• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 28th, 2022

DA, pinalalaanan ng mas malaking pondo ang agri projects sa LGUs

Posted on: March 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINIMOK ng Department of Agriculture ang Local Government Units (LGUs) na paglaanan ng mas malaking pondo ang agricultural projects para maabot ang food security ng bansa at mapabilis ang pagbangon mula epekto ng pandemya sa sektor ng pagsasaka.

 

 

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Noel Reyes, mas mabuting mag invest ang LGU’s sa crop at palay production, mais, livestocks at fishery.

 

 

Kasabay nito, ipinabatid ni Reyes na tuloy-tuloy ang pamamahagi ng (DA) ng P3K fuel vouchers sa mahigit 1,060 magsasaka at mangingisda sa buong bansa.

 

 

Tiniyak naman ng DA na bukas sila sa mga imbestigasyon para sa isyu ng transparency sa lahat ng pondong idinadaan sa kanilang tanggapan.

Bulkang Taal nag-alboroto, alert level 3 itinaas

Posted on: March 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ITINAAS na sa Alert level 3 ang Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas dahil sa patuloy na pag-aalboroto.

 

 

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagbuga ang bulkan ng plumes na 1500 metro na may kasamang volcanic earthquake at infrasound signals.

 

 

Sa tala ng Taal Volcano Network, nagkaroon din ng 9 volcanic quakes, kabilang ang 3 tremor events na tumagal ng 1-3 minuto, at 6 low-frequency volcanic quakes.

 

 

May naganap din na upwelling ng mainit na volcanic gas sa lawa ng Main Crater na lumikha ng plume na may taas na 1,200 metro na napadpad sa hilagang-kanluran.

 

 

Nagkaroon din ng pagbuga ng sulfur dioxide (SO2) o asupre mula sa bulkan na may humigit-kumulang 6,957 tonelada kada araw.

 

 

Dahil nakataas na ngayon sa  Alert Level 3  ang bulkan, pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko sa posibleng steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas na maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island ( TVI).

 

 

Patuloy na ipinagbabawal ang pagpasok ng sinuman sa TVI, na Permanent Danger Zone (PDZ) ng Taal, lalo na sa may Main Crater at ng Daang Kastila fissure.

 

 

Pinagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa may Taal volcano dahil sa naglipanang abo at posibleng pagtalsik sa himpapawid ng maiinit na bato na maaaring idulot ng isang biglaang pagputok ng bulkan.

 

 

Pinapayuhan ng Phivolcs ang mga residente sa Taal Volcano Island at sa Barangay Bilibinwang at Banyaga sa Agoncillo at Boso-bobo, Gulod at eastern Bugaan East sa Laurel na lumikas na sa posibilidad na magkaroon ng pyroclastic density currents at volcanic tsunami.

 

 

May mga residente na sa Agoncillo ang nagsilikas matapos makaranas ng tila ash fall ng bulkan. Sa bahagi ng Barangay Banyaga ay umuulan na umano ng buhangin.

 

 

Ayon sa Agoncillo local government sa report nito sa National Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Council, 160 families o 800 katao na ang nailikas.

 

 

Limang paaralan at isang covered court ang ginagamit na ngayon bilang pansamantalang evacuation centers.

 

 

Sa Laurel town, ay nagsimula na rin uma­nong magsilikas ang mga residente partikular sa 3 barangay malapit sa Taal Volcano.

 

Samantala, mahigit sa 900 pamilya mula sa ilang mga barangay sa munisipalidad ng Agoncillo at Laurel sa Batangas ang lumikas matapos na magkaroon ng phreatomagmatic bursts sa Taal Volcano.

 

 

Ayon kay Batangas Provincial Social Welfare and Development Office head Joy Montalbo, 498 pamilya o 1,767 katao sa Agoncillo ang lumikas.

 

 

Samantala, hanggang kaninang alas-5:00 ng umaga, 479 pamilya o 1,616 katao sa Laurel ang lumikas, ayon naman kay Jerwin Tambogon, public information officer ng Laurel Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

 

 

Sinabi ni Montalbo na papayagan lamang ang mga residente na bumalik sa kanilang bahay sa oras na maibaba na ng PHIVOLCS sa Alert Level 2 ang kasalukuyang Alert Level 3.

 

 

Itinaas ng PHIVOLCS ang Alert Level  sa Taal Volcano dahil sa magmatic unrest nito.

 

 

Ito ay kasunod ng “short-lived phreatomagmatic burst” na naitala sa main crater ng Taal Volcano kahapon ng alas-7:22 ng umaga na sinundan pa ng “nearly continuous phreatomagmatic activity” na nakapag-generate ng 1,500 meter na taas ng plumes at volcanic earthquake at infrasound signals.

Ads March 28, 2022

Posted on: March 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Ping hinihingan ng P800 milyong ng partido kaya ‘nilaglag’

Posted on: March 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

POSIBLENG dahil sa walang maibigay na P800 milyon na additional funding kaya umano iniwan ng partido ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez ang kandidatura ni Sen. Panfilo Lacson.

 

 

Ayon kay Lacson, duda siya sa rason na ang results sa pre-election survey ang nagtulak kay Alvarez na lumipat sa kampo ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo na pumapangalawa sa mga survey.

 

 

Paliwanag pa ng senador, ang chief of staff ni Alvarez ang nanghihingi sa kanya ng karagdagang P800 milyon pondo sa pangangampanya para sa kanilang local candidates.

 

 

Pero nilinaw umano ni Lacson  sa chief of staff ni Alvarez na hindi niya kayang ibigay ang kahilingan nitong ka­ragdagang P800 milyong pondo sa pangangampanya.

 

 

“Time to call a spade a spade. It was actually more about the issue of campaign expenses for their local candidates. His chief of staff was asking for 800 million pesos in additional funding which I honestly told him I cannot produce,” giit pa ng Senador.

 

 

Sa kabila nito, nilinaw ni Lacson na wala siyang kinikimkim na sama ng loob kay Alvarez subalit mas makabubuti umanong manahimik na lang ito.

 

 

Nauna nang nagbitiw si Lacson sa Partido Reporma nitong Marso 24, bago ang anunsyo ng kampo ni Alvarez na susuportahan nito ang presidential bid ni Robredo.

Pagsisimula ng local campaign, generally peaceful – PNP

Posted on: March 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ITO ANG deklarasyon nitong Sabado ng Philippine National Police (PNP) sa pagsisimula ng campaign period para sa lokal na posisyon kaugnay ng gaganaping May 9, 2022 national election. Sinabi ni PNP Chief P/ Gen. Dionardo Carlos, walang naiulat  na anumang insidente ng karahasan na may kaugnayan sa nalalapit na halalan.

 

 

Ang campaign period para sa lokal na posisyon na nagsimula nitong Marso 25 ay tatagal hanggang Mayo 7.

 

 

Sinabi ni Carlos ang assessment ay base sa mga field reports hinggil sa mga sitwasyon mula sa mga Police Regional Offices na iniuulat sa PNP Command Center sa Camp Crame.

 

 

“The local campaign period started on a generally peaceful and orderly mode on Friday. We hope that this favorable condition will hold for the succeeding days of the campaign period until the last day of the local campaign in May 7, or two days before the 2022 National and Local Elections in May 9,” ayon kay Carlos.Samantalang pinaalalahanan naman ni Carlos ang mga kandidato para sa 18,000 local elective posts na ang lahat ng campaign activities ay ipinagbabawal sa Huwebes Santo at  Biyernes Santo o Abril 14-15 base sa Calendar of Activities para sa  2022 National and Local Elections na ipinasa ng Comelec.

 

 

“We express optimism that all security measures put in place by the PNP will produce favorable results to uphold the sovereign will of the Filipino electorate and ensure safe, orderly, honest and peaceful elections on May 9th,” ang sabi pa ni Carlos. Samantalang ang PNP ay nagpakalat ng sapat na bilang ng mga pulis sa pag-uumpisa ng campaign period sa gaganaping halalan sa bansa. (Daris Jose)

Mga otoridad sa China kinumpirmang walang nakaligtas sa 132 kataong lulan ng pampasaherong eroplano

Posted on: March 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ng Civil Aviatioin Administration ng China na walang nakaligtas sa kabuuang 132 sakay ng bumagsak na pampasaherong eroplano sa southern China.

 

 

Sinabi ni Hu Zhenjiang, deputy director-general ng Civil Aviation Administration of China, lahat aniya ng 123 na pasahero at siyam na crew ang nasawi ng bumagsak ang flight MU5735 ng China Eastern airlines.

 

 

Nakilala na ang pagkakakilanlan ng 120 na biktima matapos na isailalim ang mga ito sa DNA identifications.

 

 

Hanggang sa ngayon aniya ay blangko pa rin sila kung paano biglang bumulusok pababa mula sa 7,850 talampakan ang nasabing eroplano.

 

 

May dalawang recorder ang Boeing 737-800 na ang isa ay nakalagay sa likod ng passenger cabing tracking flight data at ang isa naman ay sa cockpit voice recorder.

 

 

Magugunitang bumagsak sa bulubunduking bahagi ng Wuzhou City sa Guangxi province ang nasabing eroplano noong Marso 21.

Pinay MMA fighter nabigo sa muling paghaharap nila ni Ham Seo Hee

Posted on: March 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NABIGO si Filipino fighter Denice Zamboanga sa muling paghaharap niya kay Ham Seo Hee.

 

 

Nakuha ni Ham ang unanimous decision laban kay Zamboanga sa ONE X na ginanap sa Singapore Indoor Stadium.

 

 

Sa naging panalo ngayon ng South Korean veteran mixed martial arts fighter ay kumbinsido na ang mga judges.

 

 

Magugunitang noong Setyembre 2021 ng manalo ito sa split decision kung saan marami ang kumuwestiyon sa panalo nito.

 

 

Naging emosyonal si Ham dahil sa panalo nito kung saan hindi niya asahan na ma-dodomina na nito ngayon ang laban.

 

 

Aminado kasi ito na noong unang paghaharap nila ng Pinay fighter ay hindi it kumbinsido dahil sa marami ang bumatikos sa panalo niiya ngayon aniya ay gumana ang game plan at tiyak aniya na hindi na maku-kuwestiyon ang panalo nito.

Back to work sa first project niya sa GMA-7… BEA, ‘oo’ agad ang sagot ‘pag nag-propose na si DOMINIC

Posted on: March 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AFTER almost two years na medyo relax sa work niya si Kapuso actress Bea Alonzo dahil sa pandemic, ngayong matatapos na ang first quarter ng 2022, back to work na siya, full time.  

 

 

Sinulit muna ni Bea ang ilang araw na bakasyon sa Madrid, Spain, kahit mag-isa lamang siyang nag-travel.

 

 

At sa pagbalik niya sa bansa, last Friday, March 25, ini-launch na siya as the official brand ambassador ng Beautederm’s Reiko Slimaxine at Reiko Fitox.

 

 

Ginanap ang contract signing niya with CEO and President of Beautederm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.  Sa presscon, inamin ni Bea na when she turned 30, medyo nag-isip na siya kung paano niya ma-maintain ang kanyang health, kaya sumunod siya sa right time of sleep, exercise, at kahit mahilig daw siyang kumain, lagi niyang sinisiguro na tama ang kanyang mga kinakain.

 

 

Hanggang sa i-offer sa kanya ni Ms. Rhea na maging ambassador ng Reiko Fitox & Slimaxine, at ito raw ang nakatulong sa kanya, kahit paminsan-minsan ay mapasarap ang kain niya ay madi-detox naman para patuloy siyang maging healthy.

 

 

Sa interview after the launch, natanong din si Bea, kung wala pa silang balak magpakasal ng boyfriend na si Dominic Roque.  

 

 

“Of course, kung sakaling mag-propose si Dom, okey agad ang sagot ko, pero sa ngayon na back to work na ako sa first project ko sa GMA Network, iyon muna ang uunahin ko, kasi matagal na rin kaming naghihintay ni Alden (Richards) na masimulan ang teleserye namin.”

 

 

Back to work na nga sina Bea at Alden.

 

 

Last Saturday, March 26, pinasaya muna ni Alden ang mga fans nila ni phenomenal star Maine Mendoza, nang mag-appear siya sa live presentation ng Eat Bulaga, na nagkataong 10th anniversary ng ini-endorse nilang online selling app na Lazada.

 

 

Hindi na tinapos ni Alden ang EB dahil 3PM naman ang story conference at script reading nila ng cast ng Philippine adaptation ng Korean drama na Start-Up, na makakasama rin nila sina Ms. Gina Alajar, Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi, Kim Domingo, Boy 2 Quizon and others.

 

 

The series will be directed by Jerry Sineneng.  At sa Friday, April 1, simula na ng kanilang  semi-lock-in taping, dahil narito lamang sa Metro Manila ang location nila.

 

 

Magpa-RT PCR test sila at straight 3 days taping sila then rest for two days.  Magkakaroon sila ng lock-in taping kapag nasa labas na ng Metro Manila ang location nila.

 

 

***

 

 

PANSIN daw na blooming si Kapuso actress Bianca Umali na kitang-kita ito sa GMA Primetime Telebabad na Mano Po Legacy: Her Big Boss. 

 

 

Hindi kaya dahil sa character niyang lagi siyang nakatawa at masaya?

 

 

Tinanong nga raw si Bianca ng Mama Vi niya, ang lola niyang nagpalaki sa kanya matapos mamatay ang parents niya, kung meron na raw ba siyang minamahal, iyong makakasama niya talaga sa buhay.

 

 

      “Hahanapin ko nga iyon, Mama,” sagot ni Bianca.  “Pero sa tingin ko, ‘yung bagay na iyon, hindi naman minamadali.  Iyon ang turo ninyo sa akin, di ba?”

 

 

Mas focus pa rin daw si Bianca sa kanyang career, lalo ngayon na enjoy na enjoy siya sa role ni Irene Pacheco sa serye na pinagtatambalan nila ni Ken Chan.  

 

 

Kaya mukhang malabo pa rin kung si Ruru Madrid na nga ang kanyang special someone na makakasama niya hanggang sa huli.

 

 

***

 

 

WELCOME back to broadcaster Mike Enriquez, dahil simula ngayong Monday, March 28, muli na siyang mapapanood, fresh from the three-month isolation period pagkatapos ng kanyang kidney transplant surgery last December, 2021.

 

 

Matagal daw pinag-isipan ni Mike kung babalik pa siya sa broadcasting o hihinto na siya?

 

 

      “This is one of my prayers to the Lord, I kept telling him, Lord, please let me be well enough in time for the election coverage. And He answered my prayer. And I’m sure of one thing.  I want to slow down without leaving broadcasting.”

 

 

Mapapanood na si Mike ngayong umaga, sa kanyang radio program sa DZBB/GTV at 7AM, at sa 24 Oras at 6:30PM, sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)      

Panukalang daylight saving time sa NCR, pag-aaralan pa – MMDA

Posted on: March 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-AARALAN  ng pamahalaan ang pagpapatupad ng daylight saving time sa gitna ng naobserbahang mabigat na daloy ng trapiko sa National Capital Region sa ilalim ng Alert level 1.

 

 

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, inirekomenda na maaaring gawin mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon ang pasok sa gobyerno maging ang mga transaksiyon sa gobyerno.

 

 

Malaking bagay aniya ito dahil makakaapekto ito hindi lamang sa mga manggagawa ng gobyerno kundi sa transaksyon na din ng gobyerno.

 

 

Base sa datos mula sa MMDA, ang dami ng mga sasakayan na bumabaybay sa EDSA kada araw bago nagka-pandemiya ay nasa 405,000.

 

 

Bago naman nagpatupad ng oil price hike, nasa 390,000 ang daily volume ng mga sasakyan subalit bumaba ito ng 370,000 matapos ang sunud-sunod na linggo ng pagtaas ng presyo sa langis.

 

 

Sa kasalukuyan, ipinapatupad ang number coding sa kahabaan ng EDSA mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.

 

 

Pinag-aaralan na rin ngayon ng MMDA kung ipapatupad na rin ito sa umaga.