• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 13th, 2021

Gobyerno, target bakunahan ang 15M sa 3-day nat’l vaccination drive

Posted on: November 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TARGET ng pamahalaan na bakunahan ang 15 milyong Filipino sa isasagawang three-day national Covid-19 vaccination program na tinawag na “Bayanihan, Bakunahan” Day mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

 

Sinabi ni Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Task Force (NTF) against Covid-19 sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kasama sa inisyatibo ng national Covid-19 vaccination ang “whole-of-society and whole-of-government” approach.

 

“So ang atin pong framework ay talagang magkakaroon tayo ng Bayanihan . It will involve all society and all government agencies,” said Galvez, isa ring vaccine czar ng bansa.

 

Tinukoy ni Galvez na ang event ay naglalayong gawing sabay-sabay at mabilis ang coronavirus inoculation drive, na isasagawa sa 17 rehiyon sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

“As we ramp up the implementation of the Covid-19 vaccination nationwide, the national government shall facilitate the vaccination activities and expedite vaccination of individuals with zero-dose by devoting three days solely for vaccination activities nationwide,” aniya pa rin.

 

Sa kabila ng target ng vaccination drive na maiturok ang 15 milyong doses ng Covid-19 vaccine, sinabi ni Galvez na “it doesn’t stop there”.

 

“We are planning to sustain the outcome of the national vaccination day for the coming weeks,” dagdag na pahayag nito.

 

Makakatulong din ang nasabing inisyatibo sa Local government units (LGUs) na may mababang vaccination output para mapabilis ang kani-kanilang vaccination program.

 

“So objective po nito is to mobilize all stakeholders, people and logistics to facilitate the vaccination with Covid-19 vaccines of at least 15 million individuals in three days,” ang pahahag ni Galvez sabay sabing may ilang lugar na may mabagal na vaccination drives ang nahaharap sa ilang mga hamon at limitasyon pagdating sa vaccine logistical at handling requirement. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Ads November 13, 2021

Posted on: November 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hintayin ang desisyon ng gobyerno kung holiday o hindi ang 3-day vaccination drive

Posted on: November 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKIUSAP ang Malakanyang sa publiko na hintayin ang magiging desisyon ng gobyerno kung idedeklarang holiday o hindi ang 3-day COVID-19 vaccination drive bago matapos ang buwan ng Nobyembre.

 

Target kasi ng pamahalaan na bakunahan ang 15 milyong  Filipino sa panahon ng Nobyembre 29 hanggang Dec. 1 o 3-day COVID-19 vaccination campaign.

 

At sa tanong kung ang mga petsang ito ay holidays, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na, “Inaasikaso po kung anong magiging desisyon ng Office of the President tungkol d’yan.”

 

“Hintayin na lang po natin ang anunsyo galing sa Palasyo,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Tinukoy ni Sec. Roque na Bonifacio Day sa Nobyembre 30 na isang regular holiday.  (Daris Jose)