IBINUNYAG ni Jeffrey “Ka Eric” Celiz, dating kadre ng communist terrorist groups na ang Election watchdog Kontra Daya ay binubuo ng aktibong urban operators at infiltrators ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Ang “Kontra Daya group” ay kilala sa hanay ng dating mga rebelde, kadre at organizers ng CPP-NPA-NDF” bilang “nothing but a special project of the communist terrorists’ urban operators and infiltrators”.
Sa katunayan, kinilala ni Celiz ang isa sa mga core leaders bilang si Danilo Arao, isang University of the Philippines professor at tinukoy ang kanyang sarili bilang journalist na konektado sa Media Asia, Kontra Daya, Bulatlat, Pinoy Weekly, at Kodao Productions.
Si Arao, Kontra Daya convenor, ay nagpahayag na ang May 9 election ay ang “worst” o pinakamasama na automated election history.
“Kung may mas mababa pa na grado sa singko, ‘yun ang ibibigay ko sa Comelec (Commission on Elections) pati na sa service provider na Smartmatic,” ayon kay Arao sa media forum “Balitaan sa Maynila”, araw ng Linggo.
Sinabi naman ni Celiz na ang Kontra Daya ay isang CPP project na ginagamit upang manipulahin ang electoral public opinion.
Aniya pa, ang mga opinyon, ang mga panunulsol sa electoral fraud, at party-list manipulation ay kabilang sa standard propaganda operation lines ng CPP-NPA-NDF at ipinasa sa Kontra Daya bilang political analysis.
“Though there may be some interesting insights regarding how the influential and wealthy families try to dominate the party-list groups, yet the bogus Kontra Daya group maliciously and consciously avoids and brushes aside the exposition on the very obvious fact that the CPP-NPA-NDF, which is the main operator, is the one that really continues to infiltrate, hostage and sabotage the integrity of our electoral process, including their deceptive and manipulative ‘Kamatayan party-lists’ which are the vehicles for the communist terrorists’ government bureaucracy infiltration,” anito.
Aniya ang “obvious and intentional slant” ng Kontra Daya, ayon kay Celiz ay naglalayon na pagtakpan ang actual electoral at bureaucracy infiltration operation n communist terrorist group, “an act that is premeditated and orchestrated by the leadership of the CPP-NPA-NDF”.
Sa katunayan ayon pa rin kay Celiz, top nominee at secretary general ng Abante Sambayanan na nagpartisipa sa katatapos lamang na halalan, ang kanilang grupo ay isa sa naging biktima ng “prejudiced at partisan public opinion manipulation” na tinawag niyang “mind frame game and conditioning modus operandi”.
Ang Kontra Daya ay nagpartisipa sa post-election protests at rallies, kabilang na ang tinatawag na “Black Friday Protest”, araw ng Biyernes, Mayo 13.
Kinalampag ng election watchdog ang Comelec na imbestigahan ang di umano’y electoral fraud sa katatapos lamang na halalan sa bansa. (Daris Jose)