• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 10th, 2022

KELOT TIKLO SA DRUG BUY BUST SA VALENZUELA

Posted on: January 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KULONG ang isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa buu bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

 

 

Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong suspek na si Edmond Carreon alyas “Monmon”, 23 ng 96 F. Bautista St., Brgy., Marulas.

 

 

Ayon kay PSSg Ana Liza Antonio, nakatanggap ang mga operatiba ng SDEU ng impormasyon mula sa kanilang regular confidential informant hinggil sa  pagbebenta umano ng shabu si Carreon na naging dahilan upang ikasa ng mga ito ang buy bust operation kontra sa suspek sa F. Bautista Street dakong alas-6 ng umaga.

 

 

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinakma ng mga operatiba.

 

 

Nakuha sa suspek ang tinatayang nasa 5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P34,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at pitong pirasong P1,000 boodle money at cellphone.

 

 

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act Of 2002. (Richard Mesa)

NORA, masayang-masaya dahil sinorpresa ng mga anak at mga apo maliban kay LOTLOT

Posted on: January 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

EXCITED na ang mga fans ni Jo Berry sa muli niyang pagbabalik, sa pamamagitan ng bagong GMA Afternoon Prime series na Little Princess.

 

 

Muli, title-roler si Jo, tulad ng una niyang serye sa Kapuso Network na Onanay na naging anak niya sina Mikee Quintos at Kate Valdez. 

 

 

Dalawa ang naging leading men niya rito, sina Wendell Ramos at Luis Alandy.

 

 

O laban kayo?

 

 

Sa Little Princess ay dalawa muli ang leading men ni Jo, sina Rodjun Cruz at Juancho Trivino.  This time, sa story, ay lumaking ulila sa ama si Princess Montivano, a little person with the biggest dreams.

 

 

Gagawin niya ang lahat para maiahon niya ang kanyang pamilya sa husay niya sa online game na Magic Legends para sumikat at kumita ng malaking pera.

 

 

Makilala kaya ni Princess ang tunay niyang ama na isa palang milyonaryo at may-ari ng big businesses?  Dito na ba magbabago ang buhay ni Princess?

 

 

Makakasama ni Jo sina Jestoni Alarcon at Angelika dela Cruz, ang tunay niyang mga magulang, Geneva Cruz, Jenine Desiderio, Therese Malvar, Chuckie Dreyfus at marami pang iba.

 

 

World premiere ngayong hapon pagkatapos ng Las Hermanas sa GMA-7.

 

 

***

 

 

MASAYANG-MASAYA at labis ang pasasalamat ni Superstar Nora Aunor nang bago natapos ang Christmas season ay sinorpresa siya ng kanyang mga anak at mga apo.

 

 

Last January 8, dumating sa bahay ni Ate Guy, ang anak na si Ian de Leon kasama ang mga kapatid na sina Matet, Kenneth at Kiko de Leon, kasama ng mga ito ang kani-kanilang asawa at mga anak.  Nalubos ang tuwa ni Ate Guy na nayakap na niya ang kanyang mga apo.

 

 

Kaya si ate Guy, sa tuwa ay nagpa-games at namigay ng premyo.  Gustung-gusto raw niya na sinunod siya ng mga apo na “Mama Guy” ang itawag sa kanya at hindi Lola Guy.

 

 

Si Lotlot de Leon at mga anak nito lamang ang wala at nang tanungin si Ate Guy, sagot lamang nito ay ‘bahala na ang nasa Itaas.’

 

 

Siguradong wish din ni Ate Guy ay nakasamang dumating ng mga anak at mga apo niya si Lotlot at ang mga anak nito.

 

 

***

 

 

CONGRATULATIONS sa mga newly-weds na sina Kapuso actor Kevin Santos at Raphee delos Reyes.

 

 

Si Kevin ay produko ng StarStruck ng GMA Network, pero ngayon bukod sa pagiging actor ay isa na rin siyang licensed pilot, samantalang isang nurse naman si Raphee working in a hospital sa Sydney, Australia.

 

 

Kinasal sila noong January 5 at dahil sa pandemic ngayon, limitado ang number of guests nila.  Napasabay kasi muli sa paghihigpit ng health protocols ang wedding nila kaya napilitan silang magbawas ng mga guests.

 

 

Kabilang si Kevin sa cast ng comedy show na Daddy’s Gurl sa GMA-7 at hindi nga raw niya naimbita ang mga kasama sa show, maliban sa mag-asawang Oyo Sotto at Kristine Hermosa, hindi na niya naimbita si Vic Sotto dahil ayaw rin nitong lumabas ng bahay.

 

 

Kinailangan na ring bumalik ni Raphee sa Sydney dahil sa work niya, kaya LDR (long distance relationship) muna sila ngayon ni Kevin.

 

 

Pag-uusapan pa raw nila kung iiwanan na ni Kevin ang showbiz at ituloy na lamang ang pagiging pilot niya at doon na sila mag-stay sa Australia, o si Raphee ang uuwi ng Pilipinas at dito na mag-stay para magkasama sila.

(NORA V. CALDERON)

JUANCHO, nahirapan nang biglang nawalay sa kanyang mag-ina na sina JOYCE at ELIAM dahil sa lock-in taping

Posted on: January 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGING mahirap daw para kay Juancho Trivino ang malayo sa kanyang mag-ina noong mag-lock-in taping siya para sa teleserye na Little Princess.

 

Ilang months pa lang daw ang baby nila ni Joyce Pring na si Eliam nang mawala siya for almost two months para magtrabaho.

 

“Nakakalungkot na bigla akong nawalay sa baby namin ni Joyce. Pero kailangan ko ring mag-work and this is one of the sacrifices I have to do for my family in the new normal.

 


      “Naging constant naman ang pag-video call namin ni Joyce and nakakausap ko si Eliam through that. Kaya noong matapos na ang taping namin, I was excited to see my wife and baby. Pero nag-quarantine pa ako ng ilang days para mas maging safe ako pagniyakap ko na ang mag-ina ko,” sey ni Juancho.

 

Ayaw daw ni Juancho na may ma-miss siyang mga gawin si Eliam kaya as much as possible, priority nito ang kanyang pamilya.

 

“Nagkakaroon na ng muwang ng paunti-unti yung anak ko kaya nae-excite ako, kasi siyempre ito yung year of firsts kaya kaming dalawa ng wife ko, we just want to be there for Baby Eliam.”

 

***

 

KINASAL na ang Kapuso actor na si Kevin Santos sa kanyang fiancee na si Raphee delos Reyes.

 


      Noong January 5 naganap ang wedding nila sa isang hotel sa Alabang, Muntinlupa.

 

Limited nga raw ang kanilang mga bisita dahil sa pagsunod sa bagong COVID-19 guidelines.

 

Bukod sa pamilya nila ng kanyang wife, ilang malalapit na kaibigan lang nila ang nakasaksi ng kanilang pag-iisang dibdib.

 

Kabilang na rito ang kapwa niya Daddy’s Gurl actor na si Oyo Sotto at ang asawa nitong si Kristine Hermosa. Nakadalo rin sa wedding si Chichirita na kasama rin ni Kevin sa nasabing sitcom.

 

 

Ayon sa aktor, dalawang taon pa lamang ang kanilang relasyon ngunit napagkasunduan na nilang magpakasal dahil na rin sa kanilang mga edad.

 

Matapos ang kanilang wedding ay balik-LDR o long-distance relationship na naman ang dalawa upang maipagpatuloy ni Raphee ang kanyang trabaho bilang isang nurse sa Sydney, Australia.

 

Isa namang licensed private and commercial pilot si Kevin.

 

 

***

 

PUMANAW na sa edad na 94 ang kauna-unahang Black actor na manalo ng Oscar Best Actor na si Sidney Poitier.

 

Sa kanyang tahanan sa Los Angeles pumanaw ang aktor at binigyan siya ng tribute ng Prime Minister of the Bahamas na si Clint Watson. Sa the Bahamas lumaki at nagkaisip si Poitier kahit na sa Miami, Florida siya sinilang.

 

Naging inspirasyon ng maraming Black actors in Hollywood si Poitier noong manalo itong best actor sa Academy Award noong 1963 for the film Lilies of the Field.

 


      Ilan pang great performances ni Poitier ay sa mga pelikulang The Defiant Ones, In The Heat of the Night, Guess Who’s Coming To Dinner, Porgy and Bess, A Patch of Blue, A Raisin In The Sun at To Sir With Love.

 

 

Dumaan sa matinding discrimation noong 1950’s and 60’s Hollywood si Poitier dahil limitado ang mga Black actors na binibigyan ng trabaho ng mga tinatawag na White-run studio. Ang kadalasan daw na roles para sa tulad niya ay servants, drivers at farmhands.

 

 

Pero nilabanan ng aktor ang sistema hanggang sa mabigyan ng pagkakataon ang maraming Black actors na magbida at mabigyan ng magagandang roles sa malalaking pelikula.

 

Sa isang interview with Oprah Winfrey in 2000, sinabi ng aktor: “It’s been an enormous responsibility. And I accepted it, and I lived in a way that showed how I respected that responsibility. I had to. In order for others to come behind me, there were certain things I had to do.”

 


      Sa kanyang 60 year career, Poitier was granted a knighthood by Queen Elizabeth II in 1974; received the Kennedy Center Honor in 1995; awarded the Presidential Medal of Freedom, the highest civilian honor in the United States in 2009; awarded the BAFTA Fellowship for outstanding lifetime achievement in film in 2016; received the Golden Globe Cecil B. DeMille Award in 1982 and in 2000, he received the Screen Actors Guild Life Achievement Award and was given an Academy Honorary Award, in recognition of his “remarkable accomplishments as an artist and as a human being.” in 2002.

(RUEL J. MENDOZA)

Mas maiksing quarantine para sa mga fully vaccinated health workers, pinayagan na ng IATF

Posted on: January 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

APRUBADO na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mas maiksing isolation at quarantine periods para sa mga fully vaccinated health workers na infected o exposed sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 

 

Inanunsiyo ito ni Presidential Spokesperson Karlo Nograles matapos ang pahayag ng ilang mga ospital na kulang sila sa personnel matapos ang biglaang pagtaas ng kaso ng COVID.

 

 

Base sa IATF Resolution 156 limang araw na lamang ang quarantine o isolation ng mga fully vaccinated na healthcare workers.

 

 

Nakasaad din sa resolusyon na puwedeng magpatupad ang hospital infection prevention and control committees ng shortened isolation protocols para sa mga fully vaccinated healthcare workers.

 

 

Pero kailangan pa rin daw i-assess dito ang mga risks at benefits.

 

 

Una nang sinabi ni Health Undersecretary Rosario Vergeire na ang mga fully vaccinated healthcare workers na tinamaan ng COVID-19 na asymptomatic at mayroong mild na sintomas o moderate case ay dapat mag-solate ng kahit limang araw.

 

 

Ang fully vaccinated general population namang infected ng virus ay kailangan ang 10-day isolation period para sa mga asymptomatic at moderate case. (Daris Jose)

DINGDONG, umaming isa sa pinakamahirap na nagawa sa career at buhay ang ‘ICSY: Alternate’

Posted on: January 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BALIK-PRIMETIME ang 2020 Seoul International Drama Awards Asian Star Prize at Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

 

 

Na kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay gaganap siya ng dual role sa latest installment ng matagumpay na GMA drama anthology, ang I Can See You: AlterNate, na magsisimula na ngayong gabi (January 10).                                          

 

 

The new miniseries narrates the story of a refined man whose marriage will be tested when his wife unknowingly cheats with someone who looks completely like him and is apparently his long-lost twin brother.

 

 

Pag-amin ni Dingdong na gumaganap bilang identical twins na sina Nate at Michael, “Isa ito sa mga pinakamahirap na nagawa ko talaga.

 

 

Hindi lang siguro sa trabaho ko bilang artista pero sa buhay din in general dahil ang daming elemento na kaakibat ng experience na ito. Isa na diyan, first time ko na maka-experience ng mahabang lock-in taping and be away from my family for 30 days.

 

 

Dagdag pa ng premyadong aktor, “Plus, the fact na mahirap yung role. Pero iyon din naman iyong hinihingi ko sa sarili ko kapag pumipili at nagko-commit ako sa isang bagay, ‘yung sana mas mahirap ‘to kaysa sa mga nagawa ko na in the past, in order to challenge myself as an actor.

 

 

All other elements combined, yung hirap na ‘yun nag pay-off naman. Lumabas kami sa taping bubble nang very fulfilled dahil we were able to tell a compelling story in the context of a very challenging time.

 

 

Kasama ni Dingdong sa stellar cast ng I Can See You: AlterNate na kinabibilangan ng dramatic actress na si Beauty Gonzalez bilang Sheila, ang asawa ni Nate; seasoned actress na si Jackie Lou Blanco bilang Carmencita, foster mother ni Nate; versatile actress na si Joyce Ching bilang Angie, younger sister ni Michael; at ang acclaimed actor and director na si Ricky Davao bilang Lyndon, foster father ni Nate.

 

 

Ang compelling miniseries ay mula sa direksyon ni Kapuso director Dominic Zapata, na kung saan puring-puri niya sina Dingdong at Beauty sa kanilang acting dynamics.

 

 

Sey ni Direk Dom, “This is the first time Dingdong and Beauty met and worked with each other. But since ganoon yung acumen nila sa kanilang craft, kaya nilang magbatuhan ng linya on zoom, tapos kapag in-person na they allow it to organically form habang nangyayari yung eksena.

 

 

It gets even better as the day progresses. Iyon ‘yung masarap panoorin. In fact, by the end of the lock-in, kahit ang hirap ng taping, nabitin ako. Kasi na-enjoy ko talaga.

 

 

Hindi siya dumali in terms of the amount of work, but it’s just so enjoyable you forget na napapagod ka. If there’s a lot of joy and love, it shows in the work. Definitely, this is one of those projects where it’s evident.”

 

 

Ang I Can See You: AlterNate ay nasa ilalim ng supervision nina GMA Entertainment Group Production heads Lilybeth G. Rasonable (SVP for Entertainment Group), Redgie A. Magno (FVP for Drama), Cheryl Ching-Sy (SAVP for Drama), Cathy Ochoa Perez (Senior Program Manager) at Winnie Hollis Reyes (Senior Executive Producer).

 

 

Ang serye ay produkto ng visionary minds ng GMA’s award-winning and highly-talented creative team na kinabibilangan nina Creative Director Aloy Adlawan; Creative Head Denoy Navarro-Punio; Headwriter Des Garbes-Severino; Writer Onay Sales; at Brainstormer Jimuel Dela Cruz.

 

 

Experience double thrills and suspense sa I Can See You: AlterNate, simula na ngayong 8:50 p.m. pagkatapos ng I Left My Heart In Sorsogon sa GMA Telebabad.

(ROHN ROMULO)

Tradisyunal na pagtitipon, bawal muna – QC LGU

Posted on: January 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LIMITADO na ngayon ang tradisyunal na mga pagtitipon sa lungsod Quezon.

 

 

Ito ay dahil ipinagbabawal na ng lokal na pamahalaan  ang iba’t ibang uri ng malakihang mga pagtitipon sa lungsod upang maiwasan ang paghahawaan ng COVID-19.

 

 

“Dahil inaasahan na natin ang mga pagtitipon sa mga piyesta, Chinese New Year at iba pang pag­diriwang sa mga susunod na buwan, minabuti na nating kumilos agad upang maiwasan na ang mass gatherings na posibleng pag-ugatan ng pagkalat ng COVID-19,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte.

 

 

Nagpalabas ng Memorandum No. 02-22 si Belmonte na nagbabawal sa mga aktibidad tulad ng  prusisyon, parada, Santacruzan at mga pagdiriwang ng mga barangay tulad ng pista, religious festivals at ibang serbisyo, Chinese New Year at iba pang pagdiriwang sa mga komunidad.

 

 

Ibinawal din ang iba pang public celebrations  tulad ng mass gatherings, kasama na ang mga fairs, perya, variety shows, fireworks displays, ati-atihan at iba pang public performances.

10 pasahero na COVID-19 positive tumakas sa India

Posted on: January 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINAHANAP na ng mga otoridad sa India ang nasa 10 pasahero na tumakas mula sa paliparan ng Amritsar City.

 

 

Ang nasabing mga pasahero aniya ay nagpositbo sa COVID-19 subalit sila ay tumakas.

 

 

Sinabi ni senior district officer Ruhee Dugg na lulan ng international chartered flight ang mga pasahero mula Italy na mayroong 125 pasahero ang nagpositibo sa COVID-19 pagdating nila sa nasabing bansa.

 

 

Ayon naman kay Amritsar airport director V.K. Seth na 160 pasahero ang sumailalim sa testing kung saan 19 sa kanila ang exempted dahil mga menor-de-edad ang mga ito.

 

 

Nagawang nakatakas ang mga pasahero ng humiwalay ang mga ito sa grupo ng pasahero habang dinadala sana sa quarantine facility.

Kumakalat na audio clip at walang basehang haka-haka ukol sa “total lockdown”, pinalagan ng Malakanyang

Posted on: January 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINALAGAN ng Malakanyang ang kumakalat sa social media na audio clip at walang basehang haka-haka ukol sa ‘total lockdown’.

 

 

“We have come across an audio clip that has been shared via personal messages and social media, in which a male speaker warns the public to stock up on essential supplies as the government is considering placing the country under a “total lockdown.”ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

 

“This is a false and baseless statement,” diing pahayag nito.

 

 

Muli ay umapela ang Malakanyang sa publiko na ipagwalang-bahala ang nasabing “unfounded and malicious rumors” at umiwas mula sa pagbabahagi nito sa pamilya at kaibigan.

 

 

“As I said in our press briefing yesterday, our country is dealing with a real threat that understandably concerns our people, and spreading these unverified rumors contributes to unnecessary anxiety and needless panic. Hindi po ito nakakatulong,” giit ni Nograles.

 

 

Muling inulit ni Nograles ang ibinigay na katiyakan ng Department of Agriculture hinggil sa inventory para sa mga pangunahing bilihin partikular na ang bigas.

 

 

Aniya, may sapat na suplay ng bigas at tatagal pa ito hanggang sa susunod na tatlong buwan. Sapat aniya para sa susunod na pag-aani o harvest season sa Abril.

 

 

“The same also holds true for lowland and highland vegetables, which is at 85 percent and 107 percent sufficiency level, respectively,” ayon sa Department of Agriculture.

 

 

Samantala, sinabi pa rin ni Nograles na habang hinihikayat ng pamahalaan ang publiko na manatiling may kalaaman ukol sa pinakabagong kaganapan hinggil sa laban sa COVID, hinimok naman niya ang lahat na kumuha lamang ng balita at impormasyon mula sa “credible sources.”

 

 

“Dismiss disinformation, and contribute positively in our efforts to stop the spread of COVID by observing minimum public health standards and by getting vaccinated in order to protect ourselves, our families and our communities,” giit ni Nograles. (Daris Jose)

PDu30, nilagdaan ang batas na makapagbubukas pa sa retail sector ng Pinas sa mga foreign investors

Posted on: January 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAS pinadali na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga dayuhan na makapag- invest sa retail sector ng Pilipinas.

 

 

Ito’y matapos pirmahan ni Pangulong Duterte ang batas na Republic Act (RA) No.11595, na inamiyendahan ang RA No. 8762 o ang Retail Trade Liberalization Act na may dalawang dekadang taon na.

 

 

Ang buong titulo ng bagong batas ay nagsasaad na “An act amending Republic Act No. 8762, otherwise known as the ‘Retail Trade Liberalization Act of 2000’, by lowering the required paid-up capital for foreign retail enterprises, and for other purposes.”

 

 

Nilagdaan ito ng Chief Executive noong Disyembre 10.

 

 

Sa ilalim ng RA No.11595, ang minimum paid-up capital para sa foreign retail investors ay ibinaba sa P25 million.

 

 

Base sa nakalipas na bersyon ng batas, “foreigners can set up wholly-owned enterprises with a minimum paid-up capital of $2.5 million or some P127 million, subject to certain requirements.”

 

 

Ang legal revision na ito ay naging panawagan ng local business group. Binanggit ng Pangulo, bilang priority measure sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 2021.

 

 

Inaasahan naman ng mga tagapagtaguyod ng batas, na mapapalakas ng bansa ang foreign direct investments o FDI sa pamamagitan ng mas binuksang local retail sector.

 

 

Ayon sa four-page statute, irerebisang mabuti ng Department of Trade and Industry (DTI), Securities and Exchange Commission (SEC), at National Economic and Development Authority (NEDA) ang required minimum paid-up capital kada tatlong taon.

 

 

“It provides for a “minimum investment per store’” that “will include the value of the gross assets, tangible or intangible, including but not limited to buildings, leaseholds, furniture, equipment, inventory, and common use facilities,” ayon sa ulat.

 

 

“In the case of foreign retailers engaged in retail trade through more than one physical store, the minimum investment per store must be at least P10 million,” dagdag nito. (Daris Jose)

Funko Pops! Reveals A Much Closer Look At Robert Pattinson’s Batman’s Costume

Posted on: January 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

FUNKO Pops! reveals a closer look at Batman’s costume in The Batman and the figures got comics-accurate yellow highlights. 

 

 

The Batman stars Robert Pattinson as the titular character, with Zoe Kravitz as Selina Kyle/Catwoman, Colin Farrell as the Penguin, Paul Dano as the Riddler, Andy Serkis as Alfred, Jeffrey Wright as James Gordon, and John Turturro as Carmine Falcone.

 

 

Directed by Matt Reeves, The Batman is a stand-alone relaunch of the character set outside the bounds of the DCEU. Coming in theaters on March 4th, 2022.

 

 

New Funko Pops! for The Batman were revealed exclusively via Entertainment Weekly, which show a new yellow accent to the costume, namely at the top of his boots, as well as on a new “wingsuit”. While yellow accents on Batman’s boots haven’t been a standard costume trait in the comics, including a yellow accent is certainly a nod to the comic-book look of the character.

 

 

In addition to the yellow accents, another detail revealed is the function of Batman’s gauntlets, which appear to project outward to use as fighting clubs of some sort.

 

 

The wingsuit is also a new addition to the franchise, at least in this form, which is similar to what actual wingsuit enthusiasts wear, ironically often called “batsuits.”

 

 

The Batman Pops! also revealed unmasked Batman figures, Catwoman and the Batmobile.

 

 

The live-action Batman costumes have ironically gone through almost as many changes as the comic-book counterpart, starting off in the 60s TV series mostly as a set of blue and grey tights with a cowl and silky cape, before graduating into the all-black armored look (with yellow accents) that the 1989 Tim Burton film ushered in.

 

 

The Joel Schumacher films, Batman Forever and Batman and Robin, took things to an even more extreme level, including Batsuit nipples and a more gaudy, vibrant, and diverse set of costumes that looked more showy than functional.

 

 

Christopher Nolan‘s Dark Knight trilogy went back to Burton’s armored approach, leaning more heavily into the functional aspect. Zack Snyder‘s Batman, played by Ben Affleck, was a hybrid of the comic-book grey/black variation, but with an armored approach still in effect. The Batman looks to be more Dark Knight style.

 

 

It will be interesting to see how the yellow accents are portrayed in Reeves’ film, as they aren’t readily apparent in the trailers or marketing thus far, given the dark style and look of the film. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)