SINABI ng Department of Budget and Management (DBM) na may paghuhugutan na ang P10-billion aid para sa mga biktima ng bagyong Odette na ipinangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
“For the P10 billion which the resident mentioned, the P2 billion is already available under the NDRRMF which is the long name of the calamity fund,” ayon kay DBM acting secretary Tina Canda sa Palace briefing.
Ang National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) o calamity fund ay lump-sum appropriation na nakalaan para sa “aid, relief, and rehabilitation” para sa mga lugar na hinagupit ng human-induced at natural calamities.
Sinabi ni Canda na mayroong P4 bilyong piso ang natitira sa ilalim ng P20-billion NDRRMF para sa taong 2021.
“The next P2 billion is available under the President’s contingent fund,” anito.
Matatandaang, nangako si Pangulong Duterte na mangangalap ng P10 bilyong piso para sa rehabilitation at recovery efforts sa typhoon-affected areas, ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles.
Ang pangakong ito ng Pangulo ay matapos niyang ihayag na ubos na ang pondo dahil sa COVID-19 pandemic.
“The remainder P6 billion will be available in a couple of days once the GAA (General Appropriations Act) is signed for 2022,” ani Canda.
“When is it going to be signed? We expect the 2022 budget measure will be signed before the year ends so it’s between after Christmas until the 29th these are the days that are open,” dagdag na pahayag ni Canda. (Daris Jose)