• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 5th, 2022

Bakunahan sa edad 5-11, inatras sa Pebrero 7

Posted on: February 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIURONG ng Department of Health (DOH) ang petsa ng bakunahan para sa batang nasa 5-11 age group dahil sa logistical issue.

 

 

“The roll out for vaccinating children aged 5-11 years old will be postponed for a few days due to logistical challenges,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

 

 

Sa halip na ngayong Pebrero 4, mag-uumpisa na ang ‘pediatric vaccination’ sa Pebrero 7 sa darating na Lunes.

 

 

Nabatid na darating pa lamang ang Pfizer vaccines na aprubado ng Food and Drugs Administration (FDA) na magamit sa mga bata ngayong Pebrero 4.

 

 

“To ensure adequate preparation and distribution of the Pfizer vaccines allocated for children 5-11 years old, the COVID-19 vaccination of 5-11 years old will instead begin on 7 ­February (Monday),” ayon pa sa opisyal.

 

 

Nabatid na darating pa lamang ang Pfizer vaccines na aprubado ng Food and Drugs Administration (FDA) na magamit sa mga bata ngayong Pebrero 4.

 

 

“To ensure adequate preparation and distribution of the Pfizer vaccines allocated for children 5-11 years old, the COVID-19 vaccination of 5-11 years old will instead begin on 7 ­February (Monday),” ayon pa sa opisyal. (Gene Adsuara)

Taga-NCR, malaya na sa mga restriksyon sakaling maipatupad na ang Alert level 1 o ang new normal

Posted on: February 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MALAYA na ang National Capital Region (NCR) mula restriksyon sakali’t ilagay ito sa ilalim ng Alert level 1.

 

 

Ang pahayag na ito ng Malakanyang ay kasunod ng posibleng paglalagay na sa mas mababang alerto ang Kalakhang Maynila subalit depende sa kalalabasan ng datus na nakatakdang pag aralan ng IATF.

 

 

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, na kapag naisailalim na sa alert level 1 ang isang lugar, dito na iiral ang tinatawag na new normal na halos lahat ay maari ng gawin tulad ng indoor at outdoor capacity sa mga gatherings at establisyemento habang papayagan narin ang intrazonal at interzonal movement ng lahat, kasama na ang mga bata at may mga comorbidities.

 

 

Ngunit, mananatili lamang aniya ang patuloy na pagtalima sa mga health protocols.

 

 

Bago sumapit ang Feb. 16, 2022, nakatakdang talakayin ng IATF ang posibleng paglalagay sa NCR sa Alert level 1. (Daris Jose)

Europe nasa ceasefire muna sa COVID-19

Posted on: February 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA ang World Health Organization (WHO) na malapit ng manahimik ang Europa laban sa COVID-19.

 

 

Ito ay dahil sa maraming mga bansa ang nagpatupad ng pagpapaluwag na ng COVID-19 restrictions.

 

 

Ayon kay WHO Europe Director Hans Kluge na dahil sa mataas na vaccination rates at ang pagtatapos ng winter ganun din ang hindi gaanong makapaminsalang Omicron variant ay malaki ang posibilidad na hindi na magtatala ang Europa ng mataas na bilang ng kaso ng COVID-19.

 

 

Kahit na mayroong mataas na kaso ng COVID-19 ang naitala ay hindi naman mataas ang bilang naitatakbo sa pagamutan.

 

 

Nanawagan ito sa mga bansa na maigtingin ang kanilang pagpapabakuna laban sa COVID-19.

2 arestado sa patalim at shabu sa Valenzuela

Posted on: February 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BAGSAK sa kulungan ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng patalim at shabu sa isinagawang anti-criminality operation ng mga awtoridad sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ang naarestong mga suspek na sina Danilo Dela Paz, 53, construction worker ng Obando, Bulacan at Christopher Joseph, 43 ng Woodland, Malanday.

 

 

Base sa ulat ni PSSg Carlos Erasquin Jr. kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-11:30 ng gabi, nagsasagawa ng anti-criminality operation (Oplan Bakal) ang Sub-Station 6 pangunguna ni PSMS Roberto Santillan sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Armando Delima, kasama ang mga tanod ng Brgy., Malanday nang sitahin at beripikahin nila ang mga suspek na nag-iinuman sa loob ng 3SML Eatery/KTV Bar sa kahabaan ng Mc Arthur Highway, Malanday.

 

 

Sa halip na makinig, mayabang na sumigaw umano ang mga suspek at hindi sumunod kay PSMS Santillan na naging dahilan upang arestuhin ang mga ito dahil sa paglabag sa Art. 151 of RPC.

 

 

Nang kapkapan, narekober ni PSMS Santillan kay Dela Paz ang isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, patalim, coin purse, ID at P160.00 cash habang nakuha naman ni B/T Jeffrey Viray kay Joseph ang isang patalim at tatlong transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165, Article 151 of RPC at BP 6 in relation to Omnibus Election Code of the Philippines. (Richard Mesa)

PAGRERETIRO NG 3 COMMISSIONER, HINDI APEKTADO ANG HALALAN

Posted on: February 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK  ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes na ang kanilang paghahanda para sa halalan sa Mayo ay hindi mahahadlangan ng pagreretiro ng tatlong senior officials .

 

 

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ang nasabing preparasyon  ay matagal nang ginagawa at natugunan na sa nakaraang buwan

 

 

“Remember that when running the elections, you’re talking about setting in motion preparation that was put in place while there were six of them. Now, we are at the stage where we are implementing these processes. A lot has gone from level of policy to level of operations. That’s what we are doing now,” sabi ni Jimenez sa virtual press briefing.

 

 

Nagpahayag din ng kumpiyansa si Jimenez na makakayanan ng mga natitirang opisyal — acting chair Socorro Inting at Commissioners Marlon Casquejo, Aimee Ferolino, at Rey Bulay — ang mga hamon.

 

 

“They have to have a quorum at all times. Because if a matter is elevated to them, they’re going to have a quorum to get things done. That’s the challenge. But in terms of getting things going, there is no problem,” dagdag pa nito

 

 

Dagdag pa ni Jimenez, hindi maglalabas ng apela ang poll body para sa agarang appointment ng mga bagong commissioner.

 

 

“We trust that the executive is aware of the timelines we are dealing with, and the demands on the new appointees when they do come. We will leave it to the discretion of the appointing authority,” ayon pa kay Jimenez.

 

 

Nitong Lunes, sinabi ng Malacañang na may shortlist na si Pangulong Rodrigo Duterte  sa posibleng appointees na maaring pumalit sa tatlong nagretirong opisyal na sina Chairperson Sheriff Abas,  Commissioners Rowena Guanzon at Antonio Kho Jr.

 

 

Samantala, idinagdag ni Jimenez na  naghahain siya ng resignation bilang tagapagsalita ng Comelec upang bigyan ng pagkakataon si Inting na  pumili ng sinumang nais niyang italaga sa posisyon.

 

 

“I do it every time there is a change in chairmanship whether it’s’ actual chairmanship or acting chairman, I offer my resignation as spokesperson,” ani Jimenez.

 

 

Gayunman, tatanggapin pa rin nito ang nasabing posisyon kung siya ay muling  pipiliin. (GENE ADSUARA)

Senator Gordon binatikos ang LTO

Posted on: February 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINATIKOS ni Senator Richard Gordon ang Land Transportation Office (LTO) dahil sa pagkabigo nitong ipatupad ang Republic Act 11235 o ang tinatawag na Motorcycle Crime Prevention Act na ginawang batas tatlong (3) taon na ang nakakalipas.

 

 

“The first batch of license plates for motorcycles was distributed on Aug. 27, 2020. The LTO still needs to produce 18 million motorcycle plates by June 2022,” wika ni Gordon.

 

 

Ang RA 11235 ay isang batas na naglalayon na maiwasan at maparusahan ang paggamit ng motorcycles sa paggawa ng krimen sa pamamagitan ng paglalagay ng mas malaking plaka na madaling mabasa at may color-coded na number plates.

 

 

Si Gordon ang siyang author ng nasabing batas at nagsabing nabigo ang LTO na mabigyan ng proteksyon ang mga riders at nakagawa ng injustice ang huli dahil paurong-sulong na pagpapatupad ng nasabing batas.

 

 

Pinagsabihan din niya ang LTO na ang pagkaantala ng pagpapatupad ng batas ay isang “unconscionable and inordinate delays” sa paglalabas ng mga motorcycle plates. Nabigo rin ang LTO na magtayo ng pinagsamang LTO-Philippine National Police Operations and Control Center.

 

 

“The implementation of the law has been delayed so the (Senate) Blue Ribbon committee was forced to call hearings to determine what caused the delays. Non-implementation of the law can have dire consequences for our people. Many suffered injuries or died because of this dereliction of duty,” dagdag ni Gordon.

 

 

Nakalagay rin sa provision ng batas na kailangan irehistro ng mayari ang kanyang motorcycle sa loob ng limang (5) araw pagkatapos niya itong mabili. At kung kanyang benenta ang motorcycle ay kailangan naman niyang ipagbigay alam sa LTO. Kung hindi marehistro sa loob ng 5 araw o di kaya ay hindi ipaalam ang pagbebenta, ang may-ari ay maaaring makulong at mabigyan ng multang hindi baba sa P20,000 subalit hindi lalagpas sa P50,000.

 

 

“If a motorcycle is used to commit a crime that constitutes a grave felony under the Revised Penal Code or to escape from the scene of the crime, the owner, driver, backrider or passenger will be slapped with reclusion temporal, a jail term that lasts for 12 years and one day to 20 years to reclusion perpetua, an imprisonment for 20 years and a day to 30 years,” ayon sa nasabing batas.

 

 

Kung ang nasabing motorcycle naman ay ginamit sa isang krimen na may less grave felony, ang nagkasala ay paparusahan ng prison correctional, ang jail term na may anim na buwan hanggang isang araw at 12 years, hanggang prison mayor na may jail term na anim na taon at isang araw hanggang 12 taon.

 

 

Ang isang driver naman na nagmamaneho ng isang motorcycle na walang number plate o readable number plate ay papatawan ng parusang prison correctional o magmumulta ng hindi baba sa P50,000 at hindi naman tataas ng P100,000 o maaaring parehas na penalty.

 

 

May mga motorcycle rider groups naman ay hindi sangayon sa pagpapatupad ng nasabing batas. Ayon sa kanila, ang nasabing batas ay discriminatory at nagbibigay agad ng impression na ang mga bikers ay kriminal. LASACMAR

DIETHER, naaksidente na nga pero nakuha pang laitin ng netizen

Posted on: February 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAAKSIDENTE ang aktor na si Diether Ocampo.

 

 

Seriously injured si Diet matapos bumangga ang kanyang SUV sa isang nakaparadang truck ng basura.

 

 

Ang malungkot, naaksidente na nga ang aktor pero may mga tao na nag-comment pa ng hindi maganda sa Twitter.

 

 

Post ng netizen sa kanyang twitter handle na @moonyeong10, “@Diether Ocampo is such a bad actor (may kasunod na anim na laugh emoji). Sorry sa fans niya. Parang si Kristine Hermosa din (cry emoji). Huwag ninyo ako awayin please.”

 

 

Moon yeong is a PBIP fan. Yeaj fan. Kim soohyun fan. Nomad. I don’t belong to any fandom.

 

 

Hindi ba nakahihiya naman ang kanyang post? Naaksidente na nga si Diether tapos nagagawa pa nilang mag-comment nang hindi maganda. Parang hindi siya iminulat ng magulang niya sa kagandang-asal.

 

 

Yan ang hirap sa ibang tao sa Twitter world o kahit sa ano pang social media. Masyadong feeling entitled. Nagko-comment nang hindi man lang naiisip na mayroon silang nasasaktan.

 

 

Kung sakaling si Moon Yeong ang nasangkot sa isang aksidente, she wouldn’t want people to comment something bad about her.

 

 

Hangad namin ang maagang paggaling ni Diether.

 

 

 

***

 

 

NGAYON na si former Senator Manny Villar ang nakakuha sa frequency that was previously assigned sa ABS-CBN, sino kaya ang mga personalities na magiging bahagi sa pagbubukas ng TV station ng mga Villar?

 

 

Kukuha kaya si Mr. Villar ng mga dating tauhan ng ABS-CBN or he will start from scratch by building his own network?

 

 

Dito na magkakaalaman pagdating sa loyalty. Kahit pa sabihin natin for 18 months muna tatakbo ang bagong network ng mga Villar, trabaho pa rin ito para mga tao.

 

 

Eighteen months lang kasi dapat after the said period ay naka-switch na ang channel from analog to digital.

 

 

Pero siyempre nakaabang ang publiko kung sino na ang mga tao na iha-hire ng mga Villar para magpatakbo ng kanilang network.

 

 

Running a network is a different ballgame from creating content.

 

 

You may have the frequency pero siyempre ang content ang mas titignan ng mga tao, lalo na that the Villars were given the frequency that was used before by ABS-CBN.

 

 

Malaking bagay para sa audience ang substance ng kanilang pinapanood. And this cannot be done overnight.

 

 

Kaya dapat the Villars can get the right people who can make their network truly competitive.

 

 

***

 

 

KAYA ba ng grupong Pasada Babes na makatulong para ang party list group na Pasada CC para manalo sa May 9 elections?

 

 

Inilunsad ngayong Chinese New Year ang Pasada babes, ang kauna-unahang all female Commuter dance crew ng Pilipinas. Sa pangunguna ni MC Shan Tey, pinahanga ng five member dance crew ang lahat nang mag hit ang kanilang first ever single, ang “Papa Pasada” sa online song channels.

 

 

Kakaiba ang Pasada Babes—sila ang kumakatha, kumakanta at gumagawa ng kani-kanilang mga dance routines. Nabuo ang grupo nitong nakaraaang taon matapos silang mag-usap usap na kailangang maiparating sa madla ang kinakaharap na pasakit ng mga commuters sa araw-araw.

 

 

“Lahat po kami magkakabarkada na performers na nawalan ng gig nang pampandemya. Hirap na hirap po kaming makasakay dahil sa kawalan ng masasakyang bus, lalo na provincial buses at jeepney.

 

 

“Naisipan po naming buuin ang Pasada babes para maiparating sa pamahalaan na dapat namang pakinggan kaming mga commuters para maibsan ang pahirap na nararanasan naming po sa araw-araw,” ayon kay MC Shantey, lead singer ng grupo.

 

 

Nakipagkaisa rin ang Pasada babes kay Dom Chad Hernandez, ang secretary general ng commuter group na Pasada CC upang maglunsad ng signature drive upang mas lalong malakas ang pagpaparating sa gobyerno ang mga hinaing at makipagtulungan sa pamahalaan para sa agarang solusyon.

 

 

Nabuo ang Pasada CC noon pang 2019 upang maisulong ang kapakanan ng mga commuters at transport workers.

(RICKY CALDERON)

Ika-95 Taong Anibersaryo ng Kapanganakan ni Ka Blas, ginunita ng mga Bulakenyo

Posted on: February 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Ginunita ng mga Bulakenyo ang ika-95 Taong Anibersaryo ng Kapanganakan ni Gat Blas F. Ople  sa pamamagitan ng isang simpleng programa na inihanda ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan kaninang umaga sa lungsod na ito.

 

 

May temang, “Tulad ni Ka Blas, Maging Lingkod Bayan na sa Hamon ng Panahon ay Lumalaban”, isinagawa ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Ka Blas na matatagpuan sa Gat Blas F. Ople Building: Sentro ng Kabataan, Kaalaman at Hanapbuhay (Provincial Livelihood Center), Antonio S. Bautista Bulacan Provincial Capitol Compound na pinangunahan ni Gob. Daniel R. Fernando.

 

 

Kabilang din sa mga dumalo ang mga kaanak ni Ka Blas na sina dating mga Bokal Felix V. Ople at Therese Cheryll Ople, dating Bise Gobernador Bernardo F. Ople at Bokal Bernardo B. Ople, Jr.

 

 

Ani Fernando, si Ka Blas ay nagsilbing inspirasyon hindi lamang sa mga Bulakenyo ngunit maging sa lahat ng Pilipino dahil sa kanyang ipinamalas na paglilingkod na nilakipan ng tapat na pagmamahal sa bayan at prinsipyong ipinaglalaban.

 

 

“Nawa’y taglayin ng mga Bulakenyo ang kahit bahagi man lamang ng kanyang mga katangian bilang dakilang Bulakenyo at tunay na Pilipino,” anang gobernador.

 

 

Si Ka Blas na tubong Hagonoy, Bulacan ay nauukit na sa kasaysayan ng bansa bilang Ama ng Labor Code, mamamahayag, Ama ng Overseas Filipino Workers, lingkod bayan at bayaning Bulakenyo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

 

Miller ready nang sumabak sa Beijing Winter Olympics

Posted on: February 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HANDANG-handa na si Fil-American Asa Miller para sa kanyang ikalawang pagsabak sa Winter Olympic Games sa Beijing, China.

 

 

Lalahok si Miller, nasa kanyang ikalawang sunod na Winter Olympics appearance, sa men’s Giant Slalom sa Pebrero 13 at sa Slalom event sa Peb­rero 16.

 

 

“Talagang he dedica­ted himself full time just to prepare for this coming participation in the (Winter) Olympics,” wika ni Phi­lippine Chef De Mission Bones Floro.

 

 

ng Fil-Am Alpine skier ang nag-iisang kakatawan para sa Pinas sa Beijing Winter Olympics.

 

 

Unang lumahok ang 21-anyos na si Miller sa Winter Olympics noong 2018 Pyeong Chang, South Korea kasabay si Pinoy figure skater Michael Christian Martinez.

Sa giant slalom event lamang sumalang si Miller sa nasabing edisyon ng Winter Games at naglista ng 2:49.95 para tumapos sa ika-70 sa kabuuang 100 partisipante.

PNP mas magiging mabusisi sa pagtatalaga ng police security escort sa mga humihiling na pulitiko

Posted on: February 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na mas magiging mabusisi sila sa pagtatalaga ng police security escorts sa mga humihiling na pulitiko.

 

 

Sa ngayon naghihintay na lamang ng clearance mula sa Commission on Election (COMELEC) ang lahat ng kandidato sa eleksyon.

 

 

Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, napaghandaan na ng PNP ang dami nang mga hihiling ng police escort pero magiging mabusisi sila sa pagbibigay nito.

 

 

Kapag may cleareance na mula sa COMELEC, paiiralin ng PNP ang alunan doctrine kung saan hanggang dalawang security escort lang bawat kwalipikadong kandidato ang ibibigay nila.

 

 

Kung lalampas aniya sa dalawa ito ay kung may imminent threat ang isang kandidato.

 

 

Sa ngayon ayon kay PNP Chief batay sa kanyang pagiikot sa mga PNP regional offices maayos itong nasusunod nang kanyang mga tauhan. (Daris Jose)