• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 15th, 2022

Japanese tennis star Naomi Osaka nanguna sa highest paid athletes ng Forbes

Posted on: January 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KINILALA ng Forbes magazines bilang world’s highest-paid femaile athletes si Japanese tennis star Naomi Osaka.

 

 

Mayroong $57.3 milyon mula sa kaniyang prize money at endorsement ang kaniiyang nalikom noong nakaraang taon.

 

 

Ang listahan ay inilabas isang taon mula ng umatras si Osaka mula sa French Open para mag-focus sa kaniyang mental health.

 

 

Nasa pangalawang puwesto naman si tennis player Serena Williams na mayroong $45.9 milyon na yaman na sinundan ng kaniyang kapatid na si Venus na mayroong $11.3-M habang pang-apat naman sa listahan si American gymnast Simone Biles at pang-lima si Spanish tennis player Garbine Muguruza na may k ita $8.8-M.

Dagdag isolation facilities bubuksan na rin sa mga PROs sa NCR Plus – PNP

Posted on: January 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PROBLEMA ngayon ang isolation at quarantine facilities sa mga kampo ng Philippine National Police (PNP) dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng Covid-19 sa bansa.

 

 

Kaya ipinag-utos na ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos na magdagdag ng mga isolation facilities hindi lamang sa Camp Crame kundi maging sa mga Police Regional Offices (PRO) lalo na ang mga nasa NCR Plus.

 

 

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander PLt.Gen. Joselito Vera Cruz, ang pagbubukas ng mga dagdag na facilities ay paghahanda dahil sa patuloy na pagtaas ng Covid-19 cases dulot ng Omicron straint.

 

 

” Yes Anne. Sa kautusan ng ating CPNP Dionardo Carlos, tayo ay nag expand ng ating mga isolation facilities initially dito sa Camp Crame to be replicated in other PROs especially NCR plus to prepare for the ongoing surge of Covid-19 infection,” mensahe ni PLt.Gen. Vera Cruz.

 

 

Ayon sa Heneral, naglabas na rin sila ng guidelines para sa home quarantine and isolation ng kanilang mga personnel na positibo sa virus.

 

 

Layon kasi nito na ma-decongest ang kanilang mga facilities at i-accomodate ang talagang nangangailangan.

 

 

” We have also issued guidelines on home quarantine & isolation to decongest and reserve our isolation facilities to those who need it most. Kaya yung mga asymptomatic & mild cases na may available rooms for isolation in their respective residences are given clearance to isolate at home after being assessed by our medical doctors. We are also in close contact with the different LGUs as to availability of isolation facilities for our personnel,” pahayag ni Vera Cruz.

 

 

Karamihan sa mga pulis na infected ng Covid-19 ay mga asymptomatic at mild case lamang, ito ay dahil 96% na sa kanilang personnel ay fully vaccinated at ilan dito ay nakatanggap na rin ng booster shots.

 

 

Patuloy naman hinihikayat ng PNP ang kanilang mga personnel na hanggang sa ngayon mayruon pa rin vaccine hesitancy na magpabakuna na para magkaroon ng proteksiyon laban sa nakamamatay na virus at may may banta ngayon ng Omicron variant.

 

 

” Sa mga hanggang ngayon ay may vaccine hesitancy pa, sana inyong maunawaan na ang bakuna ang magbibigay sa atin ng proteksyon from severe infection na siguradong magpapahirap sa inyo physically & financially kung patuloy na ipagwawalang bahala nyo ito,” pahayag ni Lt.Gen. Vera Cruz.

 

 

Sa kabilang dako, pina-alalahanan din ang mga kapulisan na striktong sundin ang Minimum Public Health Standard (MPHS) gaya ng pagsusuot ng face mask, maghugas ng kamay at panatilihin ang physical distancing. (Gene Adsuara)

Chinese nat’ls ang karamihang sangkot sa ‘biggest’ drug busts ng PDEA nuong 2021

Posted on: January 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanilang 10 biggest anti-narcotics operations nuong 2021 at kalahati ng kanilang operasyon ay kinasasangkutan ng mga Chinese nationals.

 

 

Batay sa datos na inilabas ng PDEA, sa limang buybust operations, 13 Chinese suspeks ang sangkot kung saan siyam ang napatay sa ikinasang police operations.

 

 

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, ang pinaka malaking drug busts na inilunsad nila na kinasangkutan ng mga Chinese nationals ay umabot sa P5.8 billion halaga ng illegal na droga ang kanilang nasabat.

 

 

Batay sa datos, umabot sa P9 billion ang kabuuang halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng ahensiya sa kanilang 10 operasyon nuong nakaraang taon.

 

 

Iniulat ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año nuong buwan ng Disyembre na nasa 74 billion halaga ng illegal drugs ang nakumpiska ng gobyerno at mahigit 319,000 drug suspects ang naaresto sa drug war campaign ng Duterte government mula July 1, 2016 hanggang November 30, 2021.

 

 

Samantala, sinalakay ng mga tauhan ng PDEA ang isang drug den sa Blk.16 lot 8 Queen’s Row East Bacoor City, Cavite bandang alas-5:30 ng hapon na nag resulta sa pagkakaaresto sa anim na drug suspeks.

 

 

Nakilala ang mga nahuling drug suspeks na sina: Christian Abad @Aba 30 anyos; Maverick Samonte 45,Jethro Trigueros 21, Vergilio Trigueros Jr. 27, Jomari Guillera 23, Sonny boy Singco 49.

 

 

Batay sa ulat ng mga operatiba kay Director General Wilkins Villanueva, nasabat sa operasyon ang walong piraso na heat-sealed tranparent plastic sachet na hinihinalang shabu at ibat ibang drug paraphernalia.

 

 

Aabot sa 15 gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska, na may street value na Php 103,500.00

 

 

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 comprehesive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspeks.

1-week academic healthbreak sa mga paaralan sa Maynila, iniutos ni Yorme

Posted on: January 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INUMPISAHANG ipatupad kahapon, Biyernes ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang isang linggong ‘healthbreak’ sa mga paaralan sa siyudad upang makapagpahinga umano ang mga guro at mag-aaral.

 

 

Inanunsyo ni Manila City Mayor Isko Moreno ang ‘healthbreak’ umpisa  Enero 14 hanggang Enero 21 sa lahat ng lebel ng mga pampubliko at pribadong paaralan.

 

 

“The City of Manila is now declaring a healthbreak, starting January 14 to Jan. 21, wala pong pasok whether online o physical classes (at) all levels,” ayon kay Moreno.

 

 

Ikinatwiran ng alkalde na ang desisyon ay dahil sa patuloy na tumataas na impeksyon sa mga komunidad at maging sa loob ng mga bahay na dahilan ng pagtaas rin ng lebel ng ‘anxiety’ o agam-agam ng publiko.

 

 

Samantala, ginawa nang 24 oras ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang ipinatutupad nilang ‘drive-thru vaccination’ sa may Quirino Grandstand makaraan ang mataas na ‘demand’ ng publiko.

 

 

Magiging epektibo ito umpisa alas-12:01 ng Biyernes ng madaling araw. Kasunod nito, wala na umanong ‘limit’ ang kapasidad ng behikulo na seserbisyuhan sa Luneta.

 

 

Ang pagbibigay ng bakuna maging sa mga hindi residente ng Maynila ay ipagpapatuloy hanggang may suplay umano ng bakuna ang lokal na pamahalaan ng Maynila. (Gene Adsuara)

Suportado naman ng fans nila ni JAMES: NADINE, ‘di na maitatago na boyfriend na ang French resorts owner na si CHRISTOPHER

Posted on: January 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT na sabihin na hindi na naman kailangan pa ng formal na confirmation, tila official pa rin na ginawa ni Nadine Lustre na i-announce sa lahat ang present boyfriend niya.

 

 

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, nag-post si Nadine ng pictures kunsaan, tila nasa isang party sila, may hawak pang drinks si Nadine habang hinahalikan nito ang kasamang guy.

 

 

Ang dati pang rumored boyfriend nga ni Nadine, ang French national na si Christopher Bariou at may pagmamay-ari ng dalawang resorts sa Siargao, ang Maison Bukana at BE Siargao Resort.

 

 

Bago mag-post si Nadine na tila kumpirmasyon na nga nito sa rumored boyfriend, halos sabay silang nag-post naman sa Instagram ng ex-boyfriend na si James Reid ng group picture nila  kuha sa 2021 Dope Music Awards.

 

 

Comment ng isang netizen/fan, tila ipinapahiwatig daw ba ng magkasunod na post ni Nadine na si James ay ex-boyfriend at magka-trabaho na lang sila sa Careless Music at si Bariou na ang present boyfriend niya.

 

 

Sa isang banda, sa kabila ng pagiging passionate fans ng mga JaDines kina James at Nadine, mababasa sa mga comments na suportado raw nila si Nadine sa bago nitong lovelife. Masaya raw sila para sa actress.

 

 

***

 

 

MARAMI talaga ngayon sa mga artista ay nag-positibo sa COVID-19 at isa na rito ang mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano.

 

 

Sa case pa nila, kasalukuyang buntis si Iya sa kanilang ika-apat na anak. Naka-isolate sila sa bahay nila kaya through glass door, nakikita pa rin nila ang tatlong anak.  Ang bunso na si Alana ay talagang umiiyak at gustong makasama, lalo na si Iya.

 

 

Napakahirap sa isang magulang ang nangyari, pero mas mahirap pa nang ang dalawang anak nilang lalaki ay magkasunod na nag-positive na rin.

 

 

Though, si Primo ay natuwa pa nang mag-positive dahil makakasama na raw niya ang Mommy Iya niya. Na sinagot ni Iya na, “Im not so happy love, coz that means you’re sick!”

 

 

Mabuti na lang daw at nakaka-recover na siya at nagagawa na rin niyang alagaan ang anak. Si Drew na naunang nag-positive ay naka-isolate na sa ibang room. Nag-negative na rin ito sa swab test kaya hindi na raw nakakahawa, pero kailangan lang tapusin ang quarantine days. Si Drew naman ang kasama ng bunso nila dahil pati Yaya ni Alana, positive na rin.

 

 

Makikita naman sa mga post ng mag-asawang Drew at Iya na nagpapaka-cool lang sila at positive man, pinapakita pa rin nila ang kanilang positive disposition.

 

 

Ang dami namang nagdarasal para sa kagalingan nilang lahat.

(ROSE GARCIA) 

CHED: 126 unibersidad, nagpatupad ng academic break; 123 pa susunod na rin

Posted on: January 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KABUUANG 126 unibersidad na sa bansa ang nagpatupad ng academic break simula nitong Ene­ro, kasunod nang panibagong surge ng COVID-19.

 

 

Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) chairperson Prospero de Vera III, may ilang unibersidad ang nagdeklara na ng academic break bago pa man itaas ang Alert Level 3 ng COVID-19 sa ilang lugar sa Pilipinas.

 

 

Karamihan sa mga naturang unibersidad ay nasa National Capital Region (NCR) at Calabarzon, na parehong nakakapagtala ng mga mataas na bilang ng mga bagong kaso ng sakit.

 

 

Mayroon pang 123 unibersidad ang nakatakda na ring magdeklara ng academic break sa mga susunod na araw.

 

 

Marami aniya sa mga ito ang nagdesisyon na sa Pebrero na lamang muling magbubukas ng limited face-to-face classes.

 

 

Kaugnay nito, sinabi naman ni de Vera na hindi naman na kinakailangang magdeklara ng nationwide academic break dahil ang mga unibersidad ay may diskresyon na pansamantalang ipatigil ang kanilang mga aktibidad.

Konstruksyon ng Muslim-Christianity Unity Highway, pirmado na ni PDu30

Posted on: January 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang  RA 11602  para sa konstruksyon o pagtatayo ng  Muslim-Christian Unity Highway.

 

 

Ang mandato ng batas ay konstruksyon o pagtatayo ng national highway mula  Lanao del Norte Interior Circumferential Road sa Munisipalidad ng Tagoloan, Province of Lanao del Norte patungong Munisipalidad ng Talakag, Province of Bukidnon, na mayroong crossroad sa Barangay Malimbato, Munisipalidad ng Tagoloan, Province of Lanao del Norte at connecting roads sa national highway sa Iligan City sa pamamagitan ng Barangay Pugaan, Iligan City at sa national highway sa Marawi City sa pamamagitan ng munisipalidad ng Kapai, Province of Lanao del Sur.

 

 

Sa ilalim ng RA 11602, “the amount necessary to defray the cost of undertaking and completing the feasibility study and detailed engineering for this project, and other activities related will be included in the annual GAA.”

 

 

Matapos ito, isasama ng Kalihim ng DPWH sa porgrama ng departmento ang konstruksyon ng  Muslim-Christian Unity Highway, ang pondo ay isasama sa  annual GAA.

 

 

Samantala, pinirmahan naman ni Pangulong Duterte ang  RA11612 o  “an act creating a new district engineering office in the Third Legislative District of the Province of Zamboanga del Norte which will be known as the Fourth District Engineering Office and will be located in the Municipality of Siocon, Province of Zamboanga del Norte.”

 

 

Sa ilalim ng RA 11612, ang bagong  district engineering office ay magsisilbi rin sa Munisipalidad ng Baliguian, Siraway, Siocon, at Sibuco, lahat ay nasa loob ng third legislative district ng lalawigan ng Zamboanga del Norte.

 

 

Isasama ng Kalihim ng DPWH sa  programa ng  departmento ang operationalization Fourth District Engineering Office sa  Province of Zamboanga del Norte, ang pondo ay isasama sa  annual GAA.

 

 

 

Kapwa ang batas ay nilagdaan noong Disyembre 10,, 2021 at parehong ipinalabas, araw ng Huwebes.

3 TIMBOG SA P1 MILYON SHABU SA NAVOTAS

Posted on: January 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P1 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang babae matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

 

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Noraima Esmail, 32, Ma. Clarise Certeza, 23, kapwa (pusher/not listed) at Erickson Veron, 36, (user/not listed) pawang residente ng Tondo Manila.

 

 

Ayon kay Col. Ollaging, dakong alas-11:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr, ng buy bust operation sa kahabaan ng R10 Road., Brgy. NBBN kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon P13,000 halaga ng shabu kay Email at Ceteza.

 

 

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poser-buyer kapalit ng shabu ay agad silang inaresto ng mga operatiba kasama si Veron na nakuhanan din ng hinihinalang shabu.

 

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 158 grams ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price P1,074,400.00, buy bust money na isang tunay na P1,000 bill at 12 pirasong P1,000 boodle money, P1,500 cash, kulay grey na body bag, maliit na notebook, at cellphone.

 

 

 

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Nakaka-relate dahil galing din sa broken family: ZAIJIAN, ramdam ang nerbyos at pressure sa bagong role

Posted on: January 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AMINADO si Zaijian Jaranilla na may naramdaman siyang nerbyos at pressure dahil sa role niya bilang Gio Ilustre, ang solong anak nina Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo sa  upcoming ABS-CBN drama series The Broken Marriage Vow, which premieres on January 22 on iWantTFC and January 24 on Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live, and TFC.

 

“Dahil remake ito, kailangan may maipakita kaming bago sa audience dahil marami na ang nag-remake nito,” pahayag ni Zaijian.

 

 

Inihanda ko ang sarili ko by watching the series para magkaroon ako ng idea kung paano tatakbo ang kwento. Pero acting-wise, binigyan ko ng sarili kong interpretation ang role ni Gio.”

 

 

Nakaka-relate si Zaijian sa role ni Gio dahil galing siya sa broken family.

 

 

“Alam ko kung saan siya nanggagaling. Alam ko kung ano ang pinagdadaanan niya. Kung galing ka sa isang broken family, hindi mo deserve pagdaanan ang ganoong experience,” wika ng dating child actor.

 

 

“Pero ang mabibigay kong advice kay Gio is to be strong. Hindi siya dapat umabot sa point na kailangan niyang mamili kung kanino sa parents niya siya sasama. Pero dapat sundin niya kung ano ang dikta ng puso niya.”

 

 

Kung napupuri man ang acting niya based sa trailer ng The Broken Marriage Vow, dapat daw niyang pasalamatan ang co-stars niya na sina Jodi at Zanjoe.

 

 

“Ang husay nila pareho kaya kailangan na paghusayan ko rin. Nakaka-inspire ang husay nilang dalawa,” sabi pa niya.

 

 

“Sa umpisa pa lang, kailangan na namin na umarte na isang closely-knit family kami. Kailangan maramdaman ng audience na pamilya talaga kami. Kaya sa taping namin ay I treat Tita Jodi and Tito Zanjoe as if they are really my parents.”

 

 

***

 

 

MAY nabasa kaming column na ang sabi ay nag-break daw sina Edgar Allan Guzman at ang gf niya na si Shaira Diaz.

 

 

Pero kasagsagan ng Christmas season noon kaya we did not bother to ask EA about it kasi baka busy siya at walang time na sumagot.

 

 

Sinabi pati ng sister niya na si Michelle Guzman na nasa lockdown taping si EA para sa bagong show niya sa GMA.

 

 

Noong Wednesday (Jan 12) ay pinadalhan namin ng message si EA sa FB messenger to ask kung totoo ba ang chika na break na diumano sila ni Shaira.

 

 

“Hi Kuya Ricky, not true po hehe sobrang happy po namin sa isa’t isa,” sagot sa amin ni EA with matching smile emoji sa dulo ng mensahe.

 

 

At least, nalaman namin mismo kay EA na fake news na hiwalay na sila ni Shaira. May mga pictures nga silang magkasama sa bagong bahay na Christmas gift ni EA sa kanyang Mommy Sarrie.

 

 

***

 

 

ININDORSO ng aktor na si Jaime Fabregas ang pagtakbo bilang pangulo ng kapwa Bicolano at Bise Presidente Leni Robredo kasabay ng paghikayat sa mga kalalawigan na aktibong mag-recruit ng mas marami pang mga tagasuporta para matiyak na ang susunod na pangulo ng bansa ay mula sa Bicol Region.

 

 

“Iparamdam natin sa buong Pilipinas ang galing, lakas at pusong Bicolano. Ipakilala natin sa kapwa Pilipino ang tapat na pinuno.  At ipakita natin sa buong mundo ang kakayanan at katatagan ng ating lahi,” wika ni Fabregas.

 

 

Sa katauhan ni Robredo, idineklara rin ng aktor na taglay ng Bicol ang pinakamagaling at pinakakuwalipikadong kandidato sa mga tatakbo bilang pangulo sa 2022.

 

 

“Ang pakiusap ni Lolo General sa inyong lahat, na mangumbinsi pa tayo ng hindi bababa sa lima pang botante na makiisa sa ating layunin,” wika ni Fabregas, na tinutukoy ang kanyang karakter sa sikat na TV series na Ang Probinsyano.

 

 

Nagpahayag ng pagkadismaya si Fabregas sa katotohanan na wala pang pangulo mula Bicol Region ang nahalal kahit ito na ikalimang pinakamaraming bilang ng botante at ikaapat na pinamalaking ethnic group sa bansa.

 

 

Sa kanyang parte, hinikayat ni Robredo ang mga kapwa Bicolano na huwag sayangin ang pagkakataon na makapaghalal ng pangulo mula Bicolandia sa 2022.

(RICKY CALDERON)

DOTr pinagtanggol ang “no vax, no ride” na polisia

Posted on: January 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Pinagtanggol ng Department of Transportation (DOTr) ang inilabas nilang Department Order (DO) 2022-001 tungkol sa “no vax, no ride” polisia kung saan sinabi nila na hindi ito anti-poor.

 

 

 

Nilinaw at diniin ng DOTr na ang polisia ay hindi naman nagbabawal sa mga tao na maglakbay.

 

 

“The policy is not anti-poor because anti-poor is prohibiting (travel). We have exceptions. If you need to go outside because you need to do something or you have an essential errand, you will be allowed. And this policy protects who are unvaccinated that’s why the argument that it is anti-poor is somewhat fallacious because it’s not absolute restriction, there are exceptions,” wika ni DOTr undersecretary Reinier Yebra.

 

 

 

Nilinaw pa rin ni Yebra na ang mga taong walang bakuna ay maaari pa rin maglakbay gamit ang ibang paraan ng transportasyon kung saan ito ay makikita sa exceptions na nakalagay sa nasabing DO. Ang karapatang sumakay at maglakbay ay kinakailangan maging balanse sa  pagkakaron ng responsabilidad bilang isang transport regulator kung saan kinakailangan mapanatili ang ligtas na paglalakbay ng mga tao at pasahero.

 

 

 

Nagbibigay naman ng paumanhin ang DOTr dahil sa abala na idudulot ng polisia sa mga pasahero subalit kanilang iginiit na ang paraan ito ang pinaka praktikal na paraan upang malabanan ang pagkalat ng COVID-19.

 

 

 

“It will be a much heavy burden for commuters if we experience a repeat of public transport closures. If we do not act now, all industries and business sectors will be severely affected,” dagdag ni Yebra.

 

 

 

Sa ilalim ng nilagdaan na DO ni DOTr Secretary Arthur Tugade, ang pagsakay sa mg pampublikong transportasyon sa NCR ay nililimitahan lamang para sa mga mga may bakuna na pasahero habang nasa Alert Level 3 ang NCR.

 

 

 

Nakalagay sa DO na ang taong matatawag na fully vaccinated ay yoon dalawang linggo ng nakalipas ng sila ay nabakunahan matapos ang ikalawang bakuna ng kanilang two-dosed vaccination series tulad ng Pfizer o Moderna na bakuna, o di kaya ay pagkatapos ng dalawang linggo matapos silang maturukan ng single-dose ng Johnson & Johnson.

 

 

 

Ang mga exempted naman sa DO ay yoon mga taong may mga medical conditions na pinagbabawalan na bakunahan laban sa COVID-19 subalit kailangan magpakita sila ng duly-signed na medical certificate mula sa kanilang doctor na may nakalagay ng kanilang pangalan at contact details.

 

 

 

Puwede rin lumabas ng kanilang tahanan ang mga walang bakuna kung sila ay bibili ng mga essential goods at services tulad ng pagkain, tubig, gamot, medical devices, public utilities, energy, work at medical at dental na pangangailan subalit dapat may ipakitang barangay health pass o di kaya ay patunay na kailangan nilang maglakbay at umalis ng bahay.

 

 

 

Subalit ang mga pasahero na mahuhuli ay hindi bibigyan ng penalties. Kapag nahuli sila ay hindi papayagan na sumakay sa mga pampublikong transportasyon kung kaya’t sila ay mahihirapan.

 

 

 

Sinisigurado naman ng DOTr na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) ay magiging mapasensiya at matigas sa kanilang implementasyon ng “no vaccine, no ride” na polisia. Maglalagay ng mga transport marshalls sa mga public utility vehicles (PUVs) na titingin kung sumusunod at tumutupad ang drivers at operators sa nasabing polisia.

 

 

 

Tutol naman ang mga transport groups at pasahero sa pagpapatupad ng nasabing polisia na sinimulang ngayon linggo. Ang Commuter’s Group na Pilipino Society and Development Advocates Commuter-Consumer (Pasada-CC) ay nagsabing ang polisia ay puwedeng magtulak sa mga pasahero na sumakay sa mga colorum na pampublikong transportasyon.

 

 

 

Ayon naman sa Commission on Human Rights (CHR), ang “no vaccine, no travel” na polisia ay “effectively restricts the exercise and enjoyment of fundamental rights” na binibigay sa mga ordinaryong Filipinos na patuloy na umaasa sa transportasyon upang makakuha ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng trabaho, pagkain at health services.  LASACMAR