SA kanyang IG birthday post, pinasalamatan ni Matteo Guidicelli ang kanyang asawa na si Sarah Geronimo, pati na ang pamilya at mga kaibigan.
Caption ni Matteo sa photos na kung nagho-horseback riding sila ni Sarah, “Every year gets better and better! Thank you to my loving wife and my family for all the love anyone could ever WISH for!
“And big thank you to everyone for all the birthday greetings!! Really appreciate it!!”
Tuwang-tuwa naman ang netizens sa photos na inupload ni Matteo, na karamihan ay nagsasabing enjoy na enjoy talaga nila ang buhay may asawa.
Komento nila:
#Enjoy enjoy lang muna silang dalawa as a married couple kasi pag may mga anak na naka-focus na sa mga anak nila. madalang na ang magsolo sila.”
“Hindi din. Can afford nila ang mag yaya at may relatives sa paligid nila im sure they can if they want to.”
“The husband is more into spotlight than his wife lowkey lang kasi talaga si girl eversince.”
“Sweet. I’m sure kung di kay Matteo di mae-experience ni Sarah ang mga ganyang adventures like horseback riding.”
“Private life lang kasi si Sarah for sure naka-experience na yan si Sarah ng horseback riding before.”
“Hindi mukhang artista si Sarah pag hindi dolled up.”
“Talent ang puhunan nya :)”
“Yan ang nagustuhan ni Matteo kay Sarah, simple lang pero pag nag-perform halimaw.”
“Singer kasi si Sarah, nagkataon lang na kinagat din siya ng masa sa acting. fan ako ng movie nila ni john lloyd and i enjoy watching it over and over again. hindi lang naman magaganda ang may karapatan sa showbiz, yung mga talented din.”
“Love love lang! Happy sila. That’s all that matters.”
“Korek yaan na lng cla mag-enjoy.”
NAGPASALAMAT din si Lovi Poe sa kanyang boyfriend na si Montgomery ‘Monty’ Blencowe sa treat nito na mapanood ang fave singer niyang si Dua Lipa sa Los Angeles, California.
Caption niya sa photos na pinost, “Absolutely on a Future Nostalgia hangover. This was a much much needed break and night out with one of my faves @dualipa Thank you Bubba for this treat.”
Say naman ng netizens nagtalo-talo na naman:
“Kinakabahan ako sa suot ni Lovi. May private parts reveal.”
“Parang nakikita ko si dua lipa as a young britney o yung 2000-2004 era niya pero si dua lipa hindi pa worldwide talaga ang kasikitan like wala akong alam o LSS na song niya. bilang siya, as in name niyang dua lipa, alam ko pero mga kanta niya, no idea.”
“Huh? Pakinggan mo album nya na Future Nostalgia. Lahat maganda, walang tapon.”
“Copying image ng mga mega pop star ganun naman talaga ok lang nauna naman sila inspiration pero itong si dua lazy at boring sa stage hit naman mga songs nya.”
“Hindi daw sikat eh yan na nga o, two nights sold out yung show nya sa LA and malamang the rest of the tour as well.”
“Hindi pang masa ang songs ni Dua Lipa. hindi alam ng karamihan unlike Britney na alam ng halos lahat ang Hit me Baby one more time kahit anong edad mo. Parang millenials or gen z lang halos nakakaalam ng mga kanta ni dua lipa. Interpretation ko lang naman…”
“Yang si dua lipa hype lang yan maganda ang marketing sa kanya tapos she’s sexy and pretty, just check her album sales napaka baba.”
“Britney kasi dati kahit yung mga hindi mahihilig sa genre ng song nya, kilala si Britney or at least yung song nya na Hit Me Baby One More Time. Si Dua Lipa, obviously ay sikat sa mga taong kilala sya. Pero sa iba regardless of age and taste of music ay hindi. Nakilala ko nga lang sya noong inintroduce sya nung idol sa SoKor na si Hwasa.”
“Anong kinakagalit ng iba dito sa sinabi nya eh hindi naman talaga ganun kasikat si dua lipa? Sikat sya yes, pero hindi yung level na household name like Taylor Swift, Britney SPears, Beyonce, Madonna.”
“Magaling talaga umanggulo at umawra si Lovi yun lang.”
“I saw her in person petite talaga at ang skin nya super ganda.”
“Hindi naman pala sila sa VIP section.”
“Kailangan ba laging sa VIP section? Sa mahal ng gastos mag holiday sa usa priority nya pb yang concert ni Dua.”
“Grabe noh, mga singers na nagco-concert hindi takot sa COVID.”
(ROHN ROMULO)