SA isang madamdaming pahayag para sa mga ina bago ang Mother’s Day sa Linggo, nagdeklara ang aktor na si Dingdong Dantes na ang isang nanay ang kanyang iboboto sa darating na halalan sa Mayo 9.
“Sa inyo po ang aking buong pagpupugay …ang aking paghanga, ang aking serbisyo, ang aking boto,” wika ni Dingdong sa isang video message kung saan nagpahayag siya ng pagmamahall sa kanyang ina.
“Tulad ninyong lahat, mahal ko ang Nanay ko. Pero hindi ko lubos matukoy kung bakit, hanggang masaksihan ko mismo sa asawa ko,” wika niya.
Sa video, binanggit ni Dingdong ang mga katangian ng isang mabuting ina, na pinoprotektahan ang mga anak sa panganib at inuuna ang kanilang kapakanan kaysa sa kanyang sarili.
“Kay tapang talaga ng mga Nanay. Handang makipaglaban, iharang sa peligro ang sariling katawan, makipagsapalaran, ipagpaliban ang sariling kapakanan. Walang aatrasan. Walang hamong sinusukuan. Ibang klaseng magmahal. Radikal!” wika niya.
Tinawag din niya ang mga ina bilang “miracle workers” dahil sa kanilang abilidad na pagkasyahin ang maliit na budget.
“Lahat ng sakit, naiinda. Pagkaing isusubo na lang, ibibigay pa sa mga anak niya. Prayoridad niyang umangat ang buhay ng mga mahal niya,” sabi pa niya.
Habang itinuturing ang mga ina bilang “ilaw ng tahanan”, sinabi ni Dingdong na karapat-dapat din silang tawaging “haligi ng tahanan” dahil sa rami ng kanilang ginagawa para sa pamilya.
“Inspirasyon namin siya para patuloy na maging mabuti at gumawa ng mabuti. Kaya buung-buo kong itataya sa pangangalaga niya ang mga pangarap ko para sa aking mga anak, para sa aming pamilya,” paliwanag ni Dingdong.
“Sana lahat tayo, ipagdiwang pang lalo ang mga ina. Dahil alam nating lahat na totoong dakila sila,” dagdag pa niya.
Sinuportahan ni Dingdong ang kandidatura ni Leni Robredo bilang bise presidente noong 2016.
***
MARAMING kumuwestiyon sa pagiging #3 ni Robin Padilla sa April 16-21 Pulse Asia survey bilang senatorial candidate, naungusan pa niya ang mga kilalang pangalan na muling nagbabalik sa puwesto.
At malabong bumaba na ang numero ng aktor lalo’t isa siya sa in-anunsyong iboboto ng Iglesia Ni Cristo.
Sa mga nakasama at nakakakilala kay Robin ay kilala nila ang buong pagkatao nito at kung gaano nito ipinagtatanggol ang maliliit o tinatawag na nasa laylayan at ipinaliwanag naman niya ito na kaya niya gustong pasukin ang pulitika para mas marami pa siyang matulungan.
Isa na ang ipaTUPAD 1st nominee Venus Emperado Apas sa naniniwala sa adhikaing ito ni Robin kaya naman todo tanggol siya sa mga kumukuwestiyon sa action star kung paani nito nakuha ang mataas na rating sa iba’t ibang surveys, isa na nga ang Pulse Asia.
Ayon sa kanya ay matagal na niyang nakilala si Robin at mas lalo pa siyang humanga sa aktor sa nakita niyang feeback sa nakaraang Lipa, Batangas campaign rally
“Ang bango ni Robin! Ha-hahaha! Totoo ‘yun! Kasi na-meet ko siya noong nasa Singapore kami, 10 years ago pa. Mabait si Robin Padilla. Kung may iboboto man akong isang senador, si Robin ‘yun,” kuwento ni Venus ng maka-tsikahan namin siya bilang kinatawan ng ipaTUPAD o ipaTUPAD For Workers, Inc. party list.
Tulad ni Robin ay pareho rin ang kalooban nila ni Venue na dating DOLE consultant at OFW kaya malapit ang puso niya sa mga kababayang nakasubok mag-=trabaho sa ibang bansa.
“Kung makikita n’yo sa pick-up ko (sasakyan) isinasama ko siya (Robin). Basta ‘yung makatutulong sa atin, mabilis malapitan at ‘yung magseserbisyo sa tao.
Naramdaman ko iyon sa kanya at mararamdaman din naman ninyo kung mambobola ako,”sabi pa ni Gng. Apas.
At ang mensahe ni Venus sa bashers ng aktor dahil sa mataas nitong rating sa survey,.
“Sa totoo lang, ang mga tao kasi mapanghusga rin, ipakita na lang natin at naramdaman kasi kapag pumupunta siya sa mga lugar na sincere si Robin at isa ako sa nakakita na maganda ang intensiyon niya,”sambit pa.
Samantala dating kasapi si Emperado ng programang “Tupad ng DOLE” na ang layon ay tumulong sa mga manggagawa.
At sa kagustuhang ituloy ang pagtulong, binuo nila ang ipaTUPAD. Nais nilang bawasan ‘di man tuluyang mawala ang kahirapan sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng disenteng trabaho gayun din ang pag-eliminate ng anti-social concerns sa labor force.
(REGGEE BONOAN)