PUMANAW na ang actor-singer na si Romano Vasquez sa edad na 51 noong January 23.
Nakilala si Romano dahil sa pagiging regular ito noon sa programang That’s Entertainment noong early ‘90s.
Singer din si Romano at naging bahagi siya ng singing trio na Quamo. Naging hit ang 1997 single nila na ‘Sumpa Ko’ na tagalog version ng english song na ‘I Swear’.
Ginawa si Romano ng maraming pelikula. Na-introduce siya sa pelikulang First Time… Like A Virgin at Titser’s Enemi Number 1. Ilan pa sa mga naging pelikula niya ay Noel Juico 16: Batang Kriminal, Epimaco Velasco: NBI, Mariano Mison, Isang Lahi, at Suicide Rangers.
Pinasok din ni Romano ang paggawa ng sexy films noong ST (Sex Trip) Film era tulad ng Alipin ng Aliw, The Secret of Katrina Salazar, Reputasyon, Night Job at Ma’am Turuan Mo Ako.
Na-link romantically noon si Romano sa mga aktres na sina Shirley Fuentes, Miya Nolasco at Criselda Volks.
Noong tumumal ang sexy movies, nagtrabaho sa Japan bilang hosto si Romano ng ilang taon. Pero noong bumalik siya sa Pilipinas, nawaldas ang mga naipon niyang pera dahil sa paggamit ng pinagbabawal na gamot.
Naging open noon si Romano sa pagpapa-rehab niya para makabalik siya sa showbiz. Noong gumaling na siya, bumalik siya sa pagiging singer at nagkaroon siya ng regular set sa isang gay bar sa Pasay City.
Ang misis niyang si Alma Panuela Dila ang naging inspirasyon ni Romano na pagbutihin ang buhay niya. Nagtrabaho ito sa isang networking company at naging motivational speaker siya.
Na-feature sa programang Wagas ang love story nila Romano at Alma noong 2014.
Walang impormasyon pa sa cause of death ni Romano. Pumanaw siya sa tahanan niya sa Cavite City kasama ang kanyang misis at apat na anak na sina Angelie Kate, 22; Albert, 16; Sky, 15; and Raven, 8 years old.
***
BIDA na si Jeric Gonzales sa pelikulang Broken Blooms na mula sa direksyon ni Louie Ignacio.
Napili na ang naturang pelikula para sa ‘41st Oporto International Film Festival’ in Portugal.
Makakasama ni Jeric sa naturang pelikula ay sina Therese Malvar, Royce Cabrera, Boobay, Lou Veloso, Mimi Jureza, Rico Barrera, Cherry Malvar, Cecil Yumul, Rosette Aquino, at si Ms. Jaclyn Jose.
Mag-premiere ang Broken Blooms sa Director’s Week competition program mula April 1 to 10, 2022. Produced ang pelikula ng BenTria Productions.
Nagpasalamat si Therese Malvar kay Direk Louie at sa kanilang producer via Instagram dahil sa pagsama sa kanya sa cast.
“Maraming maraming salamat po sa tiwala at gabay, direk @direklouieignacio! Super happy and grateful na ikaw ‘yung naging director ko for this kind of role. Love you forever direk! See you sa next one. Thank you rin kay Sr. Benjie ng BenTria Productions for making this whole project possible! Thank you rin sa lahat ng staff and crew. Sa mga aktor na kasali rito,” caption pa ng aktres.
Kinunan ang maraming eksena ng pelikula sa Pampanga.
***
DALAWANG American entertainment icons ang pumanaw nang magkasunod.
Una ay ang rock music icon na si Marvin Lee Aday a.k.a. Meat Loaf noong January 20 at pangalawa ay ang three-time Emmy winner at stand-up comedian na si Louie Anderson noong January 21.
Nakilala si Meat Loaf dahil sa kanyang best selling albums na “Bat Out of Hell” at “Bat Out if Hell II: Back into Hell”. Nanalo siya ng Grammy Awards noong 1993 as Best Solo Rock Performance for “I’d Do Anything For Love”. Lumabas din siya sa mga pelikulang The Rocky Horror Picture Show, Fight Club at Wayne’s World.
Pumanaw si Meat Loaf sa edad na 74. Ayon sa medical report nito, COVID-19 ang naging cause of geath ng rock singer at unvaccinated ito.
Pumanaw naman sa edad na 68 in Las Vegas si Louie Anderson na isa sa multi-awarded comedians on television and stage.
Ayon sa kanyang publicist, naospital si Louie for treatment diffuse large B cell lymphoma. Hindi na raw ito naka-recover sa kanyang sakit na cancer.
Nanalo si Louie ng Primetime Emmy Award noong 2016 para sa comic role niya sa FX series na Baskets. In 1997 and 1998, nanalo siya ng Daytime Emmy Awards para sa animated program na Life With Louie.
Nakilala siyang mahusay na stand-up comedian noong lumabas siya sa The Tonight Show with Johnny Carson in 1984. He was named one of the 100 Greatest Stand-Up Comedians of All Time ng Comedy Central.
Bukod sa TV at movies, naging host din si Louie ng Family Feud from 1999 to 2002.
(RUEL J. MENDOZA)