• March 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 13th, 2022

‘No bakuna, no sakay’ policy ipatutupad ng DOTr sa NCR hanggat Alert Level 3 pataas

Posted on: January 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS ipatupad ang kontrobersyal na “no bakuna, no labas” policy ng gobyerno sa Metro Manila atbp. lugar, palalawakin pa ng Department of Transportation (DOTr) ang movement restrictions sa mga taong hindi unvaccinated laban sa kinatatakutang COVID-19.

 

 

Ika-11 ng Enero nang ipag-utos ni Transport Secretary Arthur Tugade sa no vaccination, no ride/no entry sa National Capital Region dahil sa biglaang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

 

 

“All concerned attached agencies and sectoral offices of DOTr are directed to ensure that operators of public transportation shall allow access or issue tickets only to ‘fully vaccinated persons’ as evidenced by a physical or digital copies of an LGU (local government unit)-issued vaccine card, or any IATF-prescribed document, with a valid government issued ID with picture and address,” ayon sa department order na inilabas. (Daris Jose)

CLAUDINE, puring-puri ng netizens sa trailer ng reunion movie nila ni MARK ANTHONY

Posted on: January 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

FINALLY, maipalalabas na ang Deception ang much-awaited reunion movie nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez na ihahatid ng Viva Films at Borracho Productions.

 

 

After 25 years, muling nagkasama sina Claudine at Mark sa pelikula na matagal na nilang wini-wish na matupad.

 

 

“Ang gustung-gusto ko kay Claudine, naging independent woman siya, yung ang napansin ko,” say ni Mark.

 

 

Tugon naman ni Clau, “Working with Mark is very easy and we really have a good rapport.

 

 

Ngayong January 28, alamin ang mga katotohanan sa likod ng kasinungalingan sa upcoming Vivamax original movie, mula sa direksyon ni Joel Lamangan.

 

 

Ang Deception ay isang drama-mystery movie na kung saan iikot ang kuwento kina Rose (Claudine) isang sikat na aktres at ni Jericho (Mark Anthony) na isa namang stunt double, na na-in love sa isa’t-isa at nagpakasal.

 

 

Sa pagsisimula ng kanilang pamilya, nagkaroon sila ng anak at pinangalanang Thomas. Kung titingnan, isa na itong maayos na pamilya na puno ng pagmamahal, pero ang inaakalang isang masayang pamilya na may magandang kinabukasan ay unti-unting masisira.

 

 

Maaakusahan si Rose sa salang pagpatay sa kanyang asawa at makukulong ng 10 taon. Sa pagkakakulong ni Rose at pagkamatay ni Jericho, ang kanilang anak ay dadalhin sa bahay ampunan.

 

Sa paglaya ni Rose, susubukan niyang magsimula ulit at buuin ang mga bagay na nawala sa kanya, isa na rito ang paghahanap sa kanyang anak. Pero sa pagbabagong-buhay, lalantad ang lahat ng kasinungalinang sumira sa kanyang buhay.

 

 

Samantala, naniniwala si Mark na ang Deception ang isa sa pinakamagandang movie na ginawa nila ni Claudine, kaya naman marami ang nag-aabang sa muli nilang pagtatambal para malaman kung totoo ang sinasabi ng dating kasintahan ni Claudine.

 

 

Sa trailer, puring-puri naman ng ilang netizens ang tinaguriang Optimum Star, dahil hindi pa raw kumukupas ang husay nito sa pag-arte.

 

 

Para na rin itong birthday presentation ni Mark na magsi-celebrate ng 43rd birthday sa January 18, at ito ang next movie niya after ng House Tour na last year na pinalabas din sa Vivamax at naging maganda naman ang pagtanggap ng viewers online.

 

 

Tuloy na tuloy naman ang pagkandidato ni Claudine bilang konsehal ng Olongapo City, kaya magiging abala siya sa mga susunod na buwan para mangampanya at nangako naman si Mark na tutulong ito.

 

 

Mapapanood ang Deception na mula sa direksyon ni Joel Lamangan simula ngayong January 28 sa Vivamax na nakaabot na ng 2 million subscribers bago pa ito mag-one year sa January 29.

(ROHN ROMULO)

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 5) Story by Geraldine Monzon

Posted on: January 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGULAT  si Bernard nang sabihin ni Madam Lucia na ang kuwintas ang siyang makapagliligtas sa pagmamahalan nila ng tanging babaeng nasa puso niya.

 

“Ginoo, tanggapin mo na sana ito!”

 

“Bernard, tanggapin mo na, sayang din ‘yan.” Ulok ni Marcelo.

Sinulyapan ni Bernard si Cecilia na nakaupo sa isang sulok ng kulungan. Nakayuko na tila malalim ang iniisip.

“Lola, pasaway ho ba talaga ang apo nyong ‘yan?” tanong ni Bernard.

“H-hindi naman lagi. Ang totoo mabait na bata si Cecilia. Napasama lang sa maling barkada.”

Nagbuntong hininga si Bernard bago muling nagsalita.

“Sige lola. Alang-alang sa’yo, iuurong ko na ang kaso laban sa kanya. Pero sana kausapin nyo siyang mabuti tungkol sa pagiging pasaway niya. Matanda na kayo para bigyan pa niya ng sakit ng ulo.” Sabay soli ni Bernard ng mga kuwintas sa kamay ng matanda.

Subalit…

“Hindi, hindi mo ito maaaring isauli sa akin. Nakalaan talaga ito sa’yo. Malakas ang pakiramdam ko. Kaya hindi mo ito dapat tanggihan. Sige na hijo, tanggapin mo na.”

“Oo nga naman Bernard, tanggapin mo na, ibigay mo kay Angela ang isa, yung maayos ang kondisyon.”

 

Dahil sa pagpupumilit ng matanda ay napilitan na rin si Bernard na tanggapin ito.

 

“Salamat, salamat ng marami!” anang matanda.

 

May ibinulong si Marcelo kay Bernard.

 

“Pre, kung nag-aalala ka na baka nakaw din ‘yan, gusto mo itanong ko kay lola kung saan galing?”

 

“Hindi na. Ayoko ng dagdagan ang problema ng matanda sa apo niya. Mauuna na’ko ha, salamat sa tulong.”

 

“Anytime Bernard.”

 

Habang sakay ng tricycle pauwi ay inis si Cecilia sa lola niya.

 

“Hindi mo dapat ibinigay ang mga kuwintas na ‘yon kapalit ng kalayaan ko lola.”

 

“Bakit naman? Mas mahalaga pa ba ang mga kuwintas na ‘yon kasya sa kalayaan mo?”

 

“Baka makatulong ‘yon sa pinansiyal na pangangailangan mo. Marami kang gamot na kailangan mabili.”

 

“Huwag mo akong alalahanin. Kahit matanda na’ko, malakas pa rin naman ang kita ko sa panghuhula.”

 

“Na hindi mo na dapat ginagawa.”

 

“Manahimik ka na nga diyan Cecilia. Pasalamat ka na lang at madaling kausap ang lalaking ‘yon.”

 

Pagdating ni Bernard sa bahay ay sinalubong agad siya ng yakap ni Angela.

 

“Kumusta si Cecilia Bernard?”

 

“Ayos lang. Laya na siya.”

 

“Talaga, paano?”

 

“Dumating ang lola niya. Nakakaawa yung matanda kaya hinayaan ko na.”

 

“Alam ko namang malambot din ang puso mo.”

 

Hindi muna ibinigay ni Bernard ang kuwintas sa asawa. Gusto niya itong ibigay sa sweet na paraan kaya itinago na muna niya.

Nalalapit na ang kaarawan ni Angela kaya nag-iisip na si Bernard kung anong sorpresa ang maihahanda niya para rito. Hindi na muna niya pinauwi ang kanyang Lola Corazon upang makatuwang niya sa nalalapit na kaarawan ng pinakamamahal niyang asawa. Kung bakit kasi ayaw na lang pumirmis ni Lola Corazon sa kanila. Hindi nito maiwan-iwan ang sariling bahay. Ayaw din naman niya na doon sila manirahan ni Angela dahil gusto rin niya na meron silang sariling tahanan para sa kanilang binuong pamilya. Kaya ang nangyayari tuloy ay palagi na lang niya itong ipinasusundo kay Mang Delfin na on call driver nila kapag hindi niya maipagmamaneho si Angela.

 

Ngayong magiging dalawa na ang anak nila ay nadagdagan pa ang inspirasyon ni Bernard sa trabaho. Sa real estate company na pinagtatrabahuhan niya ay candidate siya for managerial position. Kaya naman doble kayod siya at full effort sa trabaho. Bagay na tinututulan ni Angela, dahil ang gusto nito ay maging relax lang siya at hindi ma-over fatigue sa work.

Ang gusto rin sana ni Angela ay maging career woman. Bagay naman na tinutulan ni Bernard dahil mas gusto nito na maging reyna lang si Angela ng tahanan nila at tutukan na lamang  ang pagpapalaki sa kanilang mga anak. Nagkasundo naman sila dahil mas importante sa kanila ang kanilang pag-ibig kaysa anupamang bagay.

 

Excited si Lola Corazon sa magandang plano nila ni Bernard para sa kaarawan ni Angela. Siya mismo ang nakipag-usap sa catering, sa tutugtog ng violin at sa iba pang inihanda nilang sorpresa.

 

Ilang araw pa ang matuling lumipas at sumapit na ang birthday ni Angela. Hindi naman ito nag-eexpect ng anumang magarbong sorpresa sa birthday niya. Ang usapan kasi nila ni Bernard ay kakain lang sila sa isang restaurant mamayang gabi kasama ang anak nilang si Bela at syempre si Lola Corazon. Sapat na iyong selebrasyon para sa kanya.

 

Gabi. Excited na si Bernard na makauwi. Alas otso ang simula ng surprise party ni Angela kaya dapat alas siyete pa lang ay nasa bahay na siya. Magkukunwari siyang pagod at hindi na makakapagdinner pa sa resto para talagang masorpresa ang asawa sa inihanda nilang gimik ni Lola Corazon.

Nangingiti pa siya sa isiping iyon. Hindi agad niya napansin ang kasalubong na trak na gumegewang gewang.

 

Nakapamintana si Angela at naghihintay sa pag-uwi ni Bernard nang bigla siyang kabahan na hindi niya mawari. Napahawak siya sa kanyang tiyan.

 

“Angela, ayos ka lang ba?”

 

“E-Ewan ko po lola. Parang biglang umalon ang dibdib ko. Si Bela po ba tulog na?”

 

“Nasa silid na niya. Pero hinihintay din niya ang kanyang daddy.”

 

Hindi na naiwasan ni Bernard ang pagbangga ng kotse niya sa kasalubong na trak.

 

Nasaksihan iyon ni Cecilia na kasalukuyang naglalakad sa gilid ng kalsada nang mga sandaling iyon. Saglit itong natulala pero patakbo ring nilapitan ang kotse.

 

“I-IKaw?”

 

Nanlaki  ang mga mata niya nang makitang si Bernard ang sakay niyon. Duguan at wala ng malay. Gumawa siya ng paraan upang mahila ito palabas ng sasakyan. Hinila pa niya ito hanggang sa makalayo ng konti. Sakto namang pagkalayo nila ay saka sumabog ang kotse.

 

(ITUTULOY)

Gobyerno nananatili sa ‘targeted testing’ para kontrolin ang pagkalat ng Covid-19

Posted on: January 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA HALIP na mass testing, ang targeted testing o responsible testing ang gagamitin para makontrol ang pagkalat ng Covid-19 habang sinisiguro na ang government resources ay hindi mauubos.

 

 

Isinantabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang panawagan para sa mass testing, binigyang diin nito ang pangangailangan para sa pamahalaan na maging “smart” pagdating sa paggastos sa Covid-19 response ng bansa.

 

 

“Responsible testing po yung ginagawa natin kasi  we have to be mindful na hindi unlimited po ang resources ng pamahalaan at ng Pilipinas . And we have to be smart in where we will put our resources,” aniya pa rin.

 

 

Sinabi pa ni Nograles na maliban sa testing, kailangan din na iprayoridad ng gobyerno ang “procurement and purchase” ng mga bakuna na makapagbibigay proteksyon laban sa Covid-19.

 

 

“Kailangan natin bumili ng bakuna at napakita naman natin mas cost-effective yung bakuna. Mas maraming mababakunahan natin, mas marami pa tayong maiiwasan na maging severe at critical cases ng Covid,” aniya pa rin.

 

 

Tiniyak din ng pamahalaan na may sapat na antiviral drugs na gagamitin para gamutin ang Covid-19 patients, functional bed capacities para sa mga nangangailangan ng hospital care, at mas maraming healthcare workers na titingin sa mga may sakit.

 

 

“Marami pong aspeto ang laban against Covid and we have to be very smart kung saan natin ilalagay ang pera ng taongbayan ,” ani Nograles.

 

 

Sa kasalukuyan, sinabi ni Nograles na ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ay nagbibigay ng libreng reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) testing sa mga miyembro na nagpakita ng sintomas ng Covid-19.

 

 

“Testing is part of the PhilHealth package and then we are also pushing PhilHealth again na kahit sa home isolation ay kasama dapat sa PhilHealth coverage yung test ng home isolate,” anito.

 

 

Muling nanawagan si Nograles sa PhilHealth na palawigin ang Covid-19 Home Isolation Benefit Packages (CHIBP) nito at isama ang libreng RT-PCR testing.

MEGAN, ibinuko ni MIKAEL na mas naaalala pa ang birthday niya kesa sa anniversary nila

Posted on: January 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-CELEBRATE ng kanilang 11th year anniversary ang mag-asawang Mikael Daez at Megan Young.

 

 

Dalawang taon pa lang silang kasal, pero nine years nilang in-enjoy ang magkaroon ng relasyon sa pamamagitan nang pagbiyahe sa iba’t ibang bansa.

 

 

Natigil lang ang hilig nila sa pag-travel noong magkaroon ng pandemic noong 2020.

 

 

Sa Instagram account ni Mikael, nag-post ito ng video ng mga biyahe nila ni Miss World 2013. At kinuwento pa ng aktor na mas naalala pa raw ni Megan ang birthday niya kesa sa kanilang anniversary.

 

 

“11 years together and still so many stories to share. For the very FIRST time, Boneezy was able to greet me at exactly 12 midnight on my birthday. However, she said “Happy anniversary” much later because she got so excited that she managed to remember my birthday on time hahaha! (Marriage is full of compromises nga naman daw diba?!)

 

Over the past few weeks, we’ve thoroughly enjoyed the holidays in our secret hiding places while binge watching on some shows, playing lots of games and right-click-saving some jpegs. With 2022 in full swing, and year number 12 well underway, we would like to announce that…not much will change! hahaha! Just same old challenge of trying to enjoy life regardless of what it throws at us. Cheers and happy new year to everyone!” caption ni Mikael.

 

 

Nag-post naman si Megan ng isang video sa IG kunsaan nasa bathtub si Mikael na may suot na face mask.

 

 

Caption ni Megan: “It’s moments like these that I really think twice, I mean, that I fall in love with you more #11YearsWithYou #Bonezfofo.”

 

 

THANKFUL si Glaiza de Castro na magaan ang bago niyang teleserye na False Positive kunsaan leading man niya si Xian Lim.

 

 

Masyado raw mabigat ang huling teleserye ni Glaiza na Nagbabagang Luha last year at gusto nga raw niya na gumawa ng light drama or romantic-comedy kung mabigyan siya ng follow-up project ng GMA-7.

 

 

Nataon naman na nag-stop taping ang Love. Die. Repeat. nina Xian at Jennylyn Mercado kaya naging libre si Xian na gawin ang kapalit na teleserye at si Glaiza ang unang naisip na i-partner sa aktor.

 

 

Inamin ni Glaiza na kailangan din niyang mag-adjust sa bagong teleserye dahil iba raw ang pag-atake sa isang romcom kumpara sa heavy drama.

 

 

Laking pasasalamat ni Glaiza na si Direk Irene Villamor ang direktor nila sa False Positive na nakilala sa mga romcom series na Destined To Be Yours at Love You Two.

 

 

“Ang laki rin ng adjustments and super grateful ako kay Direk Irene kasi, actually, makulit din talaga siyang tao so na-break nga ‘yung walls kasi kapag nagdi-direk siya, minsan inaarte niya, minsan natawa ka na lang sa kanya. 

 

 

“So, naiintindihan ko na dapat do’n papunta kasi minsan magho-hold back pa ko eh, si Xian hindi siya nagho-hold back sa mga pa-adlib niya. Hindi siya nagho-hold back sa kung ano ‘yung gagawin niya. Kahit hindi masama sa edit gagawin niya,” sey ni Glaiza.

 

 

Mas naging magaan daw kay Glaiza ang bagong teleserye dahil hindi raw siya napagod sa mga eksena kundi sa kakatawa, lalo na kapag kasama sa eksena sina Buboy Villar at Herlene “Hipon” Budol.

 

 

Kasama rin sa False Positive sina Nova Villa, Tonton Gutierrez, Rochelle Pangilinan, Dominic Roco, at Yvette Sanchez.

 

 

***

 

 

DAHIL sa nangyaring boycott sa 2022 Golden Globe Awards ng Hollywood Foreign Press Association ng mga TV networks at big celebrities, natuloy pa rin ang pamimigay nila ng awards na naging isang private event na lang sa The Beverly Hilton noong nakaraang January 9.

 

 

Bukod sa surge ng COVID-19 cases sa US, nag-back out ang maraming advertisers sa Golden Globes kaya wala silang funding para magkaroon ng live awards nights.

 

 

Nevertheless, hindi naging hadlang ang boycott at COVID-19 sa pag-recognize nila sa best films and television sa nagdaang taon.

 

 

Here are the winners:

Best Motion Picture — Musical or Comedy: West Side Story

Best Motion Picture — Drama: The Power of the Dog

Best Motion Picture — Foreign Language: Drive My Car

Best Screenplay: Belfast

Best Original Song – “No Time to Die” from No Time to Die

Best Actor in a Supporting Role: Kodi Smit-McPhee (The Power of the Dog)

Best Actress in a Supporting Role: Ariana DeBose (West Side Story)

Best Actor in a Motion Picture — Musical or Comedy: Andrew Garfield (Tick, Tick … Boom!)

Best Motion Picture – Animated: Encanto

Best Actor in a Motion Picture — Drama: Will Smith (King Richard)

Best Actress in a Motion Picture — Drama: Nicole Kidman (Being the Ricardos)

Best Actress in a Motion Picture — Musical or Comedy: Rachel Zegler (West Side Story)

Best Director — Motion Picture: Jane Campion (The Power of the Dog)

Best Original Score: Dune

Best Performance by an Actor in a Television Series — Musical or Comedy: Jason Sudeikis (Ted Lasso)

Best Performance by an Actress in a Television Series — Musical or Comedy: Jean Smart (Hacks)

Best Performance by an Actor in a Television Series — Drama: Jeremy Strong (Succession)

Best Performance by an Actress in a Television Series — Drama: Mj Rodriguez (Pose)

Best Performance by an Actor in a Limited Series or Motion Picture Made for Television: Michael Keaton (Dopesick)

Best Performance by an Actress in a Limited Series or Motion Picture Made for Television: Kate Winslet (Mare of Easttown)

Best Limited Series or Motion Picture Made for Television: The Underground Railroad

Best Television Series Drama: Succession

Best Performance by an Actress in a Supporting Role in a Series, Limited Series or Motion Picture Made for Television: Sarah Snook (Succession)

Best Performance by an Actor in a Supporting Role in a Series, Limited Series or Motion Picture Made for Television: Oh Yeong-su (Squid Game)

Best Television Series — Musical or Comedy: Hacks

(RUEL J. MENDOZA)

Paghihigpit sa galaw ng mga unvaccinated laban sa COVID-19, para sa kabutihan ng lahat- Nograles

Posted on: January 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PARA sa kabutihan ng lahat ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pagbawalan ang mga indibidwal na hindi pa bakunado laban sa Covid-19 na gumala-gala at makikita sa mga pampublikong lugar.

 

 

Ang pahayag na ito ni Acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay tugon sa tanong kung ano ang posisyon ng Malakanyang sa inihayag ng anak ni Pangulong Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte, na ang mga unvaccinated individuals laban sa COVID-19 ay hindi dapat dini-discriminate.

 

 

Nauna nang sinabi ni Mayor Sara na “they (unvaccinated) should not be discriminated against because they were given a choice.”

 

 

“We respect the opinion of Mayor Sara, but the President is trying to protect the unvaccinated because we see the data that when you are unvaccinated, there is a higher chance of you getting infected with severe or critical COVID-19,” ayon kay Nograles.

 

 

“The President is the father of the nation, so he is only trying to protect the unvaccinated. This is for the common good,” dagdag na pahayag ni Nograles.

 

 

Araw ng Martes nang sabihin ni Nograles na mayroong 28 milyong Filipino ang hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagpapabakuna laban sa COVID-19. May 52.8 milyong Filipino naman ang fully vaccinated laban sa COVID-19.

 

 

Target ng pamahalaan na gawing fully vaccinated ang 77 milyong Filipino laban sa COVID-19 bago matapos ang buwan ng Marso at 90 milyong naman sa katapusan ng Hunyo 2022.

 

 

Nauna nang sinabi ng Pangulo na ipaaaresto niya ang mga unvaccinated individuals na makikitang pagala-gala sa labas ng kanilang bahay subalit nilinaw naman ni Interior Secretary Eduardo Año na ang pag-aresto ay “last resort” para sa mga uncooperative unvaccinated individuals sa labas ng kanilang bahay at sila’y e-eskortan (escort) lamang pauwi ng kanilang bahay “as a general rule. ” (Daris Jose)

COVID-19 task force, pag-uusapan ang health package, insentibo para sa home quarantine

Posted on: January 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAG-UUSAPAN ngayong linggo ng pamahalaan ang health packages at insentibo para sa mga taong naka-home quarantine dahil sa COVID-19.

 

 

“Sa gaganapin na meeting [ng COVID-19 task force] ngayong Thursday, isa ‘yan sa mga pag-uusapan natin: first of all, iyong package, health package na puwede nating ma-offer for those who undergo home isolation,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

 

“At dapat maging kabahagi natin dito, kasama natin dito iyong PhilHealth and of course, ‘yong healthcare provider that’s accredited by PhilHealth,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Kailangan din aniyang linawin ng labor department ang regulasyon para sa mga manggagawa na nagkasakit at kailangan na sumailalim sa quarantine.

 

 

“Dapat pag-usapan din natin pa’no ‘yong self-employed or those who are not employed, ano ba ‘yong puwede rin nating ibigay na incentive sa kanila,” anito.

 

 

“This is something that pag-uusapan namin sa IATF (inter-agency task force).” aniya pa rin.

 

 

At sa tanong kung may sapat na pondo ang pamahalaan para sa posibleng health package at incentives, sinabi ni Nograles na “We’re working on a new budget right now, it’s 2022, so it’s a fresh budget.”

 

 

“The challenge would be to look in the budget… ano iyong puwedeng ma-charge d’yan if ever we come up with a decision,” aniya pa rin. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Australian tennis star Nick Kyrgios nagpositibo sa COVID-19

Posted on: January 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Ausralian tennis star Nick Kyrgios.

 

 

Sa kanyang Instagram account, inamin nito na patuloy siyang nagpapagaling.

 

 

Ito rin ang dahilan ng 26-anyos kaya hindi siya makakasali sa Sydney Tennis Classic Tournament na magsisimula sa Enero 17.

 

 

Paliwanag nito na nais lamang niyang maging transparent kaya inamin niya ang pagpositibo sa COVID-19.

 

 

Kasalukuyan na itong naka-isolate at nagpapagaling.

28M Pinoy, nananatiling hindi pa bakunado laban sa COVID-19

Posted on: January 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG umaabot pa sa 28 hanggang 30 milyong Filipino ang hindi pa bakunado laban sa COVID-19.

 

 

Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na kabilang sa numerong ito ang 3 milyong senior citizens o nasa edad na 60 pataas.

 

 

Dahil dito at sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 cases sa gitna ng presensiya ng mas nakahahawang Omicron variant, umapela si Nograles sa publiko na magpabakuna na at mag- avail ng booster shot matapos ang tatlong buwan ng kanilang second dose para sa two-dose ng COVID-19 vaccine at dalawang buwan matapos ang one-dose Janssen vaccine.

 

 

“All vaccines work, regardless of the brand,”ayon kay Nograles.

 

 

“Why do we need the vaccine and the booster when we could still get infected with it after? The protection that the vaccines provide comes not just in the form of reducing the likelihood of infection but also risk of developing severe symptoms,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Tinatayang mayrooong 52.8 milyong Filipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19. Sa bilang na ito, mayroong 3.5 milyon ang nakakuha na ng kanilang booster shot.

 

 

Sa isang panayam, sinabi naman ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na maaaring i-extend ng gobyerno ang pagbibigay ng primary doses ng COVID-19 vaccine ng hanggang fourth dose.

 

 

Tinukoy ang inihayag ng Vaccine Expert Panel, sinabi ni Galvez na maaaring kailanganin ng mga tao ang five doses ng bakuna kabilang na ang booster shot — para makamit ang full immunity laban sa COVID-19.

 

 

Sa kasalukuyan, nagbibigay ang pamahalaan ng third doses sa mga senior citizens at immunocompromised individuals, habang ang booster shots naman ay ibinibigay sa mga kompleto na ang primary doses. (Daris Jose)

Tan pinagpapaliwanag ng GAB

Posted on: January 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Pinagpapaliwanag ng Games and Amusements Board (GAB) si Glutagence head coach Justin Tan sa umano’y hindi pagbabayad sa ilang players nito na nag­laro sa Women’s National Basketball League.

 

 

Nagpadala na ng sulat ang GAB na pirmado ni GAB Pro Sports Division chief Dioscoro Bautista para hingan ng paliwanag si Tan.

 

 

Mayroon lamang hanggang Enero 20 si Tan para sagutin ang sulat ng GAB.

 

 

“The players have not heard anything about the unpaid wages and they were only given in total, 1.5 months equivalent of salary,” ayon sa sulat ng GAB.

 

 

Nauna nang ipinaalam ng WNBL ang naturang problema sa GAB noon pang Nobyembre.

 

 

Kaya naman nagpasya ang WNBL na ipataw ang ban kay Tan.

 

 

“This is to inform your good office that the National Basketball League-Pilipinas Inc. (NBL) operating under the style and name of Women’s National Basketball League (WNBL) has perpetually banned Justin Anthony Tan from participating in the league’s activities,” ayon sa sulat ng WNBL sa GAB.

 

 

Nais din ng WNBL na kanselahin ng GAB ang lisensya ni Tan.

 

 

Kaya naman nagsimula nang gumawa ng aksyon ang GAB para masolusyunan ang problema.

 

 

Wala pang statement ang kampo ni Tan.