• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 7th, 2022

Ads February 7, 2022

Posted on: February 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Lock-in shooting nila ni ALDEN, naudlot na naman: BEA, may gagawin ding American movie na isu-shoot sa Panay Island

Posted on: February 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-RELEASE na ng official statement ang actor na si Diether Ocampo tungkol sa aksidente niya last February 3, 2022.

 

 

Ayon kay Diether, “I had a long and exhausting meeting which lasted until almost midnight.  As I was driving home, I figured in a vehicular accident involving my SUV and a truck.

 

 

“I am relieved that no one else got hurt and I apologize for any inconvenience I may have caused due to the unfortunate accident, especially to the other party.  I am extremely grateful that I emerged unscathced except for a bump in the head and some bruises.  I am very thankful for God’s continuous mercy and protection.

 

 

“Thank you sincerely to everyone onsite, from the people who called for help, the first responders, and especially to the Philippine Red Cross personnel who rushed me to the hospital.

 

 

“I also wish to express my gratitude to the doctors, nurses and staff at the Makati Medical Center for taking very good care of me.  I am feeling better now and I have already been cleared to recuperate in private.

 

 

“Again, I wish to thank everyone for your prayers and well-wishes.”

 

 

***

 

 

THANKFUL si Kapuso Primetime Queen Marian Rivea sa mga natanggap niyang gifts from luxury brands na Louis Vuitton and Buccellati.

 

 

Hindi naman kataka-taka na makatanggap ng special gifts si Marian mula sa luxury brands na pina-patronize niya.  May collection kasi si Marian ng designer items na tulad ng bags, shoes, clothes, and jewelry.

 

 

Ipinakita pa ni Marian sa IG stories niya ang pagbubukas niya ng box, mula sa famous French brand na Louis Vitton, na naglalaman ng classic monogram blanket (na kung titingan sa LV’s website, ang price nito ay USD1,510 or equivalent sa PH77,081.72).

 

 

Marian wrote sa kanyang post: “Muchas Gracias…@louisvuitton.”

 

 

“One of the world’s most renowned high jewelry houses naman ang Buccellaltti, na nagsimulang gumawa ng ‘one of a kind jewels and watches since 1919.’ May kasama pa itong book titled: “Buccellatti: A Century of Timeless Beauty.”

 

 

Nagpasalamat si Marian sa brand at sa co-creative director nitong si Lucrezia Buccellati Wildenstein: “Thank you @buccellattimilan for this gift!  Loved going  through the pages of this beautiful book @lucreziabuccellati.”

 

 

***

 

 

PAREHO pang nagtatapos sina Kapuso actress Bea Alonzo at Asia’s Multimedia Star Alden Richards ng mga TV commercial shoots ng kanilang mga endorsements, solo or magkasama silang dalawa, bago sila sumabak sa lock-in shooting.

 

 

Wala pa naman silang definite schedule ng simula ng shoot ng movie nilang gagawin na co-production venture ng Viva Films, GMA Network at APT Entertainment kaya tamang-tama naman na matatapos muna nila ang mga nauna nilang commitments.

 

 

Tulad ni Alden, bigla ngang dumating ang offer na endorsement ng isang brand ng cellphone na dati na niyang na-endorse,  now kasama na niya ay isa sa paborito niyang actress.

 

 

At may TVC shoot din siya ng isang product na na-endorse na niya dati with a Viva Films actress pero ngayon ay nag-renew muli sa kanya na si Bea naman ang kasama niya.

 

 

Meanwhile, abala rin ngayon si Bea sa paggawa ng mga new episodes ng vlog niya, dahil hindi na niya magagawa ito kapag nag-lock-in shoot na siya.

 

 

May gagawin ding American movie si Bea, Angel Warrior, based on real World War II story, to be written by Bruce McKenna and John Fusco, na isu-shoot sa Panay Island this year, a production venture by Inspire Studios.

(NORA V. CALDERON)

Tagumpay ng Pinas laban sa COVID-19, masyado pang maaga para ideklara-Nograles

Posted on: February 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALANG balak ang Malakanyang na ideklara ang pagkapanalo ng bansa laban sa coronavirus (COVID-19) pandemic.

 

 

Ang katwiran ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, marami pang tao sa bansa ang hindi pa nababakunahan.

 

 

Ang pahayag na ito ni Nograles ay kasunod ng ulat na ang Kalakhang Maynila, epicenter ng infections ay nasa moderate risk na ngayon.

 

 

Ani Nograles, hindi pa ito ang tamang panahon para ideklara ang pagkapanalo ng Pilipinas laban sa pandemiya.

 

 

Nauna rito, inanunsyo kasi ng Malakanyang ang pagpapaluwag sa COVID-19 restrictions sa bansa partikular na ang kamakailan lamang na pagbabago sa protocols para sa  returning overseas Filipinos at arriving foreigners.

 

 

“Maaga pa rin para magdeklara ng lubos na tagumpay kontra COVID-19,” anito.

 

 

Matatandaang sinabi ng World Health Organization (WHO) na “It is premature for any country to declare victory.” (Daris Jose)

Usap-usapang lilipat na sa TV station ng mga Villar: Show at kontrata ni WILLIE, magtatapos na ayon sa short statement ng GMA

Posted on: February 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LAST Saturday, February 5, naglabas ng official statement and GMA Network tungkol sa pag-e-expire ng contract ni Willie Revillame na host ng variety show na Wowowin.

 

 

Nagsimula itong umere noong May 2015 at sa kasagsagan ng pandemya, nagka-sub title ito ng ‘Tutok To Win’ na kung saan ang dami talaga niyang natulungan na mga kababayan na lalong naghirap, nawalan ng trabaho at nagkasakit dahil sa COVID-19.

 

 

Maikli lang ang statement ng Kapuso Network, pero malaman.

 

 

“Willie Revillame’s contract with GMA Network is set to end on the 15th of this month. His show Wowowin will air until Friday, February 11.

 

 

“We wish him good luck in his future endeavors.”

 

 

Hindi pa malinaw kung itutuloy ang pag-ere ng Wowowin sa Channel 2 na pag-aari na ngayon ni ex-Senator Manny Villar.

 

 

Pero base sa mga komento ng netizens, baka totoo ang usap-usapan na maging headliner ang show si Willie sa bagong bubuksang TV station at posibleng maibalik sa noontime slot ang Wowowin.

 

 

May mga nagulat din sa paghihiwalay ng landas nina Willie at GMA, may suggestions din kung ano ipapalit sa iiwanang timeslot:

 

 

“What? Kakasabi nya lang nagrenew sya for another year. Ganda naman ng working relationship nila.”

 

 

“Kasi magiging prime talent siya do. Sa channel ng mga Villar. Eh kung tapos naman na yung kontrata niya hindi naman problema yun.”

 

 

“Gusto kasi ni Koya Wel, noontime slot. Mas maraming pera sa noontime.”

 

 

“Atleast walang nalabag na contract mag-i-end na pala. Maganda naging partnership nila ng GMA pero bff and business partner din nya si Manny Villar. Maganda ang paghihiwalay. Bongga!”

 

 

“At least they part ways w/o burning bridges. Malakas ugong na Will is transferring to Villar’s channel. It’s understandable.”

 

 

“Dami natulungan ng show nya. Sana ituloy nya kahit sa youtube. Wag ka lng papasok sa politika juskopo.”

 

 

“Babalik na sya sa 2 (not ABS ah) kasi nakuha ni Manny Villar yung signal/frequency?”

 

 

“Di ba nag-annouce siya na extended sila ng 1 more year? Ano kaya nangyari?”

 

 

“Parang nung nakaraan lang, proud pa syang na-extend yung contract with GMA for another year. Anyare?”

 

 

“Possible hindi siya ni-renew ng network.”

 

 

“Nope it’s the other way around, si willie ang umayaw na sa gma 7. Malakas ang show nya money maker yan ng gma 7 kaya nga from block timer lang naki partner ang gma 7 as producer.”

 

 

“Omg ang cold ng statement.”

 

 

“Totoo, ramdam na may inis/disappointment ung statement.”

 

 

“What’s cold in the statement? GMA is a straight business business. 2022 na hindi na uso pa cryptic at paplastic sa statement.”

 

 

“Sa new network ni Villar sya lilipat for sure, nagre-ready na ng pilot airing ang new network ni Villar sa February 14.”

 

 

“Willie is not a GMA Talent. He buys his airtime for his show just like APT (Eat Bulaga).”

 

 

“Strictly business yan sa kanila ng GMA. HIndi naman sila katulad ng Dos na laging galit.”

 

 

“Infairness naman kay Willie, andami din natulungan ng show nya. Lalo na ngayong pandemic.”

 

 

“Sa sobrang iksi ng statement ramdam mo yung vibe ng GMA.”

 

 

“Napakashort and precise ng letter ah. Wala man lang pagbabalik tanaw at thank you eklavu. Hahahaha. Nag burn b ng bridge si Kuya Wel? O bk nman yan lng tlga kinaya nung gumawa ng letter hahaha.”

 

 

“GMA made a relatively tamer version of Willie than ABS and TV5, kasing-tame ng statement nila. Short pero malaman.”

 

 

“Remember nung wala siya mapuntahan dahil umalis/inalis siya sa ABS noon, sabi pa niya… “sobrang thankful ako sa GMA, binigyan nila ako ng bagong tahanan.” Hmmm… well ganyan talaga, wala naman permanente sa buhay.”

 

 

“Mas loyal sya kay Manny Villar.”

 

 

“Malaking kawalan to sa GMA.”

 

 

“Hindi rin. Kinaya naman dati ng GMA na wala si Willie.”

 

 

“I’m disappointed in you, Kuya Wil.”

 

 

“GMA made him a humble person. Hopefully lang, wag na bumalik ang dati nyang ugali sa pagtransfer nya. Goodluck.”

 

 

“Pati ba Happy ToGetHer mawawala na rin? WBR ang production nun e..”

 

“Rumors, co-owner si Willie sa station ni Villar.”

 

 

“Si Michael V na lang ipalit. Kuya Wowie.”

 

 

“Sana naman mag-rerun ng Survivor Philippines. Gma nman oh kahit ung unang season lang.”

 

 

“Sana yung Runningman Ph na ang ipalit sa time slot ng Wowowin.”

 

 

Naalala rin ng netizen na, “I heard Joey De Leon and Sir Mike Enriquez were the ones who helped him with GMA7.”

 

 

Well, abang-abang na lang sa magiging kaganapan ng bagong show ni Kuya Wil and goodluck!

(ROHN ROMULO)

Abalos, iniwan ang MMDA

Posted on: February 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TULUYAN nang iniwan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos ang kanyang posisyon dahil simula ngayon, Pebrero 8 ay tatayo na siyang bilang campaign manager ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

 

 

“I would like to announce that I am resigning as MMDA chairman,” ayon kay Abalos.

 

 

Sinabi nito na naisumite na niya kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang resignation letter.

 

 

Matatandaang, taong 2016 nang tumayo si Abalos bilang campaign manager ni Marcos nang tumakbo ang huli bilang bise-presidente.

 

 

Ang pagsama ni Abalos sa team ni Marcos ay nangyari isang araw bago ang paglarga ng campaign period ng mga tumatakbo sa national position.

‘Ready to Build Program’ng NDRRMC at World Bank

Posted on: February 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAAASAHAN  ang pinalawig na “Ready to Rebuild Program” ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at World Bank ngayong 2022.

 

 

Ayon kay NDRRMC Executive Director at Civil Defense Administrator Undersecretary Ricardo B. Jalad, apat pang training batches ang isasagawa ngayong taon matapos ang unang apat na isinagawa noong nakaraang 2021.

 

 

Binigyang diin ni Jalad na ang proseso ng rehablilitasyon at pagrekober ay hindi lang dapat simulan pagkatapos ng sakuna, kundi bago pa man ito dumating.

 

 

Kailangan aniyang may sapat na kasanayan at paghahanda ang mga komunidad para mas mabilis ang pagbangon mula sa mga kalamidad.

 

 

Dagdag ng NDRRMC official, bibigyang prayoridad para sa unang training batch sa taong ito, at pang-lima sa serye ng pagsasanay, ang 35 local government unit (LGU) mula sa limang rehiyon na lubhang napinsala ng Bagyong Odette.

Bayanihan, Bakunahan muling ikakasa sa Pebrero 10 at 11

Posted on: February 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING aarangkada ang ikatlong National Vaccination day sa bansa.

 

 

Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na sa darating na sa darating na Pebrero 10 at 11 ay muling aarangkada ang Bayanihan, Bakunahan.

 

 

Ani Usec Cabotaje, maliban sa mahalagang mabigyan ng proteksiyon ang mga hindi pa bakunado para sa ikatlong Pambansang Bakunahan ay prayoridad din na mapagkalooban ang mga dapat na makatanggap ng booster shot.

 

 

Aniya, target din nila na maitaas ang vaccination rate sa hanay ng nasa A2 at A3 group gayong nananatiling mababa pa rin ang porsiyento ng mga nakatanggap na ng bakuna sa nabanggit na kategorya.

 

 

Pumalo lamang aniya kasi sa 60 % ang mga senior at may commorbidities na nabakunahan na at kailangan itong mapataas lalo’t sila ang tinatawag na vulnerable sector.  (Daris Jose)

Pinas, nakatanggap ng 442K respirator masks mula Canada

Posted on: February 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATANGGAP ang Pilipinas ng 442,000 respirator masks mula sa Canadian government .

 

 

Ang nasabing dami ng respirator mask ay first tranche mula sa 837,000 respirator face masks na bigay ng Canadian government sa Department of Health (DOH) bilang pagsuporta sa health care workers na nangunguna sa paglaban sa coronavirus pandemic.

 

 

Nagkakahalaga ito ng P136 milyong piso.

 

 

Araw ng Biyernes, pinangunahan ni Canadian Ambassador to the Philippines, Peter MacArthur, ang pag-hand over ng first tranche na 442,000 masks sa DOH headquarters sa Maynila.

 

 

Noong Setyembre 2020, nag-turned over din ang Canada ng 120,000 N95 masks sa DOH.

 

 

“Canada is collaborating closely with the government of the Philippines and regional partners in the fight against Covid-19,” ayon kay MacArthur nang isagawa ang turnover ceremony.

 

 

“Our collaboration includes close engagement with the Association of Southeast Asian Nations (Asean) and its member states to support a coordinated and multilateral effort aimed at limiting and ending the pandemic,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ang masks ay ibinigay sa pamamagitan ng pagtutulungan sa pagitan ng Canadian government, Asean Secretariat, at Asean member states upang pagaanin ang biological threats.

 

 

Simula pa 2013, ang mga partidong ito ay nagtutulungan na upang palakasin ang biological security, biological safety, at disease surveillance capabilities sa rehiyon.

 

 

“Building on this longstanding partnership, Canada has provided additional support to Asean partners to combat the Covid pandemic. This includes donating nine and a half million units of personal protective equipment, non-medical masks to the Asean Secretariat and seven member states, including the 837,000 masks for the Philippines,” ayon kay MacArthur. (Daris Jose)

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 24) Story by Geraldine Monzon

Posted on: February 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KASALUKUYANG  magkausap sa cellphone sina Janine at Andrea nang marinig ng una ang pasigaw na boses ng isang lalaki sa background ng huli.

 

“ANDREA, ASAN NA ‘YUNG PINAPAPLANTSA KO SA’YO?”

 

“Sir Jeff, s-sorry po nakalimutan ko!”

 

“Nakalimutan? Nakalimutan? Diba sinabi ko na sa’yo na susuotin ko ‘yon ngayon sa date ko?”

 

“A-ang dami ko po kasing ginawa sa kusina, nawala po sa isip ko, pasensya na…”

 

“Hindi ako tumatanggap ng pasensya, sige plantsahin mo ito dali, kung ayaw mong plantsahin ko ‘yang pagmumukha mo!”

 

Matapos iyon ay ang pabalyang pagsara na ng pinto ang narinig ni Janine mula sa kabilang linya.

 

“Andrea, sobra namang makapagsalita ‘yang amo mo!”

 

“Sanay na’ko sa kanya. O sige na, mamaya na lang ulit tayo mag-usap, paplantsahin ko na muna itong polo niya at baka lalo pang magalit ‘yon.”

 

Awang-awa man ay walang magawa si Janine para sa kaibigan. Kung pwede lang na sabihin niya kina Ma’am Angela at Sir Bernard niya na kuhanin na lang kasambahay si Andrea , kaya lang nahihiya naman siya sa mga ito.

 

Sa pagbabalik ni Janine sa kanila ay napansin ni Bernard na tila hindi na komportable si Angela.

Mula sa bintana ay nakatanaw sila sa hardin kung saan naroon sina Lola Corazon at Janine.

 

“Sweetheart, bakit parang hindi ka masaya sa pagbabalik ni Janine, dahil pa rin ba’to sa anak siya ni Regine?”

 

“Hindi naman sa gano’n… siguro na-disappoint lang ako na meron pala talaga siyang mga magulang.”

 

“Sabi ko na nga ba…umasa ka na siya si Bela?”

 

Hindi umimik si Angela. Sa halip ay humugot lang ito ng malalim na buntong hininga.

 

Hinawakan siya ni Bernard sa mga balikat at tiningnan sa mga mata.

 

“Sweetheart, lagi mong tatandaan, nawala man sa atin si Bela, hindi man niloob ng Diyos na magkaroon ulit tayo ng anak, ikaw lang at ako, sapat na. Kuntento na ako sa pagmamahalan nating dalawa.” Pagkasabi niyon ay masuyo niyang hinagkan sa labi ang asawa.

 

Biglang tumunog ang cellphone ni Janine. Nang makita ang numero ng ina ay bahagya siyang lumayo kay Lola Corazon na pinapakain niya. Ayaw niyang marinig nito ang magiging usapan nila.

 

“Ma?”

 

“O ano, kumusta diyan?”

 

“Ayos naman po ma. Kumusta po kayo?”

 

“Nandito ako sa puntod ng papa mo ngayon. Okay lang ako. Yung bilin ko sa’yo huwag mong kakalimutan. Kailangan mong magpaawa sa mag-asawa para matulungan nila tayong maibangon ang negosyo, naiintindihan mo ba o baka kinalimutan mo na?”

 

“Naiintindihan ko po ma. Pero kakabalik ko lang kasi rito kaya…”

 

“I don’t care. Huwag kang mag-aaksaya ng oras, okay?”

 

“O-opo ma…”

 

“Parehong malambot ang puso ng mga ‘yan, lalo na si Angela kaya hindi ka mahihirapan sa pinagagawa ko sa’yo.”

 

“Sige po ma. Kailangan ko nang balikan si Lola Corazon, hindi pa po siya tapos kumain.”

 

Ibinaba nan i Janine ang cellphone at malungkot na tumingin sa matanda.

 

Lingid kay Janine ay may iba pang plano si Regine.

Nakaharap ito sa salamin at pinapaganda ang sarili.

 

“Hmmm…why not? Minsan nang nabaliw sa akin si Bernard…hindi imposible na maakit ulit siya sa akin kung ibabalik ko ang dating ako. Kapag nangyari ‘yon, hindi ko na kailangang mangutang kung kani-kanino. Pwede akong makabalik sa pedestal. Balita ko maganda ang naging trabaho ni Bernard sa Hawaii kaya nakaipon silang mag-asawa. At ngayon ay maganda pa ang posisyong ibinigay sa kanya sa kumpanyang pinapasukan niya. Well…good luck Regine…goodluck sa bago mong agenda.” Nangingiting kausap nito sa sarili.

 

Umaga.

Papunta na sa Bela’s Restaurant si Angela nang biglang mahimatay si Janine habang papasok naman ito sa silid ni Lola Corazon dala ang tray na may gamot at isang baso ng tubig. Nabasag ang baso nang mabitawan ito ng dalaga. Nagmamadaling lumapit si Angela.

 

“JANINE! JANINE!”

 

Nasa office na si Bernard kaya’t si Mang Delfin na ang tumulong kay Angela upang madala sa ospital si Janine.

 

Hindi mapakali si Angela habang tsine-check ng doktor ang dalaga sa isang room. Sinagot niya ang tawag ni Bernard.

 

“Sweetheart, kumusta si Janine, anong sabi ng doktor?”

 

“Wala pa. Pero nag-aalala ako.”

 

“Calm down. Baka naman low blood lang siya or ano. Pupuntahan kita diyan after ng meeting namin ng client ko, ok?”

 

Nang makarating kay Regine ang balitang naospital ang anak ay agad niya itong tinawagan.

 

“Good job anak. So iyan ba ang naisip mong gimik para sa plano natin?” tuwa pang sabi nito.

 

“Ma…”

 

“Don’t worry, you’ll be fine. Ipagpatuloy mo lang ‘yan at susuportahan kita diyan!”

 

“Pero ma kasi hindi naman po…”

 

Hindi na naituloy ni Janine ang sasabihin nang mawala na sa kabilang linya ang ina. May dumating kasi itong bisita na dati nilang client sa kumpanya kaya agad na nitong ini-off ang call.

 

Samantala. Masinsinang kinausap ng doktor ang mag-asawa tungkol sa kalagayan ni Janine.

 

“Ahm doc, I hope na isang simpleng sakit lang ito na madaling lunasan, or baka naman buntis lang siya, although sa pagkakaalam namin ay wala siyang bf.” pangunguna ni Angela.

 

Huminga muna ng malalim ang doktor bago sumagot.

 

“I hope so. Pero ayon sa result ng mga naging pagsusuri sa kanya…it shows na meron siyang cancer. Kanser sa dugo.”

 

Natigilan ang mag-asawa. Nagkatinginan sila.

 

“Doc, wait, kanser agad? Isang beses pa lang namin siya nakitang hinimatay at wala kaming nakitang kahit anong sintomas na may dinadala siyang sakit kaya imposible yata ‘yon?” ani Bernard.

 

“Pero wala rin naman po kaming dahilan para manipulahin ang resulta ng mga test niya. Anyway, kung gusto nyo pong magpa-second opinion, go ahead po.”

 

 

Pinili ni Janine na umuwi kina Angela at Bernard pagkagaling sa ospital. Iginiit niyang kaya niya ang sarili at kaya pa rin niyang magtrabaho para kay Lola Corazon kahit sinabi na sa kanya ng mag-asawa ang kanyang kondisyon.

 

Gabi. Tinawagan niya si Andrea. Ipagtatapat sana niya ang kalagayan niya subalit narinig niya ang mga paghikbi nito mula sa kabilang linya.

 

(ITUTULOY)

Panawagan ni PDu30 sa mga senador, hayaan ang business sector na hawakan ang Malampaya deal

Posted on: February 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KINASTIGO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Senate resolution na nagrerekomenda na sampahan ng kaso si Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi at iba pang opisyal na may kinalaman sa di umano’y maanomalyang pag-apruba sa “sale of shares” sa Malampaya gas field.

 

 

Sa isang kalatas, nagpahayag ng matinding pag-aalala si Pangulong Duterte sa pag-adopt ng Senado sa resolusyon, :as it casts “undue, undeserved, and unwarranted aspersion” sa mga key DOE officials.

 

 

“The government values the critical role and contribution of the Malampaya Gas Field to energy security. I will not allow this valuable resource to be jeopardized and embroiled in the political antics of some members of the Senate,” ani Pangulong Duterte.

 

 

Binigyang diin ni Pangulong Duterte na nananatili ang kanyang “full trust and confidence” kay Cusi at nananatili ito bilang pinuno ng energy department.

 

 

Giit pa ng Pangulo, nananatiling protektado ang national interest at ang karapatan ng pamahalaan ay nananatiling intact sa gitna ng mga kaganapan na may kinalaman sa “share sale and purchase agreement.”

 

 

“I am calling on our legislators to ensure that our ability to compete is not jeopardized by political intrigues and innuendoes. Leave business transactions in the capable hands of the business sector. Let us respect their business decisions while we protect our national interests,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

 

Sa ulat, pinagbibitiw ni Sen. Sherwin Gatchalian nitong Miyerkoles si Energy Secretary Alfonso Cusi at 11 iba pang opisyal ng Department of Energy (DOE) dahil sa umano’y mga anomalya sa kanilang ahensya.

 

 

Sa isang privilege speech, na may titulong “Lutong Macau na nga,” nanawagan din ang senador na sampahan ng mga reklamong kriminal at administratibo si Cusi at mga tauhan dahil daw sa katiwalian, gross neglect of duty at misconduct.

 

 

Bunga ito ng imbestigasyon ng Senate Committee on Energy kung saan lumitaw na minadali umano ng DOE ang pag-apruba sa pagbebenta ng 45 percent na shares ng Chevron sa kumpanyang UC Malampaya na subsidiary ng Udenna Corp. na aniya’y kapos sa financial capability.

 

 

“Ako ay nanawagan kay Secretary Cusi at kaniyang mga subordinates na magbitiw na sa puwesto sa lalong madaling panahon,” ani Gatchalian.

 

 

“Matapos ang lahat ng nangyari, hindi na kayo mapagkakatiwalaan pa ng sambayanang Pilipino dahil hindi kayo naging tapat sa pangangalaga ng kaisa-isang pinagkukunan ng bansa ng natural gas.”

 

 

Napag-alaman ng Senate Energy Committee na -$137.2 million o -P6.9 billion ang initial working capital nito.

 

 

Nang magsagawa rin aniya ang DOE ng financial evaluation, hindi ang UC Malampaya ang sinuri kundi ang UC 38 LLC, na sa Chevron Malampaya.

 

 

Tinukoy na $565 million o P40 billion ang halaga ng Chevron shares na ibinenta sa UC Malampaya.

 

 

Bukod dito, nagpabago-bago rin umano ang polisiya ni Cusi. Sinabi umano nito noong una na kailangang aprubahan ng DOE ang bentahan ng shares. Pero sa isang Senate hearing, sinabi niyang hindi na kailangan ang approval ng DOE.

 

 

Binigyang diin ni Gatchalian na mahalaga ang Malampaya dahil doon nanggagaling ang enerhiya na nagpapailaw sa 4.5 million na bahay sa Mega Manila.

 

 

“Ang batas ay batas. Ang sinumang lalabag dito ay dapat panagutin. Nananawagan ako sa mga awtoridad na agad na magsampa ng mga kasong administratibo at kriminal laban kay Secretary Alfonso Cusi na nag-apruba sa Chevron-UC Malampaya at ibang opisyal ng DOE na sumuri ng naturang kasunduan,” sabi ni Gatchalian.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Pangulong Duterte marapat lamang na igalang ang pagbebenta at pagbili ng stock ng Chevron Malampaya LLC ay private transaction sa pagitan ng private entities

 

 

Aniya, kapuwa, ang foreign at local investments ay mahalaga sa ekonomiya ng bansa.

 

 

“We compete for them with other countries, and our ability to do so requires me to create and maintain an environment conducive to the entry of investors,” anito.

 

 

Samantala, kinikilala naman ng Pangulo ang kapangyarihan ng Senado na magsagawa ng congressional probes “in aid of legislation,” dapat lamanganiya itong gawin “with prudence and circumspection, devoid of reckless accusations, and focused on improving existing laws”.