MULI ngang nagkasama sina Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto sa drama-suspense movie na Deception na streaming na ngayong January 28 sa Vivamax.
Sa virtual mediacon, natanong nga sina Mark at Clau, since pareho naman silang single ngayon, posible kayang magkabalikan at maging sila pa rin hanggang huli.
Say ni Claudine, maghihintay lang siya at parang hinahamon si Mark sa gagawing move nito, kaya hindi niya sinasara ang posibilidad.
Nagsalita naman si Mark na kapag hindi pa sila nagkabalikan ni Claudine sa mga susunod na taon, baka hindi na talaga magkaroon uli sila ng relasyon at maging magkaibigan na lang.
Teenager pa sila ng magkarelasyon at ngayon nga ay pareho na silang 42 years old at matured enough para muling pumasok sa isa pang relasyon.
“Kapag hindi kami nagka-loving-loving in the next three years, wala nang mangyayaring ganoon, co-actors na lang kami,” say ni Mark.
“Pero kapag in the next three years or four years, nagka-jelling-jelling kami, puwede. Pero beyond that, hindi na ako aasa pa.”
Sakaling magkatuluyan nga ang mga bida ng Deception, dapat lang daw na maging ninong ang producer ng movie na si Atty. Ferdinand Topacio.
Anyway, alamin ang mga katotohanan sa likod ng kasinungalingan sa upcoming Vivamax Original Movie mula kay Joel Lamangan.
Ang Deception ay kwento ito nina Rose (Claudine) isang sikat na aktres, at ni Jericho (Mark Anthony) isang stunt double, na nahulog sa isa’t isa at nagpakasal.
Sa pagsisimula ng kanilang pamilya, nagkaroon sila ng anak at pinangalanang Thomas. Kung titignan, isa na itong maayos na pamilya na puno ng pagmamahal, pero ang inaakalang isang masayang pamilya na may magandang kinabukasan ay unti-unting masisira.
Maaakusahan si Rose sa salang pagpatay sa kanyang asawa at makukulong ng sampung taon. Sa pagkakakulong ni Rose at pagkamatay ni Jericho, ang kanilang anak ay dadalhin sa bahay ampunan at mamumulat sa mundo nang walang magulang.
Sa pagkalaya ni Rose sa bilangguan, susubukan niyang magsimula ulit at buuin ang mga bagay na nawala sa kanya, isa na rito ang paghahanap sa kanyang anak na ngayon ay isa ng binatilyo.
Pero sa pagbabagong hangad ni Rose ay babalik ang sakit ng nakaraan at malalantad ang mga kasinungalinang nangyari noon. Malalaman din niya ang puno’t dulo ng pagkasira ng halos perpekto niyang buhay.
Ang Deception ay reunion project nina Claudine at Mark na dating magkasintahan at love team noong ‘90s. 25 years na ang nakalipas mula ng kanilang huling pelikula, at sa kanilang mga interviews, wala silang ibang naramdaman kundi kasiyahan na magkatrabaho muli.
Mula sa Viva Films at Borracho Film Production, ang Deception ay mapapanood exclusive, simula ngayong January 28 sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East, Europe, Canada at America.
Para sa local subscriptions, maaaring ma-avail ang P149/month watch-all-you-can plan sa VIVAMAX app.
Ginawa ring mas affordable ng VIVAMAX ang panonood ng inyong mga paboritong pelikula dahil ngayon, sa halagang P29, maaari ka nang mag-watch all you can for 3 days!
At sa best viewing quality na ang inyong panonood, dahil ang VIVAMAX compatible na with TV casting. Mas affordable, mas madami at mas madali na ang mag-subscribe, kaya naman #SubscribeToTheMax na sa best Pinoy Movie Streaming App, VIVAMAX!
(ROHN ROMULO)