• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 8th, 2022

Fuel subsidy para sa mga magsasaka, mangingisda maaaring ipalabas na

Posted on: March 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAAARING ipamahagi ng Department of Agriculture (DA) ang fuel subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda sa huling linggo ng Marso o unang bahagi ng Abril.

 

 

Sinabi ni Agricuture Assistant Secretary Noel Reyes, ang 162,000 corn farmers at fishers ang makikinabang mula sa ₱500-million subsidy. Ang bawat benepisaryo ay makatatanggap ng ₱ 3,000 at ito ay ipamamahagi sa pamamagitan ng debit card.

 

 

Ang pahayag na ito ng DA ay bilang tugon sa inaasahang mangyayaring “big-time fuel price hike” sa darating na linggo.

 

 

Sinabi kasi ng Unioil Petroleum Philippines na ang presyo ng diesel ay maaaring tumaas ng ₱5.40 hanggang ₱5.50 kada litro at presyo naman ng gasolina ay maaaring tumaas ng ₱3.40 hanggang ₱3.50 kada litro mula Marso 8 hanggang 14.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar  na ang guidelines para sa distribusyon ng fuel subsidy ay nakahanda na subalit hindi pa maipamamahagi ang pondo para rito.

 

 

“Itong pamimigay ng fuel subsidy ay may trigger mechanism bago ibigay, dapat ma-reach ‘yung gasoline price na $80 per barrel. Wala pa tayo diyan,” ayon kay Dar.

 

 

Samantala, tiniyak naman ng Department of Energy na ang armed conflict sa pagitan ng Ukraine at Russia ay walang direktang epekto sa bansa.

Ads March 8, 2022

Posted on: March 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

‘The Batman’ Impressive Opening Weekend Box Office, DC’s Biggest Since 2016 ‘Suicide Squad’

Posted on: March 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

THE Batman reported an impressive opening weekend box office for Warner Bros, DC’s biggest movie since 2016’s Suicide Squad.

 

 

The Batman is a new reboot of the Dark Knight saga that promises a fresh take of his adventures in Gotham City, focused more on Batman’s detective skills and exploring his reputation as “the world’s best detective”. Matt Reeves serves as director, co-producer, and co-writer.

 

 

It was originally scheduled to be released theatrically on June, 25th 2021 before being pushed back to a new date on October 1st, 2021 due to the COVID-19 pandemic, it eventually settled for a theatrical release on March 4th, 2022.

 

 

Unlike the slate of Warner Bros. releases last year, however, The Batman did not receive a day-and-date release, opting for an exclusive theatrical release and only appearing on HBO Max on April, 19th 2022.

 

 

This decision to return to an exclusive theatrical release model has seemingly paid off.

 

 

According to Deadline.com The Batman box office has soared to become Warner Bros.’ best opening for a DC movie since 2016’s Will Smith-led Suicide Squad And delivered an impressive $128M+ opening weekend so far, with a very good chance it could rise to $130M by Monday morning.

 

 

Matt Reeves‘s previous peak was with Dawn of The Planet of The Apeswhich had a $73M opening. The Batman also marks Robert Pattinson‘s return to 100M+ opening weekends since his Twilight Saga day. On top of that, The Batman has the best opening weekend of 2022 so far.

 

 

Reeves was chosen as the director of the film in 2017 after Ben Affleck dropped out. There was initially a long list of big-name directors short-listed to helm the film, including George Miller and Ridley Scott.

 

 

Matt Reeves became the frontrunner, however, and was expected to work from Affleck’s script, but Reeves, a longtime Batman fan, instead chose to focus on his own vision. Reeves only agreed to join The Batman after he was guaranteed creative freedom.

 

 

The Batman‘s box office performance is only further proof audiences are ready to start going back to theaters. The streaming boom might already be the standard, but it seems unlikely studios will discard the exclusive theatrical windows any time soon considering the profits it guarantees.

 

 

Following the enormous success of Spider-Man: No Way HomeThe Batman is just another example of theatrical exclusivity paying off.

 

 

Warner Bros. Pictures Presents a 6th & Idaho/Dylan Clark Productions Production, a Matt Reeves Film, The Batman. Now in Philippine theaters and distributed worldwide by Warner Bros. Pictures.(source: screenrant.com)

 

(ROHN ROMULO)

Talon ni Obiena kasing kinang ng ginto!

Posted on: March 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING ipinakita ni Ernest John Obiena ang kanyang pagiging isang elite athlete nang maglista ng bagong Philippine indoor pole vault record at angkinin ang silver medal sa World Athletics Indoor Tour Silver sa Rouen, France.

 

 

Itinala ni Obiena ang 5.91 meters para burahin ang dati niyang national mark na 5.86m sa Orlen Cup sa Lodz, Poland noong Peb­rero ng 2021.

 

 

Si American Christopher Nilsen ang umangkin sa gold medal ng torneo sa France sa nilundag na 6.05m habang nakuntento si 2016 Rio de Janeiro Olympics champion Thiago Braz (5.91m) ng Brazil sa bronze medal.

 

 

Pinilit ng Southeast Asian Games at Asian meet record-holder na si Obiena na makuha ang 6.01m, ngunit nabigo siya sa tatlong attempts.

 

 

Mas maganda rin ang 5.91m ng 6-foot-2 na si Obiena kumpara sa naiposteng 5.81m sa Orlen Cup at Orlen Copernicus Cup na idinaos sa Poland noong nakaraang buwan.

 

 

Wala pang katiyakan kung makakasali si Obiena sa World Indoor Championships sa Belgrade, Serbia sa Marso 18-20 dahil hindi pa siya nakakakuha ng endorsement sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).

COVID-19 VACCINE SA LRT STATION

Posted on: March 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAKAKATANGGAP na ng COVID-19 vaccines ang publiko sa Antipolo station ng Light Rail Transit Line 2 simula  araw mula Lunes hanggang Sabado.

 

 

Inanunsyo ng LRTA nitong Linggo ang pinalawig na iskedyul habang pinapataas nito ang immunization drive nito sa pakikipag-ugnayan sa pamahalaang lungsod ng Antipolo.

 

 

Dati, ang vaccination site sa istasyon ay operational lamang mula 8;30 ng umaga  hanggang alas 4 ng hapon tuwing Miyerkules at Biyernes.

 

 

Idinagdag ng LRTA na maaari ring mabakunahan ang mga komyuters sa Cubao station nito mula alas 8 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon tuwing Lunes simula Marso 7.

 

 

Samantala,ang Recto vaccination site nito ay nanatiling bukas tuwing Martes at Huwebes mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5.

 

 

Para higit pang maisulong ang mas ligtas na Sistema ng pampublikong transportasyon, nagbibigay din ang LRTA ng libreng one-day unlimited pass sa mga makakakuha ng kanilang anti-COVID shot sa alinmang Line 2 vaccination site. (GENE ADSUARA)

Expansion ng number coding scheme sa NCR, hindi na kailangan pa – MMDA

Posted on: March 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI NA nakikita pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kinakailangan pang paliwigin ang number coding scheme sa mga lugaw na nasa ilalim ng Alert Level 1, lalo na sa National Capital Region.

 

 

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, kakaunti lamang ang kanilang naitalang mga sasakyang bumabaybay sa EDSA sa unang araw ng pagpapatupad ng Alert Level 1 sa mga pililng lugar sa bansa.

 

 

Batay kasi sa datos, nasa 367, 535 lamang ang bilang ng mga naitalang sasakyan ang dumaan sa EDSA noong March 1, mas mababa kumpara sa dating 372,528 na mga sasakyang naitala noong nasa Alert Level 2 pa ang Metro Manila.

 

 

Nakapagtala rin ng parehong bilis ng mga sasakyan ang MMDA na 21 kilometro kada oras sa parehong ALert Level 1 at Alert Level 2.

 

 

Samantala, tiniyak naman ni Artes na magpapatuloy ang monitoring ng ahensya sa daily vehicle volume sa kahabaan ng ng EDSA upang malaman kung dapat na bang pairalin ang expansion ng number coding scheme dito.

 

 

Bukod dito ay inoobserbahan din ng MMDA ang traffic congestion sa nasabing kalsada na kadalasang nagaganap mula 7am hanggang 9am at mula 5pm hanggang 8pm.

 

 

Sa ngayon ay ipinapatupad ang number coding scheme tuwing weekdays mula 5pm hanggang 8pm, maliban nalang tuwing holidays.

 

 

Exempted naman mula sa naturang patakaran ang lahat ng mga pampublikong sasakyan tulad ng mga public bus at jeep.

 

 

Ipinagbabawal pa rin ang pagdaan ng mga truck sa EDSA, maliban na lamang kung essential goods ang dala dala nito.

 

 

Magugunita na kamakailan lang ay ipinahayag ng MMDA na pinag-aaralan nito ngayon ang pagbabalik ng number coding sa morning rush hour.