• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 15th, 2022

225 Filipino, napauwi na sa Pinas mula Ukraine

Posted on: March 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT na sa 225 Filipino ang napauwi na sa Pilipinas mula Ukraine.

 

 

Ang pinakahuling batch ng mga repatriates, kinabibilangan ng 52 indibiduwal ay dumating sa bansa, Sabado ng gabi.

 

 

“There are 98 Filipinos outside of Ukraine who are awaiting repatriation while “a little over a hundred” chose to stay in the eastern European country, either because of work or marriage to locals,” ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Sarah Lou Arriola

 

 

Sinabi pa ni Arriola na may ilang Filipino seafarers ang nananatiling stranded sa Ukrainian ports dahil sa patuloy na labanan ng Russia at Ukraine.

 

 

“Nahihirapan lang talaga silang maka-evacuate dahil malakas iyong putukan kung saan sila nandoon,” aniya pa rin sabay sabing nakikipag-ugnayan na ang DFA sa Philippine Overseas Employment Administration upang ligtas na makuha ang mga seafarers.

 

 

Sa kabilang dako, umapela naman si Arriola sa mga Filipino na nasa Kyiv na lumikas na bago pa umabot ang labanan sa capital city.

 

 

“We are really appealing to them na sana lumikas na sila habang hindi pa kailangan talagang humingi ng humanitarian corridor [galing Kyiv],” aniya pa rin.

 

 

“Filipino officials will continue to wait for evacuees until they are allowed to stay in Ukraine,” dagdag na pahayag ni Arriola.

 

 

Tinatayang may 2.6 milyong katao, karamihan ay mga kababaihan at kabataan ang umalis na ng Ukraine simula nang atakihin ng Russia ang nasabing bansa tatlong linggo na ang nakalilipas.

 

 

Mariing kinondena naman ng Pilipinas ang ginawang pag-atake ng Russia sa Ukraine. (Daris Jose)

Hindi naman dapat totohanin o ma-carried away: Direk JOEL, ‘di pa na-experience na may artistang tinablan sa ‘intimate scene’

Posted on: March 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Direk Joel Lamangan na mahirap gumawa ng mga intimate scenes.

 

 

Marami na rin naman siyang nagawang pelikula na sexy at ang marami rito ay may intimate scenes na involved ang mga artista.

 

 

Sa presscon ng movie na Moonlight Butterfly, sinabi ni Direk Joel na dapat bawat intimate scene na gagawin niya sa pelikula ay iba sa previous movie na nagawa niya.

 

 

Kailangan din na dapat maipaliwanag niya sa kanyang artista, babae man o lalake, ang kahalagahan ng nasabing eksena sa movie.

 

 

Sa tagal na niya sa paggawa ng movie, hindi pa naman na-experience ni Direk Joel na ang artista niya ay tinablan sa intimate scene.

 

 

“Wala pa naman nangyaring ganyan sa anumang pelikula ko. Pero kung sakali something like that happens, I will call the attention of the actors,” wika ni Direk Joel.

 

 

“Hindi naman dapat totohanin ang eksena. Kaya hindi siya dapat ma-carried away ng eksena. Dapat sumunod tayo sa tamang etiquette,” dagdag pa ng multi-awarded filmmaker.

 

 

Nakakahiya raw sa artista, lalo na sa artistang babae, pag may ganitong uri ng insidente sa shoot. Happily, hindi pa naman ito nangyari.

 

 

Sinabi rin ni Direk Joel na itong Moonlight Butterfly ay pwede niyang sabihin na one of his favorites sa mga movies na nagawa na niya.

 

 

“It is different. Hindi lang ito basta kwento ng isang babaeng pokpok. May malalim na pagtingin sa kwento na kaya pinasok ng lead actress ang pagiging pokpok ay dahil gusto niyang tumulong sa kanyang pamilyta. Eventually, sa takbo ng kwento, ay may gagawin siya na makatutulong sa bayan.”

 

 

Tampok sa pelikula sina Christine Belmas, Kit Thompson, at Albie Casino.

 

 

***

 

 

VERY thankful naman si Christine Belmas sa mga papuri sa kanya ni Direk Joel Lamangan.

 

 

Napaiyak pa nga siya nang marinig ang mga tinuran ng kanyang director.

 

 

Sinabi kasi ni Direk Joel na mahusay si Christine at nakita niya ang potential nito as an actress.

 

 

“Hindi po ako makapaniwala sa mga sinabi ni Direk Joel kaya ako naiyak,” wika ng dalaga. “Natutuwa po ako na naniwala sya sa kakayahan ko as an actress.”

 

 

While the audience find her sexy, sinabi ni Christine na sana raw ay makita ng mga tao ang potential niya as an actress.

 

 

“Siguro they just find me sexy pero sana they see my acting skills. Sana hindi nila ako makita na nakakahon sa image ng isang sexy actress. Ginagawa ko lang po ang trabaho ko and I want to be good in it,” pahayag pa niya.

 

 

Nagpapasalamat din si Christine kay Len Carillo, na naka-discover sa kanya at nagbigay ng break para makabilang sa Belladonnas.

 

 

“Hindi po niya ako pinabayaan, pati ang grupo. Appreciated ko po ang mga experiences ko before as part of Belladonnas. Ngayon po ay unti-unti na namin naabot ang dreams naming.     “Thankful po ako kasi nakita niya may pangarap kami na gustong matupad at tinulungan niya kami.”

 

 

Mababait naman daw ang mga leading men niya na sina Kit Thompson at Albie Casino, “They make sure na covered ako at walang nakikita sa love scenes. Tinatanong din nila ako kung ano ang limitations ko.”

 

 

Among the movies she had done, pinakagrabe raw ang mga love scenes na ginawa niya sa Moonlight Butterfly.

(RICKY CALDERON)

GINANG TUMAWID SA KALSADA, PATAY

Posted on: March 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang isang 49-anyos na ginang  nang nabangga ng sasakyan habang tumatawid sa kalsada sa Intramuros Maynila Linggo ng hapon.

 

 

Naisugod pa sa Ospital ng Maynila ang biktimang si  Rodella Florintino Litaw, walang asawa ng Brgy 658 Intramuros Manila subalit dakong alas-3:23 kamakalawa ng hapon ay nalagutan ito ng hininga.

 

 

Kinilala naman ang driver ng sasakyan na si Junrel Domingo Aquiles, 30, may-asawa ng 006 Sili St. Evergreen homes Pulang Lupa  Las Piñas City na nasa kustodiya na ng pulisya.

 

 

Sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), dakong alas-12:30 kamakalawa ng hapon nang naganap ang insidente kung saan minamaneho ni Aquiles ang kanyang sasakyan  patungo sa  direksiyon ng Northbound ng Mel Lopez Boulevard sakop ng Intramuros, Manila  nang pagsapit sa harapan ng DPWh Building sa Intramuros Maynila nang nabangga nito ang biktima na noon ay papatawid sa kalsada.

 

 

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang katawan ng biktima  ng ilang metro at bumagsak sa isang sementadong bahagi ng kalsada.

 

 

Agad namang rumesponde ang ambulansiya ng Red Cross at isinugod sa ospital subalit namatay habang ginagamot. (GENE ADSUARA)

Halos 300 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Valenzuela

Posted on: March 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HALOS 300 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos ang naganap na sunog sa isang residential area sa Valenzuela City, Linggo ng madaling araw.

 

 

Sa nakalap na ulat sa Valenzuela City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-4:20 ng madaling araw nang biglang sumiklab ang sunog sa residential area sa Sagip St., Brgy., Arkong Bato.

 

 

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayan kaya’t agad inakyat ang sunog sa ikalawang alarma kung saan i-deneklara ng BFP na fire under control dakong alas-7:04 ng umaga.

 

 

Dakong alas-2:04 naman ng hapon nang ideklarang fire out ang sunog habang wala naman napaulat na nasaktan o nasawi sa inidente at inaalam pa kung magkano ang naging pinsala at anu ang pinagmulan ng naturang insidente.

 

 

Kaagad namang nagpadala si Mayor Rex Gatchalian ng rescue tea, social workers, at medical teams sa lugar para tulungan ang apektadong mga residente.

 

 

Nagtayo rin ang Pamahalaang Lungsod ng mga modular tents, mobile showers, at mobile kitchens, pati na rin ang pansamantalang tirahan ng mga alagang hayop sa mga evacuation sites sa Arkong Bato National High School at PR San Diego Elementary School kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mga biktima ng sunog.

 

 

Namahagi rin si Mayor Rex ng family comfort packs, hygiene kits, food packs at magbibigay din ng financial assistance ang pamahalaang lungsod sa mga susunod na araw.

 

 

Inilatag naman ni Mayor Rex, Vice Mayor Lorie at mga konsehal ang long-term solution na gagawin ng pamahalaang lungsod kung saan isasaayos ang subdivision plan ng Sagip St. at sisiguruhing may maayos itong daanan para sa mga tao at sasakyan. (Richard Mesa)

PDu30, natupad ang pangako na dadalhin ang kapayapaan sa Mindanao

Posted on: March 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA PAGTATAPOS ng kanyang termino sa nalalabing tatlong buwan, naniniwala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nagawa at nagampanan niya ang kanyang pangako na dalhin ang kapayapaan sa Mindanao.

 

 

Sa isang panayam sa Pangulo ni Pastor Apollo Quiboloy na inere, araw ng Sabado ng SMNI, binigyan ng kredito ng Pangulo ang mga lider ng Bangsamoro para sa pagtatapos ng tinaguriang “decades-old conflict” sa Mindanao.

 

 

“The Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), led by Chief Minister Ahod “Murad” Ebrahim, was able to “somehow calm” the situation in the region,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

 

“I think we have relatively a peaceful Mindanao,” ayon sa Pangulo sabay sabing “We have a good rapport with the Moro of Mindanao. And I think that just allow them in the governance of our country and give them enough elbowroom to, you know, just govern without interference of armed groups.”

 

 

Umaasa rin ang Punong Ehekutibo na ang “peace and development” sa Mindanao ay mapananatili kahit pa tapos na ang kanyang termino.

 

 

“I think that we have achieved militarily the objectives of keeping the peace in Mindanao. God willing, if the equilibrium nami-maintain, we are trouble-free. I hope and I pray of course,” anito.

 

 

Nagdesisyon naman ang Pangulo na panatilihin sa status quo ang kasalukuyang komposisyon ng Bangsamoro Transition Authority (BTA), ang interim government na may executive at legislative power sa Bangsamoro Autonomous Region.

 

 

Ang BTA ay inatasan na pangasiwaan ang three-year transition period mula 2019, kasunod ng eleksyon ng BARMM officials.

 

 

Sinabi naman ni Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr. nito lamang Pebrero ay may mahigit na 10.3 million euro (P601.9 million) halaga ng project grants ang nakatakdang ipatupad bilang suporta sa normalization process sa Bangsamoro government.

 

 

Samantala, ang mga opisyal naman ng BARMM at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay nangako na tutulong upang matiyak ang mapayapa, malinis at maayos ang halalan sa Mayo 9 ngayong taon.

 

 

Nauna nang iniulat ni BARMM police director Brig. Gen. Arthur Cabalona na 102 areas of concern ang nailista ng Police Regional Office-BARMM para sa national at local elections sa BARMM ngayong taon.

 

 

Sa 102 election hotspots, 99 ay munisipalidad habang ang tatlo naman ay lungsod ng Cotabato, Marawi, at Lamitan,

VACCINATION CARD SA PAMPUBLIKONG PALENGKE, INISPEKSIYON NG DOH

Posted on: March 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA ng inspeksiyon ang Department of Health (DOH)  sa mga vaccination cards sa mga may-ari ng puwesto sa isang pampublikong palengke upang masiguro na nakumpleto nila ang kanilang bakuna.

 

 

Pinangunahan ng inspeksiyon ni DOH-Ilocos Region Licensing Officer  Charito Buado kasama ang Malasique Rural Health Unit ang inspeksiyon sa Malasique Public Market sa Malasique Pangasinan at isinabay na rin ang pagbibigay ng booster shot sa mga consumers na hindi pa natuturukan.   

 

 

Ang pang-apat at pinal na national vaccination day ay isinagawa mula March 10 hanggang 12 na nakatuon sa second dose at booster shots. (Gene Adsuara)

Sa showbiz na na-experience at matapang na hinarap: JULIA, memorable ang ‘high school life’ at never nakaranas nang pambu-bully

Posted on: March 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA bagong youth comedy-drama series na The Seniors mula sa VIVA TV at Project 8 Projects, pak na pak ang high school life sa Pacaque Rural High school kasama sina Ella Cruz, Andrea Babierra, Awra Briguela at Julia Barretto.

 

 

Binuo ito at prinoduce ng box-office directors na sina Dan Villegas at Antoinette Jadaone at sa direksyon ng young director na si Shaira Advincula-Antonio.

 

 

Nagbabalik-series nga si Julia na fresh pa mula sa kanyang hit TV series na Di Na Muli at horror movie mula sa direksyon ni Brillante Mendoza na Bahay na Pula.

 

 

Makakasama niya rito ang dancer-actress na si Ella Cruz, ang singer-actress at dating miyembro ng Pop Girls na si Andrea Babierra, at ang actor-comedian na si Awra Briguela.

 

 

Ang The Seniors ay tungkol sa apat na senior high school students sa isang provincial public high school na sama-samang haharapin ang iba’t-ibang problema sa buhay at pag-ibig. Sa Pacaque National High School, kilala ang it-trio na “The Certifieds.”

 

 

Pinangungunahan ito ni Jennifer (Ella Cruz), ang overachiever Student Council President. Kasama niya ang “Muse” ng school na si Nicole (Andrea Babierra) at ang school Volleyball Team Captain na si Fifi (Awra Briguela).

 

 

Consistent sa pagiging star section, naniniwala ang tatlo na sila ang elite students ng kanilang eskwela at dapat ay parati silang magkakasama kahit anuman ang mangyari. Ngunit sa huling taon ng kanilang high school, maraming malalaking pagbabago ang kailangan nilang harapin.

 

 

Isa na rito ang pagdating ng maganda at matalinong transferee from Manila na si Diana (Julia Barretto). Sa kanyang pagdating, mas magiging masaya at mas maraming problema ang kanilang haharapin habang pilit na babalansehin ang magandang grades, pagkakaibigan at romantic relationships.

 

 

At bilang city girl from Manila na lumipat sa province, game changer ang role niya kaya na-threaten sa kanya ‘yung mean girls doon sa school and hina-harass talaga siya at binu-bully.

 

 

Hindi raw ito naranasan ni Julia noong nasa high school at naging maganda at memorable ang kanyang high school life at never siyang na-bully, noong nag-artista na lang siya nakaranas ng pambu-bully at matapang naman niyang hinarap, at patuloy lang ang buhay.

 

 

Sa direksyon ito ni Shaira Advincula-Antonio, ang young at award-winning Mindanaon short film director. Ang kanyang short film na Tembong ay nakarating na sa iba’t ibang international short film festivals gaya ng Guanajuato International Film Festival sa Latin America, International Inter-University Short Film Festival sa Bangladesh, at Short Cut Film Festival sa Serbia.

 

 

Dito sa Pilipinas, nagwagi ang Tembong bilang Best Short Film sa 2019 Cinemalaya Independent Film Festival at Gawad Urian Awards. Ito din ang unang series na ginawa niya.

 

 

Balikan ang saya at lungkot na kasama ng high school life sa The Seniors simula March 20, streaming online sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macau, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, Canada, the USA, the Middle East at Europe. At sa best viewing quality na ang inyong panonood dahil ang VIVAMAX ay compatible na with TV casting.

 

 

Maaari ring mag-subscribe sa www.vivamax.net, pumili ng plan, at magbayad gamit ang PayMaya, Debit or Credit card, GCash, GrabPay, o sa ECPAY partner outlets na malapit sa inyo.

 

 

Pwede ring mag-add to cart ng VIVAMAX subscriptions sa Shopee, Lazada, PayMaya at ComWorks Clickstore.

 

 

Maaari ring magbayad ng VIVAMAX subscription plans sa mga Authorized outlets na malapit sa inyo: Load Central, ComWorks at Load Manna.

 

 

Mas affordable, mas maraming ways at mas madali na ang pag-subscribe. Kaya naman #SubscribeToTheMax na sa best Pinoy Movie Streaming App, VIVAMAX!

(ROHN ROMULO)

CENTENARIAN NAKATANGGAP NG P10K REGALO MULA SA NAVOTAS LGU

Posted on: March 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATANGGAP ng P10,000 cash na regalo mula sa Pamahalaan Lungsod ng Navotas ang isang  centenarian na nagdiwang ng kanyang ika-100th kaarawan kamakailan sa lungsod.

 

 

Personal na binisita para batiin at inabot ni Mayor Toby Tiangco, kasama si Cong. John Rey Tiangco at ilang konsehal ng lungsod ang P10,000 cash na regalo kay Lola Beatriz Garcia ang centenarian na nagdiwang ng kanyang kaarawan ngayong taong 2022.

 

 

Ayon kay Mayor Tiangco, ang natatanggap na cash na regalo para sa mga centenarian na residente ng lungsod ay nagsimula pa noong 2014 bilang pagkilala sa kanilang naging kontribusyon sa pag-unlad ng lungsod at sa lahat ng kanilang nagawa para sa Navotas.

 

 

Bukod dito, makatatanggap din aniya si lola Beatriz ng P100,000 mula naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

“Si Cong. John Rey ay may inihaing batas na nagtataas sa halaga ng social pension ng mga senior at lahat na ng mga senior ay mabibigyan, may pension man sila sa gobyerno o wala. Makatatanggap din ng cash benefit ang mga senior na aabot ng 80, 85, 90, 95, at 100 taong gulang”, ani Mayor Toby.

 

 

“Hangad nating tuluyan na itong maisabatas para mas masaya at mas napapangalagaan ang kapakanan ng ating mga lolo at lola”, dagdag niya. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Football star Cristiano Ronaldo nabasag ang all-time FIFA record career goal

Posted on: March 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGTALA ng all-time FIFA record si Manchester United superstar Cristiano Ronaldo matapos maitala nito ang kaniyang 806th career goal sa Old Trafford.

 

 

Dahil dito ay nabasag nito ang all-time record para sa most goals sa competitive matches sa kasaysayan ng men’s football.

 

 

Ito ang pangalawa sa tatlong goals ng Portuguese attacker ng talunin nila ang Tottenham Hotspur F.C. sa score na 3-2.

 

 

Mayroon na itong kabuuang 807 total career goals kung saan nalampasan nito ang 805 goals na ginawa noon ni Josef Bican.

DepEd, bumuo ng Election Task Force

Posted on: March 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BUMUO  ng Election Task Force (ETF) Operation at Monitoring Center ang Department of Education (DepEd) para sa darating na eleksyon.

 

 

Ito ay upang gabayan ang mga public school teachers at personnel na na magseserbisyo para sa botohan sa Mayo 9.

 

 

Ayon pa sa kagawaran, ang pagbuo ng ETF ay tutulong sa Commission on Election (Comelec) na tiyaking malaya, maayos, tapat, mapayapa, at mapagkakatiwalaan ang gaganaping national at local elections sa bansa.

 

 

Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na ang Election Task Force ay sisiguraduhin na mayroong sapat na impormasyon, teknikal at legal assistance ang mga guro at iba pang personnel na gaganap bilang mga miyembro ng Electoral Board.

 

 

Batay sa DepEd Memorandum No. 10, s. 2022, Itatalaga sina Education Undersecretaries Alain Del Pascua at Revsee Escobedo bilang DepEd ETF Operations and Monitoring Center chair at vice-chair.

 

 

Itatayo ang DepEd ETF sa Bulwagan ng Katarungan, sa DepEd Central Office sa Pasig City mula Mayo 8 hanggang 10 at magbubukas naman mula 1 p.m. hanggang 5 p.m. upang matiyak na sumusunod sa lahat ng mga ipinapatupad na kautusan at mga tagubilin na may kaugnayan sa election duties.

 

 

Pahihintulutan din na lumikha ang lahat ng regional at schools, maging ang mga city division offices ng kani-kanilang ETF Operations and Monitoring Centers sa parehong schedule.

 

 

Samantala, isasailalim naman sa umiiral na mga alituntunin at regulasyon ang pagbibigay ng honoraria sa mga opisyal at taugan na magseserbisyo sa kanilang mga ETF.