• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 28th, 2022

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 42) Story by Geraldine Monzon

Posted on: February 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-ALALA si Bela nang malaman na nasa ospital si Jeff kaya nagpilit itong sumama kay Manang Sonya. Nagpaalam siya sa kanyang mga magulang at sa kanyang Mama Cecilia.

Inihatid sila ni Mang Delfin gamit ang kotse ni Bernard patungo sa ospital.

 

Nagmamadali sina Bela at Manang Sonya pagpasok sa ospital. Sa information area agad sila nagpunta. Hinayaan ni Bela na si Manang Sonya ang umalam ng nangyari sa binata at kung saan ang room nito.

 

Nakakunot ang noo ni Manang Sonya nang balikan si Bela sa lobby.

 

“Andrea Bela…”

 

“Bakit po manang, ano pong nangyari kay Sir Jeff, saan daw po ang room?”

 

“Nasa taas daw, tara samahan na kita.”

 

“Po?”

 

Sa elevator.

 

“Andrea Bela, pagpasensyahan mo na sana si Sir Jeff. Sa tingin ko ay nahuhulog na ang loob niya sa’yo. Pero ang payo ko lang, ingatan mo ang puso mo. Huwag kang masyadong magpatangay sa bugso ng iyong damdamin. May mga lalaking sadyang mapanlinlang makuha lang ang gusto. Hindi ko sinasabing si Sir Jeff iyon. Pero siguro naman ay may idea ka na kung anong klaseng lalaki siya. Hiling ko lang na sana, pag-ibig ang makapagpabago sa kanya at sana ikaw na ang pag-ibig na ‘yon.”

 

“Manang Sonya…” nahihiyang ani Bela.

 

Paglabas nila ng elevator ay tinanong ni Manang Sonya sa nakasalubong nilang janitor ang daan patungo sa rooftop.

 

“Ah hayun po sa kanan, yung makitid na hagdanan.”

 

“Sige hijo, salamat.”

 

“Manang Sonya, ano pong gagawin natin sa rooftop?” nagtatakang tanong ni Bela sa matanda.

 

“Puntahan mo na lang siya ro’n. Hihintayin kita rito.”

 

Naguguluhan man ay sumunod na lang si Bela. Pag-akyat sa rooftop ay nakita niyang nakaupo  at nagkakape sa table for two na naroon si Jeff.

 

“Sir Jeff?”

 

“Uy, anong ginagawa mo rito?” natatawang tanong ng binata na hindi tuminag sa pagkakaupo.

 

“Ang sabi mo kay Manang Sonya nasa ospital ka…nasa ospital at nagkakape dito sa rooftop?”

 

Tumayo si Jeff.

 

“Ano naman ang masama ro’n? Sabi ko kay Manang Sonya puntahan niya ko rito sa ospital. Hindi ko naman sinabing nadisgrasya ko or may masamang nangyari sa akin, malay ko bang sasama ka pa!” nangingiting ani Jeff. “Kaibigan ng dad ko ang may-ari nitong ospital kaya okay lang na magkape ako rito sa rooftop, ano, kape ka rin ba or milktea?”

 

“Hindi mo ba alam na nag-alala si Manang Sonya nung papuntahin mo siya rito sa ospital?”

 

“At ikaw tama ba? Hindi ko na kasalanan kung mahina ang pick up nyo.”

 

Humakbang si Bela palapit kay Jeff.

 

“Pasensya na kung kasalanan pa pala namin na nag-alala kami sa’yo.”

 

Dinampot ng dalaga ang kapeng nakapatong sa mesa.

 

“Hmmm, mukhang masarap itong kape mo ah?”

 

“Masarap talaga ‘yan, mamahalin ‘yan eh, hindi kasinglasa ng 3in1 mo.”

 

“Ah oo naman, mukhang mas masarap talaga ‘to, masarap ibuhos sa’yo!” sabay buhos ni Bela ng kape sa dibdib ng binata.

 

Nagulat si Jeff at hindi agad nakagalaw sa naging aksyon ng dalaga. Mabuti na lang at hindi na masyadong mainit ang kape na tumapon sa damit niya.

 

“Sarap diba? Sarap sa pakiramdam yung naiisahan mo ang kapwa mo?”

 

“ANDREA!” galit at kunot ang noo ni Jeff.

 

“Pasalamat ka Sir Jeff hindi ko sa mukha mo ibinuhos ang kape, namnamin mo ang sarap niyan ha!” sabay talikod ng dalaga.

 

Mabilis naman siyang nahabol ng binata at nahawakan sa braso.

 

“Akala mo ba ganoon mo ko kadaling matatalikuran? Itong ilagay mo sa kukote mo, walang ibang lalaking magmamahal sa’yo ng tulad sa pagmamahal ko kaya sa ayaw mo at sa gusto, akin ka na, akin ka lang!”

 

“Pinagsasasabi mo?” Binawi ni Bela ang braso niya. “Alam mo mahina rin ang pick up mo eh, sana alam mo na hindi kita gusto!”  nagmamadali nang humakbang ang dalaga palayo sa binata pababa sa rooftop.

 

Naiwan namang nangingiti si Jeff.

 

“Pakipot of the year!” anas nito.

 

Habang abala ang lahat sa selebrasyon ay abala rin si Regine sa kanyang plano. Lumapit siya kay Angela dala ang isang baso ng wine.

 

“Angela, my dear friend, here’s your wine!”

 

“Ahm, sorry Regine, pero hindi ako umiinom…”

 

“I know. Pero kahit ngayon lang, hihiyain mo pa ba’ko?”

 

“Pero…”

 

“At least one or two shots, pwede na ‘yon, naalala ko ang nakaraan, I never knew na between us, ikaw ang pipiliin ni Bernard. Na isang katulad mo pala ang nais niyang pakasalan. Well, past is past, but we have to celebrate what we’ve got right now, me, my friendship with you and Bernard, and you, your family, right?” sabay abot ulit ni Regine ng wine kay Angela.

 

Napilitan si Angela na tanggapin iyon. Hindi naman siguro masama kung pagbibigyan niya ito.

 

“Cheers para sa ating friendship and para sa iyong complete family!” maluwang ang pagkakangiting ani Regine.

 

Ininom ni Angela ang wine na nasa kanyang baso. Habang patuloy sa pakikipagkuwentuhan sa kanya si Regine. Ang isang basong wine ay naging dalawa, naging tatlo hanggang sa masundan pa ito nang masundan.

 

Nilapitan naman ni Cecilia si Bernard.

 

“Sir Bernard…”

 

“Cecille…”

 

“Alam ko po na hindi ito ang tamang lugar para humingi ng tawad sa mga nangyari dati. Pero sasamantalahin ko na rin na makausap ka nang hindi naririnig ni Ma’am Angela. Sana po kalimutan na lang natin ang lahat alang-alang kay Andrea…Bela…”

 

“Matagal ko nang kinalimutan ‘yon Cecille. Wala kang dapat alalahanin”

 

May sasabihin pa sana si Cecilia ngunit…

 

“Excuse me, pupuntahan ko lang si Angela.”

 

Nag-alala si Bernard nang makitang umiinom ng wine ang asawa kasama si Regine. Palapit na siya rito nang maharang siya ng mga lalaking bisita na mga kaopisina niya.

 

“Bernard, come and join us in our table, kanina ka pa namin gustong maka-kwentuhan eh!”

 

Nahiya si Bernard sa mga ito kaya pinagbigyan niya muna.

 

Maya-maya pa ay unti-unti nang nakakaramdam ng pagkahilo si Angela. Gayundin si Bernard na hindi maiwasan ang pag-inom dahil sa mga kasamahan.

 

Hanggang sa isa-isa nang magpaalam ang mga bisita. Si Mang Delfin ang naghatid kay Cecilia pauwi. Habang si Bela ay sinamahan ang Lola Corazon niya sa silid nito.

 

Kinabukasan. Nagmulat ng mga mata si Angela na sa kama ni Bela siya nakahiga. Ito ang silid na sinadya nilang ipinagawa sa bahay ni Lola Corazon para kay Bela.

 

Unti-unti ring nagmulat ng mga mata niya si Bernard. Napatingin siya sa kanyang katabi at ganoon na lang ang gulat niya nang makita si Regine at hindi si Angela. Pareho silang naked nito.

Nabigla siya nang bumukas ang pinto ng kuwarto.

 

(ITUTULOY)

2 EXTORTIONIST TIMBOG SA ENTRAPMENT OPERATION SA CALOOCAN

Posted on: February 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TIMBOG sa ikinasang entrapment operation ng pulisya ang dalawang extortionists, kabilang ang isang babae na humihingi ng P5 milyon sa isang customs broker kapalit ng hindi pagsama sa kanyang pangalan mula target na papatayin na mga customs opisyal sa Caloocan City.

 

 

Ayon kay P/Lt. Col. Jay Dimaandal, hepe ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (NPD-DSOU), humingi sa kanila ng tulong si Mark Joshua Bauit, 25, customs broker at residente ng 517 Extremadura St. Brgy. 434, Sampaloc, Manila matapos makatanggap ng pagbabanta mula sa mga suspek na siya at kanyang pamilya ay kabilang sa mga target na papatayin.

 

 

Humihingi umano ang mga suspek ng P5 milyon cash kay Bauit para hindi isama ang kanyang pangalan sa target list at binigyan ng hanggang alas-2:10 ng madaling araw noong February 23, 2022 para ibigay ang pera sa kanila sa kanto ng Rizal Avenue Ext. at 5th Avenue sa Caloocan City.

 

 

Agad bumuo ng team si Col. Dimaandal sa pamumuno ni P/Capt. Melito Pabon, kasama ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) ng NCRPO saka ikinasa ang entrapment operation kontra sa mga suspek.

 

 

Nang iabot ni Bauit ang marked money na tatlong tunay na P1,000 bills na may kasamang boodle money sa mga suspek na sakay sa magkahiwalay na itim na Ford Ranger at isang motorsiklo ay agad silang inaresto ng mga pulis.

 

 

Kinilala ni NPD Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo ang naarestong mga suspek na sina Justine Brizuela, 31, consultant ng 759 Maria Sudafed st. Brgy San Antonio Valley 1, Parañaque City at Mark Anthony Teves, 32 ng Blk 17 lot 14 Daffodil st. Molino Park Homes Queens Row West Molino Bacoor, Cavite.

 

 

Ani Hidalgo, nakumpiska ng mga operatiba ng DSOU sa mga suspek ang tatlong cellphones, marked money na ginamit sa entrapme nt operation at mga sasakyan na gamit nila sa masamang gawain. (Richard Mesa)

Makaka-triangle pa nila si KELVIN: First team-up nina BIANCA at KEN, pinasilip na sa Kapuso televiewers

Posted on: February 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAEXCITE ang televiewers sa finale episode ng Mano Po Legacy: The Family Fortune, last Friday nang bago natapos ang isang eksena ni Steffy (Barbie Forteza) ay biglang pumasok si Kapuso actress Bianca Umali.

 

 

Kinausap si Steffy, samantalang hindi naman siya kasama sa cast, at maya-maya ay sinundan pa siya ni Ken Chan, at inaya si Bianca, pero nanood pa sila ng eksena.

 

 

Bagong approach pala iyon sa serye dahil susundan na ito ng panibagong episode, na pagtatambalan nina Bianca at Ken.

 

 

Mula pa rin sa GMA Network at Regal Entertainment, from a very serious at dramatic first episode ng “Mano Po Legacy,” isa naman light romantic comedy episode ang isusunod nila, ang Mano Po Legacy: Her Big Boss, na first time pagtatambalan nina Ken at Bianca, kasama sina Kelvin Miranda, Teejay Marquez, mga newbies na sina Sarah Holmes, Tyrone Tan, Sarah Edwards, Haley Dizon, Blue Cailles.    Makakasama rin nila sina Pokwang, Marina Benipayo at Ricardo Cepeda.

 

 

Magkakaroon na ito ng world premiere this March sa GMA Telebabad, wait na lamang tayo ng official date of airing nila.

 

 

***

 

 

TONIGHT naman ang world premiere ng first suspense-mystery series ng GMA Network, ang Widows’ Web na isa sa four leading ladies ay si Pauline Mendoza, kasama sina Carmina Villarroel, Vaness del Moral, at Ashley Ortega.

 

 

Si Pauline ang super excited sa muling pagsasama nila ni Carmina, na first time niyang nakasama sa Kambal, Karibal na pinagbidahan nila ni Bianca Umali at sinundan ng GMA Afternoon Prime series na Babawiin Ko Ang Lahat.

 

 

“Ang sarap muling makatrabaho ang mahusay na actress na tulad ni Ms. Carmina,” sabi ni Pauline.

 

 

“At lalo akong na-excite dahil this is a very different role, my first adult role na gagampanan, then new director, si Direk Jerry Sineneng, at mga new co-actors sa serye.  

 

 

At pinaghandaan ko itong mabuti, pinag-aralan ko ang character ni Elaine, mahirap lamang siya, pero mapagmahal, first time kong nakatambal si EA Guzman.  Sana po ay nabigyang justice ko ang role ni Elaine.”

 

 

***

 

 

NAGDALAWANG-ISIP pala si Kapuso actress Vaness del Moral bago tinanggap ang role niya sa Widows’ Web.  After ng First Lady.

 

 

Bukod sa iba ang character na gagampanan niya, ’yung time na in-offer ang role, katatapos lamang niyang mag-give birth sa first baby nila ng husband niyang si Matt Kier.  

 

 

First time niyang babalik muli sa trabaho, lock-in pa ang taping nila.  Naintindihan naman ni Matt ang concern niya at naunawaan siya, at pinayagan siyang tanggapin ang offer ng GMA.

 

 

“Kabadong-kabado ako sa first taping day namin, dahil iba nga ang role na ginagampanan ko as Hillary, who is a very loving person, pero naiiba ang timpla niya kapag kinanti mo ang family niya.  Kantiin mo na ang lahat huwag lamang ang husband at ang step-daughter niya,” kuwento pa ni Vaness.

 

 

“Pero thankful po ako sa lahat ng mga nakatrabaho ko, kaya hindi ko naramdaman na ilang buwan din akong huminto sa pag-arte.”

 

 

Mapapanood ang Widows’ Web after ng First Lady sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

Halos 1-K mga protesters sa Russia inaresto

Posted on: February 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASA halos 1,000 katao na ang inaresto sa Russia dahil sa pagsasagawa ng kilos protesta sa iba’t ibang bahagi ng nasabing bansa.

 

 

Sa Moscow pa lamang ay umabot na sa mahigit 330 katao ang kanilang ikinulong.

 

 

Kinokondina ng mga Russian protesters ang ginawa ng kanilang sundalo na paglusob sa Ukraine.

 

 

Nagsagawa rin ng kilos protesta sa iba’t-ibang mga bansa kung saan nagtitipon-tipon ang mga ito sa harap ng Russian Embassy.

 

 

Binalaan din ng Russian government ang mga mamamayan nila na huwag magsagawa ng kilos protesta dahil sa hindi sila magdadalawang isip na arestuhin ang mga ito.

Ipinauubaya na sa Diyos ang paggaling… KRIS, nag-offline muna sa socmed bilang paghahanda sa susubukang treatment

Posted on: February 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAGSAPIT ng ika-25 ng Pebrero, ang selebrasyon ng EDSA 36, nag-post si Kris Aquino bago siya matulog ng Bible verse na mula sa Philippians 4:NIV.

 

 

Mababasa sa art card: “12 I know what it is to be in need, and I know what it is to have plenty. I have learned the secret of being content in any and every situation, whether well fed or hungry, whether living in plenty or in want. 13 I can do all this through him who gives me strenght. 14 Yet it was good of you to share in my troubles.”

 

 

May mahaba itong caption na ang panimula ay, “Sobrang dami ninyo, bago ako matulog gusto kong mag THANK YOU. 8 months ago, my brother died, at some point, i’ll be ready to share our journey, and how profoundly his death changed me and my priorities.

 

“Most important lessons: we can’t change the past, today is all we have, because tomorrow is never promised. FAMILY should always come first. Fulfill your promises because you are only as good as the words you honor, and alagaan, pasalamatan, mahalin yung mga taong tapat at totoong may malasakit sa yo.
“Ang pinaka importante, unahin ang iba (especially yung mga mahalaga sa puso mo) bago ang sarili.”

 

 

Sa pagpapatuloy ni Kris, sinabi nito na kailangan niyang mag-goodbye muna sa socmed bilang paghahanda sa treatment, “Off line po muna ako, baka lang magtaka kayo. Kailangan ko maging rested & as stress free as possible until Sunday kasi may susubukang treatment… praying very hard na kayanin ng katawan, kasi ito yung magiging paraan para maging mas okay ang quality of life ko.

 

 

“1st dose ito, pero alam ko yung possible risks involved. Please pray for the doctors & nurses na mag-aalaga sa kin. The whole process will take about 4 hours plus observation time. 3 days rest before and 3 days rest after. i have faith in God’s plan and His timing.

 

Pakiusap pa niya, “Please wag natin i-claim that i’ll be healed, wag natin Syang pangunahan. i continue praying for the Faith to continue Hoping that i’ll get healthy enough for those who still need and Love me. Good night.”

 

 

Bumuhos naman ng panalangin mula sa netizens at agree na wag muna siyang mag-social media. Umaasang malalampasan ni Kris ang pagsubok na ito sa kanyang buhay.

 

“Praying na bigyan ka ni God ng enough strength, para malampasan mo ang mga kailangan mo pagdaanan, nandito kaming lahat patuloy na magdarasal para sayo and sa mga anak mo.”

 

 

“Please po mag-rest ka hangga’t kailan mo gusto at kailangan. We’re always here po. And we’ll never stop praying for you!! I love you po.”

 

 

“Will pray for the success of your treatment. Keeping the faith with you.”

 

 

“Miss Kris ipagpi-pray kita kay Lord na gabayan ka at bigyan ng lakas ng katawan para sa gagawing treatment sau be strong po miss kris mahal na mahal ka ni Lord.”

 

 

“Praying for you and the entire medical team in charge for your safety… May their hands be God’s hands and the medication be the blood of Jesus to envelope your heart and soul… God bless you always.”

 

 

“Get well soon Krissy!”

 

 

“Yes! Get well! Wag na muna mag social media.

 

 

“Bakit kasi magpapaalam pa. Gawin kung gagawin. Ilang beses na yan e hindi naman mapanindigan.”

 

 

“Mas take ko nman c Kris than Kim chu or Gonzaga sisters… i hope shell get the best treatment there is life sometimes is full of irony pag wala kang pera you think malungkot ang buhay.. pag mayaman masaya.. reality is walang kwenta ang lahat ng kayaman kung compromised ang heath wealth means nothing.”

 

 

“Sending prayers, Miss Kris!!!”

 

 

“Need pa talagang sabihan yung mga nagke claim na she’ll be healed na wag pangunahan si Lord si Kristeta talaga. Hayaan mo na sila kung ano prayer nila hano.”

 

 

“Grabe pinayat nya… sana gumaling na sya. And to those na mga nagco-comment ng mean dito, God is watching and knows who you are. Be kind.”

 

 

“Praying for your healing Madam.”

 

 

“You will be healed. May prayer warriors ka naman eh.”

 

 

“Rest and be well Ms. Kris Aquino. The real queen of all media!”

 

 

“It’s all up to you and your doctors, Kris. Laban lang!”

 

 

“Praying for your good health Krissy. God be with you always.”

(ROHN ROMULO)

Tolentino aakyat ng entablado

Posted on: February 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

GAGAWARAN si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino ng Executive of the Year San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Annual Awards Night sa paggabay sa bansa na makamit ang kaauna-unahang gold medal sa Summer Olympic Games.

 

 

Isa siya sa 33 personalidad na may pagkilala sa Marso 14 na gala night sa Diamond Hotel sa Roxas Boulevard, Ermita, Manila.

 

 

Makakasama ni Tolentino na makaakatanggap ng award buhat pinakaunang media organization sa bansa sina Ramon S. Ang, Manuel V. Pangilinan, William ‘Butch’ Ramirez, Wilfred Steven Uytengsu, Jr., Victorico Vargas, Jude Echauz, Philip Ella Juico at Wilfrido Marcial.

 

 

Dahil sa mahigpit na alituntunin sa kalusugan, may 50 porsyento lang ng kapasidad ng ballroom ang papayagan. Noong nakaraang taon, ginanap na virtual ang SMC-PSA awards night.

 

 

Nanatiling agila si Tolentino sa paghahanda ng bansa para sa 32nd SOG 2020+1 sa Tokyo, Japan noong Hulyo-Agosto sa loob ng halos dalawang taon dahil sa naantalang paligsahan ng global pandemic noong 2020.

 

 

Sulit ang mahabang paghihintay dahil sa wakas ay nasungkit ng ‘Pinas ang kauna-unahang Olympic gold matapos ang halos isang siglo sa likod ng record-breaking performance ni weightlifter Hidilyn Diaz.

 

 

Pinatamis ng boxing trio nina Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Felix Marcial ang pot nang manalo ng isang pares ng pilak at tansong medalya para sa pinaka-produktibong kampanya ng ‘Pinas sa tuwing apat na taon lang na palaro

 

 

Nakita rin sa stint na ang mga potensyal na mananalo ng medalya sa iba pang larangan ang tulad nina gymnast Carlos Edriel Yulo, golfers Yuka Saso at Bianca Isabel Pagdanganan, pole vaulter Ernest John Obiena, at skateboarder Margielyn Didal.

 

 

Si Tolentino rin ang pangulo ng Integrated Cycling Federation of the Philippines o PhilCycling. (REC)

PNP naghahanda sa Alert Level 1

Posted on: February 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAGHAHANDA na ni (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos ang lahat ng commander sa National Capital Region (NCR) sa posibleng pagpapatupad ng Alert Level 1 status bunsod na rin ng rekomendasyon ng Metro Manila Mayors simula Marso 1.

 

 

Ayon kay Carlos, kasama sa paghahanda ay ang pinalakas na police visibility upang matiyak na nasusunod pa rin ang health safety protocols sa gitna ng inaasahang pagdami ng mga taong papasok at lalabas ng Metro Manila.

 

 

Kasalukuyang nasa Alert Level 2 ang Metro Manila at nakatakdang magpulong kahapon ang Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) sa rekomendasyon.

 

 

Bagama’t maraming sektor ang posibleng magbukas, sinabi ni Carlos na patuloy pa rin ang implementasyon ng minimum public health standard.

 

 

Aniya, ang pagbaba ng alert status, kung maaprubahan, ay magsisilbing paalala sa publiko sa unti-unting paglipat sa bagong normal na set-up.

 

 

Sa ilalim ng Alert Level 1, walang age restriction para sa mga babiyahe sa pampublikong lugar kabilang ang interzonal travels, ngunit napapailalim sa mga panuntunan ng local government unit.

 

 

Asahan ding dadami ang tao sa lansangan kaya kailangan pa rin ang pag-iingat. (Daris Jose)

South Korea dedesisyunan ng FIBA

Posted on: February 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DEDESISYUNAN ng International Basketball Federation (FIBA) ang ipapataw nito sa South Korea matapos itong mag-withdraw sa 2023 FIBA World Cup Qualifiers.

 

 

Pormal nang natanggap ng FIBA ang sulat ng Korea Basketball Association (KBA) bilang paliwanag sa biglaan nitong pag-withdraw sa qualifiers na ginaganap sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

“FIBA was informed by Korea Basketball Association (KBA) of its decision not to travel to the Philippines to participate in the second window of the FIBA Basketball World Cup 2023 Asian Qualifiers,” ayon sa statement ng FIBA.

 

 

Matatandaang nagpasya ang KBA na lumiban sa qualifiers matapos magpositibo sa coronavirus di­sease (COVID-19) ang isa sa miyembro ng 12-man lineup nito.

 

 

Nakatakda sanang makaharap ng South Korea ang Gilas Pilipinas ng dalawang beses habang makakalaban din sana nito ang India at New Zealand.

 

 

Inaasahang maglalabas ng desisyon ang FIBA sa mga susunod na araw matapos ang deliberasyon nito.

 

 

Dalawa ang posibleng maging kahinatnan ng desisyon ng FIBA — ang ma-forfeit ang apat na laro ng South Korea o ire-schedule na lamang ito sa third window ng qualifiers sa Hunyo.

Pinagselosan ng naging ex-bf ng singer/actress: Kuya KIM, inamin na nagkaroon talaga ng feelings noon kay GENEVA

Posted on: February 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Kuya Kim Atienza sa progamang Mars Pa More, na nagkaroon siya ng feelings noon para kay Geneva Cruz.

 

 

Sinagot lang ni Kuya Kim ang tanong sa segment ng show na ‘On The Spot’. Ang tanong ay: Sabi ko na nga ba, dapat inamin kong may feellings ako noon para kay—-, naging kami sana.”

 

 

Mabilis na sagot ni Kuya Kim: “May feelings ako Geneva dati.”

 

 

Noon ’90s pa raw magkaibigan sila Kuya Kim at Geneva. Madalas daw silang nagkakasama, pero hindi raw alam ni Geneva na may nararamdaman sa kanya noon si Kuya Kim.

 

 

Sey ni Geneva: “Hindi ko talaga alam. Actually pinagselosan si Kim ng dalawang ex ko!”

 

 

Dahil sa pagkaka-link noon sa dalawa, nagkaroon daw ng issue at muntik na raw mauwi sa isang gulo.

 

 

Pero hindi na ito dinetalye ni Kuya Kim at Geneva dahil matagal na raw nangyari iyon at may kanya-kanya na silang pamilya.

 

 

***

 

 

SOBRANG na-miss ni Kris Bernal ang kanyang mister na si Perry Choi dahil inabot ng 36 days ang lock-in taping niya para sa GMA teleserye na Artikulo 247.

 

 

Kaya noong ma-packup na sila, mabilis itong umuwi sa kanilang bahay para makasama na niya ang mister.

 

 

“Reunited after 36 days,” caption ni Kris sa kanyang Instagram Stories.

 

 

Huling pagkikita nila ni Perry ng personal ay noong Valentine’s Day nang dumaan ang mister sa kanilang taping location para ihatid ang bouquet of roses sa kanya. Pero hindi raw nakalapit ang mister sa kanya dahil pagsunod sa safety protocol ng produksyon.

 

 

Noong matapos na ang taping, nagpasalamat sa social media si Kris sa lahat ng nakasama niya sa teleserye.

 

 

“To my coworkers on the set, thank you for constantly challenging me to reach new heights in my personal and professional skills. Your support, enthusiasm, and encouragement have fuelled these baby embers into a blazing fire.”

 

 

Kung matatandaan ay naging kapalit si Kris sa role ni Jackie Rice sa Artikulo 247. Bigla kasing nag-backout sa teleserye si Jackie dahil sa isang personal na dahilan.

 

 

***

 

 

PINURI ng Hollywood actress na si Zoe Kravitz ang Filipino-American stunt coordinator na si Robert Alonzo na nakatrabaho niya sa pelikulang The Batman kunsaan gumaganap siya bilang si Selina Kyle a.k.a. Catwoman.

 

 

Nag-train daw ng stunts si Zoe sa ilalim ni Alonzo na second unit director din nila sa pelikula. Napag-alaman din ng aktres na si Alonzo ay ang unang martial arts teacher niya noong bata pa siya.

 

 

“We would joke around and say that I’ve been training for this part since I was eight years old. It was really amazing to see where Rob has gone in his career,” sey ni Zoe.

 

 

Malaki raw ang respeto ni Zoe sa mga stunt people na parati niyang nakakatrabaho sa ilang pelikula niya. Hindi lang daw basta physical training ang tinuturo sa kanila.

 

 

“Stunt people would focus solely on the physical aspect of training. But it also focuses on the characters and where they are emotionally and then turns that into physicality. So that’s really rare and as an actor I’m very grateful for that,” diin pa niya.

 

 

Isang karangalan daw na gumanap si Zoe bilang si Catwoman. Nakasama na siya sa mga aktres na naging Catwoman tulad nina Halle Berry, Anne Hathaway, Michelle Pfeiffer, Eartha Kitt, Lee Meriwether at ang original Catwoman na si Julie Newmar.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Pagtanggal ng Russia sa Swift banking system hindi pa napapanahon – Biden

Posted on: February 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI  pa napapanahon na putulin ang Swift banking sa Russia dahil sa ginawa nitong paglusob sa Ukraine.

 

 

Sinabi ni US President Joe Biden na marami ng mga panukala para sa sanctions sa mga banko pero kalabisan na aniya kung pagbawalan ang Russia sa Swift.

 

 

Maaaring ipatupad aniya ito sa mga susunod na araw kung lalong lumala ang gulo sa Ukraine.

 

 

Nauna rito ipinanukala ni British Prime Minister Boris Johnson na dapat tanggalin na sa Swift banking system ang Russia.

 

 

Ang SWIFT ay pinakamalaking messaging network na ginagamit ng mga financial institutions gaya ng mga banko para magpadala at makatanggap ng pera ganun din ang pagpapadala ng impormasyo ng mabilis at ligtas.

 

 

Mayroong unique code ng mula walo hanggang 11 characters sa bawat financial institutions.

 

 

Kinokontrol ito ng G-10 central banks mula sa bansang Belgium, Canada, France, Germany, Italy, Japan, The Netherlands, United Kingdom, United States, Switzerland, at Sweden ganun din ang European Central Bank.