapusan ng Nobyembre, ayon sa OCTA Research group.

 

 

Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang average ng bagong COVID-19 cases ay bumaba sa 4,848 mula Oktubre 20 hanggang 26.

 

 

Mas mababa ito kumpara sa 6,909 average cases mula Oktubre 13 hanggang 19.

 

 

Sinabi ni David sa isang tweet na ang huling beses na umabot sa ganito kababa ang 7-day average ay noong Marso 12 hanggang 18 nang maitala ang 4,848 average cases.

 

 

Ang latest projection ng OCTA Research ay mas mababa kaysa 6,000 cases per day na kanilang nauna nang inasahan para sa Nobyembre.

 

 

Ayon sa Department of Health, ang bansa ngayon ay nakabalik na sa low risk status para sa COVID-19.

 

 

Pero babala ng kagawaran sa publiko na huwag magpakampante at patuloy pa ring sumunod sa health protocols.