KASAMANG nag-Christmas si senatorial candidate Herbert Baustista ang rumored girlfriend niya na si Ruffa Gutierrez at ang buong pamilya nito.
Sa TikTok video nga na pinost ng aktres, na nag-exchange gift ang kanyang pamilya at makikitang na magkausap sina Herbert at Ramon Christopher Gutierrez.
Sa last part ng video, kita rin na tinawag ang pansin niya ni Ruffa para mag-hi sa camera.
Marami talaga ang kinilig dahil hindi na talaga itinago ni Ruffa kung ano man ang relasyon nila ni ex-Mayor Bautista, na kitang-kita naman na tanggap ng pamilya Gutierrez, na lalo ang Mommy Annabelle ni Ruffa.
As usual, kanya-kanya na naman ang reaction ng netizens, na may natutuwa at meron din naman gulat pa rin sa sinasabing relasyon ng dalawa.
“Luh hahahhaha! Well, happy lang, sige na nga.”
“Mukhang good fit naman si Bistek sa family Gutz.”
“Puro gwapo at maganda yun mga Gutierrez. Nakipag-sabayan si Sarah sa looks pero hindi fit si Herbert.”
“Bastos ka. Tignan mo sa personal si Herbert kung pangit. Kawawa ka.”
“Wala talagang taste si Ropa pagdating sa boylet.”
“Ok nman yung mga dati may mga hitsura. Kay Bistek di ko makita kng ano nagustuhan nya kung sila man.”
“Balikan nya yung panahon na dalagita pa lang sya at nagsisimula pa lang sa showbiz. Ewan ko lang kung magustuhan nya noon ang patpating si Bistek tapos surrounded pa sya ng other hunky boys sa Thats.”
“Pinaka gwapong naging boyfie ni Ruffa ay si Dennis da Silva mala Ricky Martin noong bagets.”
“Downgrade si Ruffa.”
“Meaning tanggap sya ni Mommy Anabel. Di ko sya beg for Ruffa at isa pa, walang pqninindigan ang lalakeng ito. Akala ko ba sila nung nanay ng anak nyang si Athena?”
“She seems too proud and smug with this relationship. Oh well he’s a future senator no wonder no lait si mader dearest sa new boyfie.”
“I wont vote for him. Sa dami ng deserving na makapasok, sayang boto kay bistek.”
“Eh ang kaso ang dami paring voters na boboto kasi familiar sila sa pangalan. Gaya nung survey few months ago. Puro artista kahit walang credibility yung nasa top. Kakaloka! Jusko, yung wish ko talaga nung birthday ko at pasko hindi para sa sarili ko eh. Para sa Pilipinas talaga.”
“Si madir Annabelle na mismo nagsabing Herbert is good for Ruffa daw kasi in-encourage ni Herbert si Ruffa to finish her studies kaya napa enrol daw si Ruffa. Boto si madir infer.”
“Dyan lang pala ang ending ni Ropa. Heniways baka sila talaga. Surprisingly walang nega comments coming from Annabelle. I always thought Ropa had a type, yun mga middle eastern hunks. Ibang iba si Bistek ha.”
“Di sila bagay physically pero alam ko multi millionaire si guy.”
“Napanood ko yung old movie ni Herbert na Bagets, he was cute naman pala. Okay pa rin naman sya ngayon though not hunk level.”
“True. Kung yung Bagets days niya ngayon, sobrang benta siya. He was funny and cute.”
“Basta nagkakasundo, mahal sya at kaya syang buhayin okay na yun. Wala naman sa physical yan.”
“Hahaha pg si Herbert sumama kina Ruffa at mga anak, mapagkamalan pa sya bunso bsta may facemask lang
“I love them. Bagay!”
***
SA pangako ng GMA Artist Center na maka-develop ng globally competitive talents, nagbahagi ang seasoned TV Host at Philippine King of Talk na si Boy Abunda ng kanyang expertise bilang mentor sa naganap na ikatlong batch ng Breakout Room: Master Class Series noong November 16 at 23.
Si Tito Boy, na higit dalawang dekada na sa showbiz bilang talk show host, ay nagturo ng ‘art of public speaking’ sa higit na 20 Artist Center talents.
Present sa virtual workshop sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Ken Chan, Rita Daniela, Barbie Forteza, Martin Javier, Sophia Senoron, Kyline Alcantara, Luane Dy, Glaiza De Castro, Jose Sarasola, Patricia Tumulak, Gil Cuerva, Ruru Madrid, Miguel Tanfelix, Derrick Monasterio, Sanya Lopez, Ysabel Ortega, Sanya Lopez, Bianca Umali, Khalil Ramos, Gabbi Garcia, Ashley Rivera, Rocco Nacino, Arra San Agustin, Lexi Gonzales, at Rain Matienzo.
Um-attend din sina Consultant for Comedy, Infotainment, Game and Reality Productions Bang Arespacochaga, Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, at GMA Artist Center Consultant Johnny Manahan.
“As in all my classes, I don’t say I’m going to teach you what you want to do,” sabi Tito Boy sa simula ng workshop.
“Instead, I would like to help you discover yourselves. I’d like to help you discover your power to tell your story. I’d like to journey with you as you explore, as you examine, as you provoke your question, and most importantly, as you commit mistakes along the way. One of the best ways to learn in the talk business is to commit mistakes.”
Dagdag pa niya ng premyadong host, “Learn all the rules because only then can you break them. Sometimes the best way to create something original is by breaking it. And breaking it is sometimes by committing mistakes.”
Ang second round ng public speaking workshop ay mas interactive dahil required na ang mga artists to participate sa isang mock interview presentation.
Ang Breakout Room: Master Class Series ay isang virtual roundtable discussion where top-notch mentors impart knowledge about their craft.
Marami pang talented industry experts, leaders, and professionals ang madyo-join sa next sessions sa pagpapatuloy ng GMA Artist Center na mag-provide international standard workshops sa kanilang mga stars.
(ROHN ROMULO)