• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 4th, 2022

Ads March 4, 2022

Posted on: March 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Duterte inaprubahan ‘fuel discounts’ sa mga mangingisda, magsasaka

Posted on: March 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NGAYONG  ikasiyam na sunod na linggo nang tumataas ang presyo ng langis kasabay ng Ukranian-Russian crisis, inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng fuel discount vouchers at subsidiyo para sa mga mangingisda at mga magsasaka.

 

 

Ilang linggo nang umaaray pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo ang mga naturang sektor, dahilan para maapektuhan ang kanilang kita habang bumaba ang huling isda, atbp. Kaugnay nito, humihiling na ng price ceiling sa mga pangunahing bilihin ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).

 

 

“Inaprubahan din ng Pangulo ang rekomendasyon ng [Department of Agriculture] sa pamamahagi ng fuel discount vouchers sa mga magsasaka at mga mangingisda bilang tugon sa tumataas na presyo ng langis,” ani acting presidential spokesperson Karlo Nograles, Miyerkules, sa Laging Handa briefing.

 

 

“On the supply of oil, the President approved the recommendations of the Department of Energy to implement the P2.5-B Pantawid Pasada, and P500-M fuel discount program for farmers and fisherfolks.”

 

 

Miyerkules lang nang sabihin ni Energy Secretary Alfonso Cusi na lalo pang lalala ang presyo ng gasolina at produktong petrolyo kung titindi pa ang tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia dahil sa pananakop ng huli sa nauna.

 

 

Nakahanda rin daw ang gobyerno na ipatupad ang Price Control Law, na nagpapahintulot sa gobyerno na magtakda ng maximum na presyo na maaaring ipataw sa mga “basic necessities” at “prime commodities” na tinukoy sa Republic Act 7581.

 

 

“For the medium-term, we call on Congress to review the Oil Deregulation Law, particularly provisions on unbundling the price, and the inclusion of the minimum inventory requirements in the law,” dagdag pa ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

“[A]s well as giving the government intervention powers/authority to intervene when there is a spike and/or prolonged increase of prices of oil products.”

 

 

Binibigyan ng Oil Deregulation Law, na matagal nang nais ipabasura ng mga progresibong grupo, ang mga malalaking kumpanya ng langis na malayang magtakda ng presyo nito. Sa tuwing tumataas ang presyo ng langis, kadalasang sumusunod ang presyo ng iba pang produkto na kailangang i-transport mula sa isang bahagi ng bansa patungo sa isa pa.

 

 

Kaugnay nito, sinabi ni Nograles lalo pa raw palalaguin ang produksyon at pagpapaigting ng research upang mapababa ang presyo ng feeds at pagbibigay ng logistal support gaya ng food mobilization mula sa mga lalawigang mataas ang produksyon.

 

 

Kanina lang nang sabihin ni Ronnel Arambulo, pambansang tagapagsalita ng mga militanteng mangingisda na PAMALAKAYA, na umaabot na sa 80% ng kanilang production expenses ang napupunta sa gastusin sa napakamahal na diesel, dahilan para mabawasan ang kanilang pangingisda.

 

 

Nagpaabot naman ng pakikiisa si Duterte sa ngayon pagdating sa mapayapang resolusyon ng pananakop ng Russia sa Ukraine, bagay na dumulot na sa pagkawala nang maraming buhay.

 

 

Tinitiyak naman ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National sa pulong nila sa pangulo na nakahanda sila para sa anumang developments kaugnay ng naturang kaguluhan.

Paat, Dindin bida sa Nakhon Ratchasima

Posted on: March 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGARBONG  tinapos ng Nakhon Ratchasima ang eliminasyon matapos ilampaso ang Khonkaen Star, 25-23, 25-17, 25-18, sa 2021-22 Thailand Volleyball League kahapon sa Nimibutr Stadium sa Bangkok, Thailand.

 

 

Muling umariba sina national mainstays Dindin Santiago-Manabat at Mylene Paat upang pamunuan ang Nakhon Ratchasima sa panalo.

 

 

Nagpakawala sina Santiago-Manabat at Paat ng kaliwa’t kanang atake sa buong panahon ng laro para basagin ang depensa ng Khonkaen Star.

 

 

Dahil sa panalo, nakuha ng Nakhon Ratchasima ang No. 3 seed sa crossover semifinals.

 

 

Makakaharap ng Nakhon Ratchasima ang No. 2 seed sa Final Four habang magtutuos naman ang No. 1 at No. 4 sa hiwalay na semis match.

 

 

Matapos ang kampan­ya sa Thailand, babalik agad sa Pilipinas sina Santiago-Manabat at Paat para naman samahan ang Chery Tiggo sa pagdepensa nito ng Open Conference crown sa Premier Volleyball League.

PDU30, nagpalabas ng EO na magbibigay proteksyon para sa mga refugees sa Pilipinas

Posted on: March 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPALABAS si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng executive order na magi-institutionalize ng access sa protection services para sa mga refugees, stateless persons at asylum seekers.

 

 

Sinabi ni Pangulong Duterte na ang EO 163, na may petsang Pebrero 28 subalit ipinalabas lamang ngayong araw, Marso 2 ay alinsunod sa 1951 United Nations Convention Relating to the Status of Refugees and its 1967 Protocol, 1954 UN Convention Relating to the Status of Stateless Person, at 1961 Convention on the Reduction of Statelessness.

 

 

“In this regard, the state shall closely monitor and ensure full protection of the rights of persons of concern to liberty and security, and freedom of movement. Subject to applicable laws and issuances, the minimum standards for the treatment of refugees shall be assured,” ang nakasaad sa EO.

 

 

“These shall include the provision of access to socioeconomic services, social security benefits, gainful employment and humane working conditions, education, participation in judicial and administrative citizenship proceedings, legal assistance and access to courts, and freedom of religion,” ayon pa rin sa EO.

 

 

Base sa EO, “defines refugee as a person who, owing to well-founded fear of being persecuted for reasons of race, religion, nationality, membership in a particular social group or political opinion, is outside the country of his or her nationality and is unable or, owing to such fear, unwilling to avail himself or herself of the protection of that country; or who, not having a nationality and being outside the country of his or her former habitual residence as a result of such events is unable, or owing to such fear, is unwilling to return to it.”

 

 

Stateless person, sa kabilang dako , hindi kinukunsidera bilang isang mamamayan ng kahit na anumang estado sa ilalim ng operation ng domestic law nito.

 

 

Inatasan naman ng EO ang Refugees and Stateless Persons Protection Unit (RSPPU) ang Department of Justice na suriing mabuti at iproseso ang pahayag ng mga refugee o stateless status.

 

 

“The COVID-19 pandemic has limited the ability of refugees, stateless persons and asylum seekers to cross borders to seek protection, bringing to fore the need to integrate and institutionalize relevant policies and programs of government agencies and ensure that these communities of people are properly protected and accorded the widest possible exercise of fundamental rights and freedoms,” ang nakasaad sa EO . (Daris Jose)

Pumirma sila ng waiver na payag gawin ang eksena: RHIAN, first time na nakipag-love scene na hindi lang isa kundi dalawa pa

Posted on: March 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BALIK-HOSTING si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, pagkatapos ng huli niya, na StarStruck 7.  

 

 

Muling iho-host ni Dingdong ang Family Feud, ang Philippine version ng popular American game show na muling ibabalik ng GMA-7.

 

 

Ito ang ipapalit ng GMA-7 sa Dapat Alam Mo  ang informative show hosted by Kuya Kim (Kim Atienza), Patricia Tumulak at Emil Sumangil, na pansamantalang inilagay sa timeslot ng Wowowin ni Willie Revillame na nagpaalam na sa telebisyon noong February 11, 2022.

 

 

Matagal na rin palang plano ng GMA Network, na ibalik ang Family Feud bilang isang weekly game show, napadali lamang nang magpaalam nga si Willie at nagkaroon ng bakanteng timeslot.

 

 

Last February 23, may Instagram post si Dingdong ng studio set, at caption niya, “The stage is set… it’s time to have some fun!” At noong March 3, lumabas na ang teaser ng “Family Feud:  THE WORLD’S FAVORITE GAME SHOW.”

 

 

Sasamahan tayo ni Dingdong Dantes bilang Game Master sa Family Feud Philippines na magsisimula ngayong March 21.

 

 

***

 

 

NAKABANTAY pala si Senator Bong Revilla, tuwing nagti-taping sila ng leading lady niya na si Ms. Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ng fantasy-action series nila ang Agimat Ng Agila, Season 2.  

 

 

Isa kasing secret agent si Rabiya as Agent Asha Raj sa story kaya kinailangan nitong magsanay sa paghawak ng baril at mag-execute ng mga action scenes.

 

 

Kaya basta mga ganitong eksena ang gagawin ni Rabiya, naka-stand by si Sen. Bong, dahil totoo ang pakikipaglaban ni Rabiya sa mga kaaway niya.  Bago man lahat iyon kay Rabiya, hindi siya nagreklamo sa mga action scenes na ipinagagawa sa kanya ni Direk Rico Gutierrez, kaya naman hinangaan siya ng mga kasama niya sa serye.

 

 

Pero hindi lamang action ang ginawa nina Bong at Rabiya, may mga dance scenes pa sila na dapat panoorin ng netizens this Saturday evening, para malaman kung bakit ang isang action serye ay may dance scenes pa.

 

 

Napapanood ang Agimat ng Agila every Saturday after 24 Oras Weekend.

 

 

***

 

 

EXCITING ang teaser na napapanood sa GMA Afternoon Prime na Artikulo 247 na nagpapakita sa mga pisikalang acting between Rhian Ramos and Kris Bernal. 

 

 

Kaya sa virtual mediacon ng serye, inamin nina Rhian at Kris na totoo silang nagkakasakitan sa mga eksena, pero hindi raw talaga maiiwasan dahil intense talaga ang mga eksena.

 

 

Difficult but challenging at marami raw silang natutunan sa story dahil mature roles ang ginagampanan nila.

 

 

    “Very demanding ang mga scenes namin, very physical at nagkakasakitan talaga kami ni Rhian,” kuwento ni Kris.  “Mahirap kasi kung dadayain namin ang eksena, kaya after each scene, we quickly check on each other and say sorry.”

 

 

Kuwento naman ni Rhian, first time niyang nagkaroon ng love scenes sa isang serye, hindi lamang isa kundi dalawa, kina Benjamin Alves at Victor Silayan.

 

 

   “Maingat ang staff kaya we have to gargle antiseptic mouthwash to make sure we’re safe to do kissing scenes.  Okay naman , kasi lahat kami, naka-bubble, so very safe for us.  

 

 

Saka, dito, pumirma pa kaming tatlo ng waiver na payag kaming gawin ang love scenes.  Maingat ang GMA sa pagsunod sa mga health protocols sa pagla-lock in taping.”

 

 

Directed by Jorron Lee Monroy, nasa cast din sina Mark Herras, Mike Tan, Carla Martinez, Rain Matienzo, Maureen Larrazabal, Denise Barbacena, Brent Valdez at Topper Fabregas.

 

 

Sa Monday, March 7, ang world premiere ng Artikulo 247 sa GMA Afternoon Prime after ng Little Princess.

(NORA V. CALDERON)

Russian state media account, ini-demote ng Meta sa lahat

Posted on: March 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DEMOTED na sa lahat ng platforms ng Meta sa buong muna ang Russian state media accounts, gayundin ang mga content na kumokonekta sa mga sites nito.

 

 

Sa isang statement ay kinumpirma ito ni Meta’s global affairs president Nick Clegg.

 

 

Ang Meta aniya ang siyang nagde-demote ng content ng Russian state-controlled na media outlet mula sa mga Facebook page at Instagram account, at pinapahirapan din aniya nilang mahanap ito sa lahat ng kanilang platform.

 

 

Samantala, ang naturang algorithmic restrictions sa media outlets ng Russia ay sinundan din ng Twitter, bilang pagsunod nito sa panawagan ng mga opisyal ng European Union para sa mga tech platform na higitan pa ito upang hindi na muling mairekomenda pa sa mga users ang media out na pag-aari ng Russia.

 

 

Ayon naman kay Meta’s head of security policy Nathaniel Gleicher, ipapakita na rin sa mga intertitial warnings sa Facebook at Instagram ang mga user na magtatangkang mag-share ng mga link ng Russian state media websites.

Malakanyang, hiniling sa Kongreso na rebisahin ang oil deregulation law

Posted on: March 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINILING ng Malakanyang sa Kongreso na rebisahin ang oil deregulation law sa gitna ng lingguhang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at nagpapatuloy na situwasyon sa Ukraine na inaasahang mayroong economic impact sa Pilipinas.

 

 

Sinabi ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang pagrebisa sa oil deregulation law ay kasama sa medium-term measures na napagkasunduan sa top-level special meeting na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

 

“For the medium term, we call on Congress to review the oil deregulation law, particularly provisions on unbundling the price and the inclusion of the minimum inventory requirements in the law, as well as giving the government intervention powers or authority to intervene when there is a spike and/or prolonged increase in prices of oil products,” ayon kay Nograles.

 

 

Sa ilalim ng batas, mas kilala bilang Downstream Industry Deregulation Act, inalis ang kontrol ng pamahalaan para tulungan ang mga oil companies na magiging mas “competitive” sa kanilang suplay at pagpe-presyo ng petroleum products.

 

 

Nag-adjourned ang sesyon ng Kongreso noong nakaraang Pebrero 4 at magpapatuloy lamang sa Mayo 23 o matapos ang May 9 national at local elections.

 

 

Ang session break ay para sa campaign period para sa mga kandidato.

 

 

Ang Kongreso, sa kabilang banda ay maaari namang magpatuloy sa kanilang sesyon kung mismong si Pangulong Duterte ang magpapatawag nito.

 

 

Isang linggo na ang nakalipas, sinabi ni Nograles na walang indikasyon na magpapatawag ng special session si Pangulong Duterte para makakilos ang Kongreso sa batas na tutugon sa walang tigil na oil price hikes,” kabilang na ang suspensyon ng fuel tax sa langis. (Gene Adsuara)

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 46) Story by Geraldine Monzon

Posted on: March 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI NA  makapaghintay ang bagong client ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Bernard na makaharap siya. Naglalaro na sa isip nito ang nalalapit na muli nilang pagkikita.

 

Nagmadali sa pag-uwi sina Angela at Bernard nang matanggap nila ang tawag ni Bela. Sinalubong agad sila nito ng yakap habang umiiyak.

 

Sobrang kalungkutan ang naramdaman ni Angela nang makita ang payapang mukha ni Lola Corazon na tila ba nahihimbing lamang sa pagtulog. Si Lola Corazon na ang naging pamilya niya mula nang maulila siya sa mga magulang. Kailanman ay hindi siya nito itinuring na kasambahay.Si Lola Corazon ang naging daan upang magkaroon ng katuparan ang pinangarap niyang pag-ibig ni Bernard. Si Lola Corazon din ang naging katuwang niya sa pag-aalaga noon kay Bela. Kaya ang paglisan ngayon ng matanda sa kanilang buhay ay napakasakit para sa kanya at sa kanilang pamilya.

 

Hinawakan ni Angela ang kamay ni Lola Corazon at nagmano.

 

“Lola Corazon, nawa’y maayos kang makapaglakbay patungo sa kabilang buhay…salamat po sa pag-aalaga at pagmamahal mo sa amin…” lumuluhang pamamaalam ni Angela sa matanda.

 

Hindi rin napigilan ni Bernard ang pag-agos ng mga luha sa pisngi. Si Lola Corazon din ang naging pangalawa niyang magulang at alam niyang labis na nagmamahal sa kanya at sa kanyang binuong pamilya. Nilapitan niya ito at niyakap ng buong pagmamahal.

 

“Lola, alam kong masaya kang iiwan kami dahil nakita mo na ang muling pagkabuo ng ating pamilya. Ang pagbabalik ni Bela sa buhay natin…kaya masaya rin kaming mamamalam sa’yo ngayon, hanggang sa muli nating pagkikita…” ani Bernard na kinuha ang kamay ng matanda at hinagkan.

 

Hinagkan naman ni Bela sa noo ang kanyang lola at saka sila nagyakap ng mga magulang habang nakatingin kay Lola Corazon.

 

Dahil sa pagkamatay ni Lola Corazon ay iba ang nakipagmeet sa target client ng kumpanya nila Bernard. Kaya naman na-disappoint ang kliyente at hindi pa ito nakipagsara ng deal. Gusto talaga niya na si Bernard ang mismong makaharap niya.

Tinawagan si Bernard ng kanilang CEO at sinabi ang nangyari. Nangako naman si Bernard na aasikasuhin niya agad pagbalik niya sa work. Alam kasi niyang pagdating sa pakikipagdeal sa mga kliyente ay siya ang higit na pinagkakatiwalaan ng kanyang boss.

 

Parehong sumama sina Jared at Jeff sa paghahatid sa huling hantungan ni Lola Corazon.

Ang una ang mas nakakalapit sa dalaga. Kahit banas si Jeff ay hinahayaan lang niya dahil ayaw niyang gumawa ng eksena sa ganoong sitwasyon.

Pero nang makakuha siya ng tiyempo ay hindi niya pinalampas at hindi na pinakawalan si Andrea.

 

“Andrea, condolence ha.”

 

Tumango ang dalaga.

 

“Nga pala, etong bulaklak, kanina ko pa gustong iabot ito eh.”

 

“Salamat Sir Jeff.”

 

“Hindi ‘yan para sa’yo ha, para kay Lola Corazon ‘yan.”

 

Nagulat ang dalaga dahil akala niya ay para sa kanya ang mga white roses na iniabot nito. Pero hindi siya masyadong nagpahalata. Ipinatong na lang niya ang bulaklak sa puntod ng kanyang lola.

 

“Matutuwa si Lola Corazon, kaya alam kong magpapasalamat siya sa’yo.”

 

“Nabanggit mo na ba’ko sa kanya?”

 

“Actually nabanggit na kita sa mga magulang ko at gayundin kay lola. Pero hindi ko nabanggit sa kanila kung gaano ka kaangas.”

 

“What?”

 

Tumingin si Bela sa binata na nakatayo sa likuran niya.

 

“Totoo naman diba?”

 

“Andrea, ‘wag ka ngang ano d’yan, nandito ako ngayon para makiramay. Anong pinagsasasabi mong maangas?”

 

Naputol ang pag-uusap nila nang lapitan sila ni Angela.

 

“Bela, anak, kailangan na nating umuwi, nagdidilim, mukhang bubuhos ang ulan. Imbitahan mo siya sa atin para doon na maghapunan.” ani Angela na ang tinutukoy ay si Jeff.

 

“Ah, hindi na po mommy, actually pauwi na nga rin po siya eh, diba Sir Jeff?”

 

“Hindi po, okay lang kung sa inyo ako magdi-dinner. Nakakahiya naman kasi kung tatanggihan ko ang paanyaya nyo diba?”

 

Hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Jared. Pero wala naman siyang magawa. Staff lang siya sa restaurant ng mga Cabrera. Walang chance na maimbitahan din siya tulad ni Jeff na dating amo ni Bela.

 

“Andrea, sabay ka na sa akin sa motor ko. May extra helmet naman ako eh.” alok ni Jeff.

 

“Hindi na. Sasabay na lang ako kina mommy.”

 

“Nagpapakipot ka na naman eh, sa akin ka na sumabay. Tara na.”

 

Dahil sa kakapilit ni Jeff ay napapayag din niya ang dalaga. Nagpaalam si Bela sa mga magulang at kay Cecilia na naroon din.

 

Habang pauwi ay nakasunod ang kotse ng mag-asawa sa motor ni Jeff kung saan nakaangkas si Bela.

 

“Hindi ko gusto ang lalaking ‘yon, siya si Jeff, right?” ani Bernard.

 

“Yes. Sweetheart. Pero bakit naman?”

 

“Basta. Hindi ko nagugustuhan ang pag-ali-aligid niya sa anak natin.”

 

Hindi umimik si Angela. Deep inside ay hindi rin naman niya gusto si Jeff dahil sa mga naikuwento sa kanya noon ni Janine at gayundin ni Bela tungkol dito. Pero gusto niyang bigyan ng chance ang binata. Alam din kasi niya na ito ang lalaking nasa puso ng anak. Sa oras lamang na muling umiyak si Bela dahil sa kanya ay sila na ang makakalaban niya.

 

Sa kauna-unahang pagkakataon na makaangkas si Bela sa motor ni Jeff ay bumilis ang pintig ng puso niya. Nag-aalangan pa siyang kumapit sa beywang nito dahil nag-aalala siya na baka maramdaman nito ang kilig niya.

 

Pero biglang hinablot ni Jeff ang kamay ni Bela at siya mismo ang naglagay ng kamay nito sa beywang niya.

 

“Ang arte arte mo naman, kakapit ka lang eh, baka mahulog ka pa sa motor dahil sa kaartehan mo.” anas nito.

 

“E baka kasi may kiliti ka sa beywang.” Palusot ng dalaga.

 

“Wala noh, saka kahit meron titiisin ko huwag ka lang mahulog. Mahulog ka na sa akin huwag lang sa motor.”

 

“Tseh!” sabay kurot ni Bela sa tagiliran ni Jeff.

 

Napakunot ang noo ng dalaga nang mabungaran sa gate nila si Regine.

 

“Anong ginagawa mo rito?”

 

“Hindi ako nakaabot sa libing ni Lola Corazon kaya dito na ako dumiretso. May sadya ako sa daddy mo.”

 

Lumapit pa ng konti si Bela sa babae.

 

“Binabalaan kita. Mas makakabuti kung igagalang mo ang paglisan ng lola ko at ang pagsasama ng mga magulang ko kung ayaw mong manghiram ng mukha sa aso.”

 

“Easy my dear, I’m not here to do any harm. So stay calm okay?”

 

Huminga ng malalim si Bela bago nakairap na tinalikuran si Regine.

 

Palihim na sinundan ni Regine ng tingin ang dalaga na lumakad papasok sa loob ng bahay kasunod ang binata.

 

“May araw ka rin sa’kin, maldita…” bulong nito sa sarili.

 

(ITUTULOY)

Naka-experience na ng kanyang first mammogram: BB, matagal nang walang contact at may sama ng loob sa pamilya

Posted on: March 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA unang pagkakataon ay naka-experience na ang transwoman na si BB Gandanghari ng first mammogram niya.

 

 

Ang mammogram ay ang pag-examine sa women’s breasts for early detection of cancer.

 

 

Limang taon nang kinikilala bilang babae si BB sa Amerika kaya required sa kanyang physical exam ang magpa-mammogram para sa kanyang insurance at medical provider.

 

 

Post ni BB sa Instagram: “First time to do this and totally feel like a woman… why? Because only women do this for their yearly physical check up as required by the insurance and medical provider.

 

 

Mammogram is very important for every woman, especially so when one is on Hormone Replacement Therapy like myself.”

 

 

Naka-base na sa US si BB at noong 2016 ay formally recognized na siya bilang babae ng korte. Female na ang nakalagay sa kanyang mga legal identification cards.

 

 

Noong 2021, nagpaabot ng kanyang apology si BB sa mga taong nagawan niya ng pagkakamali, kasama na roon ang kapatid niyang si Robin Padilla na inakusahan niya na isang ipokrito at ginagamit siya para gumanda ang public image nito.

 

 

Hindi naman tinatago ni BB na matagal na siyang walang contact at may sama siya ng loob sa kanyang pamilya. Wala raw ni isa sa kanila ang nag-attempt na hanapin at kumustahin siya kahit na may kumalat na fake news na namatay siya.

 

 

***

 

 

NAG-LAUNCH si Miss World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez ng kanyang sariling website para masundan ng kanyang followers sa social media ang kanyang journey to win the Miss World crown.

 

 

In-announce ni Tracy sa Instagram ang tungkol sa kanyang website at siya mismo ang magiging abala sa paglagay ng content rito.

 

 

“Have been on this for quite a while now — in between work schedules, personally making the content, the editing, the writing, tweaking the backend, figuring out the ins and outs of creating my own website through the platform given, I’m ecstatic that I get this opportunity to share with all of you my perspective of things and that it helped light up my passion for writing once again!

 

 

“I’ve come to realize that happiness is and will always be a choice. Today, I choose to be happy no matter the opinion of others, I choose to keep moving forward no matter the setbacks, and I choose to keep believing in God’s perfect timing for everything no matter the doubts,” sey pa ni Tracy.

 

 

Babalik nga si Tracy sa Puerto Rico dahil pasok siya sa Top 40 contestants ng 70th Miss World. Nagkasama si Tracy sa Top 6 ng Beauty with a Purpose video making kunsaan kasama niya ang mga representatives ng England, India, Kenya, South Africa, and the United States

 

 

Sa March 16 ang coronation night ng Miss World sa José Miguel Agrelot Coliseum in San Juan, Puerto Rico.

(RUEL J. MENDOZA)

Free 1-day unlimited pass, kaloob ng LRTA sa commuters na nagpabakuna sa LRT-2 stations

Posted on: March 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYAN ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ng libreng one-day unlimited pass ang mga train commuters na nagpaturok ng bakuna laban sa COVID-19 sa vaccination sites na inilagay sa kanilang mga istasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) kahapon sa unang araw nang pag-iral ng Alert Level 1 sa National Capital Region (NCR) at ilan pang lungsod at lalawigan sa bansa.

 

 

Ayon sa LRTA, ang naturang free rides ay bilang bahagi nang pagsusumikap ng Department of Transportation (DOTR) na isulong ang pagkakaroon ng libreng public transport system sa bansa at bilang suporta sa COVID-19 vaccination drive ng pamahalaan.

 

 

“This free ride program aims to encourage more commuters to get vaccinated and boosted. We need to step up our vaccination efforts in order to ensure the safety and protection of our commuting public,” anang LRTA.

 

 

Nabatid na ang naturang pass ay balido sa one-day unlimited use at kaagad na ipagkakaloob sa mga pasahero matapos silang maturukan ng bakuna.

 

 

Ang naturang pass ay dapat na ipakita ng pasahero, kasama ang kanyang valid ID, sa security o station personnel sa pagpasok niya sa AFCS gates, upang mai-avail ang libreng sakay.

 

 

Matatandaang una nang naglagay ng mga vaccination sites ang LRTA sa Claro M. Recto at Antipolo stations ng LRT-2.