• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 3rd, 2022

Dahil hindi alam kung saan dadalhin ang trophy: SHARON na nagwaging Best Actress, wanted sa GEMS Awards

Posted on: February 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WANTED ng GEMS (Guild of Educators, Mentors and Students) si Megastar Sharon Cuneta.

 

 

Si Sharon kasi ang best actress winner ng GEMS Awards para sa Revirginized, ang unang Vivamax movie ng aktres.

 

 

Gusto sana nila tanungin si Ate Shawie kung saan nila pwede ihatid ang kanyang trophy.

 

 

Kaso kababalik lang ni Sharon sa Ilocos para sa lock-in taping ng FPJ’s Ang Probinsyano kaya malamang na matatagalan pa ang pagbalik niya sa Manila.

 

 

Anyway, gusto namin batiin si Sharon sa kanyang award and we hope she wins more awards for Revirginized.

 

 

***

 

 

SUSUGAL sa pagpoprodyus si Marc Cubales via the Finding Daddy Blake under MC Productions at 2076 Kolektib.     Siyempre natanong si Marc kung bakit nagdesisyong siyang magprodyus sa alanganing pagkakataon dahil sa kumakalat na virus?

 

 

Sabi ni Marc for the love of the showbiz industry. Ito raw ang magandang panahon para makatulong siya sa film industry workers.

 

 

Saka magiging stress reliever ko ito kasi lately, sobrang stress ako, sa negosyo ko, sa construction at sa iba pa, nagkasabay-sabay. Dito sa pagpo-prodyus ko, para maiba naman ‘di ba, dito, medyo light lang.

 

 

“Oo, maglalabas ka ng pera pero iba ang saya, I feel good pag nasa showbiz industry ka at nakatutulong sa mga nawalan ng trabaho”, katwiran pa ni Marc.

 

 

Natanong din namin siya kung pinag-aralan ba niya nang husto ang pagpoprodyus?

 

 

Aniya, “Oo, bago ko pinasok,  sinigurado ko muna na  okey ang funding ko. Syempre, ayaw ko naman tipirin ang production. Saka, nung mabasa ko ang story at concept, nagandahan ako. A must watch lalo’t nauuso ngayon ang BL serye/movie”.

 

 

Promise ni Marc di niya titipirin ang production.

 

 

Thankful ako kasi well funded and I’m ready. Kaya ng budget at sure na may quality ang film, hindi lang basta-basta pelikula, kapupulutan siya ng aral”.

 

(RICKY CALDERON)

MMDA , makikipag-ugnayan sa DepEd sa pagpapatuloy ng limited in-person classes sa NCR sa ilalim ng Alert Level 2

Posted on: February 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Metro Manila Development Authority Chairperson Benhur Abalos na makikipag-ugnayan siya sa Department of Education para sa pagpapatuloy ng pilot face-to-face classes sa National Capital Region (NCR) na inilagay sa Alert Level 2 sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

 

“Makikipag-usap kami agad sa DepEd kasi importante ang edukasyon. Napakaganda na ng ating pilot face-to-face classes noong nakaraan,” ayon kay Abalos sa Laging Handa briefing.

 

 

Tinukoy ni Abalos ang mga panahon bago pa ipinatupad ang pagsuspinde sa in-person classes nang ang Kalakhang Maynila, epicenter ng pandemya ay inilagay sa Alert Level 3 noong nakaraang Enero 2 hanggang katapusan ng kaparehong buwan sa gitna ng tumaas na bilang ng COVID-19 cases at pag-usbong ng ma nakahahawang Omicron variant.

 

 

“We will look into it and have a dialogue with Education Secretary Liling Briones and the rest of DepEd officials so we can resume out pilot face-to-face classes,” dagdag na pahayag ni Abalos.

 

 

Matatandaang, August 2021, naipakita sa education group poll na  66% hanggang 86% ng public school students ay bahagyang natuto sa remote learning setup  na ipinatupad dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

Ang poll, isinagawa ng Movement for Safe, Equitable, Quality and Relevant Education (SEQuRE Educ Movement) sa 1,299 public students sa iba’t ibang bansa, ay nagpahayag ng “highest percentage” ng mga bahagyang natuto sa ilalim ng remote learning na 86.7% na naitala sa hanay sa ilalim ng modular learning o iyong mga nag-aaral base sa printed modules.

 

 

Sa kabilang dako, 74% ng nasa ilalim ng blended learning (partly online, partly modular) ay nagpahayag na bahagya silang natuto kumpara sa pre-pandemic times.

 

 

Iyong mga nasa ilalim ng full online learning ay “were also no better, with 66% saying they learned less.”

 

 

Tinukoy sa poll na “majority of student respondents experienced occasional or regular problems with computer access, computer skills, internet cost, internet signal, understanding the lessons and complying with class requirements.” (Daris Jose)

Bulacan, pasok sa mas maluwag na Alert Level 2

Posted on: February 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS- Mas magiging maluwag ang quarantine restrictions sa Lalawigan ng Bulacan sa pagsailalim nito sa Alert Level 2 simula ngayong araw, Pebrero 1 hanggang 15, 2022.

 

 

 

Ayon sa Executive Order no. 5, series of 2022 o “An order adopting the implementation of Alert Level 2 in the Province of Bulacan from 01 until 15 of February 2022 and for other purposes” ni Gobernador Daniel R. Fernando, maaaring magbukas ang mga aktibidad at establisyimento hanggang 50% ng kanilang indoor capacity at 70% ng kanilang outdoor venue capacity.

 

 

 

Dagdag pa rito, kailangang ipakita ng mga indibidwal na kumpleto na ang bakuna ang kanilang vaccination card bago pumasok sa mga enclosed na lugar o aktibidad, habang dapat na makapagpakita ang mga hindi pa bakunado at hindi pa kumpleto ang bakuna ng negatibong rapid antigen o RT-PCR na resulta ng test sa nakalipas na 72 oras.

 

 

 

Patuloy na nagpapaalala si Fernando sa mga Bulakenyo na sumunod sa minimum public health protocols sa lahat ng panahon at magpabakuna dahil ito ang napatunayang mabisang paraan upang mabawasan ang panganib sa pagkahawa ng COVID-19.

 

 

 

“Congratulations po sa inyo dahil babalik na po tayong muli sa Alert Level 2. Ibig sabihin nito, ang mga Bulakenyo ay patuloy na nag-iingat at patuloy na nagiging disiplinado,” anang gobernador sa idinaos na pagpapamahagi ng rice subsidy sa Bustos, Bulacan kahapon.

 

 

 

Sinabi rin niya na hinihintay ng lalawigan ang direktiba mula sa pamahalaang nasyunal at Inter-Agency Task Force on COVID-19 upang makapagbakuna sa mga batang 5 hanggang 11 taong gulang.

 

 

 

“Hindi pa po pinapayagan sa ating lalawigan ang face-to-face classes lalo na sa elementary education, sapagkat kailangan nating protektahan ang ating mga anak. Kailangang sila ay ligtas sa pagbalik nila sa eskwelahan,” dagdag pa ng gobernador.

 

 

 

Noong Enero 24, 2022, nakapagbakuna na ang Bulacan ng kabuuang 4,217,181 dosis ng bakuna laban sa COVID-19; 1,955,905 Bulakenyo ang kumpleto na ang bakuna habang 1,998,958 ang tumanggap na ng kanilang unang dosis. Gayundin, 262,318 ang nabakunahan na ng booster shots.

 

 

 

Samantala, noong Enero 31, 2022, nakapagtala ang Provincial Health Office-Public Health ng 3,779 kabuuang bilang ng mga aktibong kaso na may karagdagang 25 fresh na kaso at 136 late na kaso.

 

 

 

Makikita ang kabuuang nilalaman ng Executive Order no. 5, series of 2022 sa opisyal na Facebook page ni Gov. Daniel R. Fernando sa https://www.facebook.com/govdanielfernando. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Ads February 3, 2022

Posted on: February 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SIMBAHAN, MANANATILING NON-PARTISAN SA ELEKSIYON

Posted on: February 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng isang  obispo na mananatiling non-partisan ang simbahan at hindi mag-eendorso ng pulitiko sa nalalapit na halalan.

 

 

Ayon kay Novaliches bishopc emeritus Teodoro Bacani Jr., bagama’t walang batas na pumipigil sa mga pari na makialam sa pulitika, sinasaad naman sa batas ng simbahan na hindi maaring kumandidato o mag-endorso ang mga pari o obispo.

 

 

Paglilinaw ni Bishop Bacani na maaari namang ikampanya ng simbahan ang mga pulitiko na huwag ihalal ng publiko kung malinaw na isinusulong ang polisiya na labag sa paninindigan ng simbahan at magdudulot ng panganib sa mamamayan.

 

 

“Under normal circumstances hindi ka dapat tumukoy ng pangalan, pero kung merong isang tao na talagang makasasama sa bayan talagang pwede ka namang lumaban na hayagan dun sa taong malinaw na makasasama sa bayan,” ayon kay Bishop Bacani.

 

 

Ang mensahe ng Obispo ay kaugnay na rin sa One Godly Vote campaign ng Radyo Veritas -isang voters education campaign ng media arm ng Archdiocese of Manila na nagbibigay ng gabay sa mga botante sa tamang pagpili ng ihahalal na pinuno ng bansa.

 

 

Matatandaang taong 2013 nang hayagang tutulan ng simbahan ang ilang kandidato na bumoto pabor sa Reproductive Health Law -na tinututulan ng simbahan dahil sa mga nakapaloob na probisyon na laban sa kasagraduhan ng buhay kabilang na ang paggamit ng ‘artificial contraceptives’. Ang Team Patay vs Team Buhay campaign tarpaulin ay matatagpuan sa iba’t ibang parokya at institusyon ng simbahan. Tinatayang may 67 milyon ang registered voters na makikiisa sa nalalapit na halalan. GENE ADSUARA