HANDA na ang bansa para sa “full and nationwide implementation” ng face-to-face classes sa susunod na taon.
Iyon nga lamang ang modalities ay depende sa lokasyon ng eskuwelahan.
Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, may 73.28 porsiyento ng kabuuang bilang ng pampublikong eskuwelahan ang itinuturing ng kuwalipikado para sa in-person learning.
“In the next academic school year, we’re expecting that the face-to-face implementation will be fully 100 percent, but again, I just want to emphasize that the modalities of face-to-face vary in every situation in schools, depending on their local governments,” ayon kay Briones.
“As of May 26,” may 34,238 eskuwelahan ang nominado para sa face-to-face classes, may 33,000 sa nasabing bilang ang public schools habang private schools naman ang 1,174.
Sa kabilang dako, ipinaliwanag ni Undersecretary Diosdado San Antonio na sa 100%, ang mga eskuwelahan sa buong bansa ay hinihikayat na magkaroon na ng ‘in-person schedules” kabilang na ang “blended learning” setup.
“We are calling on all schools to implement face-to-face classes, but we are looking on the blended (setup), there are days for face-to-face, and there will be days allowed for home-based learning for kids,” ayon kay San Antonio.
Samantala, sinabi naman ni Briones na mayroong malalim na pangangailangan para ituloy ang “digital form of learning” para maka- “catch up” sa global learning trend.
Binanggit nito ang naobserbahan niya kamakailan sa isinagawang international educational summit sa United Kingdom.
“Many countries, they are digitalized, they’re no longer using money, they are using cards instead, and we need to be ready for this, let’s prepare our learners. While face-to-face learning is very important for their social, as well as mental, and their personal growth, it’s also important to catch up on digital aspects,” ang pahayag ni Briones. (Daris Jose)