• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 25th, 2022

Hawaan ng COVID-19 sa NCR, bumagal

Posted on: January 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BUMABA pa sa 1.2 na lamang ang COVID-19 reproduction number sa Metro Manila hanggang noong Enero 19, mula sa dating 2.95 noong nakalipas na linggo.

 

 

Sa kabila nito, nilinaw naman ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na nananatili pa rin ang rehiyon sa “very high risk” classification kaya’t pinayuhan ang mga mamamayan na patuloy na maging maingat at obserbahan ang umiiral na health at safety protocols.

 

 

Ang reproduction number ay tumutukoy sa bilang ng mga tao na maaaring maihawa ng sakit ng isang pasyente ng COVID-19. Ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay indikasyon nang pagbagal ng hawaan ng virus.

 

 

Samantala, iniulat din naman ni David na ang one-week growth rate sa rehiyon ay bumaba pa sa -42%, na inilarawan niya bilang “a clear downward trajectory” sa mga bagong COVID-19 cases.

 

 

Bumaba rin ang average daily attack rate (ADAR) sa NCR sa 72, ngunit nasa “very high level” ito.

 

 

Sa isa pang tweet, sinabi ni David na ang mga lalawigan sa labas ng NCR ay nasa very high risk, dahil sa mataas na ADAR.

 

 

Sinabi rin ni David na ang COVID-19 cases sa Cavite at Batangas ay posibleng umaabot na sa peak.

 

 

Nakapagtala rin ng negative growth rates ang Rizal at Bulacan ngunit nasa very high risk pa rin.

Balota para sa BARMM inuna nang iimprenta ng Comelec

Posted on: January 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INUNA na ng Commission on Elections (Comelec) na iimprenta nitong Linggo ng umaga ang mga balota para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na gagamitin sa national and local elections sa Mayo 9.

 

 

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na nasa kabuuang 2,588,193 balota para sa BARMM ang kanilang iiimprenta. Unang iimprenta ang mga balota para sa Lanao del Sur na aabot sa 685,643.

 

 

Bukod dito, nauna na ring iimprenta ng National Printing Office (NPO) ang 60,000 balota para sa local absentee voting (LAV) ballots noon pang Enero 20.Nitong Linggo naman natapos na ng NPO ang pag-imprenta sa manual ng LAV at overseas absentee voting ballots.

 

 

Una nang sinabi ng Comelec na mahigit sa 67 milyong official ballots ang kanilang iimprenta para sa 2022 national and local elections. (Daris Jose)

JESSICA, pinupuri sa no holds barred interview sa apat na presidential candidates dahil walang pinalampas na isyu

Posted on: January 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

THANKFUL ang former child actor na si Miggs Cuaderno na nagkaroon ng book 2 ang Prima Donnas.   

 

 

He plays the role of Coco in the widely-followed afternoon prime series on GMA.

 

 

“Siyempre po masaya kasi kasama pa rin po ako as Coco sa season 2 at makakasama ko po ulit ung mga friends ko And syempre po thankful din po ako kay direk gina and sa gma 7 po for the opportunity,” pahayag ng bagets via FB messenger.

 

 

Kasali rin siya sa cast ng upcoming Viva movie titled Deception na tinatampukan nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez. Siya ang gumanap na anak ni Mark sa movie na dinirek ni Joel Lamangan.

 

 

Deception will be shown via streaming sa Vivamax.

 

 

Nasa Netflix naman ang filmfest entry na Magikland kaya may chance na ang mga fans ng 17-year-old actor na mapanood siya sa movie which won several awards sa festival two years ago.

 

 

Binata na ang award-winning child actor who stands five-feet-seven-inches tall. Nanalo siyang Best Supporting Actor sa 10th Cinemalaya noong 2014 for Children’s Show.

 

 

***

 

 

PINAG-UUSAPAN pa rin ang interview ni Ms. Jessica Soho sa apat na presidential candidates noong Sabado ng gabi sa GMA Network.

 

 

Nais namin i-congratulate ang GMA Network at si Ms. Jessica Soho sa pagbibigay sa mga tao nang pagkakataon na makilatis sina Vice President Leni Robredo, Manila Mayor Isko Moreno, Senator Manny Pacquioa at Senator Ping Lacson via the interview na tumagal ng tatlong oras.

 

 

Pero parang walang nakaramdam na umabot ng 3 hours ang interview dahil sa magagandang tanong na ibinato ni Jessica sa mga presidential aspirants.

 

 

Walang pinalampas na issue. No holds barred ang interview. Very thorough and exhaustive ang research team ni Ms. Jessica. Lahat ng pwedeng itanong, including the most controversial questions, hindi pinalagpas.

 

 

After that interview, pwede ka na mamili who do you think deserve your vote come May 9 elections.

 

 

***

 

 

MAGANDA ang segment ng Kapuso Mo Jessica Soho about Alden Richards kung saan they featured Alden’s scholars.

 

 

Kaya nga nag-put na rin ng foundation para mas maraming siyang matulungan via scholarships.

 

 

Very touching ang pagkikita ni Alden and one of his female scholars dahil napaiyak ito sa tuwa when she saw her idol.

 

 

Sadyang mabait at matulungin si Alden kaya patuloy siyang pinapagpapala at nagkakamit ng blessings which he shares to those who need them.

 

 

Proud si Alden sa kanyang mga scholars and we are sure na these scholars are also proud the Kapuso actor.

(RICKY CALDERON)

Magsayo bagong Pinoy world champ

Posted on: January 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY bagong world champion ang Pilipinas sa ngalan ni Mark Magsayo.

 

 

Naitarak ni Magsayo ang majority decision win upang hubaran ng korona si Gary Russell Jr. at matagumpay na maagaw ang World Boxing Council (WBC) featherweight title kahapon sa Borgata Atlantic City sa New Jersey.

 

 

Dalawang hurado ang pumabor kay Magsayo kung saan parehong may 115-113 iskor sina Mark Consentino at Henry Grant.

 

 

Sa kabilang banda, 114-114 draw naman ang ibinigay ng ikatlong huradong si Lynne Carter.

 

 

Hindi maitago ni Magsayo ang saya at hindi rin siya makapaniwala na natupad na ang kanyang pangarap.

 

 

“My dream came true. This is my dream since I was a child. I’m so proud I’m a champion now,” ani Magsayo.

 

 

Tunay na inilabas ni Magsayo ang bagsik nito matapos kumunekta ng ilang solidong suntok sa buong panahon ng laban.

 

 

Kitang-kita ang dominasyon ni Magsayo kung saan nakapagkonekta ito ng 150 sa 543 suntok na pinakawalan nito– malayo sa 69-of-323 ni Russell.

 

 

Naging malaking ba-lakid sa laban ni Russell ang injury na tinamo nito sa kanang balikat sa fourth round, dahilan para malimitahan ang kilos nito sa mga nala-labing rounds.

 

 

“It was a little bit of advantage for me because he was only using hand and it was an opportunity for me to follow him. He couldn’t jab me, he was only using one hand, that’s why I hurt him a lot,” ani Magsayo.

 

 

Dahil sa panalo, nananatiling malinis ang rekord ni Magsayo sa 24-0.

 

 

Nagbigay ng mainit na mensahe si eight-division world champion Manny Pacquiao sa tagumpay ni Magsayo na mapapasama na sa listahan ng mga Pinoy world champions.

 

 

“Congratulations, on your first world cham-pionship! Thank you for bringing honor to our country by becoming the latest Filipino world boxing champion. Welcome to the club,” ani Pacquiao.

 

 

Nagpasalamat din si Magsayo sa lahat ng mga sumuporta sa kanyang boxing journey. “Thank you to my Filipino fans and the Filipinos here,” ani Magsayo.

Pacquiao kay Magsayo ; ‘Welcome to the Club’

Posted on: January 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANGUNA si dating Filipino boxing champion at ngayon ay Senator Manny Pacquiao sa mga bumati kay WBC world featherweight champion Mark ‘Magnifico’ Magsayo.

 

 

Sa kanyang social media account, binati nito ang 26-anyos na si Magsayo at sinabing “Welcome to the Club”.

 

 

Dagdag pa ng senador na labis na ipinagmamalaki ng bansa si Magsayo dahil sa tagumpay nito laban kay Gary Russell Jr.

 

 

Dahil aniya sa panalo nito ay kahanay na niya sina Mark Cuarto, Jerwin Ancajas, John Riel Casimero at Nonito Donaire.

 

 

Magugunitang tinalo ni Magsayo ang American boxer sa pamamagitan ng majority decision sa laban na ginanap sa Atlantic City, New Jersey.

 

 

Isa si Pacquiao iniidolo ni Magsayo kaya pinasok niya ang boxing.

Bulacan, ginunita ang ika-123 Anibersaryo ng Republikang Pilipino

Posted on: January 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Sa pagdiriwang ng isa sa mga pinaka kilalang kaganapan sa Lalawigan ng Bulacan, pinangunahan ni Gob. Daniel R. Fernando ang isang payak na programa sa paggunita ng ika-123 Anibersaryo ng Araw ng Unang Republikang Pilipino na ginanap sa makasaysayang Simbahan ng Barasoain dito kaninang umaga.

 

 

May temang “Unang Republikang Pilipino: Sandigan ng Nagbabagong Panahon”, binigyang diin ni Fernando ang diwa ng pagdiriwang ng Araw ng Republika at ang ginampanan ng Lalawigan ng Bulacan sa pagkamit ng pambansang kasarinlan.

 

 

“Ang Araw ng Republika ay pagdakila sa lalawigan ng Bulacan at sa kanyang hindi malilimutang gampanin sa kasaysayan ng pambansang katubusan. Ang diwa nito ay maging karapat-dapat sa lahat ng mabubuting bagay na ipinaglaban ng ating mga ninuno—ang kahalagahan ng pagtatanggol sa ating demokrasya, pagdamay at pagmamahal sa kapwa, respeto sa kalikasan, at higit sa lahat, ang pagkakaroon ng banal na takot sa Diyos, sapagkat ito ang siyang bukal ng tunay na karunungan,” anang gobernador.

 

 

Dumalo rin sa programa sina Bise Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado, National Historical Commission of the Philippines Representative Rosario V. Sapitan, Lungsod ng Malolos Mayor Gilbert T. Gatchalian, Vice Mayor Noel G. Pineda, PCol. Rommel J. Ochave of PNP Bulacan at Rev. Fr. Domingo Salonga upang saksihan ang pag-aalay ng bulaklak sa harap ng monumento ni Hen. Emilio Aguinaldo.

 

 

Ang Republika ng Pilipinas, na nailalarawan bilang unang wastong republikang konstitusyonal sa Asya, ay itinatag noong Enero 23, 1899 ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo sa Bulacan noong Rebolusyong Pilipino at Digmaang Espanyol-Amerikano. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)