Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
NAGPAKALAT na ng nasa 4,000 pulis ang National Capital Region Police Office (NCRPO) upang matiyak ang tagumpay at makamit ang ‘zero election related incidents’ sa panahon ng kampanya ng mga lokal na kandidato simula ngayong Marso 25, 2022.
Ayon kay NCRPO chief, P. Major General Felipe Natividad, handa na ang kapulisan sa pagpapatrulya at pagmomonitor sa kanilang area of responsibilities (AORs).
Itinalaga ang nasabing bilang sa iba’t ibang campaign activities upang mapanatili ang kapayapaan ang kaayusan, kabilang pa ang mga naka-standby, sakaling kailanganin pa ng dagdag na puwersa.
“The forthcoming National and Local Elections 2022 is expected to be more challenging than it was before considering the fact that we are facing a global health crisis at the moment. We must modify our strategies to adopt to the new environment,” ani Natividad.
“Let us continue to maximize police presence, non-stop inspections, our undivided attention and dedication as well as continuous anti-criminality campaign to guarantee that we will have a safe, accurate and fair election. Sama-sama tayong magtrabaho ng maayos, tama at ilagay sa puso ang disiplina upang makamit natin ang payapang eleksyon”, dagdag pa nito.
NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Department of Information and Communications (DICT) sa NBI at COMELEC kaugnay ng usaping security breach sa operasyon ng SMARTmatic na siya pa namang service provider sa sistemang gagamitin para sa May 9 national elections.
Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni DICT secretary Emmanuel Caintic, kung lalabas sa pagsisiyasat na may nag- leak o may natumbok na may kinalaman talaga sa security breach ay kasama sila sa magsasampa ng asunto.
Aniya, inatasan na niya ang National Privacy Commission na ituloy lang gawin ang imbestigasyon sa mga nasasangkot sa isyu ng data breach.
Sisiguraduhin aniya nilang mananagot ang mga dawit sa kontrobersiya na dito ay nabanggit na umano’y sangkot ay ilan sa mga data privacy officer ng smart matic.
Ilang mambabatas gaya ni Senadora Imee Marcos ang una ng iginiit na isang seryosong security breach ang nangyari at nakompromiso na dito ang operasyon ng Smartmatic. (Daris Jose)
TODO ABANG na ngayon ang NBA lalo na ang Brooklyn Nets superstar na si Kyrie Irving kaugnay sa magiging anunsiyo bukas ng lokal na pamahalaan ng New York na papayagan na ring maglaro ang hindi mga bakunadong players laban sa COVID-19.
Ang naturang pagluluwag sa restrictions sa mga unvaccinated ay idedeklara ni New York City Mayor Eric Adams.
Kung maalala dahil sa higpit ngayon sa naturang estado ay hindi tuloy nakalaro sa kanilang home court si Irving na inabot ng 35 mga games.
Sinasabing napakahalaga ng papel ni Irving sa huling mga laro ng Nets lalo na at naghahabol ang koponan na mapabilang sa NBA playoffs.
Samantala hindi lamang ang NBA ang makikinabang sa pagtanggal sa naturang patakaran laban sa mga hindi bakunadong players kundi maging sa lahat ng mga private businesses at iba pang mga professional athletes at mga performers sa siyudad ng New York.
AGSASAGAWA raw ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng dalawang linggong dry run para sa pagbabalik sa provincial vuses sa EDSA simula sa kagabi.
Kasunod na rin ito ng pagbibigay ng green light mula ng Department of Transportation (DoTr).
Sa isang statement, sinabi ni MMDA chairperson Romando Artes na base raw sa Inter Agency Task Force (IATF) Resolution No. 101 patungkol sa uniform travel protocols ay magpapasok na raw ngayong Huwebes.
Dakong alas-10:00 kagabi nang pinayagan na ang muling pagbabalik ng mga provincial buses sa EDSA at magtatagal ito hanggang alas-5:00 ng umaga.
Samantala, pumirma naman ng plegde of commitment ang MMDA at representatives mula sa multi-sectoral stakeholders para mapaganda raw ang public at private transportation sa National Capital Region.
Kabilang sa mga panukalang traffic plans ang pagpapalawig ng number coding scheme at muling pagpapatupad ng truck ban policy bilang paghahanda sa tinatawag na new normal.
Magsasagawa naman daw ng serye ng konsultasyon ang MMDA para mapaganda pa nila ang traffic management sa Metro Manila. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
KINUMPIRMA ni Senador Christopher “Bong” Go, ang nangyaring miting o pulong sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at presidential aspirant Bongbong Marcos.
Sa isang panayam matapos na bisitahin ni Go ang Malasakit Center at turnover ceremony ng financial assistance mula sa Office of the President sa Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City ay sinabi nito na nagkaroon ng produktibong meeting sina Pangulong Duterte at Marcos.
Ibinahagi pa aniya ni Pangulong Duterte kay Marcos ang kanyang mga naging karanasan bilang isang outgoing president ng bansa at pinayuhan pa ni Pangulong Duterte si Marcos habang nag-uusap ang mga ito.
“Maganda naman po ang resulta ng meeting. Medyo matagal-tagal nga ‘yon at talagang ganado ‘yung Pangulo na magkuwento. I think about 80% ng discussion ay more on si Presidente po ang nagsasalita,” ang pagbabahagi ni Go.
“And he shared his experience po… as president sa mga nakaraan. Ito, nagbigay siya ng mga kaunting payo, mga ginawa niya para sa ating bayan ay sana po’y ipagpatuloy ng kung sino man po ‘yong magiging susunod na Pangulo,” dagdag na pahayag nito.
Binanggit din ni Go na ang nasabing meeting ay isa sa mga dahilan para iendorso ng PDP-Laban ang kandidatura ni Marcos.
Nagkaroon na rin naman kasi ng ilang beses na pag-uusap at konsultasyon sa bagay na ito.
“Malamang ‘yon po ang naging isa sa naging dahilan, pero dumaan po ‘yon sa konsultasyon at proseso,” ayon kay Go.
“It’s a party decision po. So, ibig sabihin dumaan sa proseso, pinag-usapan, nagkonsultasyon sa iba’t ibang miyembro ng PDP at majority ang nakapag-decide kung sino po ‘yung ina-adopt at susuportahan. So, it’s a party decision po,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, umaasa naman ang senador ng pagkakaisa sa loob ng partido pagdating sa pag-endorso ng mga kandidato para sa nalalapit na eleksyon sa bansa.
“Being a member po ng PDP ay sana iisa po ang magiging direksyon ng lahat ng miyembro ng partido,” ayon kay Go.
“Kasi para naman po sa akin, para po sa akin personally as PDP member, kung sino po ‘yung makapagpatuloy ng magagandang programa ni Pangulong Duterte, […] iyon po ang gusto kong suportahan. At kung sino po ‘yung talagang ‘yung direksyon niya is ipagpatuloy, huwag sirain ‘yung momentum na naumpisahan na natin,” aniya pa rin.
At nang tanungin kung ano na ang estado ng political party system sa bansa, sinabi ni Go na ang umiiral na political affiliations ay mababago matapos ang termino ni Pangulong Duterte sabay sabing “this is a reality of Philippine politics.”
“After President Duterte, sa tingin ko watak-watak na rin ‘yan, Gano’n naman talaga that’s the reality of Philippine politics and our party system dito sa ating bansa,” ani Go.
“At kahit kailan, kung sino ‘yung president sila ‘yung ruling party. After papalitan ng panibagong presidente ‘yon na naman ang magiging ruling party. So that’s the reality of Philippine politics,” aniya pa rin. (Daris Jose)
MANANATILI sa Converge ang coaching staff ng Alaska Aces sa oras na simulan ang kampanya nito sa PBA Season 47.
Kabilang sa mga mananatili si Aces head coach Jeffrey Cariaso kasama sina Joe Silva, Danny Ildefonso at Franco Atienza.
Nais ni team governor at dating PBA commissioner Chito Salud na makabuo muna ng solidong koponan para sa susunod na season.
Ngunit wala pang linaw kung sinu-sinong mga players ng Alaska ang mananatili sa Converge.
Kaya naman nakatakdang makipagpulong ang pamunuan ng Converge sa coaching staff ng Alaska kasama ang mga players nito.
“The players are part of the sale, the coaches are part also of the acquisition. We believe this team has great potential, and as I said, we just need to recalibrate and move forward,” ani Salud.
Sa kasalukuyan, tanging sina Jeron Teng, Ben Adamos at Taylor Brown lamang ang may kontrata sa Alaska.
Nasa free agency ang iba pang players kabilang na sina Abu Tratter, Robbie Herndon, Maverick Ahanmisi, Allyn Bulanadi at RK Ilagan.