• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 13th, 2022

“THE MATRIX RESURRECTIONS” TAKES OVER EDSA AS FILM OPENS IN PH CINEMAS

Posted on: January 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
IS Manila inside The Matrix? 
 
Motorists could have asked that question last January 5 when major billboards along EDSA flashed “Return to the Source” and “Follow the White Rabbit” and iconic green digital rain for a literal Matrix takeover.  This “roadblock” activation is in celebration of “The Matrix Resurrections” which opens in Philippines yesterday, January 12.

 

 

The EDSA billboards that participated in the “roadblock” are strategically located in Magallanes, Boni, Guadalupe Bridge, Shrine (Ortigas) and Cubao.

 

 

 

Check out the The Matrix – EDSA Takeover vignette below.

 

 

YouTube: https://youtu.be/gr5XBDfhTi8

Facebook:  https://fb.watch/at2JS4NchW/

 

 

 

About “The Matrix Resurrections”

 

 

 

From visionary filmmaker Lana Wachowski comes “The Matrix Resurrections,” the long-awaited next chapter in the groundbreaking franchise that redefined a genre. The new film reunites original stars Keanu Reeves and Carrie-Anne Moss in the iconic roles they made famous, Neo and Trinity.

 

 

 

In “The Matrix Resurrections,” return to a world of two realities: one, everyday life; the other, what lies behind it. To find out if his reality is a physical or mental construct, to truly know himself, Mr. Anderson will have to choose to follow the white rabbit once more. And if Thomas…Neo…has learned anything, it’s that choice, while an illusion, is still the only way out of—or into—the Matrix. Of course, Neo already knows what he has to do. But what he doesn’t yet know is the Matrix is stronger, more secure and more dangerous than ever before.  Déjà vu.

 

 

 

Reeves reprises the dual roles of Thomas Anderson/Neo, the man once saved from the Matrix to become the savior of humankind, who will once again have to choose which path to follow.

 

 

 

Moss portrays the iconic warrior Trinity… or is she Tiffany, a suburban wife and mother of three with a penchant for superpowered motorcycles?

 

 

 

Yahya Abdul-Mateen II (the “Aquaman” franchise) plays the wise and worldly Morpheus who, as always, serves as a guide to Neo while also fulfilling his own greater purpose on a very singular journey of self-discovery.

 

 

 

Jessica Henwick (TV’s “Iron Fist,” “Star Wars: Episode VII – The Force Awakens”) plays the hacker Bugs, the proverbial white rabbit on a mission to discover the one who sacrificed himself for humankind–and willing to take any risk necessary in search of the legend she idolizes.

 

 

 

Jonathan Groff (“Hamilton,” TV’s “Mindhunter”), plays Thomas Anderson’s business partner, a slick, confident corporate type with insouciant charm, a disarming smile and an eye on the bottom line–everything Mr. Anderson is not.

 

 

 

Neil Patrick Harris (“Gone Girl”) plays Thomas’ therapist, working closely with his patient to understand the meaning behind his dreams and to distinguish them from reality.

 

 

 

Priyanka Chopra Jonas (TV’s “Quantico”) plays a young woman with a wisdom that belies her years and an ability to see the truth, no matter how murky the waters.

 

 

 

And Jada Pinkett Smith (“Angel Has Fallen,” TV’s “Gotham”) returns as Niobe, the fierce General who once fought for the survival of Zion and who now sees to the welfare of her people with a familiar fire in her eyes, despite a sense of disbelief and suspicion upon Neo’s return.

 

 

 

Lana Wachowski directed from a screenplay by Wachowski & David Mitchell & Aleksandar Hemon, based on characters created by The Wachowskis.

 

 

 

Now showing in Philippine cinemas, “The Matrix Resurrections” is distributed worldwide by Warner Bros. Pictures, a WarnerMedia company.  Join the conversation online and use the hashtag #TheMatrix

 

(ROHN ROMULO)

WHO nagbabala na kalahati sa populasyon ng Europa mahahawaan ng Omicron

Posted on: January 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA ang World Health Organization (WHO) na maaaring mahigit kalahati sa populasyon ng Europa ang sinasabing makakuha ng Omicron sa darating ng dalawang buwan.

 

 

Mahaharap din sa lockdowns ang ilang milyong mamamayan ng China sa ikalawang-taong anibersaryo ng COVID-19.

 

 

Sinabi ni Hans Kluge ang regional director ng WHO European Office, na dahil sa mabilis ang pagkahawa ng Omicron ay tiyak na makakahawa ito sa malaking populasyon ng Europa.

 

 

Muling iginiit nito ang kahalagahan ng bakuna na siyang magbibigay proteksyon laban sa severe disease at kamatayan.

MISIS TODAS, MISTER KRITIKAL SA ISUZU WING VAN

Posted on: January 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang isang misis habang nasa kritikal naman na kalagayan ang kanyang mister matapos ng isang Isuzu aluminum wing van salpukin ang kanilang sinasakyang bisikleta sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Si Warlita Samano, nasa hustong gulang at residente ng 74 Orchids St. Brgy. Longos, Malabon City ay died on the spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan habang ang kanyang asawa na si Ruel Samano, ay isinugod ng rumesponding Navotas City ambulance sa Tondo Medical Center kung saan ito patuloy na ginagamot.

 

 

Nakapiit ngayon ang driver ng Isuzu wing van (WIA-245) na kinilalang si Rodelio Lopez, nasa hustong gulang at residente ng No. 383 M Ceñidoza St. Brgy. Mambog, Binangonan, Rizal.

 

 

Sa report ni traffic police investigator P/SSgt. Boy Peñaranda kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, habang sakay ang mga biktima sa isang bisikleta at tinatahak ang southbound direction ng C-3 Road, Brgy. NBBS Kaunlaran dakong alas-8:15 ng gabi nang mula sa likod ay sinalpok sila ng isang Isuzu wing van na minamaneho ni Lopez.

 

 

Sa lakas ng impact, tumilapon ang mag-asawa sa bisikleta at bumagsak sa sementadong kalsada habang kusang loob naman na sumuko sa pulisya si Lopez matapos ang insidente.

 

 

Kasong reckless imprudence resulting in homicide, serious physical injury at damage to property ang isinampa kontra kay Lopez sa Navotas City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

New gag show na idi-direk nina ERIC at EPY, tribute kay Comedy King DOLPHY

Posted on: January 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

“PANDEMIC Superstars” ang tawag ni Direk Roman Perez, Jr. kina AJ Raval at Sean De Guzman, ang bida sa bagong obra niya titled Hugas na ipalalabas via streaming sa Vivamax simula January 14.

 

 

Kapwa sinabi nina AJ at Sean na ibinigay nila ang lahat nang kanilang makakaya para mapaganda ang Hugas kumpara sa una nilang movies na Taya at Nerisa.

 

 

“Marami kaming natutuhan from our past movies together at ginamit namin ito dito sa movie. Itinodo na namin lahat,” lahad ni AJ.

 

 

“Pinagbutihan namin ang bawat eksena na ginagawa namin. We want to show our passion in our acting. We want to give our best because we also dream to be recognized for our acting ability.”

 

 

Dahil nakadalawang pelikula na sila ni AJ, inamin ni Sean na mas komportable na sila sa mga sexy scenes. Hindi na sila naiilang sa isa’t-isa.

 

 

“Kailangan pati maipakita namin ‘a ‘yung roles na ginagampanan namin ay in love talaga sa isa’t-isa,” wika pa ni Sean.

 

 

Bukod sa pagsabak sa sexy scenes sa Hugas, excited din si AJ sa mga action scenes na kanyang ginawa sa pelikula.

 

 

Gusto ko kasi gumawa ng action movies. I want to follow the footsteps of my dad,” wika ng anak ni Jeric Raval.

 

 

Kasama rin sa cast ng Hugas sina Cara Gonzales, Stephanie Raz, Deberly Bancore, Jay Manalo, Bob Jbeili, at Joko Diaz.

 

 

***

 

 

SINA Eric Quizon at Epy Quizon ang mga director ng bagong gag show na Quizon CT (Comedy Theater) na nag-premiere sa NET 25 last Sunday, January 9.

 

 

Sa ginanap na zoom presscon, sinabi ni Eric na maganda ang opportunity ang ibinigay sa kanila ng NET 25 mag-pitch ng concept at ang gag show ang napili ng network.

 

 

Pero nag-pitch din sila for a sitcom. Umaasa si Eric na if ever maging maganda ang feedback sa gag show ay mabigyan din sila ng chance na ituloy ang sitcom.

 

 

Si Eric ang nag-encourage kay Epy na maging co-director ng show. Kasama rin Quizon CT sina Vandolph at ang asawa niyang si Jenny. Tampok din dito sina Martin Escudero, Bearwin Meily, Gene Padilla, Garry Lim, Tanya, Charuth at Billie Hakenson.

 

 

“This is our tribute to our dad’s clean, fun and wholesome family humor. Pampa-good vibes,” sabi ni Eric.

 

 

“We learned a lot from our dad’s humor and we’d like to continue his legacy. We want to contribute something visual. If you notice, ‘yung iba comedy ni Daddy is visual and it’s funny. We might incorporate something like we will recreate an old gag of Daddy so we can show it to the millennials.”

 

 

“I am privileged to do this show with my brothers. With the way things are right now during the pandemic, I believe we need the kind of humor of Dolphy,” pahayag naman ni Vandolph.

(RICKY CALDERON)

11 DRUG PERSONALITIES TIKLO SA BUY BUST SA MALABON, NAVOTAS

Posted on: January 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ARESTADO ang sampung hinihinalang drug personalites, kabilang ang dalawang babae matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyon halaga ng droga sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.

 

 

Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-11:45 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy bust operation sa Panghulo Road, Brgy. Panghulo na nagresulta sa pagkakaaresto kay Christopher Villagracia, 34, (pusher/newly indentified) at Ronald Piloneo, 34, (user/listed).

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 27 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P183,600 at P500 marked money.

 

 

Alas-11:10 naman ng gabi nang madakma din ng kabilang ng SDEU sina Mark Jaspher Aquino, 25, Sherwin Fuentes, 27 at Daysun Algunajota, 39, (pusher/listed) sa buy bust operation sa Dr. Lascano Brgy. Tugatog.

 

 

Narekober sa kanila ang tinatayang nasa 4 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P27,200 at marked money.

 

 

Habang umaabot naman sa 7 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P47,600.00 ang nakuha kay Roldan Jakosalem alyas “Jay-R”, 21, (pusher/listed), 21 at Leo Sabordo, 47 matapos bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang police poseur-buyer sa buy bust operation sa Borromeo St. Brgy. Longos dakong alas-11 ng umaga.

 

 

Sa Navotas, dakong alas-9:30 ng gabi nang masakote naman ng mga operatiba SDEU ng Navotas police sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Dexter Ollaging sa buy bust operation sa Champaca St., Brgy. San Roque sina Angienete Flores alyas “Angie”, 27, at April Dela Cruz, 36, kapwa (listed/pusher).

 

 

Nakuha sa kanila ang tinatayang nasa 16 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P108,800, buy bust money at coin purse.

 

 

Timbog din ng kabilang team ng SDEU sina si Jose Dela Cruz Jr., 37, at Ruben Ibañez, 56, matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang police poseur- buyer sa buy bust operation sa Judge A Roldan St., Brgy., San Roque alas-11 ng gabi .

 

 

Nasamsam sa kanila ang tinatayang nasa 11.2 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P76,160.00 at marked money. (Richard Mesa)

Ads January 13, 2022

Posted on: January 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Face-to-face college classes simula na sa Enero 31

Posted on: January 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

GAYA nang pinlano, nakatakdang magsimula ang limited face-to-face classes para sa higher education institutions (HEIs) sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3 sa Pilipinas sa Enero 31.

 

 

“The date of the phase 2 of the implementation of limited face-to-face classes for all programs of HEIs in areas under Alert Level 3 should begin on 31 January 2022 (Monday),” ayon sa advisory ng CHED.

 

 

Sa phase 2, tinukoy ng CHED ang plano nito “as early as November 2021” na ang face-to-face classes sa HEIs ay itutuloy sa Alert Level 3 areas. Ang face-to-face classes sa mga lugar na mayroong mababang alert levels ay nagsimula na noong Disyembre 2021, kung saan ito’y phase 1 ng reopening plan ng CHED.

 

 

Ang muling pagbubukas ng klase ay hindi sapilitan sa mga kolehiyo at unibersidad. Maaaring ipagpatuloy ng school administrators ang kanilang  online classes  kung sa tingin ng mga ito ay mas makabubuti para sa kanilang mga estudyante.

 

 

“If they wish to hold face-to-face classes, schools must first comply with standards set by CHED for safe classes. For Alert Level 3 areas, HEIs must only allow a maximum of 30% indoor venue capacity, and 50% outdoor capacity for fully vaccinated individuals only. Unvaccinated students cannot join,” ayon sa CHED.

 

 

Gayunman, ang guidelines ay ginawa ng gobyerno ng Pilipinas bago pa manalasa ang nakahahawang Omicron variant sa bansa.

 

 

Noong panahon na iyon, ang gobyerno ay nahaharap lamang sa Delta variant ng virus. Ang Omicron ay “three to five times more infectious” kumpara sa Delta.

 

 

Samantala, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin naipalalabas ng CHED ang listahan ng mga eskuwelahan na nag-apply para sa reopening sa Alert Level 3 areas.

North Korea muling nagpalipad ng ballistic missiles

Posted on: January 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING nagpakawala ng ballistic missile ang North Korea isang linggo matapos ang pinakahuling missile test nila.

 

 

Kinumpirma ito ng Japan at ang South Korea.

 

 

Nauna ng hinikayat ng anim na bansa ang North Korea na tigilan na ang ginagawa nitong missile test dahil ito ay lubhang mapanganib.

 

 

Ang pinakahuling hakbang ng nasabing bansa ay bilang pangako ni North Korean lider Kim Jong-un sa pagpapalakas ng kanilang depensa.

Caloocan City Jail naka-heightened alert dahil sa riot

Posted on: January 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINIBAK na sa pwesto ang Jail Superintendent ng Caloocan City Jail, matapos ang madugong riot na ikinasawi ng anim na preso at 33 ang sugatan.

 

 

Ayon kay BJMP Spokesperson JSupt. Xavier Solda nag assume na ngayong araw bilang Officer-in-Charge ng pasilidad si Jail Superintendent Lloyd Gonzaga matapos alisin sa pwesto si Jail Superintendent Neil Subibi dahil sa command responsibility.

 

 

Nananatiling naka-heightened alert ang Caloocan City Jail matapos ang nangyaring riot kahapon na nagsimula lamang sa pikunan ng dalawang PDL hanggang lumaki na ito at naging away na sa pagitan ng dalawang malaking grupo.

 

 

Kinumpirma ni Solda na anim na PDL ang nasawi sa insidente habang 33 naman ang nasugatan.

 

 

Nakipag-ugnayan na ang pamunuan ng Caloocan City Jail sa pamilya ng mga nasawi.

 

 

Sinabi ni Solda, matapos naman ang dayalogo sa mga PDL, nagsagawa rin ng Greyhound Operations kagabi sa pasilidad upang linisin ang mga selda mula sa anumang kontrabando.

 

 

Aniya, mananatili muna ang karagdagang pwersa na inilatag sa pasilidad upang seguruhin ang kaayusan at katahimikan dito.

 

 

Pansamantala rin munang itinigil ang anumang aktibidad sa pasilidad habang isinasagawa ng BJMP ang malalimang imbestigasyon sa pangyayari.

 

 

Ipinag-utos na rin ni BJMP chief Jail Director Allan Iral sa pamunuan ng BJMP NCR ang pagpapabilis na maibalik ang normalidad sa loob ng Caloocan City Jail.

 

 

Sa kasalukuyan, tahimik at maayos na sa loob ng pasilidad.

 

 

Bagama’t ikinalulungkot ng BJMP ang mga pangyayaring gaya nito, tuloy pa rin ang trabaho ng BJMP para isulong ang mga programang makatutulong sa mga kapatid nating nasa piitan. (Richard Mesa)

PAGBABA NG KASO NG COVID WALA PANG SENYALES

Posted on: January 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI  pa nakikitaan ng pagbaba ng mga kaso  ng COVID-19 sa Pilipinas at ang mas mababang bilang ng impeksyon na naitala nitong Martes ay dahil sa mababang testing output, ayon sa Department of Health (DOH).

 

 

Paliwanag ni Health Secretary Francisco Duque na galing ang output sa ginawang testing noong Linggo kung saan karaniwang mababa ang testing output dahil sarado ang ilang mga laboratoryo at karamihan din ay nag-isolate dahil may symptoms habang ang iba naman ay  na-quarantine dahil na-expose  kaya hindi niya ito indikasyon na ang peak ay tapos na .

 

 

“We might still be in the acceleration phase of our surge but we pray, we are doing our best to hopefully contain this the soonest possible time and then magdecelerate na kaagad, like what happened in South Africa, mabilis tumaas, mabilis bumaba. Four weeks lang ‘yun,” ayon sa kalihim.

 

 

Kinumpirma rin ng kalihim na naobserbahan ang pagsirit ng kaso  sa mga rehiyon  sa labas ng Metro Manila.

 

 

Hinimok naman nito ang mga lokal na opisyal na paigtingin ang proseso ng pagbabakuna sa kani-kanilang mga lugar, idinagdag na ang mga protocol sa kalusugan at kaligtasan ay dapat palaging sundin.

 

 

Kabilang rito ang  Regions IV-A, III, at ngayon ay   Region I at II  kaya naman umapela ito sa mga regional directors ng DOH , DILG, LGUs sa nasabing mga lugar  upang palakasin, mas agresibo, ang kanilang pagbabakuna sa kanilang mga mamamayan.

 

 

Maaari pa rin aniyang dahil sa Omicron variant ang pagtaas ng kaso sa mga rehiyon na sinasabing na mas nakakahawa, gayunman,may ibang kadahilanan pa rin ang pagtaas ng kaso tulad ng holiday season kung saan nagtipon -tipon ang mga tao.

 

 

“Yeah, well it’s possible that Omicron… because ang naidentify ng ating epidemiology bureau, we have… sabagay NCR ang pinakamarami pa rin, 19 cases and then ten from returning overseas Filipinos but we have about 19 local cases and I think mayroon tayo sa Region V, sa NCR and I forget the other regions,” pahayag pa ng kalihim.

 

 

Nitong Martes ay nakapagtala ng 28,007 kaso Kung saan may kabuuan nang  3,026,473 COVID case sa bansa.

 

 

Nanguna pa rin ang  National Capital Region sa may pinakamaraming naitalang kaso na umabot sa  (15,256 o 55%), Region 4-A (5,861 o 21%) at Region 3 (3,064 o 11%).

 

 

Nauna rito, sinabi ng DOH na maaaring ipagpalagay na mayroon nang local transmission ng Omicron sa bansa.  (GENE ADSUARA )