• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 31st, 2022

PAGLUWAG SA TRAVEL RESTRICTION, HUDYAT NG PAGTAAS NG DAYUHANG BIYAHERO SA BANSA

Posted on: May 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMAASA ang Bureau of Immigration (BI) na ang pagluluwag sa travel restrictions ay hudyat na  tataas ang bilang ng mga biyahero sa Pilipinas.

 

 

Sinabi ng BI Commissioner Jaime Morente na ang pag-aalis ng RT-PCR requirement para sa mga paparating na biyahero at ganap na bakunado at kahit na isang booster shot ay nakakaengganyo sa ilang dayuhang biyahero na dumalaw sa Pilipinas.

 

 

Maging ang travel insurance requirement para sa mga paparating na pasahero ay tinanggal na rin, pero bagama’t hindi na hinihingi, mahigpit pa ring inirerekomenda ang health protocol.

 

 

“With this development, travel will be easier in the new normal,” ayon  Morente.  “We hope that this will boost the number of international arrivals in the next few months,” dagdag pa nito.

 

 

Ibinalita ni Morente na nitong summer season, nagtala ang BI ng 15,000 total per day.  “The arrivals have steadily increased since February, but has plateaued at the tail end of summer,” iniulat nito.

 

 

Inabiso ng  Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na simula May 30, lahat ng mga dayuhan na  fully vaccinated foreign at may booster shot ay exempted na sa RT-PCR test requirement.

 

 

Kabilang din sa exempted ay ang mga fully vaccinated na mga bata na may edad 12  hanggang  17 at 12 anyos pababa kahit anuman ang kanilang vaccination status.

 

 

“We are hoping that little by little, the country’s international tourism sector can once again flourish as we move towards the new normal,” ayon kay  Morente. (GENE ADSUARA)

Biden personal na binisita ang Uvalde, Texas matapos ang madugong pamamaril sa isang paaralan

Posted on: May 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PERSONAL na binisita ni US President Joe Biden ang bayan ng Uvalde sa Texas para makidalamhati sa mga pamilya ng biktima ng pamamaril sa isang paaralan.

 

 

Matapos ang pagdalo sa misa at nagtungo ang US President sa itinayong memorial malapit sa Robb Elementary School kung saan nandoon ang pangalan ng 19 mag-aaral at dalawang guro.

 

 

Makikipagpulong din ito sa mga kaanak ng mga biktima.

 

 

Magugunitang pinasok ng 18-anyos na suspek na si Salvador Ramos ang paaralan at armado ito ng AR-15 na walang habas na pinagbabaril ang mga mag-aaral doon.

 

 

Napatay din ang suspek ng mga rumespondeng kapulisan.

Heat at Spoelstra suportado ng mga Pinoy fans laban sa Celtics

Posted on: May 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BUHOS  ang suporta ng mga Pinoy fans para kay Filipino-American head coach Erik Spoelstra na si­yang humahawak sa Miami Heat.

 

 

Sasalang sa isang ‘rubber match’ ang Heat at ang Boston Celtics sa Game Seven ng Eastern Confe­rence championship series kung saan ang mananalo sa dalawang koponan ang papasok sa NBA Finals.

 

 

Ang mananaig sa pagitan ng Miami at Boston ang siyang haharap sa Gol­den State Warriors na na­una nang umabante sa finals matapos sibakin ang Dallas Mavericks, 4-1, at pag­harian ang Western Conference.

 

 

Magsisimula ang Game One ng NBA Finals sa Bi­yernes (Manila time) sa San Francisco.

 

 

Kaya naman todo ang pag-cheer ng mga Pinoy fans sa Heat para makapa­sok ito sa finals.

 

 

Kanya-kanyang post sa social media ang mga Pinoy basketball fans dahil isa na namang Pinoy pride ang namamayagpag sa NBA sa katauhan ni Spoelstra.

 

 

Tila dala ni Spoelstra ang ‘never-say-die’ attitude ng mga Pinoy sa NBA.

 

 

Bago ang Game Six ay nakaabante na ang Boston sa 3-2 sa kanilang best-of-seven series.

 

 

Subalit hindi sumuko ang Miami nang resbakan nito ang Boston sa iskor na 111-103 sa Game Six para maipuwersa ang deciding Game Seven.

 

 

“There’s no two better words. Game 7. Look, we’re here. This is the way it should be with these two teams. It should have gone seven games,” wika ni Spoelstra.

 

 

Handa na si Spoelstra at ang kanyang mga ba­taan na ibuhos ang lahat upang muling makatuntong sa NBA Finals.

 

 

“Bring this thing back on the 29th. There’s no­thing like a Game 7. And I’m just really excited that we all get to experience that to­gether,” ani Spoelstra.

 

 

Sina Jimmy Butler, Bam Adebayo, Victor Oladipo, Max Strus at P.J. Tucker ang muling babandera para sa Heat.

 

 

Pamumunuan naman nina Jayson Tatum, Jaylen Brown, Marcus Smart, Al Horford at Robert Williams ang Celtics.

 

 

“We’ve been a resi­lient group,” sabi ni Boston coach Ime Udoka.

Robredo, balik Pinas matapos ang graduation ng anak sa US

Posted on: May 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BALIK-Pinas na si Vice President Leni Robredo mula Estados Unidos kung saan dumalo siya sa graduation ng kanyang anak na si Jillian.

 

 

Si Robredo, kasama ang kanyang anak ay dumating sa Ninoy Aquino Terminal 1, alas-10:30 ng gabi, araw ng Sabado.

 

 

Nag-alok naman ang mga airport authorities ng courtesy assistance para kay Robredo subalit tinanggihan nito at sumailalim sa “usual” arrival process kasama ang ibang pasahero.

 

 

Nagpakuha naman ng litrato ang mga airline workers at mga pasahero kasama si Robredo.

 

 

Isang driver naman ang sumundo sa pamilya Robredo matapos ang airport arrival procedure.

 

 

Sa ulat, nagtapos si Jillian, anak ni Robredo mula sa New York University na may “double major in economics and mathematics.” Lumipad patungong Amerika ang pamilya Robredo noong Mayo 14.

 

 

Sa Facebook post, Linggo ng tanghali, sinabi nito na handa na siyang muling harapin ang kanyang trabaho matapos ang “longest vacation” na mayroon siya sa loob ng 10 taon.

 

 

“It was the first trip where we had no agenda at all, except Jillian’s grad and when we tagged along Tricia’s meetings in Boston. We just walked and walked everyday, averaging about 15,000-20,000 ++ steps everyday. At kumain lang ng kumain,” ang nakasulat sa caption nito, nagbahagi ng kanyang larawan kasama ang kanyang anak sa nasabing byahe.

 

 

Nagbahagi rin si Robredo ng ilan sa kanyang naobserbahan habang nagbi-byahe sa New York, nagpahayag din ng pag-asa na makakamit din ito sa Pilipinas. (Daris Jose)

Slowly getting there na ang kanilang relasyon: LEXI, umaming gumawa ng first move para mapansin ni GIL

Posted on: May 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Lexi Gonzalez na siya ang gumawa ng first move para mapansin siya ng aktor na si Gil Cuerva.

 

 

 

Nangyari raw iyon noong mag-guest siya sa show na Taste Buddies last year kunsaan host si Gil.

 

 

 

“After noong guesting ko sa ‘Taste Buddies’, inaasar-asar na nila kami no’n ng mga staff. So, minessage ko lang naman siya, nag-DM (direct message) ako sa kanya sa IG sabi ko, ‘Ingat ka pag-uwi’ gano’n.

 

 

 

“Nag-reply siya and then magka-chat kami magdamag until the next morning,” kuwento pa ni Lexi.

 

 

 

Naging bonding daw nila Lexi at Gil ay ang pagkain at pagpanood ng movies online. Kahit daw sa video chat lang ay maayos silang nakakapagkuwentuhan.

 

 

 

Noong November 2021 inamin nila Lexi at Gil na nasa dating stage sila. Ngayon ay “slowly getting there” na raw sila.

 

 

 

Dagdag pa ni Lex: “Well si Gil, he’s a really nice guy. Sobrang gentleman, parang ipa-feel talaga niya na you’re important. ‘Yung care ando’n.”

 

 

 

Magkasama rin ang dalawa sa upcoming teleserye na Love You Stranger kunsaan bida sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

 

 

 

***

 

 

 

NAGSALITA na ang Sparkle stars na sina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix tungkol sa pagiging extra close nila on and off-screen.

 

 

 

Naging malapit nga sa isa’t isa ang dalawa dahil sa mahabang taping nila ng Voltes V: Legacy.

 

Ayon kay Ysabel, “It’s a close working relationship. Siyempre kailangan may strong working relationship para magkaroon ng chemistry on scene. Super fun na katatrabaho si Miguel.”

 

 

 

Simple lang naman ang sagot ni Miguel tungkol sa kanila ni Ysabel, “Okay naman kami ni Ysabel ngayon. We’re doing really good.”

 

 

 

Bago ang Voltes V; Legacy, mauunang mapanood ang loveteam nila sa upcoming romantic-comedy series na What We Could Be.

 

 

 

Kuwento ni Miguel, “Pinaka-nagustuhan ko sa show na ito, my character. Feeling ko ito ‘yung pinaka-mature role na gagampanan ko and my dark past.”

 

 

 

Sey naman ni Ysabel, “Gagawa ako ng rom-com tapos with Miguel pa, so masaya. And it’s really exciting.”

 

 

 

Makakasama rin sa naturang series sina Yasser Marta at Pamela Prinster.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Tiyak na proud na proud ang bf na si Gerald… JULIA, pinusuan ng netizens ang pinost na sexy figure

Posted on: May 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINUSUAN ang latest IG post ni Julia Barretto ng netizens at celebrity friends na kung saan pinakita ang kanyang shapely and sexy figure.

 

Kuha ito habang siya’y nagbabakasyon at caption na, “staycation” and for sure, proud na proud dito ang kanyang boyfriend na si Gerald Anderson sa kanyang kaseksihan.

 

Kaya naman may kanya-kanyang comment ang netizen sa hot IG post na ito ni Julia na parang pagre-remind kay Gerald na may paparating na bagong serye kasama ang sexy star na si Ivana Alawi:

 

“Gandang babae.”

“Nice figure sana all.”

“Nice curve! But it kinda looks unreal though.”

“Grabe ang sexy.”

“Lumaki ang butt nya ah.”

“At naka high bikini sya, kaya it gives that illusion na malaki pwet nya. I think kung tumaba sya it will go to the butt area. Mapapasana all ka na lang talaga, yon fat ko laging sa tyan or bilbil napunta.”

“i think she’s really into working out.. panay squats cguro.”

“Malaki talaga butt nya eversince ang maliit boobs at waist nya.”

“My show ksi si bf bka maagaw ni Ivana sexy scene pa nman cla.”

“Julia ma-insecure kay Ivana? Trust me she isn’t all that. Nawawala sya pag may ibang artista.”

“She’s hotter and prettier than Ivana.”

“Ganda ng butt nya, very firm. Asset talaga nya yung balakang nya.”

“Kakatawan niya si Greta. Nung kabataan niya.”

“Nope. Mas sexy si Greta, with the right curves in the right places.”

“She’s too skinny pero ang ganda niya talaga. Ang classy and cool girl ng vibe niya for me.”

“Di na ako nagtaka dito. Diba sinabihan na sya dati pa na malaki behind nya.”

“She’s sitting down. Parang optical illusion lang.”

“Photoshopped at its finest. Its not her body completely.”

“Julia reminding Gerald what he owns.”

 

 

***

 

 

MAGKAKAROON ng special concert ang legendary balladeer na si Marco Sison sa Teatrino in Promenade, Greenhills sa June 11 na may titulong “An 80s SaturDATE”.

 

 

Mula sa stage direction ni Calvin Neria at sa musical direction ni Bobby Gomez, “An 80s SaturDATE” is a must-see musical spectacle that also marks Marco’s very first solo concert this year with a live audience.

 

 

Ang amazing career ni Marco ay higit nang apat na dekada. Isa siya sa major pillars ng OPM at widely recognized ‘di lang sa ‘Pinas pati na rin sa ibang bansa at nakilala nang husto dahil sa mga pinasikat niyang awitin at dito ay ang “My Love Will See You Through,” “Si Aida, Si Lorna, O Si Fe,” “I’ll Face Tomorrow,” at “Make Believe”

 

 

Pahayag ni Marco sa kanyang pagbabalik-concert, “After two years of pandemic and doing virtual shows, I am very excited to perform in this show.

 

“It will be a lot of fun as Teatrino is a very intimate venue and this will give me the opportunity to bond and interact with the audience. Of course, our production will still follow all the necessary safety protocols.”

 

 

Special guest niya ang singer-actress na si Rita Daniela. Makakasama rin ni Marco na mag-perform ang up-and-coming artists na sina Elisha at Andrea Gutierrez. Setting the party mood will be The Infinite.

 

Si Former Presidential chief legal counsel Sal Panelo ang isa sa performers in the pre-show.

 

 

Ang “An 80s SaturDATE” ay mula sa production ng Echo Jham Entertainment Productions at susuportahan ng TAG Media, Cowboy Grill, Eurotel, Aficionado, BEXCS Logistics Solution, Zoomanity Group, The Manila Times, JMJ Events Place at Bubbli Moo’re and Beauty Jham Aesthetics.

 

 

For tickets, contact TicketWorld at 8891-9999 or visit www.ticketworld.com.ph.

(ROHN ROMULO)