NAG-TRENDING na naman si Popstar Royalty Sarah Geronimo nang kumalat sa social media noong Lunes, April 25, 2022, ang screenshot ng Instagram story.
May isang na photo na nagpapakita ng kalahating mukha ng isang babaeng may hawig kay Sarah na suot pink t-shirt at nilagyan ng caption na “Papunta palang tayo sa exciting part.”
Na tila pagpapahiwatig ito tungkol sa kandidatong susuportahan ng singer-actress na asawa ni Matteo Guidicelli.
Sa screenshot copy ng Instagram story na kumalat ay may logo ng Viva Artists Agency kaya marami ang natuwa at agad na naniwala na baka nga isa na ngang “Kakampink” si Sarah at sinusuportahan na rin ang pagtakbong Pangulo ni Vice President Leni Robredo.
Say pa ng netizens, pwede na siyang ihanay kina Angel Locsin, Regine Velasquez & Ogie Alcasid, Nadine Lustre, Julia Barretto kasama ang pamilya, Cherry Pie Picache & Edu Manzano, Agot Isidro, Nikki Valdez, Pinky Amador, Janine Gutierrez, Jolina Magdangal & Mark Escueta, Gary Valenciano & Gab Valenciano, Elmo Magalona, national artist BenCab, Iza Calzado, Camille Prats, Saab Magalona, Rica Peralejo, Bianca Gonzalez, Pokwang, Ogie Diaz at marami pang iba.
Bukod pa ang pagpapahayag ng suporta nina Piolo Pascual, Pia Wurtzbach, Catriona Gray, Vice Ganda at si Diamond Star Maricel Soriano.
Ilan sa naging comment ng netizens, “If Sarah G is coming to Laguna or coming to any Leni Rally, then, for the nth time- She has proven to be worthy of my love since 2004, the 1st time I met her in our high school, Angelicum College. May the heavens speak to her.”
“How true na Sarah G will be endorsing Leni !!!! OMG
“omg sarah g for leni???? YASSSSSSSSSSS TRUE BEHAVIOR.”
At dahil nga nag-viral ang post at talagang pinag-usapan, noong gabi ng Martes, April 26, naglabas ng official statement ang Viva Artists Agency para bigyan ng linaw ang isyu tungkol kay Sarah at pagiging ‘Kakampink’ nito.
Ayon sa statement: “A screenshot of an Instagram story is circulating online supposedly from the account of Viva Artists Agency (‘VIVA’).
“The post was altered and was never published on any official VIVA social media account.”
So, malinaw na fake news na naman ang kumalat na socmed katulad nang lumabas last month na isang blind item na tumutukoy sa surprise daw ang paglabas ni Sarah sa PasigLaban Peoples Rally nina VP Leni at Sen. Kiko Pangilinan, na kung saan kakanta siya.
Kaya may nag-tweet ng, “Isa RAW siya sa kakanta ng Rosas. Oo tama ang basa niyo. Isa RAW siya sa kakanta ng Rosas sa Pasig. Again, RAW is the operative word ng buong tweet na ito. ‘Wag kayong ano.”
“The writer of Sarah G’s Tala is also the same writer of “Kay Leni Tayo” and “Rosas”. Sarah G. we hope to see you soon.”
Pero, hindi nga nagkatotoo ang blind item, at mukhang tulad noong 2016, walang i-endorsong kandidato si Sarah G, mabuti na rin ‘yun na manatili siyang umiiwas sa gulo ng pulitika.
(ROHN ROMULO)