• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 18th, 2022

Veteran Bata Reyes, mga pambato ng billiards ng PH patuloy ang pamamayagpag sa SEAG

Posted on: May 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TIYAK na ang bronze medal sa 31st Southeast Asian Games ni veteran cue artist Efren “Bata” Reyes

 

 

Ito ay matapos na magwagi siya laban kay Suriya Suanasing ng Thailand 65-58 sa carom tournament.

 

 

Sa unang bahagi ng laro ay humahabol pa ang Filipino billiard legend hanggang sa makuha niya ang kalamangan.

 

 

Noong 2019 SEA Games ay nagtapos ng bronze medal ang nasungkit ng 65-anyos na si Reyes.

 

 

Tinalo rin ng Filipino cushion carom player na si Francisco Dela Cruz ang pambato ng Thailand na si Sompol Saetang.

 

 

Nalalapit na rin ang pagdepensa ni Rubilen Amit sa kaniyang women’s 9-ball pool singles ng talunin si Xuan Van Bui ng Vietnam.

 

 

Pasok na rin sa semifinals round ng men’s 9-ball sina Carlo Biado and Johann Chua ng talunin ang mga nakalaban.

May 2022 polls ‘pinaka-matagumpay- DILG

Posted on: May 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ITINUTURING ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na “pinaka-matagumpay” ang katatapos lamang na national ay local elections sa bansa.

 

 

Binasura ng DILG ang pag-iingay ng iilan na nagkaroon ng electoral fraud at iba pang uri ng dayaan.

 

 

Sinabi ni DILG spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya na ang alegasyon ay hindi suportado ng “data at facts on the ground.”

 

 

“Essentially napakaganda po ng nakaraang eleksyon . I think this is one of the most successful conduct of elections in recent memory,’’ ayon kay Malaya sa isinagawang National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) press briefing.

 

 

Aniya, ang “mapayapang halalan” ay dahil sa itinakdang reporma kabilang na ang automation ng eleksyon at sa mga dineploy na police officers.

 

 

Ani Malaya, ang tagumpay ng May polls ay sinukat hindi lamang sa aktuwal na araw ng halalan kundi maging sa ilang buwan bago pa ito nangyari.

 

 

“Kasi bago ako napunta sa DILG, I was with the Department of Education (DepEd) and during elections we were the ones deploying teachers for the elections and I think the reforms that we did since the beginning up to now, including the automation of the elections, the focused deployment of police in all areas, the use of PNP officers as BEIs (Board of Elections Inspectors) in areas where there is harassment and intimidation of regular teachers,” ani Malaya.

 

 

Tinukoy ang Comelec, sinabi ni Malaya na “less than 1,000 vote counting machines ang malfunctioned o “less than one percent” ng kabuuang inventory ng VCMs.

 

 

“Yung walang problema , [VCM]) is 99.2 percent. So there is really no debate [election results] anymore,” ayon kay Malaya.

 

 

Mayroon lamang aniyang 20 validated election-related incidents sa nakalipas na halalan, mas mababa kumpara sa katatapos lamang na national at local polls.

 

 

Sa usapin naman ng mga politiko, walang permit-to-campaign fees o anumang uri ng suporta ang ibinigay sa mga rebeldeng grupo na gumamit ng schemes para makapag-extort o mangikil ng pera.

 

 

“I hope walang nangyari na hindi natin na-monitor (mga politikong nagbigay ng suporta sa NPA) but in so far as our intelligence report is concerned, this has been been a very successful elections because as mentioned kanina it is a combination of factors. The support of the local government units (LGUs), our focused military and police operations, the retooled communist support program, this support to the barangay development program, all of these have contributed to the severely diminished capacity of the CTGs (communist terrorists groups) to collect and harass our politicians,”litaniya ni Malaya.

 

 

“But this is not just the DILG, but the entire NTF-ELCAC that vigorously reminded local officials that the goal of the task force in eradicating CTGs depends on them,” dagdag na pahayag nito. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

‘Doctor Strange in the Multiverse of Madness’ is now the PH’s Highest-Grossing Film of 2022

Posted on: May 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

A fortnight after the local theatrical release of Marvel Studios’ Doctor Strange in the Multiverse of Madness, the film is now reported to be the Highest Grossing Film in the Philippines in 2022.

 

 

Fans of the Marvel franchise expressed their warm reception of the movie as it created new records in the Philippines: the 9th highest opening film of all time for the Marvel Cinematic Universe, 10th in the highest opening of all time for a Disney film, and placed 13th in terms of the highest opening weekend of all time in the local box office.

 

 

Doctor Strange in the Multiverse of Madness premiered in the Philippines on May 4, 2022. It is a sequel to its first installation, Doctor Strange (2016). The movie follows the narrative of Doctor Strange (Benedict Cumberbatch), who connives with both old and new mystical allies – Wanda Maximoff (Elizabeth Olsen), America Chavez (Xochitl Gomez), and Wong (Benedict Wong), among others – to unlock the secrets of the Multiverse and push its boundaries further than ever before.

 

The film is a work of award-winning filmmaker Sam Raimi, and produced by Kevin Feige. Viewers can catch Marvel Studios’ Doctor Strange in the Multiverse of Madness by checking the showtimes on https://movies.disney.ph/doctor-strange-in-the-multiverse-of-madness. Will Strange defeat emerging threats coming his and his allies’ ways?

 

 

Join the conversations online by using the hashtag #DoctorStrangePH.

(ROHN ROMULO)

Fajardo inakay ang Gilas sa panalo

Posted on: May 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAITAKAS ng Gilas Pilipinas ang dikit na 76-73 panalo kontra sa karibal na Thailand sa pagsisimula ng 31st Southeast Asian Games 5-on-5 basketball kagabi sa Thanh Tri Gymnasium sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Maagang naiwan sa 10-point deficit ang Nationals bago sumandal kay June Mar Fajardo upang agawin ang manibela at diskarilin ang muntikang comeback win ng Thailand.

 

 

Humakot ng 28 markers, 12 boards at dalawang tapal si six-time PBA MVP Fajardo habang may 17 puntos, anim na rebounds at tatlong assists din si Thirdy Ravena upang banderahan ang atake ng Gilas sa gabay ni coach Chot Reyes.

 

 

Mabagal ang naging simula ng Gilas sa 11-21 bago buhatin ni Fajardo upang makasikwat ng 38-34 abante.

 

 

Kontrolado na ng Gilas ang laban buhat noon at abante pa sa komportableng 73-63 iskor sa huling tatlong minuto bago magkasya nalang sa tatlong puntos sa natitirang bahagi ng duwelo.

 

 

Noong 2017 sa Malaysia, nahirapan din ang Gilas sa Thailand subalit nakakuha pa rin ng dikit na 81-74 panalo.

Mga proyektong may kinalaman sa crime monitoring activities, irerekomenda ng DILG

Posted on: May 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IREREKOMENDA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa incoming officials ng departamento ang mga proyektong may kaugnayan sa crime monitoring activities.

 

 

“Nasa sa kanila na po ‘yun kung gusto nilang ipagpatuloy pero highly recommended po ‘yun, kung nasimulan lang sana ng maaga nung 2019 dapat patapos na ‘yan today,’’ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III.

 

 

Gayunman, inamin ni Densing na ang isang proyekto ng departamento na hindi naisulong ay ang Safe Philippines Program dahil hindi naipalabas ang pondo na P20-bilyong piso para rito.

 

 

“Ito ‘yung paglalagay ng maraming CCTV (closed circuit television cameras), around more than 10,000 CCTVs supposedly sa buong Metro Manila na funded po ng Chinese or China import and export bank,” ani Densing.

 

 

Aniya, umatras sila sa proyekto “as early as late last year since we believe that the funding approval will come in late” idagdag pa na ang pondo ay hindi naipalabas kahit pa aprubado na ang proyekto.,

 

 

Sa paggamit naman ng body cameras sa panahon ng operayson, nanawagan naman si Densing sa susunod na administrasyon na mangyaring ipagpatuloy ito, tinukoy ni Densing na ito ang “most important project” na dapat na ipagpatuloy upang madetermina ang anumang human rights violation.

 

 

Ani Densing, ang pagbili sa body cameras ay nagsimula noong nakaraang taon, sa panahon ng liderato ng retirradong si PNP chief General Guillermo Eleazar.

Nagbawas at nagdagdag para maging relevant at fresh: MICHAEL V., kinausap ang mga natsugi sa ‘Bubble Gang’ para ‘di sumama ang loob

Posted on: May 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA pag-launch ng bagong Bubble Gang sa May 27, hindi na makakasama sa latest reformat ng show sina Mikoy Morales, Denise Barbacena, Liezel Lopez, Arra San Agustin, Lovely Abella, Ashley Rivera, Diego Llorico, Myka Flores at ang isa sa pioneer cast member na si Antonio Aquitania.

 

 

Ayon kay Michael V., ginawa raw nila ang magbawas at magpasok ng bagong cast members para mapanatili na relevant at fresh ang dating ng Bubble Gang na 27 years nang umeere sa GMA-7.

 

 

“I think, yung pagpapalit ng cast, paglalagay ng mga bagong segments, ito yung much-needed improvement sa show. Hindi kasi puwedeng maging stagnant yung ‘Bubble Gang’, it has to grow and it has to expand and I think this is the best way na gawin yun.

 

 

“Yung platform, kailangan nating intindihin, eh. Hindi puwedeng TV show na lang tayo. Ang dami nang platforms sa social media so I think, since trying to stay relevant yung show, siguro pati yung platform na pinaglalabasan niya, dapat maging relevant din.

 

“Hindi lang TV yung ini-inculcate natin ngayon kung hindi social media rin and at the same time, pabalik din, yung mga nasa social media, pwede natin ilagay sa TV show so maganda yung working relationship ng TV show at ng audience.”

 

 

Kinausap naman daw ni Bitoy ang mga natsugi sa Bubble Gang, “Ako, I felt the need to explain to them somehow, give them an insight kung bakit siguro nagkaroon ng ganoong dahilan. Unang-una para hindi talaga sumama yung loob nila, and at the same time, para ma-inspire sila na hindi naman ito yung pagtatapos talaga.

 

 

“Kasi this could probably be the beginning for some of them na simulan uli yung journey pabalik sa show. Kasi lagi namang bukas yung Bubble Gang for talents na kakailanganin namin and since naging part na rin sila, I’m pretty sure they’ll find their way back.”

 

 

Ang mga naiwan naman ay sina Chariz Solomon, Betong Sumaya, Sef Cadayona, Valeen Montenegro, Archie Alemania, Analyn Barro, Faye Lorenzo, Kokoy de Santos at Paolo Contis. Dinagdag naman na bagong cast sina Tuesday Vargas, Faith Da Silva, Dasuri Choi at Kim de Leon.

 

 

***

 

 

NAG-CELEBRATE ng kanilang unang taon bilang magkasintahan ang aktor na si Jerome Ponce at vlogger na si Sachzna Laparan.

 

 

Base sa kanilang post sa social media, ipinaalam ng dalawa ang tungkol sa kanilang anniversary.

 

 

Samantala, nag-share rin si Laparan ng mga retrato nila ni Ponce sa kanyang Instagram page.

 

 

“Mahal.. #1st,” ani Laparan sa caption ng kanyang post.

 

 

Noong nakaraang September, inamin ni Ponce na masaya siya sa kanyang lovelife.

 

 

“Happy, inspired, at napu-push ako lalo to make myself a better person, more knowledge, at mas appreciative sa buhay,” sey ni Ponce.

 

 

Ayon pa kay Ponce, masaya siya na makapagbigay din ng inspirasyon sa ibang tao sa pamamagitan ng vlogs kasama ang kanyang bagong inspirasyon.

 

 

June 2021 nang lumabas ang balitang nag-uugnay kina Ponce at Laparan nang batiin ng huli ang aktor para sa kaarawan nito.

 

 

Sa kanyang maiksing pagbati, tinawag pa ng vlogger ang aktor na “my soulmate.”

 

 

***

 

 

NATUPAD ni Billy Crawford na mapakilala nila ni Coleen Garcia ang kanilang anak na si Amari sa lolo nito na si Jack Crawford.

 

 

Post ni Crawford: “My wife made this happen! I’m so thankful for you @coleen for making my dreams come true. I never thought my father would even meet his grandson. And by God’s grace you have made all of this possible. Thank you so much my love. To the strongest, sexiest and most loving wife ever! Best 40th birthday ever.”

 

 

Sinilang si Amari noong September 2020 during the COVID-19 lockdown.

 

 

Nasabi na noon ni Crawford na wish ng kanyang ama na makita ang apo nito.

 

 

“Growing up kasi close family talaga kami. To see my dad, ang pangarap niya kapag kausap ko sila, ang sinasabi niya, ‘Son, I’m just holding on para makilala ko lang ‘yung anak niyo.’ Matanda na ang daddy ko and maraming complications. Pero marami akong matutunan at marami akong maituturo sa aming anak ni Coleen dahil sa ama ko. And I owe a lot to my dad.”

 

 

(RUEL J. MENDOZA)