• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 6th, 2022

Hinihintay ng netizens at fans ang first photo at name… DENNIS at JENNYLYN, wala pang binibigay na details tungkol kay ‘BABY D’

Posted on: May 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALA pa ring ibinibigay ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado kung ano ang ibig sabihin ng “Baby D” na tawag nila sa bagong silang na baby girl, kaya naghihintay pa rin ang mga fans nila.  

 

 

        Maikli lamang kasi ang ibinigay na statement ni Dennis sa Chicka Minute ng “24 Oras: “Everything went smoothly inside the operating room and both Jennylyn and Baby D are doing very well now.  Despite having sleepless nights these past days, Jen and I are very much enjoying our time as parents and we are very thankful that we are blessed with a healthy baby girl.”

 

 

            Baby D was welcomed by her parents last April 25 at around 5pm.  She weighed 5.7 pounds.  Sa vlog na inilabas ng mag-asawa last Sunday, sabi nila dapat daw ay pupunta lamang sila sa hospital for check-up.  “pero bigla na lang kaming…bigla na lang eto na…manganganak  na raw.  Hindi kami ready,” sabi pa ng mag-asawa.  Malamang sa susunod na vlog nila, kumpleto na ang details tungkol kay Baby D, at ang kanyang photo.

 

 

          ***

 

 

         FIRST time pala lamang magkakahiwalay, sa loob ng 28 years of marriage nila ang mag-asawang Ronnie at Mariz Ricketts.  

 

 

         Nope, hindi po sila nag-away kaya nagkahiwalay,  Nagbabalik-showbiz lamang si Mariz after 23 years na hindi siya umaarte.  Ngayon, kabilang siya sa GMA Afternoon Prime drama series na “Apoy sa Langit.”  Inamin ni Mariz na nakatanggap siya noon ng mga comeback projects pero hindi natutuloy,

 

 

         At ngayong natuloy siya sa GMA project, kailangan naman nilang mag-lock-in taping, kaya matagal-tagal din, depende sa haba ng taping, na nahihiwalay sila sa kanyang pamilya.

 

 

       “Dumating ang project na ito and came to me at the most perfect time.  I was ready, my family was ready, Ronnie is Ready,” sabi ni Mariz.

 

 

         “Alam ko naman ang set-up sa lock-in taping, so in-embrace namin ni Ronnie ang chance na iyon.  This is my first time na nagkahiwalay kami nang matagal, for 28 years hindi kami nagkahiwalay, kaya ito, challenge sa amin.

 

 

         “But nakakita ako ng second family sa cast ng “Apoy sa Langit,”

 

 

           Kasama ko rito sina Maricel Laxa, Mikee Quintos, with Zoren Legaspi, Lianne Valentin at iba pa.  At hindi ko in-expect na si Direk Laurice Guillen pa ang makakatrabaho ko, sino ba ang hindi nangarap na maging director siya, makatrabaho at matuto sa kanya? Kaya sobrang masaya ako and really, really grateful.”

 

 

            Nagsimula nang mapanood ang “Apoy sa Langit,” last Monday, May 2, 2:30 PM sa GMA Afternoon Prime, Mondays to Saturdays, after “Eat Bulaga.”

 

 

                                                            ****

 

 

            TINUTUTUKAN ngayon ang isa sa love teams from GMA’s Sparkles’ Sparkadas from GMA Artist Center, sina StarStruck 7’s runner-up na si Allen Ansay, at si Prima Donnas’ Sofia Pablo, na nauna kay Allen pumasok ng showbiz.

 

 

           Noong may pandemic, pansamantalang nawala ang character ni Sofia sa serye dahil wala pa siyang 15 years old noon, pero nagpatuloy ang friendship nila ni Allen, dahil sa vlog nilang dalawa.  Now, 16 years old na si Sofia, balik-love team sila ni Allen, at pinagtambal nga sila sa katatapos na afternoon prime drama, pero nasundan agad ito ng isa pang mini-series, ang “Raya Sirena,: na gumaganap na mermaid si Sofia, at best friend naman niya si Allen.

 

 

            Excited si Allen na muli silang magkatambal ni Sofia, kahit may isa pang leading man ito, si Saviour Ramos, na gumaganap namang isang merman.  Biruan nga raw sa set nila sa Batangas, magpapakita ba ng katawan niya si Allen kahit hindi naman siya sireno, dahil tao ang character niya?  Aminado si Allen na naiinggit siya kina Sofia at Saviour dahil may mga exciting scenes daw ang dalawa underwater.  Pero naaawa rin siya sa kanila dahil hirap silang kumilos sa suot nilang mga buntot.  Pero kung magkakaroon ba ng twist ang story at maging merman din siya, papayag ba siya?  “Opo, game na game ako, para maranasan ko naman ang ibang role,”  Marami kasing nakakapansing Allen is becoming more good-looking, hot young actor today.

 

 

            Ang “Raya Sirena” napapanood every Sunday, 3:05 PM sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

Bucks tinalo ng Celtics, serye tabla na sa 1-1

Posted on: May 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

GINULAT ang powerhouse team na Milwaukee Bucks matapos na matalo sa Game 2 sa NBA semifinals.

 

 

Sa ngayon parehas na meron ng tig-isang panalo ang Bucks at Boston Celtics sa Eastern Conference.

 

 

Hindi na hinayaan pa ng Celtics na muling mamayani ang NBA defending champion dahil sa doble kayod sa opensa na kanilang ginawa.

 

 

Nanguna si Jaylen Brown na may 30 points kung saan ang kanyang 25 puntos ay naipasok lahat sa first half pa lamang,

 

 

Naging agresibo rin sa kanilang mga tira sina Jayson Tatum na nagdagdag ng 19 points at eight assists at si Grant Williams ay nagtapos sa 21 points.

 

 

Ito ay sa kabila na hindi nakalaro ang Defensive Player of the Year na si Marcus Smart dahil sa injury.

 

 

Nagawa ring malimitahan ng Celtics ang galaw ang dating MVP na si Giannis Antetokounmpo na ang 28 points ay pawang naipasok sa third quarter.

 

 

Ang Game 3 ay gagawin na sa Linggo doon sa Milwaukee.

Schedule ng mga miting de avance para sa 2022 presidential bets

Posted on: May 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ABALANG-ABALA na ngayon ang mga presidential candidates, kanilang running mates, at senatorial slate sa paghahanda sa pagdaraos ng kanilang miting de avance ngayong linggo para pinal na itulak sa mga botante ang kanilang mga sarili at adhikain bago pa sumapit ang halalan sa Lunes, Mayo 9.

 

 

Sa katunayan inilihis ng tambalang Senador Panfilo “Ping” Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto ang kanilang karaniwang miting de avance para i-cap off ang three-month campaign. Sa halip, bibisitahin nila bukas, Mayo 6 ang Carmona, Cavite.

 

 

Sinabi ni Lacson na magkakaroon sila ng “kumustahan” sa mga residente sa mga lugar gaya ng Plaza at Terminal na hindi tradisyonal na ginagawa ng mga national candidates.

 

 

Sina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte ay nagsimula nang ikasa ang kanilang miting de avance sa bayan ng Guimbal sa Iloilo, araw ng Martes, Mayo 3 para sa Visayas leg ng kanilang “final push.”

 

 

Ngayong araw ng Huwebes, Mayo 5 ay tutungo ang tambalang BBM -Sara sa Mindanao upang ligawan ang mga botanteng sa hometown ng mga Duterte. Magsasagawa ang ang mga ito ng major event sa Tagum City Hall grounds sa Davao del Norte province.

 

 

Ang kanilang nationwide miting de avance ay magtatapos sa Solaire sa Parañaque City, araw ng Sabado, Mayo 7, huling araw ng pangangampanya.

 

 

Sa kabilang dako, si Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso naman ay makikipagkita sa kanyang mga constituents sa huling stretch ng campaign season sa Mayo 7 sa Moriones, Tondo.

 

 

Habang si Senador Manny Pacquiao ay nakatakdang magdaos ng dalawang grand events bago ang huling araw ng pangangampanya.

 

 

Nakatakda itong magdaos ng kanyang miting de avance sa Cebu City, bukas, Mayo 6 at sa kanyang hometown sa General Santos City, sa araw ng Sabado, Mayo 7.

 

 

Si Vice President Leni Robredo naman ay magdaraos ng kanyang miting de avance, araw ng Sabado, Mayo 7 sa kahabaan ng Ayala Avenue corner Makati Avenue sa Makati City, alas-5 ng hapon. Ibig sabihin lamang na ang Angat Buhay slate at ang UniTeam lineup ni Marcos at Duterte ay kapuwa magdaraos ng kani-kanilang major event sa kaparehong gabi sa kalapit lungsod sa Kalakhang Maynila.

 

 

Sa final pre-election survey ng Pulse Asia, nananatiling nangunguna si Marcos sa Metro Manila na may 57% voter preference habang si Robredo naman ay naka-iskor ng 26%. Sa buong bansa, nangunguna pa rin si Marcos na mayroong 56% habang 23% naman si Robredo.

 

 

Bago pa ang Makati event, babalik si Robredo sa kanyang home region, Bicol para sa serye ng grand rallies sa Sorsogon, Legazpi, at her hometown Naga, bukas, Mayo 6.

 

 

Samantala, kahapon, Mayo 4, alas-6 ng gabi ay nakasama naman ni Labor leader Leody de Guzman ang buong slate ng Partido Lakas ng Masa, ang kanyang running mate Walden Bello at senatorial candidates Luke Espiritu, Roy Cabonegro, at David D’Angelo sa kanilang miting de avance sa Quezon City Memorial Circle covered court. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Comelec sa international observers: ‘Hanggang obserba lang, ‘wag makisawsaw sa politika sa PH’

Posted on: May 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK  ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan sa grupo ng mga international observers na bibigyan sila ng sapat na access habang nag-oobserba ng halalan dito sa Pilipinas.

 

 

Una nang hinarap ni Pangarungan ang mga dayuhang observers at ipinaliwanag sa kanila ang proseso ng pagboto sa Pilipinas at ang paggamit ng vote counting machines (VCMs).

 

 

Binigyan din ang mga ito ng pagkakataon na bomoto para sa demonstrations ng VCMs.

 

 

Kaugnay nito, nagpaalala rin naman ang Comelec sa mga international observers na sana naman ang mga ito ay mamantine ang kanilang pagiging impartial, sundin ang mga guidelines at walang kakampihang mga kandidato habang nag-oobserba sa kalakaran ng eleksiyon sa bansa.

 

 

“You shall have unimpeded access to the electoral process subject only to such conditions necessary for the protection of our Comelec personnel and property,” ani Pangarungan.

EDU, iginiit ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matapang na lider

Posted on: May 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TAGLAY ni Vice President Leni Robredo ang malinaw at kongkretong plataporma para palakasin pa ang Philippine National Police (PNP) kapag nanalong pangulo sa halalan sa Mayo 9.

 

Ito ang siniguro ng aktor na si Edu Manzano sa isang video message kung saan iginiit niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matapang na lider na magpapatibay sa sistema ng hustisya sa bansa at mangunguna sa laban ng gobyerno kontra kriminalidad at ilegal na droga.

 

“Kaya kailangan natin ng matapang na Presidente. Iyong malakas ang loob. Iyong kayang patibayin ang sistema ng hustisya at mas kayang palakasin pa ang mga pulis natin,” ani ni Edu.

 

Aniya, ipagpapatuloy ni VP Leni ang giyera kontra ilegal na droga ngunit sa makatao at wastong pamamaraan.

 


“Iyong itutuloy ang laban sa illegal drugs. Pero sa tama at makataong paraan. Walang inosenteng madadamay,”
 sabi pa ni Edu.

 

“Iyan ang mga siguradong plano ni VP Leni. Para sa mas malakas na Philippine National Police,” dugtong pa niya.

 

Ipinunto ni Edu na suporta ng mga dati at retiradong opisyal ng PNP ang kandidatura ni Robredo dahil naniiwala sila na karapat-dapat siyang maging susunod na pangulo ng bansa.

 

“Kaya naman maraming dating opisyal ng PNP ang suportado si VP Leni. Mga magigiting na pulis na naniniwalang si VP Leni ang karapat-dapat na lider ng bansa natin,” giit pa ng aktor.

 

“Kakampi niya ang kapulisan at bawat Pilipino. Kay VP Leni, magkakampi tayong lahat dahil totoo ang hustisya para sa lahat ng Pilipino,” pagtatapos niya.

 

 

***

FEELING happy si Ariella Arida dahil bida na siya sa bagong Vivamax Original movie titled “Breathe Again.”

 

 

Sa presscon ng movie last Wednesday na ginawa sa Botejyu Estancia Mall, sinabi ni Arielle na very thankful siya sa break na ibinigay sa kanya ng Viva.

 

 

Nang mabasa niya raw ang script ng “Breathe Again” ay nasabi  niya sa kanya sarili na bagay sa kanya ang role ng bidang babae.

 

 

Kaya kahit na may steamy scenes, willing si Ariella to take on the role dahil feeling niya she embodies the character she is portraying sa movie.

 

 

Doing steamy scenes is not new to Miss Universe Philippines (2013) Ariella Arida, who starred in “Sarap Mong Patayin” and “More Than Blue”.

 

 

How far will she go with Tony Labrusca is something to look forward to. May mga intimate scenes sina Ariella at Tony under the sea, na kahit mahirap ang shoot, ay kinaya nilang dalawa.

 

 

Part of the challenge daw ito ng roles nilang dalawa. Kahit na mahirap ang shoot ay ini-enjoy nila dahil maganda ang view underwater.

 

 

Kasama rin sa ‘Breathe Again’ si Ivan Padilla at Jela Cuenca. Directing the film is Raffy Francisco. Streaming ito sa Vivamax on June 3.

 

 

***

ANG AQ Prime ang bagong streaming platform na nangangarap din na maging successful tulad ng Vivamax.

 

 

Naghahanda na rin sila by producing several movies na plano nilang ipalabas sa streaming platform nila.

 

 

Ang friend namin na si Dennis Evangelista ang sumulat ng script ng “Cuatro,” na unang project niya under AQ Prime.

 

 

Nag-story conference na sila noong Huwebes kasama ang stars ng movie na sina Rico Barrera, Nika Madrid, Jet Delgado at Joni McNab. Ang movie ay ididirek ni Rosswill Hilario.

 

 

Si Dennis din ang line-producer ng sarili niyang iskrip na isasapelikula.

(RICKY CALDERON)

Lady Eagles sisimulan ang title defense vs Lady Spikes

Posted on: May 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SISIMULAN ng reigning champion Ateneo de Manila University ang pagdepensa sa titulo sa pagharap sa De La Salle University sa pagsisimula ng UAAP Season 84 women’s volleyball tournament nga­yong araw sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

 

 

Magtutuos ang Lady Eagles at Lady Spikers sa alas-4 ng hapon kung saan inaasahang dudumugin ang venue matapos ang ilang taong paghihintay sa pagbabalik aksyon ng collegiate volleyball.

 

 

Magsisilbing pambuenamano naman ang salpukan ng University of Santo Tomas at Far Eas­tern University sa alas-10 ng umaga kasunod ang duwelo ng National University at Adamson University sa alas-12 ng tanghali.

 

 

Huling papalo ang banggaan ng University of the Philippines at University of the East sa alas-7 ng gabi.

 

 

Tutok ang atensiyon sa Lady Eagles at Lady Spi­kers na mortal na magkaribal sa liga.

 

 

Kukuha ng lakas ang Ateneo kina team captain Dani Ravena, Jaja Maraguinot, Vanie Gandler at Faith Nisperos para sa tangkang madepensahan ang kanilang titulo.

 

 

Alam ni Lady Eagles head coach Oliver Almadro na mas matinding laban ang kanilang haharapin sa season na ito.

 

 

Subalit handa ang kanyang tropa na gawin ang lahat para mapanatili sa Katipunan ang kampeo­nato.

 

 

‘We’re all excited. One game at a time ang approach ng team and hopefully maganda ang maging resulta ng bawat laro namin,” ani Almadro.

Drivers, conductors, at dispatchers, salagan mula sa hidwaan sa pagitan ng LTFRB at bus operators

Posted on: May 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAHAYAG  ito ni Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares kasabay nang paggiit na tapusin at resolbahin ng transportation officials ang nakakalungkot na kalagayan ng mga drayber at konduktor na patuloy na hindi nakakatanggap ng kanilang sahod.

 

 

Sinisi ng mga bus companies ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagkaka-delay sa sahod habang sinabi naman ng LTFRB na ang mga bus companies ang nagkulang sa pagsusumite ng kumpletong papeles.

 

 

“Ang problema sa pagdadahilan ng dalawang panig ay naiipit ang mga drayber, konduktor at dispatser. Kung sino pa ang naglilingkod sa libu-libong pasahero, sila pa ang nagigipit. It’s the bus employees and the riding public that suffer in the end,” ani Colmenares.

 

 

Ayon kay Colmenares, dapat gawin ng mga bus operators ang kanilang parte at agad na sumunod sa requirements ng LTFRB.

 

 

Para naman sa LTFRB, sinabi nito na dapat tanggalin ng board ang mga chokepoints sa proseso ng pagpapaluwal ng bayad sa mga operators para hindi magipit ang mga empleyado ng mga kumpanyang ito.

“Kailangan manaig ang interes ng mga nasabing empleyado dahil apektado ang mga pasahero kapag tumigil sila sa pamamasada dahil sa kawalan ng sweldo. Kayang-kaya naman mabigyan ang hiling ng mga tsuper, konduktor, at mga dispatser, kung mas aayusin pa ang proseso sa pagbayad sa mga miyembro ng mga bus consortium,” pagtatapos ni Colmenares. (ARA ROMERO)

BBM, 58% UNBEATABLE SA ABRIL 22-25 FINAL SURVEY NG OCTA RESEARCH; NAPANATILI ANG 33% LAMANG SA KALABAN

Posted on: May 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TATLONG araw bago ang halalan sa Mayo 9, lalong nasigurado ang panalo ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., matapos itong magtala ng 58 porsyentong voter preference sa pinal na survey ng OCTA Research na isinagawa nitong Abril 22-25.

 

 

Si Marcos na number 7 sa opisyal na balota ng Comelec, ay tumaas pa ang numero ng isang porsyento kumpara sa kanyang 57 porsyento sa survey ng OCTA Research nitong Abril 2-6.

 

 

Base sa survey na isinagawa sa 2, 400 respondents sa buong bansa, napanatili ni Marcos ang kanyang malaking lamang na 33 porsyento sa kanyang pinakamalapit na katunggali na si Leni Robredo na nakakuha lamang ng 25 porsyentong voter preference.

 

 

Nasa malayong pangatlong pwesto naman si Isko Moreno na umiskor ng walong porsyento, sinundan ni Manny Pacqauiao na may limang porsyento at nasa ika-limang pwesto pa rin si Ping Lacson na nakakuha ng dalawang porsyento.

 

 

Napanatili rin ni Marcos ang kanyang malaking lamang sa lahat ng lugar sa bansa matapos itong magtala ng 46 porsyento sa NCR; 59 porsyento sa Balance Luzon; 62 porsyento sa Visayas; at 56 porsyento sa Mindanao.

 

 

Si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer rin ang nanguna sa lahat ng socio economic class na nakakuha ng 53 porsyento sa Class ABC; 60 porsyento sa Class D; at 54 porsyento sa Class E.

 

 

Matatandaan na si Marcos ay nauna ng nakakuha ng 57 porsyentong voter preference sa survey ng OCTA Research nitong Abril 2 hanggang 6.

 

 

Katulad ng inaasahan, nasa malayong pangalawa rin si Robredo na may 22 porsyento , Isko Moreno, siyam na porsyento, Manny Pacquiao, pitong porsyento; at Ping Lacson, apat na porsyento.

 

 

Nito ring Mayo 2, namayagpag din si Marcos matapos makakuha ng 56 porsyento sa pinal na survey ng Pulse Asia na Isinagawa sa 2, 400 respondents nitong Abril 16-21.

 

 

Nakakuha rin ng 56 porsyentong voter preference si Marcos sa March survey ng Pulse Asia at nanatili ring nangunguna na may 33 porsyentong kalamangan kay Robredo na umiskor lamang ng 23 porsyento, mas bumaba pa ito ng isang porsyento kumpara sa kanyang 24 porsyento nitong Marso.

 

 

Nasa malayong pangatlo naman si Pacquiao na may pitong porsyento, habang ika-apat si Moreno, na mayroong apat na porsyento, at Lacson sa ika-limang pwesto na may dalawang porsyento.