HALOS tatlong linggo na lamang bago ang halalan sa Mayo 9, pormal nang inindorso ng pinakamalaking political party sa Cebu province na One Cebu (1-Cebu) ang kandidatura ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. nitong Martes ng hapon.
“One Cebu Party has the honor of announcing its decision to endorse the presidential bid of former Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr,” ayon sa opisyal na pahayag ng One Cebu na nilagdaan ng kanilang pangulo na si Cebu Governor Gwendolyn F. Garcia.
Ang pag-endorso ng One-Cebu kay Marcos ay ilang linggo lamang matapos nilang i-endorso si vice presidential frontrunner Inday Sara Duterte nitong Pebrero 16.
Sinasabing ang Cebu ay itinuturing na may pinakamaraming botante o “vote-rich” na probinsya sa bansa na mayroong 3.2 milyong naka-rehistrong botante.
Ayon sa pahayag, ang pag-endorso kay Marcos ay matapos ang ilang linggo deliberasyon sa kanilang mga miyembro sa buong probinsya.
“The decision follows weeks of extensive consultation and discussion with provincial, municipal and barangay leaders in the 44 municipalities and 7 cities (including Mandaue City) of the Province of Cebu,” ayon sa pahayag ng partido.
Iginiit pa ng One Cebu na sigurado sila na ang pag-suporta sa BBM-Sara UniTeam ay tiyak na makatutulong sa mga Cebuano.
“We considered the differing opinions of party leaders advocating the causes of different presidential candidates, and have determined that the unity and strength of One Cebu, its ability to serve its constituents in the Province of Cebu, and ultimately, the interests of Cebuanos are best served if we unite behind the leadership of BBM as President, and as we have earlier announced, Mayor Sara Duterte as Vice-President,” dagdag pa ng pahayag ng One Cebu.
Pormal na isinagawa ang pag-anunsyo sa pag-endorso nila kay Marcos sa kanilang General Assembly sa Sky Hall ng SM Seaside City sa Cebu City.
Naniniwala ang ilang mga eksperto sa pulitika na ang endorsement ng One Cebu ay higit pang nagpalakas sa kandidatura ni BBM na kasalukuyang nangunguna rin sa lahat ng pre-poll surveys ng mga pinakarespetadong mga polling firms sa bansa tulad ng SWS, Pulse Asia , OCTA , Publicus, Laylo Research at marami pang iba.
Naniniwala rin ang maraming political analysts na maliban sa pag-endorso ng pinakamalaking political party sa bansa at patuloy na pamamayagpag ni Marcos sa lahat ng survey, halos nakatitiyak na ang panalo nito.
Ayon sa inisyal at unofficial na exit polls sa unang araw ng Overseas Absentee Voting, sinasabing landslide ang pagkapanalo ni Marcos sa mga vote-rich na bansa kung saan marami ang Pinoy na nagta-trabaho tulad ng Hongkong, UAE , Qatar at iba pa.
Bago ang One Cebu, nauna nang inindorso ng Barug Alang sa Kauswagan ug Demokrasya (BAKUD) ang BBM-Sara UniTeam nitong Enero 2022.