• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 10th, 2022

COMELEC AT E-MONEY TRANSFER WALA PANG KASUNDUAN

Posted on: February 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Commission on Elections (Comelec)  nitong  Peb. 8, na wala pang konkretong kasunduan sa mga e-money transfer companies para masubaybayan ang mga aktibidad sa pagbili ng boto.

 

 

Gayunman, sinabi ni  Comelec Spokesperson James B. Jimenez na ang  poll body ay sinusubukang gawin ang isang bagay sa usaping ito.

 

 

“Wala pa tayong (We still have no) concrete agreements with different wallets but we’re trying to get something done,” sabi ni Jimenez sa online press briefing.

 

 

Ang problema sa pagsubaybay sa mga  e-money transfers, ayon kay Jimenez, ay medyo mahirap ayusin ang katotohanan na halos walang patunay sa naturang maling gawain

 

 

“How can you prove that your particular use of an e-wallet is for criminal purposes,” wika nito.

 

 

Binanggit din ni Jimenez na ang pagbibigay ng pera sa isang sulok ng kalye ay ibang senaryo sa e-payment.

 

 

“It’s a little trickier so the problem there is to first define the criminal activity,” sabi pa ni Jimenez.

 

 

“When you are talking about e-payment systems, that’s still very complicated. We’re still working on it,” dagdag nito

 

 

Ang e-money transfer ay naging talamak sa panahon ng pandemya  kung saan ilang pamahalaang lokal din ang gumamit ng e-money transfer para mamahagi ng ayuda.

 

 

Sinabi pa ni Jimenez na ang depinisyon ng vote-buying ay talagang nagsasabi na iyon ay ang pagpapalitan ng halaga para sa pangako ng isang boto

 

 

“Traditionally, vote-buying is considered to be an Election Day activity, or if not Election Day itself, then definitely in close proximity to the day of elections,”

 

 

“But please remember that the definition of vote-buying does not specifically state that it only happens… days before elections.” pahayag pa ni Jimenez.

 

 

Sinabi ng tagapagsalita ng poll body na kung ang pagbili ng boto ay ginawa sa panahon ng halalan, “kung gayon ito ay maaaring maisip na isang posibleng paglabag sa pagbili ng boto.” (GENE ADSUARA)

UAE niluluwagan na ang mga ipinatupad na COVID-19 restrictions

Posted on: February 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INUUNTI-UNTI na ng United Arab Emirates ang pagtanggal ng COVID-19 restrictions.

 

 

Ito ay matapos ang tuluyang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

 

 

Isa sa mga ipapatupad ay ang pagpayag ng maximum capacity sa mga venues.

 

 

Ayon kasi sa National Emergency Crisis Management Authority na mayroon lamang 1,538 na bagong COVID-19 cases ang kanilang naitala sa loob ng isang araw.

 

 

Isa kasi ang UAE sa may mataas na bilang ng mga natuturukan ng bakuna laban sa COVID-19.

Trudeau nanawagan sa mga truckers sa Ottawa na tigilan na ang pagsasagawa ng protesta

Posted on: February 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANANAWAGAN  si Canadian Prime Minister Justin Trudeau na tigilan na ng mga truckers ang ginagawa nilang kilos protesta.

 

 

Sinabi nito na labis siya ng nagulat at dismayado sa ibang pag-uugali ng mga protesters.

 

 

Ilan sa mga dito ay ang vandalism at racial abuse.

 

 

Dagdag pa ng Canadian Prime Minister na hindi nila pinipigilan ang karapatan ng bawat isa na magprotesta subalit ang nagiging mali lamang ay naapektuhan na ang kanilang ekonomiya.

 

 

Magugunitang umabot na sa dalawang linggo ang isinasagawang kilos protesta ng mga truck drivers laban sa patakaran na dapat ay bakunado na sila sa pagpasok sa Ottawa.

US inaprubahan na ang $100-M missile upgrades ng Taiwan

Posted on: February 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ng US ang $100-milyon na missile upgrades sa Taiwan.

 

 

Ayon sa Pentagon na ang nasabing pag-upgrade ng Patriot missile defense system ng Taiwan ay malaking tulong lalo na ang pagtanggol nila kanilang teritoryo na balak na lusubin ng China.

 

 

Ikinagalit naman ng China ang nasabing pagtulong ng US sa Taiwan.

 

 

Magugunitang patuloy na inaangking ng China ang Taiwan kung saan sinasabing bahagi pa rin ito ng kanilang bansa.

PATAKARAN SA KAMPANYA, IPATUPAD

Posted on: February 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAALALAHANAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato sa mga paghihigpit na ipatutupad para sa personal na pangangampanya, bukod sa iba pang mga patakaran habang nagsisimula ang 90-araw na campaign period para sa mga pambansang kandidato kahapon, Feb.8

 

 

Sinabi ni Comelec’ Education and Information Department (EID) Director Elaiza David sa Laging Handa briefing na ang kampanya ngayon ay kakaiba sa karaniwang campaign rules pre-coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic dahil ang bawat aktibidad ay kailangang magkaroon ng pag-apruba ng bagong likhang National Comelec Campaign Committee, na ang pangunahing tungkulin ay i-regulate ang kampanya sa halalan sa ilalim ng new normal.

 

 

Ang komite ay pinamumunuan ni Commissioner Rey Bulay habang si David ang hepe ng secretariat nito. Binubuo ito ng Department of Health, Department of the Interior and Local Government, Armed Forces of the Philippines, at Philippine National Police.

 

 

Kaugnay sa “no physical contact”, sinabi ni David na ang mga kandidato ay hindi na papayagang pumasok sa mga bahay , beso-beso o pagyakap  sa publiko .Maging ang pakikipagkamay at pagse-selfie ay hindi rin pinapayagan.

 

 

Ipagbabawal din ang pagbibigay ng pagkain, tubig o anumang may halaga.

 

 

Bawal  din ang pagtitipon-tipon o pagdagsa ng maraming tao.

 

 

“So crowding is also forbidden especially maybe if the candidate is popular. Taking of selfies are also not allowed and it is always forbidden to give food or drink or anything of value now in the campaign,” ani David .

 

 

Idinagdag ni David na ang isa pang bagong regulasyon na ipapatupad ay para sa mga organizer ng mga in-person campaign, pagdaraos ng mga rally, caravan at iba pang campaign activities para makakuha ng permit mula sa Committee sa pamamagitan ng pag-aplay sa regional o provincial election offices kung saan gaganapin ang kanilang mga event.

 

 

Sa E-rallies naman, sinabi ng Comelec official na magsisimula na rin ang  live-streaming ng  rallies ng national candidates ngayong araw.

 

 

Aniya  nagkaroon sila ng pagpupulong nitong Lunes kung saan binigyang-diin nila ang mga kandidato at ang kanilang mga kinatawan kung paano gagawin ang livestreaming.

 

 

Araw-araw simula Pebrero 8, magkakaroon ng tatlong hanay ng mga kandidato bawat gabi kung saan bibigyan sila ng pagkakataong i-livestream ang kanilang mga campaign rally sa poll body’s e-channel via https://www.facebook.com/COMELECeRallyChannel.

 

 

Sa unang gabi, binubuo ng Group 1 ang presidential bets na si dating  National Security Adviser Norberto Gonzales, Senator Manny Pacquiao, at  Faisal Mangondato.

 

 

Samantala, ang Group 2  ay bubuuin nina Jose Montemayor, dating presidential spokesperson Ernesto Abella, at labor leader Leody de Guzman, na magsisimula sa Pebrero 9.

 

 

Para sa ikatlong grupo na binubuo nina Bise Presidente Leni Robredo, dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Senador Ping Lacson at Manila Mayor Isko Moreno, ang kanilang mga e-rallies ay nakatakdang magsimulang ipalabas sa Pebrero 10.

 

 

Bibigyan naman ng 10 minuto ang bawat kandidato sa e-rallies

 

 

Para sa vice-presidential bets, ang pagpapalabas ng e-rallies para sa Group 1 na binubuo nina Manny Lopez, Dr. Willie Ong, at Rizalito David ay magsisimula sa Pebrero 8.

 

 

Nakatakda sa Pebrero 9 ang airing ng mga unang e-rallies nina Carlos Serapio, presidential daughter na si Sara Duterte-Carpio, at Representative Lito Atienza ng Group 2.

 

 

Magsisimula sa Pebrero 10 ang e-rally ng ikatlong grupo ng vice presidential bets na binubuo nina dating congressman Walden Bello, Senator Kiko Pangilinan, at Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

 

 

Magkakaroon din ng 10-minute e-rally time slots ang mga  vice presidential candidates .

 

 

Para sa mga senatorial candidate at party-list organization, bawat gabi ay limang senatorial bets at limang party-list ay binibigyan ng tatlong minutong e-rally programs.

 

 

Pinayuhan naman ng Comelec ang publiko na bumisita lamang sa social media pages ng poll body para sa karagdagang mga impormasyon .

 

 

Ayon sa Comelec, nasa 10 kandidato ang tumatakbong panguloha ang siyam naman ang tumatakbo para sa vice presidential seat.

 

 

Nasa 64 senatorial aspirants naman ang  maglalaban-laban para sa 12 senatorial seats habang mayroong 178 party-list candidates. GENE ADSUARA

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 27) Story by Geraldine Monzon

Posted on: February 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-ALALA si Andrea sa kabilang linya nang tila nabitawan ni Janine ang cellphone.

 

“Janine? Hello Janine?”

 

Wala ng sagot mula sa kaibigan.

 

“JANINE!” sigaw ni Andrea.

 

Nanginginig ang mga kamay ni Andrea na hindi mabitawan ang kanyang cellphone hangga’t hindi sumasagot si Janine.

 

Sa ospital na nagkamalay si Janine. Nasa tabi niya si Angela. Nakatayo naman sa likod ni Angela si Bernard.

 

“Anak, mabuti at nagising ka na…” si Angela.

 

“Mom…dad…”

 

“Tinawagan agad ni Lola Corazon si Mang Delfin. Mabuti na lang at nadala ka agad dito sa ospital. Kumusta ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong ni Bernard.

 

“Ayos lang po dad…”

 

Napansin ni Angela ang mga luha sa mata ng dalaga.

 

“Bakit ka umiiyak?”

 

“Naiiyak lang po ako kasi…kasi hindi nyo po ako pinababayaan…naiiyak ako kasi, nakatagpo ako ng mga bagong magulang…”

 

Hinawakan ni Angela ang kamay ni Janine.

 

“Isa lang ang hihilingin namin sa’yo Janine…tibayan mo ang loob mo…magpagaling ka, magpalakas ka, nandito lang kami lagi sa tabi mo. Pag  magaling ka na, pwede tayong mamasyal sa ibang bansa, kahit saan mo gusto.”

 

“T-Talaga po?”

 

“Oo Janine. Magiging isang masayang pamilya tayo. Itutuloy pa rin natin yung bonding natin sa paghahalaman. Yung bonding natin sa iba’t-ibang mga recipes sa restaurant, ang dami mo kasing pinapaturo sa’kin. At ang pinakapaborito kong ginagawa natin, yung nagkakape tayo sa hardin habang minamasdan ang mga bituin sa langit kung saan naroon si Bela.”

 

Ginagap ni Janine ang kamay ni Angela. Pati ang kay Bernard.

 

“Mom…dad…mahal ko kayong dalawa…nang higit sa iniisip nyo…”

 

Hindi na rin napigilan ni Angela ang pagpatak ng mga luha sa tinuran ng bago nilang anak. Pinahid niya ang mga butil ng luha bago niyakap ang dalaga.

 

“Mahal ka rin namin anak, mahal na mahal…”

 

Nakiyakap na rin sa kanila si Bernard.

 

Samantala.

Hindi na nagpatumpik tumpik pa si Regine. Agad siyang nag-impake upang makapagrenta sa pinakamalapit na apartment malapit sa bahay nina Bernard. Naiinip na kasi siyang maisagawa ang sariling plano.

 

“I’m coming Bernard! Soon we will be family. Me, Janine and you…” ani Regine habang nag-aabang ng taxi na maghahatid sa kanya sa sakayan ng bus.

 

Pero mukhang inalat na siya papunta pa lamang doon nang biglang masiraan ang bus na sinasakyan niya.

 

“Haist…bakit ba’ko natapat sa malas na bus! Last trip pa naman!”

 

Walang nagawa si Regine kundi ang magcheck in muna sa natanaw niyang malapit na hotel. Ayaw kasi niyang maghintay ng matagal sa ilang na lugar na ‘yon. Lalo pa at madalang na rin ang dumadaang mga sasakyan at taxi. Pinili kasi niyang magbyahe sana ng gabi para walang traffic. Hindi talaga siya sanay magcommute dahil buong buhay niya ay may kotse sila. Kamakailan lang naibenta ang huling kotse na pag-aari nila nung wala na siyang pagpipilian.

 

Hindi makatulog si Regine. Sinubukan niyang i-dial ang numero ni Janine subalit busy ito. Naisipan niyang uminom na lang ng wine na bitbit niya. Gusto niyang ma-relax ang isip kaya hinayaan niya ang sarili hanggang sa makatulugan niya ito. Dahil doon ay hindi siya magising gising sa alarm kahit ilang ulit na itong tumutunog.

 

Umaga.

Pilit nagpauwi si Janine. Ayaw niyang manatili sa ospital ng matagal sa ganoong kalagayan. Habang nasa trabaho pareho sina Angela at Bernard ay dinala niya si Lola Corazon sa hardin, tulak tulak ang wheelchair nito.

 

“Janine apo, sigurado ka bang kaya mo na?”

 

“Lola naman, hindi naman po ako mahinang nilalang eh, ako ‘to si Janine, ang maganda, mabait, masipag at malakas na tagapag-alaga nyo!”

 

“Sang-ayon ako sa sinabi mo.”

 

Nang maipuwesto ang matanda paharap sa naggagandahang mga bulaklak ay pasalampak na naupo si Janine sa bandang paanan nito.

 

“O, teka, bakit nariyan ka sa paanan ko?”

 

“Ayos lang po ako rito lola, komportable po akong maupo sa malambot na mga damo.”

 

“Ganyan din ako noong kabataan ko. Mahilig akong sumalampak sa mga damuhan. Siyanga pala, akala ko ba’y titira sa malapit dito ang iyong ina?”

 

“Opo. Hindi ko nasagot ang tawag niya kagabi kasi kausap ko si Andrea. Pero nagcall back po ako sa kanya, kaya lang siguro tulog na siya kaya hindi na rin niya nasagot.”

 

“Kumusta naman ang relasyon nyo bilang mag-ina?”

 

“Mabait naman si mama eh, kaya lang siguro gawa ng mga stress niya kaya kung minsan hindi na niya namamalayan na nagiging dragon na siya, minsan dinosaur, Graawwl!” natatawang sabi ni Janine kahit halatang nanghihina ang boses nito.

 

Nakitawa na lang si Lola Corazon.

 

“Nami-miss ko na rin si mama…” seryosong sabi ng dalaga.

 

Saglit na katahimikan.

 

“Janine apo, salamat at dumating ka sa buhay namin. Nakita ko kung paano naging masaya sina Bernard at Angela noong tinanggap mo sila bilang mga magulang mo.”

 

“Mas nagpapasalamat po ako dahil sa pagtitiwala , pagmamahal at pagyakap nyo sa akin bilang bahagi ng pamilyang ito.”

 

Pumitas ng dalawang pulang gumamela si Janine at inilagay sa teynga ng matanda habang ang isa ay inilagay naman sa kanyang teynga.

 

“Aba apo, siguradong mas pinaganda tayo ng bulaklak sa ating teynga!”

 

“Opo lola. Ang magagandang bulaklak ang palaging magpapaalala sa atin na maganda ang mundo… Ay, teka lang po, tatawagan ko lang saglit si Andrea!”

 

Hinayaan ni Lola Corazon na makausap ni Janine ang kaibigan habang nakasalampak ulit ng upo ang dalaga sa tabi niya.

 

“Aba, ang aga ng tawag mo ha, ipinagluluto ko pa lang ng almusal si Sir Jeff, teka nag-almusal ka na ba?”

 

“Oo, tapos na, nandito kami ni Lola Corazon ngayon sa garden niya. Nagkukuwentuhan, naalala lang kita kasi bukas Sunday na, magkikita na tayo kaya hindi na ako mapalagay, sobrang excited kong makita ka!”

 

“Parehas tayo, kagabi nga hindi na ako makatulog kakaisip sa’yo eh, sa nag-iisa kong kaibigan!”

 

“O sige, ngayong araw sabay tayong ngumiti ng pinakamagandang ngiti at huwag mong tatanggalin ang mga ngiting ‘yan hanggang sa pagkikita natin bukas!”

 

“Hala, paano naman kapag pinagalitan ako ni Sir Jeff mamaya, nakangiti pa rin ako?”

 

“Oo, malay mo makuha mo siya sa maganda mong ngiti. Basta huwag mong aalisin ang ngiti sa labi mo kahit anong mangyari!”

 

“O sige na nga, sabi mo eh, ikaw din ha!”

 

Natutuwa si Lola Corazon na pakinggan ang usapan ng magkaibigan. Naka-loud speaker kasi ito at naalala niya ang matalik niyang kaibigan noon na nauna ng mamaalam sa kanya sa mundo.

 

Maya-maya ay isinandal ni Janine ang ulo niya sa hita ni Lola Corazon.

 

“Lola Corazon…pakisabi po kina Mommy Angela at Daddy Bernard na palagi rin silang ngumiti tulad ni Andrea…at ikaw din po ha…”

 

“Oo naman apo. Gusto ko rin na laging nakikita ang matamis na ngiti sa mga labi mo.”

 

Hindi alam ni Lola Corazon kung gaano katagal nang nakasandal si Janine sa hita niya. Hinahaplos haplos niya ang buhok nito. Hanggang sa mamalayan niya ang pagtulo ng luha sa sariling mga mata. Alam na niya…ramdam na niya…ipinagpatuloy lang niya ang paghaplos sa buhok ng dalaga habang hawak niya ang isang kamay nito na nakadantay sa kanya.

 

“Janine…apo…mami-miss ko ang pag-aalaga mo sa akin…sige apo, magpahinga ka na…” anang matanda sa pagitan ng pagpatak ng mga luha habang nakatitig sa magagandang bulaklak na nasa harapan nila.

 

(ITUTULOY)

Campaign period, sinimulan sa proclamation rally

Posted on: February 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL nang nagsimula ang bakbakan ng anim na indibidwal na tumatakbo sa national positions sa halalan.

 

 

Sa gitna ng pandemyang dulot ng COVID-19, kanya-kanya nang paandar sa kani-kanilang proclamation rally bilang bahagi ng opisyal na pagsisimula ng campaign period ang anim na presidentiables.

 

 

Sa katunayan, sa unang araw ng pangangampanya, kanya-kanyang pasabog sa kani-kanilang mga naglalakihang proclamation rally ang mga presidential candidate.

 

 

Una na rito ay ang Philippine Arena sa Bulacan kung saan nag-proclamation rally sina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. — na nangunguna sa mga voter survey — at runningmate na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

 

 

Sinasabing, limitado lang sa 25,000 ang papapasukin sa event o kalahati lang ng kapasidad ng venue. Dapat ay fully vaccinated, may ticket at negatibong antigen test result ang mga dumalo

 

 

Sinabi ni dating senador Marcos Jr., magiging sentro ng kanilang pangangampanya ang pagkakaisa.

 

 

Sa nasabing ng proclamation rally ay opisyal na ipinakilala ang 11 senatorial ticket ng “UniTeam” tandem.

 

 

Tiniyak naman ng kampo ni Marcos Jr. na sa mga debate na sponsored ng Commission on Elections sisipot ang kanilang kandidato, na ilang beses nang hindi dumalo sa ibang presidential interview at forum.

 

 

Sa kabilang dako, sa Camarines Sur naman idinaos nina presidential candidate Vice President Leni Robredo at running-mate na si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, kasama ang ilang ineendorso nila sa pagkasenador ang kanilang proclamation rally.

 

 

Kapansin-pansin naman na tila “stop and go” ang diskarte ng grupo kung saan isa-isang dumadating ang mga kandidato para magsalita sa publiko.

 

 

TInawag naman ni Robredo na People’s campaign ang kanyang kampanya dahil halos ang mga supporter ang nag-oorganisa ng mga lakad.

 

 

Nagdaos din ng caravan sa labas ng Camarines Sur ang mga tagasuporta ni Robredo.

 

 

Ang Simbahan ng Sto. Niño sa Tondo, Maynila ang una namang pinuntahan ng Aksyon Demokratiko standard bearer na si Isko Moreno kasama ang mga kapartidong sina Samira Gutoc, Carl Balita at Atty. Jopet Sison – kung saan ipinagdasal niya ang katapusan ng pandemya.

 

 

Makaraan nito ay binagtas niya ang pa-Divisoria at sa mga kalye ng Tondo na dinagsa ng maraming tao, bagay na ikinagulat niya.

 

 

“Nagulat ako. Siyempre as I have promised you we wanted to have a very modest way of doing it. But ah, wala, di mo mapigilan ang tao. I’m very grateful at nakapa-heartwarming, ‘yung parang… di ko maipaliwanag eh,” ayon kay Moreno, na kilala bilang batang Tondo.

 

 

Hindi naman nagpaiwan si Partido Reporma presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson sa pagsisimula ng campaign period dahil mismong sa kanyang bayang sinilangan sa Imus, Cavite naman inilunsad ng kanyang runningmate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang pangangampanya.

 

 

Puntirya ng naturang tambalan na kumonsulta sa mamamayan para alamin at pag-usapan ang mga isyu, sa halip na mag-motorcade na dahilan pa ng traffic.

 

 

Gaya ng inaasahan, nagsimula naman ang kampanya ni Sen. Manny Pacquiao sa General Santos City kung saan siya ipinanganak.

 

 

Nagkaroon naman ng ilang pagbabago sa pangangampanya ni Pacquiao matapos ang ilang buwang pag-iikot. Hindi na makikitang naghahagis si Pacquiao ng mga P1,000 bill.

 

 

Tinatayang nasa 580 sasakyan ang lumahok sa caravan ni Pacquiao, ayon sa kanyang kampo. Nanggaling ang mga ito sa South Cotabato, Maguindanao, at iba pang parte ng Mindanao.

 

 

Nagkaroon naman ng kaunting aberya ang proclamation rally ni Ka Leody De Guzman matapos ianunsiyo ng Comelec na wala siyang permit para sa proclamation rally.

 

 

Alinsunod sa resolusyon ng Comelec, kinakailangang kumuha ng permit mula sa campaign committee ang sino mang magdadaos ng election campaign 72 oras bago ang aktibidad.

 

 

Ayon kay De Guzman na hindi pa niya alam kung nakakuha ng permit ang kaniyang partido. Gayunman, itinuloy ni De Guzman ang motorcade pa-Bantayog ng mga Bayani, kung saan magsasalita si De Guzman bandang alas-8 ng gabi ngayong Martes.  (Daris Jose)

Abu Dhabi Crown Prince kay PDu30: UAE gov’t will take care of OFWs

Posted on: February 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO si Abu Dhabi Crown Prince Sheikh Mohammed bin Zayed Al Nahyan na iingatan ng kanyang gobyerno ang mga Filipino national na naninirahan at nagta-trabaho sa United Arab Emirates (UAE).

 

 

Ang pahayag na ito ng Crown Prince ay naipabot kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamamagitan ng phone call.

 

 

Ni-renew kasi ng Pilipinas ang bilateral relations nito sa UAE.

 

 

“The Crown Prince assured President Duterte that the UAE Government will continue to take care of Filipino nationals residing in the country in the best way it can,” ang nakasaad sa kalatas ng Malakanyang.

 

 

“The UAE benefits from the skills of Filipino workers and is happy to have them,” ang nakasaad pa rin sa kalatas.

 

 

Samantala, kapwa naman nagpahayag ang dalawang lider ng pagkakaisa sa “face of continuing threats posed by terrorism and violent extremism.”

 

 

Binigyang diin ni Pangulong Duterte ang commitment ng Pilipinas na makipag-ugnayan sa international parties sa pagpigil sa terorismo sa pamamagitan ng pagsunod sa international law.

 

 

Gayundin, nagpaabot naman ng pagbati si Pangulong Duterte sa UAE para sa kanilang 50th Founding Anniversary.

 

 

Sinabi ng Pangulo na labis siyang natutuwa sa Western Asian country para sa pag-aalaga sa mahigit na 600,000 Filipino na nananatili roon.

 

 

Pinasalamatan din ng Pangulo ang Crown Prince para sa naging donasyon ng UAE na 7 metriko tinelada ng medical supplies, personal protective equipment at 100,000 doses ng Hayat Vax vaccines, na pandagdag sa COVID-19 inoculation sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

 

 

“We look forward to further working closely with the UAE as we continue addressing the challenges of the pandemic,” ayon kay Pangulong Duterte.

Jennifer Lopez, Shares Her Superstar Character and Her First OST Album

Posted on: February 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MARRY Me is your Pre-Valentine cinematic eye & ear-candy that pop in Philippines cinemas, now showing from Universal Pictures International.

 

 

Two total and completely opposite strangers agree to marry and get to know each other in Marry Me, starring Jennifer Lopez and Owen Wilson.

 

 

But as forces conspire to separate them, the universal question arises: Can two people from such different worlds bridge the gulf between them and build a place where they both belong?

 

 

When we meet global superstar Kat Valdez, played by Jennifer Lopez, she’s about to be married to her fiancé, Bastian (Maluma). Together, they’ve become the hottest celebrity couple on the planet and are about to be wed publicly, live, in front of the whole world.

 

 

Their smash duet single, “Marry Me” has become the biggest song of the year. Everything in her life seems, on the surface, to be perfection. But the reality of her life is far more complex.

 

 

“Kat’s a global superstar who is also a strong, confidant businesswoman,” Jennifer Lopez says. “She’s a boss but also a regular person who gets lonely and needs love. She wants to feel like she has a home and isn’t a gypsy traveling the world.”

 

 

When Kat discovers, seconds before her wedding, that Bastian has been unfaithful to her, the façade and the fantasy of what her life can be disintegrates around her.

 

 

“In one second, everything changes, and it all falls apart,” Lopez says. “Kat blames herself for not seeing the truth, but also makes a spontaneous choice to marry somebody else in the audience. That’s how she meets Charlie. With that, her life completely changes, as it does when you meet someone who sees you for who you are.”

 

 

Lopez, of course, knows what it is like to navigate a romantic relationship in the glare of the public eye.

 

 

“Living a life in the spotlight has its challenges,” Lopez says. “The truth is that nobody wants to hear the ‘woe is me…’ part of that, but it has a scrutiny and a judgment to it that most people don’t ever have to deal with. That can be very lonely.”

 

 

What the public often forgets, for both Lopez and Kat, is that there’s a real person dealing with real pain and loss behind the clickbait headlines.

 

 

The key to surviving it, Lopez says, is to stay focused on who you really are rather than on how the public views you.

 

 

“Kat never forgets that she was a little girl growing up with a dream,” Lopez says. “It’s the same for me. Remembering where I came from has always kept me grounded. I don’t feel any different, and I think that’s what people forget. That’s why I’ve made songs over the years like ‘Jenny from the Block’ and ‘I’m Real.’ I’m still the same person, but I’m just doing these things with my life and it has expanded and grown. Still, there’s a human being there.”  

 

 

Playing Kat, Lopez says, allowed her to explore and expose these ideas, both on the screen and within herself.

 

 

“It was about baring my soul in every moment,” Lopez says. “It was more uncomfortable than playing a character that is nothing like you, because I brought experience into a world in a way that I’ve never had to before.

 

 

This is also the first time that I’ve been able to make an album with a movie, which has been a dream of mine. It’s the first time I’ve done a movie with music since Selena, and in that film, they used Selena’s voice, so I never got to sing myself.”

(ROHN ROMULO)

Putin nagbigay kay Macron ng katiyakan na hindi iinit ang tensiyon sa Ukraine

Posted on: February 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIGAY  na ng katiyakan si Russian President Vladmir Putin kay French President Emmanuel Macron na hindi na nila palalalain pa ang tensiyon sa border ng Ukraine.

 

 

Sinabi Macron na ito ang naging pagtitiyak sa kaniya ni Putin subalit hindi ito nagbigay ng garantiya.

 

 

Umabot aniya sa anim na oras ang ginawang pagpupulong nila ni Putin.

 

 

Matapos kasi ang pakikpulong nito sa Russia ay nagtungo na ito sa Ukraine.

 

 

Sinabi Ukraine President Volodymyr Zelensky na tila mayroon ng magandang patutunguhan ang nasabing negosasyon.