• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 18th, 2021

Halos 100-K indibidwal isinailalim sa pre-emptive evacuation sa ‘Bagyong Odette’ – NDRRMC

Posted on: December 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nasa 26,430 pamilya o 98,091 indibidwal na ang isinailalim sa pre-emptive evacuation dahil sa bagyong “Odette” mula sa apat na rehiyon.

 

 

Ayon kay NDRRMC Operations Center Chief Jomar Perez, pinakamarami sa mga ito ay ang mula sa CARAGA region na bumibilang ng mahigit 78,000 kasunod ang Region 8 na nasa mahigit 17,000; Region 7 na mahigit 2 libo; at Region 10 na nasa 300.

 

 

Sinabi ni Perez nagpapatuloy aniya sa ngayon ang paglilikas ng mga apektadong residente na bolunyaryo namang sumasama at kasalukuyang nanunuluyan sa 99 evacuation centers.

 

 

Iniulat ni Perez, sa ngayon dalawang road sections ang apektado at 59 seaports ang apektado.

 

 

Dalawang siyudad din ang nakakaranas ng power outages.

 

 

May natanggap na rin ang NDRRMC na report hinggil sa isinasagawang search and rescue operation sa ilang mga lugar na tinumbok ng Bagyong Odette.

 

 

Samantala, tiniyak naman ni Office of Civil Defense Deputy Administrator Asec Casiano Monilla na sapat ang bilang ng mga evacuation centers para masiguro ang physical distancing ng mga evacuees.

 

 

Paliwanag ni Monilla, maaga palang ay tinukoy na ng NDRRMC at mga LGU ang mga karagdagang pasilidad na maaring gamitin bilang evacuation at quarantine center, at may itinakdang maximum capacity para sa mga ito.

 

 

Dagdag pa ni Monilla, mga miyembro Lang ng iisang pamilya ang pinapayagang magsama sama sa isang tent o cubicle sa mga evacuation center bilang bahagi ng health protocols. (Daris Jose)

ZOREN at CARMINA, naging emotional dahil sa pinagdaraan ng pamilya at sa pagkahiwalay sa kambal

Posted on: December 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ANG ganda ng trailer pa lang ng bagong GMA Afternoon Prime, ang Stories from the Heart: The End of Us na pinagbibidahan ng real-life couple na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.

 

 

At umpisa pa lang ng online mediacon nila, naging very emotional na sina Zoren at Carmina. Lalo na si Zoren na parang rare naman na mangyari.

 

 

Bukod sa masaya sila dahil alam daw nilang may masterpiece silang nagawang serye, inamin din ni Zoren kung bakit daw siguro sila emotional ng misis niya dahil sa pinagdadaanan din ng pamilya nila.

 

 

Ayon kay Zoren, ang father raw kasi ni Carmina ay in and out ngayon sa hospital at bukod dito, ang kanilang kambal ay madalas din na nasa lock-in taping.

 

 

Nagdalawang-isip daw talaga silang mag-asawa kung tatanggapin ang Stories from the Heart: End of Us dahil hangga’t maaari, ayaw raw sana nilang pareho silang wala ng matagal sa bahay.

 

 

Pero dahil sa nakita nilang outcome ng ginawa nilang serye under the direction of Zig Dulay, sobra silang nagpapasalamat ngayon na tinanggap at ginawa nila ito.

 

 

***

 

 

MULING nag-renew ng kanyang kontrata sa GMA-7 ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi.

 

 

Sa 18 years na pagiging Kapuso niya, may dalawang taon din na nag-lie-low sa showbiz si Yasmien. Ito na rin ‘yung time na nagkaroon siya ng anak at nag-asawa at wala raw siyang pinagsisihan na nag-lie-low siya dahil ‘yun ang time na mas nahanap at nakilala niya ang sarili.

 

 

Nakabalik din si Yasmien bilang Kapuso and since then, tuloy-tuloy na siya at makokonsider na Reyna ng Afternoon Prime.

 

 

When asked kung hindi ba niya nire-request lalo na sa pagpirma niya ng bagong kontrata na maging bida naman sa primetime.

 

 

Nakangiting sabi niya, “Sa akin naman po kahit saan nila ‘ko ilagay. Gusto nila ko sa hapon, gusto nila ko sa gabi o ipagpalit-palit, okay lang naman po sa akin. Basta kung saan magpi-fit ang role, kung saan ako nababagay, nandito lang naman ako.”

 

 

Sa ngayon, hindi raw makita ni Yasmien ang sarili na nasa ibang network.

 

 

“Hindi ko po makita. Parang hindi ko ma-imagine, parang ang hirap,” natatawang sabi niya.

 

 

On-going pa rin ang kanyang afternoon prime na Las Hermanas at marami raw dapat abangan sa kuwento, lalo na sa character niya.

(ROSE GARCIA)

Casting Jackie Chan For ‘Shang-Chi 2’ Would Be A Dream, Says Director Cretton

Posted on: December 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WRITER/DIRECTOR Destin Daniel Cretton says casting Jackie Chan for Shang-Chi 2 would be a dream following his influence on the first film.

 

 

For his Marvel Cinematic Universe debut, Cretton put together an ensemble roster primarily of Asian actors including Kim’s Convenience alum Simu Liu in the titular role, Awkwafina, Meng’er Zhang, Fala Chen, Benedict Wong, Michelle Yeoh and Tony Leung.

 

 

The cast for Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings also saw the return of Ben Kingsley as Iron Man 3 faux villain Trevor Slattery and the MCU introduction of Florian Munteanu as Razor Fist.

 

 

The MCU film served as an origin story for Shang-Chi as the son of Wenwu, the leader of the Ten Rings criminal organization, who seeks to lead a normal life in San Francisco away from his maniacal father. However, when the group and his father re-emerge to look for a mythical village tied to his mother’s past, Shang-Chi must work with his estranged sister Xialing and his best friend Katy to stoop Wenwu before a world-threatening evil is unleashed.

 

 

Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings hit theaters this past September after nearly 20 years of languishing in development hell and became an instant hit for Marvel Studios, receiving rave reviews from critics and grossing over $432 million at the global box office.

 

 

In a recent interview with CinemaBlend for the film’s home media release, Cretton opened up about his ideas for Shang-Chi 2 and its cast. When asked which legendary Asian actor he’d like bring in for the MCU sequel, the director said Jackie Chan would be the dream addition to the roster.

 

 

“I mean, if we could ever get Jackie [Chan] into a movie that would be a lifelong dream of mine. Let’s put it out [in the universe].”

 

 

Cretton isn’t the only one who would dream to see Jackie Chan take part in Shang-Chi 2 as audiences would certainly flock to the theater to see the legendary martial artist make his MCU debut with the sequel. Outside of providing voice work in animated projects and the against-type action thriller The Foreigner, Chan has largely returned to Hong Kong-based productions after years of leading American martial arts projects.

 

 

Though Chan has begun performing fewer stunts in an effort to take care of his body more, Shang-Chi 2 would be a great spot to highlight his talents in the MCU, even in a more supporting appearance akin to Michelle Yeoh’s in the film.

 

 

The Shang-Chi 2 writer/director has even discussed the influences Chan’s films had on his MCU hit, with the bus scene being one of the prime examples of the actor’s kinetic fight style. The first film even brought on Brad Allan, a team leader for the Jackie Chan Stunt Team, as the Supervising Stunt Coordinator, his second-to-last title before his death last year.

 

 

With plenty of time still to go to develop Shang-Chi 2, one can hope Cretton’s willing of Chan’s casting in the sequel comes to fruition in the future. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

Quick response ng gobyerno, nakahanda na

Posted on: December 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

“All hands are on deck in government’s quick response as Typhoon Odette made landfall this afternoon.”

 

Ito ang tiniyak ni acting Presidential Spokesperson Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

“As of December 16, 2021,” alas-2 ng hapon nang itaas ng weather forecasters ang Tropical Cyclone Warning Signal # 4 sa Southern Leyte, southwestern portion ng Leyte, Bohol, central at southern portions ng Cebu sa Visayas at Dinagat Islands at Surigao del Norte including Siargao at Bucas Grande Islands sa Mindanao.

 

Ani Nograles, ang Department of Social Welfare and Development, kabilang na ang kanilang Field Offices, ay mayroong available disaster response standby funds at family food packs na naka- prepositioned na sa iba’t ibang strategic areas sa typhoon-affected regions.

 

“As of December 16, 2021”, 11:00 ng umaga, ang mga concerned government agencies ay nagsagawa ng pre-emptively evacuated ng 98,091 katao mula sa Region 7, Region 8, Region 10, at CARAGA.

 

Samantala, ang paalala aniya ng gobyerno sa publiko lalo na sa mga typhoon-affected regions, na magsagawa ng kaukulang precautionary measures at makipagtulungan sa kani-kanyang awtoridad kung may pangangailangan ng agarang paglilikas sa kanilang lugar. (Daris Jose)

DEREK, naka-focus ngayon sa pamilya at sa gagawing international movie kaya ‘di muna magte-teleserye

Posted on: December 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

FOR the first time ay magkakasama sa isang pelikula sina Janmo Gibbs, Bing Loyzaga at Manilyn Reynes.

 

 

Ito ay sa Mang Jose na produced ng Viva Films to be shown at Vivamax on December 24.     Idea ni Janno na isama sa movie sina Bing at Manilyn. Asawa niya si Bing sa movie at kontrabida ang role ni Manilyn.

 

 

When Bing learned na kasama sa Mang Jose si Manilyn, he told Janno na dapat kasama rin siya rito.

 

 

Nang may magtanong na press kung bakit walang sampalan scene sina Bing at Manilyn, sabi ni Bing, wala naman daw sa script na kailangan na may sampalan sila. Hindi naman daw ito kailangan.

 

 

On the part of Manilyn, matagal na raw niya gustong gumanap na kontrabida. Pero walang nagbibigay sa kanya ng pagkakataon until this offer came.

 

 

In fact, nag-enjoy siya playing kontrabida kasi it is something new. It’s a big challenge for her at napaglaruan niya portraying the role of a kontrabida.

 

 

***

 

 

SA isang radio interview ay sinabi ni Derek Ramsay na hindi muna raw gagawa ang aktor ng teleserye.

 

 

Dahil may gagawin na international movie next year, doon muna raw ang focus niya.

 

 

Binanggit din ni Derek na sa family muna ang focus niya, lalo na at bagong kasal palang sila ni Ellen Adarna. Madalas niyang sabihin in his past interviews na once he magkapamilya siya, doon muna ang concentration niya.

 

 

He wanted to take a break muna and enjoy the new chapter sa buhay niya.

 

 

Ano kaya ang magiging reaction ng GMA 7 sa plano ni Derek na huwag muna gumawa ng drama series?

 

 

Plano rin ni Derek na ituloy ang trip nila sa African safari next year, kasama si Elias, ang anak ni Ellen sa award-winning actor na si John Lloyd Cruz. Gusto raw ni Derek na ma-experience ni Elias ang kakaibang klaseng adventure na dulot ng African safari.

 

 

***

 

 

SA pelikulang Huling Ulan sa Tag-Araw, na produced ng Heaven’s Best Entertainment Productions ni Harlene Bautista, pinatunayan ng loveteam nina Rita Daniela at Ken Chan na they are competent actors.

 

 

Sa press preview ng pelikula ay pinahanga nina Rita at Ken ang mga nanood sa mahusay nilang pagganap.

 

 

Pinakita rin nila ang kanilang kakaibang chemistry kaya swak na swak sila sa mga eksena, comedy man ito o drama. Tiyak na mapapansin sila ng MMFF jurors for their fine performances.

 

 

Very thankful nga sina Rita at Ken na maipapalabas na rin sa sinehan ang movie na ginawa nila sa kalagitnaan ng pandemic sa Pagsanjan, Laguna last year.

 

 

“After two years na nagsara ang mga sinehan, isa kami sa mga mapapanood. Sobrang nakaka-overwhelm siya. This is our first movie together na parang sinong makakakita na magiging loveteam kami ni Ken from Special Tatay at sinong mag-aakalang magkaka-pelikula kami,” sabi ni Rita.

 

 

Pandemic movie ang tawag dito ni Ken dahil ayon sa Kapuso actor, nag-shooting sila nito nung umpisa pa lang ng pandemic noong 2020. “Parang nag-start ng March ang pandemic at after three months, ginawa namin ito. So kami talaga ang unang nag-lock-in para mag-shooting,” pahayag ni Ken.

 

 

Susundan nito ang kuwento ng isang seminarian at bar performer na may mga hinahanap sa kanilang buhay.

 

 

Si Luis (Ken) na ipinangako ng mga magulang na magpapari ay makikilala ang isang bar performer na si Luisa (Rita) na tinuring niyang mission.

 

 

Naghahanap ng sign si Luis habang may hinahabol personal deadline si Luisa.

 

 

Nakakaiyak ang kuwento ng Huling Ulan Sa Tag-Araw na pinagsama ang dalawang tao para madiskubre ang totoong meaning of love’s pain and promise na nfr8agpaiyak sa mga nanood.

(RICKY CALDERON)

WBC kinilala ang galing nina Donaire at Magsayo

Posted on: December 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Labis ang kasiyahan ng dalawang Filipino boxers matapos na sila ay kinilala ng World Boxing Council (WBC) dahil sa kanilang tagumpay ngayong 2021.

 

 

Kinabibilangan ito nina Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr at Mark “Magnifico” Magsayo.

 

 

Kinilala si Donaire bilang “Comeback of the Year” habang si Magsayo naman ay kinilalang “Prospect of the Year”.

 

 

Tinalo kasi ni Donaire si French-Morrocan boxer Nordine Oubaali noong Mayo para makuha ang WBC belt at nitong Disyembre ay nagwagir rin ito sa kapwa Filipino boxer na si Reymart Gaballo.

 

 

Si Magsayo naman ay kinilala ang 10th round knock out niya laban kay Julio Ceja noong Agosto.

 

 

Nakuha naman ni Mexican boxer Saul “Canelo” Alvarez ang “boxer of the Year Award” at nabigyan siya ng WBC Cares Award at Event of the Year laban kay Caleb Plant noong Nobyembre.

3 drug suspects nadakma sa buy bust sa Malabon, Valenzuela

Posted on: December 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KULUNGAN ang kinasadlakan ng tatlong hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang 18-anyos na bebot matapos madamba sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon at Valenzuela Cities, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albet Barot ang naarestong mga suspek na sina Dan Patrick Lumagbas alyas “Bimboy”, 24, ng Dagat-dagatan Brgy. Longos at Mary Berjolie Vicente alyas “Em”, 18 ng Purok 6, Dulong Hernandez, Brgy. Catmon.

 

 

Sa imbestigasyon ni PMSg Randy Billedo, dakong alas-5:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Hasa-Hasa St., Brgy. Longos na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos bentahan ng P500 halaga ng droga ang isang police poseur-buyer.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 7.80 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P53,040, buy bust money at cellphone.

 

 

Sa Valenzuela, natimbog din ng mga operatiba ng SDEU ng Valenzuela police sa pamumuno ni PLT Joel Madregalejo si Antonio Doon sa buy bust operation sa Sugar St., Llenado Subd., Brgy. Karuhatan dakong alas-3:30 ng madaling araw.

 

 

Nakuha sa kanya ang apat na plastic sachets na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu, P500 buy bust money, P300 cash, cellphone at pouch.

 

 

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Wanted sa murder huli sa manhunt operation sa Malabon

Posted on: December 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NALAMBAT ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation ang isang delivery rider na wanted dahil sa kasong murder sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong akusado na si Jomael Pagyunan, 42, delivery rider at residente ng No. 45 Doña Ata, Constantino St. Brgy. Baritan.

 

 

Ayon kay Col. Barot, nakatanggap ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Joseph Alcazar ng impormasyon mula sa kanilang informant na nakita ang akusado sa Brgy. Concepcion.

 

 

Bumuo ng team ang WSS sa pangunguna ni PSMS Armando Isidro, kasama ang 4th MFC RMFB NCRPO sa pamumuno ni PMAJ Ronilo Aquino saka ikinasa ang joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Pagyunan sa Gov. Pascual Brgy. Concepcion dakong alas-9:45 ng gabi.

 

 

Ani PLT Alcazar, si Pagyunan ay danakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Josie Rodil, Presiding Judge, RTC Branch 293, Malabon City para sa kasong Murder. (Richard Mesa)

BONGBONG, SARA KAPIT-BISIG SA PAGTULONG SA MGA BIKTIMA NG BAGYONG ‘ODETTE’

Posted on: December 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinakilos nila dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang kanilang mga volunteers upang makatuwang sa pamamahagi ng relief goods sa mga naapektuhan ng pananalasa ng Super Typhoon Odette.

 

 

Ang BBM-Sara UniTeam volunteers ay naghanda ng mga relief pack na naglalaman ng 5kgs ng bigas, ibat-ibang delata tulad ng sardines, corned beef, meatloaf, gatas, at mga kape.

 

 

 

“Ready na yung mga relief goods na ipamimigay namin, mayroon tayong bigas, grocery packs para sa mga nasalanta ng bagyo, nakaalerto na ang mga volunteers ng BBM-Sara UniTeam upang magtungo at ipamahagi ang mga tulong na ito,” sabi ng UniTeam.

 

 

 

Ang UniTeam volunteers ay maglalaan din ng mga relief goods para sa kritikal na mga lugar upang mapadali ang pamamahagi nito.

 

 

 

“Nakamonitor ang aming opisina sa bagyong Odette at tinitignan natin kung ano pa ang mga kakailanganing tulong ng mga nasalanta.  Sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na rin tayo sa mga lokal na pamahalaan upang malaman ang aktwal na kundisyon sa mga lugar na nasalanta,” dagdag ng dalawa.

 

 

 

Ang UniTeam ay naghanda ng 6,000 relief packs para sa probinsya ng Samar, 6,000 para sa probinsya ng Leyte, 2,000 para sa Tacloban, at 6,000 para sa Masbate.  Ang mga volunteers ng UniTeam ay abala pa rin sa paghahanda ng mga karagdagang batch ng relief goods para ipamahagi sa iba pang mga lugar na nangangailangan ng tulong.

 

 

 

Nagsumamo rin sina Bongbong at Sara sa ating mga kababayan na patuloy ipagdasal ang kaligtasan ng mga taong naapektuhan ng nasabing Super Typhoon.

 

 

 

“Nakakalungkot dahil ilang araw na lamang ay pasko na at nagkaroon pa ng bagyo. Ganun pa man patuloy lang tayong manalangin sa kaligtasan ng ating mga kababayan lalo na dun sa mga naapektuhan ng bagyo,” sabi ng UniTeam.

 

 

 

Hinikayat din ng BBM-Sara UniTeam ang mga nakatira sa daraanan ng bagyo na sundin ang emergency bulletins ng gobyerno para manatiling ligtas at malayo sa mga panganib na hatid ni Typhoon Odette.

 

 

 

“Para sa ating mga kababayan na nakatira sa mga lugar na babaybayin ng bagyo, sumunod po tayo sa mga abiso ng pamahalaan. Kung kinakailangang lumikas ay gawin na po natin para po makaiwas sa peligro,” sabi pa ng BBM-Sara UniTeam.

 

 

 

Huling namataan ng PAGASA ang sentro ng Bagyong Odette sa baybayin ng P. Garcia sa Bohol nang alas-7:00 ng gabi. Nag-landfall si Typhoon Odette sa ika-anim na pagkakataon sa Bien Unido, Bohol.

 

 

 

Kumikilos si Odette na may lakas ng hanging aabot sa 185 kph at may pagbugsong aabot sa 255 kph at kumikilos pakanluran sa bilis na 30 kph.

Ads December 18, 2021

Posted on: December 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments