• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 2nd, 2022

WIZARDING WORLD AT WAR IN THE NEW TRAILER OF “FANTASTIC BEASTS THE SECRETS OF DUMBLEDORE”

Posted on: March 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

THIS April, his secrets can save the world.  Watch the latest trailer of “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore” which has just been launched by Warner Bros. Pictures.

 

 

Check out the trailer below and watch “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore” exclusively in Philippine cinemas April 16.

 

 

YouTube: https://youtu.be/m-klOyBx4QE

 

 

Facebook: https://fb.watch/bsDycbRBDY/

 

 

About “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore”

 

 

Warner Bros. Pictures’ “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore” is the newest adventure in the Wizarding World™ created by J.K. Rowling.

 

 

Professor Albus Dumbledore (Jude Law) knows the powerful Dark wizard Gellert Grindelwald (Mads Mikkelsen) is moving to seize control of the wizarding world.  Unable to stop him alone, he entrusts Magizoologist Newt Scamander (Eddie Redmayne) to lead an intrepid team of wizards, witches and one brave Muggle baker on a dangerous mission, where they encounter old and new beasts and clash with Grindelwald’s growing legion of followers.  But with the stakes so high, how long can Dumbledore remain on the sidelines?

 

 

The film features an ensemble cast led by Oscar winner Eddie Redmayne (“The Theory of Everything”), two-time Oscar nominee Jude Law (“Cold Mountain,” “The Talented Mr. Ripley”), Ezra Miller, Dan Fogler, Alison Sudol, Callum Turner, Jessica Williams, Katherine Waterston, and Mads Mikkelsen.

 

 

“Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore” was directed by David Yates, from a screenplay by J.K. Rowling & Steve Kloves, based upon a screenplay by J.K. Rowling.  The film was produced by David Heyman, J.K. Rowling, Steve Kloves, Lionel Wigram and Tim Lewis.  Neil Blair, Danny Cohen, Josh Berger, Courtenay Valenti and Michael Sharp served as executive producers.

 

 

Warner Bros. Pictures presents a Heyday Films Production, a David Yates film, “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore,” in Philippine theaters April 16.  The film will be distributed worldwide in select theatres and IMAX by Warner Bros. Pictures.

 

Join the conversation online and use the hashtag #SecretsOfDumbledore

 

 

(ROHN ROMULO)

100% WORK CAPACITY, IPATUTUPAD NA SA TANGGAPAN NG BI

Posted on: March 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSIYO ng  Bureau of Immigration (BI) na nagtaas na sila ng 100 percent na kapasidad sa kanilang mga trabaho sa lahat ng kanilang tanggapan sa National Capital Region (NCR) simula March 01. 

 

 

Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na ang pagbabago sa kanilang bagong work scheme ay bilang pagtupad sa desisyon ng gobyerno na ibinaba sa Alert 1 ang  Covid-19 alert status  sa metropolis at 38 na iba pang areas sa buong bansa.

 

 

Pero paliwanag ni Morente na pinapairal pa rin ang strict health protocols  tulad ng pagsusuot ng face mask at physical distancing sa lahat ng opisyal at empleyado.

 

 

Sinabi rin nito na ang mga bakunado ay maaari nang pumasok sa kanilang mga tanggapan habang ang mga hindi bakunado o partially vaccinated ay kinakailangan pa ring kumuha ng online appointment system.

 

 

Ang working hours ay mula alas-7:00 ng umaga hangang 5:30 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes  bukod kung holidays.

 

 

Habang ang kanilang ibang tanggapan kung saan nasa ibang alert status, mananatili silang susunod sa kasalukuyang on-site work capacities.

 

 

Sa isang hiwalay na memorandum sa mga empleyado, hindi na rin sila magpapatupad ng work-from-home para sa kanilang mga empleyado at oobligahin na silang mag-report sa trabaho, anuman ang kanilang edad o comorbidities.

 

 

“As we transition to the new normal, the public can be assured that the services of the BI will remain unhampered,” ayon kay Morente. (GENE ADSUARA)

Binata kulong sa pagnanasa sa dalagang pinsan sa Navotas

Posted on: March 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang 19-anyos na lalaki matapos pasukin at pagnasaan ang kanyang pinsang buo habang natutulog ang dalaga sa loob ng silid nito sa Navotas City.

 

 

Naaresto ng mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 2 araw ng Lunes ang binatang suspek na itinago sa pangalang “Gardo” makaraang maghain ng reklamo ang tumatayong guardian ng 19-anyos na biktimang itinago sa pangalang “Lily” nang magsumbong sa kanya ang dalaga.

 

 

Lumabas sa pagsisiyasat ng Navotas Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) na habang natutulog loob ng kanyang silid sa kanilang tirahan saBrgy. Tangos South ang biktima dakong alas-6 ng gabi noong Linggo, palihim na pumasok ang suspek na nasa impluwensiya ng alak.

 

 

Naalimpungatan na lamang ang biktima nang maramdamang nakababa na ang kanyang suot panloob at nakatakda ng ilugso ng sariling kaanak ang kanyang puri kaya’t bumalikwas siya ng bangon at nagtatakbong palabas ng silid.

 

 

Kaagad nagsumbong ang biktima sa tumatayo niyang tagapag-alaga na agad namang nagtungo sa SS-2 upang ireklamo ang sariling kaanak ng dalaga.

 

 

Nakatakda namang iprisinta sa piskalya ng Navotas ng WCPD ang suspek para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa R.A. 8353 o ang Anti-Rape Law. (Richard Mesa)

Pinas, dapat na kumuha ng hudyat mula sa matapang na paninindigan ng Ukraine laban sa China- 2 presidential bets

Posted on: March 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAAARING matuto ang Pilipinas mula sa naging paninindigan ng Ukraine laban sa naging pag-atake ng Russia para idepensa ang teritoryo nito at soberenya laban sa China.

 

 

Ito ang magkaparehong posisyon ng dalawang presidential candidates sa idinaos na Presidential Debate ng CNN Philippines, araw ng Linggo.

 

 

Sa tanong kung ano ang kanilang gagawin kung halimbawa ay hindi gagana ang multilateralism approach sa West Philippine Sea (WPS), binigyang diin ni Vice President Leni Robredo ang pangangailangan para sa “credible defense” sa pamamagitan ng pagpapalakas sa Armed Forces of the Philippines.

 

 

“Iyong military, popondohan ang Armed Forces of the Philippines para magkaroon tayo ng credible defense. ‘Di man mapantayan ang lakas ng ibang bansa, may ilalaban katulad noong sa Ukraine,” ayon kay Robredo.

 

 

Sinabi naman ni dating National Security Adviser Norberto Gonzales na maliban sa armas para depensahan ang isang karapatan, kailangan ng bansa na maging bigilante ang mga Filipino laban sa mga mananalakay.

 

 

“Nakikita natin na nag-slow down bigla ang pasok ng Russia because of the tenacity …of the people of Ukraine to stand up and fight,” ayon kay Gonzales.

 

 

“Dito sa atin, iyan ang dapat nating inuuna bago tayo humanap ng tulong sa mga kapitbahay at ibang bansa. Palakasin muna natin ang character at quality ng ating sambayanan. Kaya I was advocating national mobilization,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa kabilang dako, itinutulak naman ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagpapatuloy ng dayalogo sa China ukol sa nasabing sea dispute.

 

 

“Napakahirap ng sitwasyon kung saan madali tayo susuko. Maraming bagay kung pinagpursigihan lang natin. As long as we continue to insist on things legally, in a peaceful manner, and fair,” ayon kay Moreno.

 

 

Sinabi naman ni Robredo, sa Unang Araw niya sa pagka-pangulo kung palalarin ay palalakasin niya ang diplomatic relations sa mga foreign nations.

 

 

“Papalakasin natin iyong instrument of national power, meaning diplomacy, papalakasin ang pagkikipagugnayan sa ating mga allies na pareho ng paniniwala sa atin para may kakampi tayo just in case may aggression,” ayon kay Robredo.

 

 

“Dapat tayo ang manguna sa national consensus,” dagdag na pahayag nito sabay sabing “The Philippines should also work toward being economically resilient “so that we are not caught up in predatory practices of foreign powers.” (Daris Jose)

MRT, LRT balik sa buong kapasidad ngayon Alert Level 1

Posted on: March 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Inihayag ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) at Light Rail Transit Line 1 (LRT1) na balik na sa buong kapasidad ang dalawang nasabing rail lines ngayon nasa Alert Level 1 na ang Metro Manila.

 

 

 

“Trains of the MRT 3 can carry a total of 1,182 passengers per set, consisting of three train cars, that is equivalent to100 percent seating capacity,” wika ng pamunuan ng MRT 3.

 

 

 

Habang anag LRT 1 naman ay balik na rin ang buong kapasidad kada train set depende sa type ng trains: 1,122 na pasahero para sa first generation trains; 1,358 naman sa second generation trains at 1,388 para sa third generation trains.

 

 

 

Subalit mahigpit pa rin na ipapatupad anag mga health at safety protocols laban sa COVID-19 sa lahat ng facilities ng mga trains tulad ng pagsusuot ng face masks, temperature checks, walang pag-uusap, pagkain sa loob ng train at walang mga phone calls. Kung maaari ay cashless payment sa pamamagitan ng stored-value train tickets lamang ang gagamitin na pambayad.

 

 

 

“The rail operators restored the full capacity of trains in response to the Department of Transportation’s order to address the increasing demand for public transport with more lenient government policies against COVID-19 in place,” saad ng pamunuan ng LRT 1.

 

 

 

Noong nakaraang Feb. 24 ay naitala ang pinakamataas na single-day ridership na may 228,203 na pasahero ang sumakay.

 

 

 

Ating matatandaan na noong June 2020 lamang bumalik ang operasyon ng mga rail lines matapos na ideklara ang massive lockdown kasama na rin ang pagbabawal sa lahat ng operasyon ng pampublikong transportasyon sa gitna na pandemya.

 

 

 

Nang panahon ‘yon, ang mga kapasidad ng upuan sa loob ng mga trains ay controlled. Nagsimula sa 10 percent hanggang itinaas sa 30 percent at naging 70 percent kalaunan.

 

 

 

Bago pa ang pandemya, ang average number ng mga pasahero sa mga trains ay naitalaga mula 200,000 hanggang 300,000 kada araw. LASACMAR

BEST tankers tagumpay ang kampanya sa PSI National Open

Posted on: March 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGARBONG tinapos ng Behrouz Elite Swimming Team (BEST) ang kampanya nito matapos sumiguro ng tatlong ginto, dalawang pilak at isang tanso sa huling araw ng 2022 Philippine Swimming Incorporated (PSI) National Open na ginanap sa Rizal Memorial Swimming Pool sa Malate, Manila.

 

 

Pinakamaningning si Brent International School standout Micaela Jasmine Mojdeh na nakahirit ng dalawang first place at tatlong second place para tanghaling highest pointer sa women’s division tangan ang kabuuang 91 puntos.

 

 

Sa huling araw ng bakbakan, ibinuhos na ni Mojdeh ang buong puwersa nito para angkinin ang unang puwesto sa women’s 200m butterfly event tangan ang dalawang minuto at 19.90 segundo.

 

 

“It was a great campaign for our young swimmers who really stood up against their veteran rivals. We’re hoping to continue our good showing in the coming tournaments that we’ll be joining especially in international competitions,” ani BEST team manager Joan Mojdeh.

Special task group binuo sa kaso sa pamamaril sa mayor ng Infanta, Quezon

Posted on: March 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos si Police Regional Office (PRO) Calabarzon regional director B/Gen. Antonio Yarra na bumuo ng Special Investigation Task Group upang tutukan ang kaso sa pamamaril kahapon sa alkalde ng Infanta, Quezon na si Mayor Filipina Grace America.

 

 

Sinabi ni PNP Public Information Office chief B/Gen. Roderick Augustus Alba, na siniguro din ng PNP vhief ang availability ng lahat ng resources ng mga PNP National Support Units para sa imbestigasyon at pursuit operations tungo sa mabilis na resolusyon ng kaso.

 

 

Ayon kay Alba, kasalukuyang nagsasagawa ng checkpoint operations ang PNP sa Infanta, Quezon at mga karatig na lugar para maharang ang mga suspek sa insidente.

 

 

Sinisiyasat na rin aniya ng mga forensic investigators ang mga narekober na ebidensya sa pinangyarihan ng insidente sa Rizal corner Zamora Streets in Poblacion 1, Infanta, Quezon.

 

 

Si Mayor America, na reelectionist sa halalan, ay kasalukuyang ginagamot sa isang pribadong ospital sa Metro Manila, matapos na ilipad ng isang military aircraft kahapon ng hapon.

 

 

Nagtamo siya ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos pagbabarilin ng mga hindi kilalang salarin ang kanyang sinasakyan itim na SUV habang pauwi sa kanyang bahay mula sa simbahan.

Kapuso actress, hindi napigilang umiyak: ZOREN, ikinuwento kung bakit minadali ang kasal nila ni CARMINA

Posted on: March 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA vlog ni Carmina Villarroel ay kinuwento ng mister niyang si Zoren Legaspi ang dahilan kung bakit minadali nito ang preparasyon sa kanilang wedding noong 2012.

 

Kuwento ni Zoren, may kinalaman ang lahat sa ama ni Carmina na maysakit noong mga panahon na iyon. Gusto na nilang makasal bago maoperahan ang ama para makita raw nito na kinakasal si Mina.

 

      “Kasi ‘yung wedding na ‘yun ito ang ‘di ko pa nasasabi. Okay, alam naman nila na surprise kasi ‘yun and ang isang triggering point kasi no’n, kaya siya naging surprise at mabilisan, nagkasakit kasi si Daddy Regie (ama ni Carmina), bibigyan ng hip replacement.

 


      “Wala ka kasi doon sa meeting ng doctors and with your family, siblings, so ako ang nag-represent sa’yo doon sa meeting. Sabi ng doktor doon, ‘pag ginawa iyon hip replacement, 50-50 si Daddy Regie.

 

      “Then it hit me, sabi ko, kung magpapakasal kami ni Mina na wala si Daddy Regie, ‘di ma-wi-witness ni Daddy Regie, useless kasi wala na ang mama mo, tapos, naglalakad ka ‘dun, wala pa Daddy Regie mo. So for me, useless siya.”

 

Hindi naman mapigilan ni Mina na maiyak sa kuwento na iyon ni Zoren.

 

      “Daddy, questions lang naman ang gusto nating tanungin, bakit tayo nag-iiyakan dito. Hay naku, hindi ako ready, hindi kami prepared, wala kaming tissue. Dapat pala iyon na lang ang last question ko,” sey na lang ni Carmina na muling mapapanood sa bagong GMA Primetime teleserye na Widows’ Web.

 

 

***

 

 

NAGANAP ang live and in-person presentation ng 28th Screen Actors Guild (SAG) Awards sa Barker Hangar in Santa Monica, California.

 

 

Naging virtual ang presentation ng SAG Awards noong 2021 dahil sa naganap na pandemya.

 

Nagkaroon din ng red carpet special ang SAG Awards kunsaan rumampa ulit ang mga nominees at invited celebrities ng kanilang mga bonggang designer gowns and suits.

 

Ang coming of age comedy-drama na CODA (Children of Deaf Adults) ang nag-uwi ng parangal na Outstanding Performance by a Cast in a Motion Picture. Tinalo nito ang mabigat na kalaban na Power of the Dog at Belfast.

 

Surprise winner naman si Jessica Chastain as Female Actor in a Leading Role for The Eyes of Tammy Faye. Tinalo niya ang mga early predicted winners na sina Nicole Kidman (Being The Ricardos) at Lady Gaga (House of Gucci).

 


      Si Will Smith naman ang nanalong Male Actor in a Leading Role for King Richard. Tinalo niya ang early favorites na sina Andrew Garfield (Tick, Tick…. Boom!) at Javier Bardem (Being The Ricardos).

 


      Ang deaf actor na si Troy Kotsur ang nanalong Male Actor in a Supporting Role for CODA. Siya ang first deaf actor na ma-nominate at manalo sa SAG.

 

 

Ang Broadway actress-turned-film actress na si Ariana De Bose ang nanalong Female Actor in a Supporting Role for West Side Story. Apat na beses tinanggihan ni Ariana ang role na Anita pero napilit din siya ni Steven Spielberg.

 


      Outstanding Action Performance by a Stunt Ensemble in a Motion Picture ang No Time to Die. 

 


      For the first time, dalawang Korean actors ang nagwagi ng SAG. Ito ay ang dalawang bida ng Netflix series na Squid Game na sina HoYeon Jung at Lee Jung-jae na nakuha ang Female and Male Actor in a Drama Series.

 

Nagwagi naman bilang Female and Male Actor in a Comedy Series sina Jean Smart for Hacks and Jason Sudeikis for Ted Lasso. 

 


      Female Actor in a Limited Series si Kate Winslet for Mare of Easttown at Male Actor naman si Michael Keaton for Dopesick.

 


      Wagi naman as Ensemble in a Drama Series ang Succession ng HBO.

 

 

Ensemble in a Comedy Series naman ang Ted Lasso ng Apple TV.

 

Outstanding Action Performance by a Stunt Ensemble in a Comedy or Drama Series ang Squid Game.

 

Kay Dame Helen Mirren naman iginawad ang SAG Life Achievement Award.

(RUEL J. MENDOZA)

Martinez naagaw ang IBF crown ni Ancajas

Posted on: March 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAAGAW kay Jerwin Ancajas ang kanyang IBF junior bantamweight championship title, na mula noong 2016 pa niyang hawak.

 

 

Ito ay matapos na talunin si Ancajas ni Fernando Martinez ng Argentina sa kanilang umaatikabong bakbakan sa Las Vegas  araw ng Linggo.

 

 

Binigyan ng mga hurado ang laban ng 117-111, 118-110, 118-110 na score, lahat pabor sa 30-anyos na Argentinian na ngayon ay ang siyang bago nang world champion.

New Zealand pinakain ng alikabok ang India

Posted on: March 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MADALING  iniligpit ng New Zealand ang India, 95-60, para walisin ang labanan sa Group A sa first window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

Ipinoste ng mga Kiwis ang 3-0 record matapos talunin ang Gilas Pilipinas, 88-63, noong Linggo habang una nilang pinadapa ang India, 101-46, noong Huwebes.

 

 

Isinara ng Nationals ni coach Chot Reyes ang kanilang kampanya bitbit ang 1-1 baraha.

 

 

Bumandera para sa Tall Blacks si  Tom Vodanovic na may 20 points, 10 rebounds at 4 assists at nag-ambag sina Rob Loe, Dion Prewster at Taylor Britt ng 18, 11 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.

 

 

Nalasap naman ng India ang kanilang ikatlong sunod na kamalasan, kabilang ang 64-88 pagyukod sa Gilas noong Biyernes.

 

 

Sa first period lamang pumalag ang Indians nang makalapit sa 20-24 hanggang dominahin ng Kiwis ang second quarter sa itinayong 52-27abante.

 

 

Pinalobo pa ito ng New Zealand sa 66-37 mula sa three-pointer ni Vodanovic sa huling 2:19 minuto ng third canto.

 

 

Mula rito ay hindi na nakabangon ang mga Indians.

 

 

Bumandera para sa India sina Arvind Kumar Muthu Krishnan at Pranav Prince sa kanilang tig-10 points.

 

 

Nagdomina ang mas malalaki at mas malalakas na Kiwis sa rebounding department, 48-29.